webnovel

Who's The Impostor?

Auteur: Gummy_Sunny
Action
Terminé · 33.5K Affichage
  • 18 Shc
    Contenu
  • audimat
  • NO.200+
    SOUTIEN
Synopsis

Scarlett Hale is an Independent Personality. Palaban ito at hinding-hindi nagpapatalo kahit kanino. Kailangang lumaban para sa sarili dahil sa matinding kahirapan. Si Annie Hart naman ay may natural na ganda pero may problema sa pag-iisip. Mayroon itong sakit na tinatawag na Autism at mag-isa nalang ito sa buhay pero sobrang yaman naman nya. Si Camille Nadir naman ay ang matatawag na 'Successful'. Bagay na bagay ang salitang iyon sa kanya dahil galing nito sa maraming bagay. Dahil sa sariling pag-sisikap ay narating nya ang kinakatayuan nya ngayon. Paano kung magkita-kita ang tatlong ito? Paano kung may mangyari na ikakasira ng buong buhay nila? Paano kung biglang lumitaw ang sekreto ng isa't isa? Other Main Characters: A: Spencer Reid – Is an successful entrepreneur and engineer. He’s Camilla’s Fiancé. B: Erick Sermon – An Secret Agent who torn between capturing Scarlett or be with her because of his arising feelings for her. C: Nash Luz – is Annie’s Childhood best friend and lover. He’s immature and just like Annie’s behavior. D: Travis Omega – an mafia lord who’s obsessed with Scarlett. Paalala: Ang istoryang ito ay may kalakip na maseselang tema, sekswal, lengguwahe, karahasan, at droga na hindi angkop sa edad 18-. Started: Fri, August 13, 2021 Finished:

Étiquettes
4 étiquettes
Chapter 1The beginning of the story

Chapter 1

"Nahanap nyo na ba sya?" Tanong ni Omega sa isang tauhan nya.

"Opo, boss." Sagot nito sa kanya.

"Nasaan sya ngayon?" Tanong nya pa. Bago ito sumagot ay inilapag na nito ang mga litratong kuha nila at nagsalita.

"Malapit lang po sya sa dati nyang tirahan. Muhkang napaalis nanaman po sya sa dati nyang tinitirahan." Sabi nito. Tumango-tango sya at itinaas ang kamay nya, tanda na pwede na silang umalis. Agad namang tumalima ang mga ito at lumabas sa opisina nya.

Nang sya nalang mag-isa sa opisina nya ay agad nyang tinawagan ang babaeng pinakamamahal nya. Alam nya kung ano at kung saan pupunta ang usapan nila pero napangiti parin sya ng sagutin nito ang tawag nya.

"Ano nanaman bang kailangan mo sa akin?!"

"Wala naman." Nakangiting sagot ko sa sigaw nito sa akin.

"Diba, sinabihan na kitang wag na wag mo na akong tatawagan ulit? Bakit ba hindi ka nakikinig sa akin?"

"Alam mo namang mahal na mahal kita, diba? Hindi mo ako mapipigilan, Scarlett."

"Sa———"

"Balita ko wala kang tirahan ngayon?" Pagputol nya sa sinasabi nito.

"Pinasusundan mo ba ako?"

"Paano kung oo?"

"Travis, tigilan mo na ako. Hindi nga kita mahal, diba?!"

"Hindi ako naniniwala." Natatawang at nakangiting kong sabi. Pero unti-unti iyong nawala dahil unti-unti ding bumaon sa akin ang mga salita nya. Ako na ang pumatay ng tawag at galit na napasuntok sa lamesa ko.

_______________________________

Huminga sya ng malalim at pilit na ngumiti. Kailangan nya kasing ngumiti dahil alam nyang hindi sya papaalisin ng nobya kapag napansin nitong hindi sya nakangiti at hindi sya papaalisin nito.

"Baby girl!!!" Sigaw nya nang makapasok sya sa condo ni Annie, ang girlfriend nya. Dahil nakatalikod ito sa gawi nya ay agad itong humarap sa gawi nya at patakbong lumapit sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa kanya nito nang bumitaw na sya agad sa yakap nito. Ngumiti sya at iginilid ang buhok nitong nakakalat sa muhka nito.

"Binibisita ang baby ko." Agad din naman sagot nya at naupo sa katabing sofa. "Dinalhan kita ng paborito mong dessert. Gusto mo bang kumain muna?" Tanong nya sa nobya. Agad din naman tumango habang nakangiti. "Pero, kailangan mo munang kumain." Sabi nya pa. Tumango ulit ang nobya nya habang nakangiti parin.

"Ano ang kakainin ko ngayon?" Magiliw nitong tanong sa kanya. Nakangiti pa ito at talagang excited. Napangiti sya at itinabi na ang mga pagkain sa kusina at dinala ang nobya sa kwarto.

