webnovel

WORDS IN MY HEAD

Isang babaeng hindi naman sigurado sa kung anong tinatahak niya, ni-hindi niya nga alam na kumplikado pala ang pinasok niya, she's been living as her sister's shadow since the day she was born. Sinundan niya ang kaibigan niya na magmi-major in Programming, wala siyang background about programming pero pinilit niya parin na kunin ang kursong Bachelor of Science in Information System (BSIS), dahil naniniwala siya na natutunan naman ang mga bagay-bagay. . . . Until she met the guy named Bryce, a Bachelor of Science in Computer Science (BSCS) student. Unang araw palang ng pag-uusap nila ay hindi na maganda, eksperto si Bryce sa field na tinahak niya habang si Ella naman ay tatanga-tanga, kaya naman lagi s'yang napupuna ni Bryce. They may not have a good start but they actually clicked together. They fell in love with each other, pero kagaya nga ng sabi nila... sa isang relasyon— hindi naman lagi ay masaya. “The boat is sinking, Bryce— and I have to save my self this time.” ‘Yan ang huling sinabi ni Ella kay Bryce bago tuluyang lumabo na talaga ang relasyon nila. _______ Note: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual events, persons, living or dead is purely coincidental

Geom_Eun · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
16 Chs

CHAPTER FIVE

𝐄𝐥𝐥𝐚'𝐬 𝐏.𝐎.𝐕

"About last time, I am sorry. I didn't mean it" I apologized to Ara, nandito ako ngayon sa bahay nila and it's sunday-- hindi parin n'ya ako kinikibo at iniiwasan naman n'ya ako sa school.

"Oy, Arabella-- sorry na" kinalabit ko s'ya na parang batang nawawala.

"Arabella amp! " she then hissed. I hugged her.

"Sorry na hmm?" pangungulit ko.

"Oo na! pasalamat ka marupok ako sa'yong pasaway ka" tampo n'yang sabi pero niyakap din naman n'ya agad ako pabalik, pero umalis din ako sa pagkakayakap n'ya nang marinig kong tumunog ang phone ko.

𝘍𝘳𝘰𝘮: 𝘉𝘳𝘺𝘤𝘦

𝘬𝘢𝘮𝘶𝘴𝘵𝘢, 𝘢𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘢?

Mula nang mahimatay ako ay madalas na n'ya akong kamustahin at pinapaalalahanan na kumain, naalala ko nanaman 'yong araw na 'yon-- I was so embarassed dahil sa kanya pa talaga ako umiyak, kaya pinipigilan kong lumikha ng kahit anong ingay.

𝘛𝘰: 𝘉𝘳𝘺𝘤𝘦

𝘠𝘦𝘱

Mabilis kong reply sa kanya.

"Hoy, anong score n'yo ni Bryce?" kunot noo na tanong ni Ara.

"Friends?" I said, totoo naman.

"Friends? todo na 'yon?" she asked.

"Oo, todo na at sagad na sagad na" sagot ko at inirapan s'ya.

"Wala kang gusto sa kanya?" nakakalokong tanong n'ya.

Gusto kay Bryce? no, I mean hindi naman s'ya mahirap gustuhin-- pero hindi naman talaga pumasok sa isip ko na magustuhan s'ya in a romatic way.

"As a friend, yes. But romantically, no" I said a matter of fact.

"Mga anak, hali na't kumain muna kayo" bungad ng nanay ni Ara, simple lang ang buhay nila-- dalawa lang silang magkapatid, panganay si Ara. Parang anak na rin turing sa'kin ng nanay at tatay n'ya dahil madalas naman ako dito since Junior High kami.

"Opo, maaaaaa. Susunod na kami" ako na ang sumagot, oh 'di ba feeling anak na talaga ako hahaha, mama din tawag ko sa mama n'ya.

"Wow, ikaw anak? ikaw anak?" pang-aasar ni Ara.

"Oo, ampon ka lang gaga!" sabi ko sa kanya at tumakbo na palabas ng kwarto n'ya.

----

Mabilis lumipas ang araw, mag eexam nanaman ulit kami, Pre- Final na ng Second semester. Another month na nakaka-stress! I've been very busy doing my programs and projects sa minor subject ko.

"Finally! lunch timeeee" sigaw ng mga kaklase ko.

"Sure kayo na kakain kayo?" tanong ng President namin, damn pinaalala pa-- sa library nanaman kaming lahat nito, oo pati sa lunch time wala kaming oras kimain kasi we are checking our codeas at kung walang palya ba programs namin, dahil mahirap na.

Bumili lang kami ng miryenda tapos kinakain namin habang naglalakad papunta ng Library dapat maubos nanamin pagkain namin bago kami makarating ng library dahil bawal pagkain at inumin do'n, pagdating namin sa library ay nilabas na namin agad mga laptop namin at kanya kanya nang pwesto. Tumunog ang phone ko kaya napatingin ako saglit do'n.

𝘍𝘳𝘰𝘮: 𝘉𝘳𝘺𝘤𝘦

𝘛𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘬𝘢 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘯𝘢𝘯

Napatingin naman agad ako sa kanan ko, oh? nandito pala s'ya? kumaway s'ya sa'kin kaya nginitian ko s'ya. Kasama n'ya mga kaibigan n'ya-- gumagawa din ata sila ng projects para sa major nila. Hindi ko na s'ya nireplyan dahil inumpisahan ko na pagcocode at pag dedebug ng project ko.

Focus na focus ako sa ginagawa ko nang mero'ng kumalabit sa'kin, inis tuloy akong lumingon sa kumalabit sa'kin.

"What's with that face?" si Bryce 'yon, ano naman kailangan nito? tinaasan ko  s'ya ng kilay sign na tinatanong ko s'ya kung ano ang kailangan n'ya.

"Birthday ko bukas, punta ka. Sama mo na rin si Ara" mahinang sabi n'ya, what?! birthday n'ya pala bukas?! 

"Saan ba gaganapin?" I asked.

"I'll text you the details" sabi n'ya.

"Nandito kana tapos itetext mo pa" irap ko sa kanya, tumawa muna s'ya bago umiling.

"Busy ka e" he said at sumulyap sa laptop ko, hindi rin s'ya nagtagal at nagpaalam na.

"Anong pinag-uusapan n'yo" usisa ni Ara.

"Kunyari ka pa, narinig mo naman. Talas pa naman ng pandinig mo" sarkastikong sabi ko sa kanya na ikinatawa n'ya.

Today is Saturday, tapos may lakad ako bukas kaya kailangan ko tapusin mga naka pending na gawain ko, hays bakit ngayon n'ya lang sinabi na birthday n'ya bukas? wala tuloy akong maisip na ireregalo psh.

---

Sa condo lang daw nila n'ya icecelebrate ang birthday n'ya, dahil nakakapagod daw pag kailangan pa bumyahe ng malayo, malaki naman condo nila, may dalawang kwarto, isang computer room nilang magkakaibigan. May living room din, apat sila kaya sa isang kwarto dalawa ang natutulog, ang solid nilang magkakaibigan.

Tinignan ko ulit ang ireregalo ko sa kanya, hindi ko alam kung magugustuhan n'ya. Gaming keyboard at gaming headset binili ko for him, binase ko nalang sa hilig n'ya.

𝘍𝘳𝘰𝘮: 𝘈𝘳𝘢

𝘏𝘰𝘺, 𝘢𝘯𝘰𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘶𝘴𝘶𝘰𝘵 𝘬𝘰?

Pft, napatingin tuloy ako sa suot ko, I just wear a simple high waited mini-skirt at oversized top and sneakers, hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. I put sunscreen on my face, tapos lip gloss, alangan naman mag make-up pa ako.