"Bakit tayo pumasok sa kwarto ko?" Tanong pa nito. Dahil sa sakit nitong autism ay parang bata parin ito mag-isip, inosente sa mga bagay na nangyayari sa paligid nya.

"Dito mo kasi kakainin yung ipapakain ko sayo." Nakangiting sabi ni Nash.

"Ok." Walang alinlangan sagot nito at lumingon si Annie sa bintanang nakasara at napalingon ulit kay Nash ng may marinig syang pamilyar na tunog. Tapos na si Nash sa karaniwang ginagawa nito pagkatapos ay humarap ito sa kanya

"Kainin mo na. Alam mo na ang gagawin mo. Tinuruan na kita, diba?" Tanong sa kanya ni Nash. Tumango naman ni Annie at tumingin sa pamilyar na bagay harap nya.

______________________________

"May magaganap na transaksyon ngayon. Inaasahan ko ang magiging aksyon mo sa misyon na ito." Buong tiwalang sabi ng big boss nya sa kanya.

"Opo." Tumatango-tango sabi nya.

"At, wag ka nga palang kikilos kung wala ang signal ko, naiintindihan mo ba?" Tanong sa kanya. Agad din naman syang tumango.

"Opo." Sagot nya pa at pagkatapos ay lumabas na sya. Agad silang lumabas ng HQ at sumakay sa kotse nilang pang-disguise. Agad syang kumilos at nagplano sila para sa gagawin nila mamaya.

Makalipas ang ilang oras ay agad syang nagbihis at pumunta sa pangyayarihan ng transaksyon na magaganap ngayong araw. Ang huhulihin nila ngayon ay isang malaking drug dealer.

Pumusisyon na sila at naghanda para sa gagawin nila. Habang nasa malayo ay pinapanood nya ang nagaganap sa loob. Ibinigay na ng buyer ang pera at kinuha na ito ng drug dealer.

Nang makitang sakto na ang pera, ibinigay na nila ang briefcase na naglalaman ng limpak-limpak na pakete ng ipinagbabawal na gamot. At nagkakahalaga din ito ng mahigit 5 milyong piso.

"Ok na po, boss." Sabi ko habang nakatingin parin sa pinangyayarihan ng nangyayarihan ng kasunduan. Nagulat ako ng biglang magpaputok ang mga sindikato at bigla nalang bumagsak ang lalaki sa sahig.

'Mga halimaw talaga.'

"Ano yon?" Tanong ng big boss nila.

"Pinatay po nila yung lalaki." Sagot nya sa kanya.

"Sige na." Pagbibigay nito ng signal.

"Roger." Sabi nya at agad nyang sinenyasan ang mga kasama nya.

1...

2...

3...

"Taas-kamay!" Sigaw nya at tinutukan agad ang leader nila.

"Mga b*bo! Paano nakapasok nyan?!" Sigaw nito sa mga tauhan nya. "Barilin nyo!!" Sigaw nya pa.

"Napapaligiran na namin kayo!" Sigaw nya at pinalabas ang mga kasama nya. "Itaas nyo ang mga kamay nyo at dahan-dahan nyong ibaba ang mga armas nyo." Agad namang tumalima ang mga ito at kaagad din naman namimg nahuli.

Pagdating namin ay madami nang reporters ang nasa labas ng HQ. Agad silang dinumog pero agad din naman naming prinutektahan ang mga ito dahil sa dami ng taong lumalapit sa kanila.

"Good job, guys!!" Sigaw ni Big Boss habang nasa labas kami ng office nya. "Nagawa nyo nanaman ng maayos ang orders ko. Keep it up!" Tuwang-tuwang sabi nya. Umalis na kaming lahat at nagpahinga dahil mamaya ay may celebration kami dahil sa success ng operation namin.

______________________________

Papunta sya sa sarili nyang opisina ng mapansin nya ang sekretarya ng fiancée nya. Agad nya itong nilapitan at tinanong.

"Rein, wala nanaman ba ang boss mo?" Tanong nya sa babae.

"Naku, sir. Busy daw si Ma'am ngayon. Sinabi nya na din po sa akin kahapon. Sinabi nga din nyang puntahan ko kayo kasi alam nyang hahanapin nyo sya, pero nakalimutan ko kasi ang dami kong ginagawa ngayon, ehh." Sabi naman ng babae habang napapakamot pa sa ulo nito.

"Sige, salamat." Sabi ni Spencer. Bumalik na sya sa opisina nya at doon nanaman nangulila sa kanyang mapapangasawa. "I really miss you, honey. Bakit ba kasi napakabusy mong tao? Mahal na mahal kita." Sabi nya habang nakatingin sa litrato ng mapapangasawa.

Natigil lang sya ng biglang tumunog ang telepono nya at nang tignan nya kung sino iyon ay ang mapapangasawa nya pala ito.

"Hey, hon." Agad nyang bati.