𝘛𝘰: 𝘈𝘳𝘢

𝘋𝘢𝘮𝘪𝘵, 𝘴𝘺𝘦𝘮𝘱𝘳𝘦. 𝘋𝘰 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘢𝘯𝘵 𝘵𝘰 𝘨𝘰 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘯𝘢𝘬𝘦𝘥?

Natawa ako sa sarili kong reply.

𝘍𝘳𝘰𝘮: 𝘈𝘳𝘢𝘈

𝘭𝘢𝘮 𝘮𝘰, 𝘵𝘢𝘯𝘨𝘪𝘯𝘢 𝘬𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢!

Napailing nalang ako at tinignan ang oras, 11:00 am na pala. 12:00pm daw kasi kami pumunta para tanghalian daw, daming alam. I texted Ara na susunduin ko nalang s'ya sa kanila, bale ihahatid kami ni kuya-- hindi kasi ako marunong mag drive at nerbyosa ako kaya bawal ako mag drive baka mapaaga lang pagpunta ko sa langit.

Pagdating namin sa condo nila Bryce ay busy sila sa paghahanda, kaya naman pinaupo muna nila kami sa living room, may dalawang sofa do'n na magkatapat at may round table sa gitna. Konti lang din ang bisita n'ya bukod sa kanilang magkakaibigan ay may kaklase sila na pumunta, nandito din si Cheska-- tumutulong sa paghahanda.

Maya-maya ay tinawag na nila kami para kumain, kinantahan muna  nila ng happy birthday si Bryce at pinag blow ng candle kahit ayaw sana ni Bryce, nilagyan pa nila ng party hat natawa tuloy ako sa hitsura ni Bryce hahaha.

"Ayos lang ba kayo dito?" tanong ni Bryce.

"Oo naman, don't mind us" sagot ko.

"Bisita ko kayo anong don't mind us ka d'yan" seryosong sabi niya.

"Ara, baka gusto mo uminom. May alak do'n" ang gaga kumislap naman agad ang mata nang marinig ang salitang alak.

May balcony ang unit nila kaya lumabas muna ako at nagpahangin, si Ara? ayon  umiinom kasama si Cheska na isa pang alak na alak. Mero'ng dalawang upuan at table dito sa balcony nila kaya umupo ako, ang ganda ng view hindi ko tuloy mapigilan na tumayo at sumandal sa railings.

"Enjoying the view?" hindi na kailangang lumingon dahil alam kong si Bryce 'yon.

"Hmm" tango ko lang, naramdaman ko naman na tumabi s'ya sa'kin at sumandal rin sa railings pero pasalungat s'ya sa'kin sa loob ng unit ang tingin n'ya habang ako naman ay sa labas.

"Happy birthday!" masigla kong bati, sumulyap ako sa kanya at ngumiti pero iniwas ko rin agad tingin ko.

"Thank you, salamat rin sa gift mo. Nag-abala ka pa" pagpapasalamat n'ya.

"Rush nga e, hindi ko pa alam kung anong gusto mo" tumingin s'ya sa'kin at tumawa kaya napatingin din ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko pero umiling lang s'ya.

"Pumasok kana do'n sa loob, asikasuhin mo muna bisita mo" pero umiling ulit s'ya.

"Kaya na nila Chase 'yon" 

----

7pm na at ayon, medyo lasing na si Ara si cheska naman sy may tama na talaga. Napailing nalang ako habang tinitignan sila.

"GUYS LARO TAYOOOO" umuwi na ang mga kaklase nila Bryce kaya kami-kami nalang natira dito

"Oo nga laro tayooo" gatong ni Ara sa sinabi ni Cheska.

"Oo nga para naman hindi ma-bored si Ella, hindi na nga s'ya umiinom wala pa s'yang gagawin hahaha" sabi ni Aeron, may mga tama na sila-- bukod kay Chase at Bryce.

"10 lives! 10 lives! 10 lives!" parang nagchi-cheer si Cheska, nakisabay naman si Ara.

"Truth or dare sa matatalo ha!" parang mga bata amporky!, ayaw ko sana kaso makulit ang dalawa kaya ayon lahat kami ksali, bawal daw hindi.

"Sino host?" I asked.

"Akoooooo" prisenta ni Ara.

"-1 kung sinabi mo na otw kana pero nakahiga ka pa sa kama" buti nalang hindi ako ganon kaya safe! lahat sila minus 1 pwera sa'kin.

"-1 kung nang-ghost kana" amporky ng babaeng 'to! ako lang ang nabawasan!

"Awit, buhay ka pa Ella pero nangmumulto kana! " Cheska said na ikinatawa nila, kinaltukan tuloy s'ya ng kuya n'ya pero mahina lang naman.

"-1 kung naligaw kana" grrr  gusto ata nito na matalo ako eh! dalawa lang kami ni Cheska na nabawasan.

Madaya si Ara, feeling ko talaga ipapatalo ako nito, kanina pa namumuro eh! hanggang sa ito 1 nalang natira sa'kin! tapos 'yong iba nasa 4 pa amporky!

"Ang daya! pinapatalo mo ako eh!" reklamo ko, kaya ayon nag changed host-- tawang tawa lang ang gaga.

Nagpatuloy ang laro namin hanggang sa 1 nalang natira din kay Bryce.

"-1 kung nakapag cutting kana" lahat kami minus 1 at ayon nga, dalawa kami ni Bryce ang natalo! amporky umapila pa ako ng rematch pero dalawa ulit kami na minus kaya ayon dalawa kaming tatanungin! amporky talaga.

"Ikaw muna Ella" Sabi ni Cheska, mga nakangisi silang lahat pwera kay Caden na nakasimangot.

"Truth or dare?" nakakalokong tanong ni Cheska, parang nakakatakot mag dare ah!

"Truth?" alanganin kong sagot, napatingin ako kay Bryce pero deretso lang ang tingin n'ya at uminom ng isang shot.

"May gusto ka ba kay Bryce?" ayaw ang tanong ni Cheska, parang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko at inisip na sana pala nag dare nalang ako! bakit naman ganyan ang tanong?!

"In a romatic way ha" dagdag pa n'ya, kabado akong tumingin kay Bryce, mas kinabahan ako  nang nakita kong nakatingin din s'ya sa'kin-- wait bakit ba ako kinakabahan!?

"Amporky! bakit naman ganyan ang tanong?!" reklamo ko.

"Sagutin mo nalang HHAHAHAHAHAHA" gatong naman ni Kuya Chase, kay Chase lang ako nagkukuya sa kanilang apat.

"In a romantic way... wala?" sagot ko.

"Oh bakit patanong?! hahaahahaha, bawal ang hindi sigurado ang sagot. Ito nalang-- sa tingin mo ba magugustuhan mo s'ya in a romantic way?" Akala ko naman iibahin n'ya 'yong tanong. Hindi pala, napailing nalang ako.

"Taksil ka talaga Aeron!" Caden pouted, parang bata hahaha tinakpan naman ni Chase bibig n'ya para manahimik.

"Uhmm. . ." napatingin ulit ako kay Bryce, pero hindi na s'ya nakatingin sa akin. Did I offend him?

"Dinadaya n'yo si Ella eh! nakapag tanong na kayo at nasagot na n'ya dapat ok na 'yon!" apila ni Caden, amporky buti nalang may Caden ditoooo sana makalusot ako!

"Osige, si Bryce na nga! " YES! nakaligtas din!

"Bryce, sa tingin mo magugustuhan mo ba si Ella in a romantic way?" para akong sinakal annag marinig ko ang tanong ni Kuya Chase! bakit ba sila ganyaaaaan?! napasulyap ako sa gawi ni Bryce pero wrong moved dahil nakatingin pala s'ya sa'kin! amporky!

"Alam niyo? taksil kayong lahat eh 'no!" napasandal nalang sa sofa si Caden at tinawanan lang s'ya ni Aeron at kuya chase,apat sila sa kabilang sofa tapos kaming tatlo naman dito sa isa pang sofa, bale magkatapat kami. Siniko ko si Ara para kausapin sana kaso uminom lang ulit ang gaga! tapso binalingan si Cheska na nasa kanan n'ya, s'ya kasi gitna.

"Pwede naman" hindi man lang n'ya pinatagal at sinagot agad ang tanong, gulat akong napatingin sa kanya pero ngumiti lang s'ya at naglagay ulit ng alak sa baso n'ya at ininom 'yon.

"Oh ganon lang sumagot Ella! tsk tsk" parang gusto kong talian ang bibig ni Ara, amporky ng babaeng 'to.

---

8:30pm nang matapos kaming magligpit, oo tumulong na rin ako sa pagliligpit kasi kawawa naman sila, kaming tatlo lang ni Kuya Chase at Bryce ang nagligpit actually kasi plakda na ang apat psh.

Pumunta ako ng living room para mag ayos na sana, pero naabutan kong tulog si Ara sa sofa, pati si Cheska, jusko mga babaeng 'to! buti wala kaming monday schedule! napabuntong hininga tuloy ako, hindi ko naman s'ya pwedeng iwan dito, bahala na gigisingin ko nalang s'ya mamayang 11pm.

Pumunta ako ng balcony, pero parang gusto kong umatras nalang bigla dahil nandito pala si Bryce-- may kausap s'ya sa Phone, parang nag-aaway pa ata sila ng kausap n'ya. Pumwesto ako sa kabilang dulo ng railings at tinignan ang view, maganda din pala ang nigyht view dito! napatingin ako sa langit, ang daming stars-- naalala ko tuloy dati 'yong nagpalusot ako na stars ang tinitignan ko.

Inis na binaba ni Bryce ang tawag, napatingin tuloy ako sa kanya. Ginulo n'ya ang buhok  n'ya at napatingala tapos yumuko ulit s'ya, he sighed.

"Ayos ka lang?" I asked, lumingon s'ya sa'kin tapos tumingin ulit sa kawalan.

"It was my mom, magpapakasal na ulit s'ya sa ibang lalaki. I still have an eight years old younger brother and sister, they are twin. Buti sana kung tatratuhin ng maayos ng bagong mapapangasawa n'ya 'yong mga kapatid ko, tss " 

"Patay na si papa" dagdag pa n'ya, hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya-- hindi ko rin akalain na sasabihin n'ya sa'kin ang gano'ng bagay.

"Tatratuhin naman siguro ng bagong mapapangasawa n'ya ang mga kapatid mo, kung mahal n'ya talaga ang mommy mo" I said.

"Sana nga hindi lang pera habol ng lalaki n'ya, tss!" he hissed.

"Don't think about it for now, it's your day pa kaya smile ka muna!" tumabi ako sa kanya, kaya napatingin s'ya sa'kin.

"Bakit?" tanong ko, pero umiling lang s'ya, hindi ko alam pa'no mag comfort ng lalaki kaya ayon lang nasabi ko, amporky.

"I don't know how to comfort a guy. . . " nasabi ko bigla at  hindi ko na alam ano idudugtong ko, kainis!

"I didn't ask for it" he said.

𝙖𝙣𝙤 𝙜𝙪𝙨𝙩𝙤 𝙢𝙤 𝙘𝙤𝙢𝙛𝙡𝙞𝙧𝙩?! 

Pero syempre hindi ko sasabihin talaga 'yon, amporky lang.

"𝐂𝐨𝐦𝐟𝐨𝐫𝐭 𝐢𝐬𝐧'𝐭 𝐬𝐨𝐦𝐞𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐬𝐡𝐨𝐮𝐥𝐝 𝐛𝐞 𝐚𝐬𝐤𝐞𝐝, 𝐝𝐚𝐩𝐚𝐭 𝐠𝐢𝐧𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚 '𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐤𝐮𝐬𝐚"

"But I don't know how to do it with a guy" I said honestly, humarap s'ya sa'kin kaya humarap din ako sa kanya, tinitigan n'ya ako kaya nailang ako at tumingin ulit sa kawalan, psh birthday na birthday n'ya tapos naka  black and white ano 'yon lamay lang?, naka nike s'ya na sweat shorts na black  at plain white shirt, ang linis at manly n'ya tignan.

"How do you do it with girls? I think it's still the same?" Tumingin ako sa kanya at nag-aalangan.

I sighed, mas lumapit ako sa kanya at niyakap s'ya. Nabigla ata s'ya sa yakap ko dahil ramdam ko na medyo umangat saglit ang katawan n'ya.

"This is how we do it" sabi ko, he chuckled then put his right hand on my head while his left hand were placed on the railings, napaalis tuloy ako sa pagkakayakap sa kanya at tinignan ang mukha n'ya, nakatingala ako dahil mas matangkad s'ya sa'kin.

"Why?" tanong ko.

Pero sa halip na sagutin ako ay hinila n'ya ako palapit sa kanya, napa-yakap tuloy ulit ako sa kanya habang nakatingala parin, yumuko s'ya para tignan ako.

"Yung tanong kanina, pwede bang sagutin mo ngayon?" amporky! bakit binanggit n'ya ulit 'yon?! aatras na sana ako pero hinigpitan n'ya ang pagkakayakap n'ya sa'kin. Pano ko s'ya masasagot kung ganito position namin?! feeling ko tuloy may kakaiba sa pisnge ko! umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Bakit kailangan naka yakap parin?" I shyly asked, oo may hiya ako! amporky!

"Para sure na magsasabi ka ng totoo" medyo tumawa s'ya kaya napatingala ako sa kanya, bakit ba kasi ang tangkad n'ya?! 

"Eh bakit muna ganon 'yong sagot mo?" kabado kong tanong.

"Kasi totoo naman na pwede kita magustuhan" he's staring at me, nalulunod tuloy ako sa titig n'ya-- nag-iinit ang pisnge ko amporky!

"𝐚𝐲 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨 𝐧𝐚 𝐩𝐚𝐥𝐚 𝐤𝐢𝐭𝐚" dagdag n'ya at do'n nanlaki ang mata ko, tapos tumawa naman s'ya-- may nakakatawa ba?! pinagtitripan ata ako nito eh!

"𝐂𝐮𝐭𝐞, at hindi kita pinagtitripan" pano n'ya nalaman ang inisiip ko?!

"It was all written all over your facial expression" he said then sighed.

"𝐁𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐦𝐨 𝐤𝐚𝐬𝐢 𝐚𝐤𝐨 𝐧𝐢𝐲𝐚𝐤𝐚𝐩? 𝐩𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠 𝐚𝐲𝐚𝐰 𝐧𝐚 𝐭𝐮𝐥𝐨𝐲 𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐛𝐢𝐭𝐚𝐰𝐚𝐧" kailangan n'ya ba talaga sabihin 'yong ganyan?! niluwagan n'ya na ang yakap n'ya sa'kin kaya umalis ako sa pagkakayakap n'ya at tumingin sa kawalan, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"𝐈 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐜𝐨𝐮𝐫𝐭 𝐲𝐨𝐮"

𝐍𝐨𝐭𝐞: 𝐆𝗋𝖺𝗆𝗆𝖺𝗍𝗂𝖼𝖺𝗅/𝐭𝐲𝐩𝐨𝐠𝐫𝐚𝐩𝐡𝐢𝐜𝐚𝐥/𝗉𝗎𝗇𝖼𝗍𝗎𝖺𝗍𝗂𝗈𝗇 𝖾𝗋𝗋𝗈𝗋𝗌 𝐚𝐡𝐞𝐚𝐝, 𝐟𝐞𝐞𝐥 𝐟𝐫𝐞𝐞 𝐭𝐨 𝐜𝐨𝐫𝐫𝐞𝐜𝐭 𝐦𝐞.