"I'm sorry, hindi ako nakapagpaalam. Nandito ako sa States ngayon kasi may urgent problem dito. Kailangan kong puntahan. I hope you understand me, hon."

"Of course. I understand you, hon. Take care, ok?"

"By the way, next week na ang sukatan natin ng wedding gown and suit."

"Ahh, yeah. I remember that. Don't worry, I'm in, hon."

"Yeah. Ok, bye. I love you."

"Yes, I love you more. Bye." Pagkasabi nya noon ay pinatayan na sya ng tawag ng nobya. A naman ay naiwang nakangiti sa kawalan at iniimagine ang mapapangasawa na nakasuot ng wedding gown at naglalakad papalapit sa kanya.

_________________________

"Sure na ba talaga ang kasal nyo?" Tanong ni Scarlett. "Gusto ko na din ikasal kaso.... hindi kami pwede." Malungkot pang sabi nito.

"Bakit bawal kayo? Ano ba ang kasal?" Tanong naman ni Annie.

"Annie, you're so innocent from our world. You're still a kid." Mataray na sabi ni Camille.

"Ate, gusto ko na din kasal." Nakangiting sabi nito.

"Tumahimik ka nga. Wala ka namang alam. Wag kang makisabat." Mataray ding sabi ni Scarlett. Dahil doon ay nag-simula nang umiyak si Annie.

"Pinagalitan pa kasi, ehh." Inis na sabi ni Camille at pinatahan si Annie.

"Wala naman akong ginawang sasama." Depensa ni Scarlett sa sarili.

- To Be Continued -

(Sat, August 14, 2021)

Vous aimerez aussi

Red Thread

"Play my words inside your mind. Use your eyes to read, imagine, transform, and make my characters alive." Work of Art - Mystery/Thriller Subgenre - Young Adult May 18, 2020 June 4, 2020 (NOT A WHOLE DETECTIVE DRAMA) *** STANFORD, malapit sa baybayin ng West Philippine Sea, mukhang normal sa paningin ng isang tao lamang. Dahil tila ito ay nahahati sa tatlong apat-na-palapag, malaki at maluwang na gusali - na nagbibigay ng mga puwang para sa iba't ibang mga pasilidad tulad ng Multi-purpose Hall, Cafeteria at Library. Ang kanilang mga diseniyo ng arkitektura ay ibinigyang inspirasyon mula sa panahon ng Medieval na may mga bintanang baso, tukod, matataas at patilos na bubong, sementadong salulo, tore at arkong paturo. Ang tatlong pangunahing gusali, gayunpaman, ay mayroon ding tatlong magkakaibang mga layunin at nahahati sa dalawang bahay. Ang pinakang malayo ay may rebulto ng tigre, ito ay kumakatawan sa mga bihasang mag-aaral at ang layunin nito ay upang tipunin ang lahat ng mga mag-aaral na handa para sa agham pampulitika, computer science at mga propesyon na may kinalaman sa teknolohiya. Ang gitna ay may estatwa ng leon, ito ang gusali para sa lahat ng mga pasilidad sa paaralan. Ang pangatlo ay may rebulto ng lobo, kinakatawan nito ang mga intelihenteng mag-aaral. Katapat naman ng mga gusali ay bilog at malawak na obal na hugis-itlog na kung saan ay kinubkob ng mga puno ng Elm at Oak at nagbibigay ng natural na hangin. Ito ay payapa. Madali ang buhay ng mga mag-aaral. Hindi hanggang sa sunod-sunod na pagkitil ng buhay mula sa mga pagpapakamatay, pagkalulong sa droga, at serial killings ay mapunta sa linya sa kanilang mga bakuran. Walang sino man ang nakakaalam kung sino o kung ano ang nasa likuran ng biglaang trahedyang mga kaganapan na ito, naisip ng lahat na ito ay isang masamang taon lang para sa Stanford. Maliban sa isang tao. Si Logan, ang anak ng direktor ng Stanford at isang miyembro ng News and Report Club, na naaksidente sa nakaraang taon na naging dahilan upang magkaroon siya ng short-term memory. Sinusubukan na lutasin ang kaso dahil naniniwala siya na hindi lamang ito mga sadyang pagkakataon. Dahil ang isang tao ay nasa likod nito, naisip niya. At ang mga kasawiang nagaganap ay konektado sa aksidente na kaniyang nakatagpo. Mayroong dalawang posibleng mga tao sa likod ng mga gawaing ito, naisip niya. Ang bagong nahalal na Punong Estudyante mula sa bahay ng tigre o isa sa kanyang malalapit na kaibigan. Alin man, alam niya na hindi ito magiging madali. At dahil doon, sinubukan niyang bumuo ng isang club mula sa mga mag-aaral na naging rebelde laban sa Stanford. At sa paglapit nila sa katapusan ng mga kaso. Nalaman niyang isa lang ang nasa likod nito.

Juanxhari · Action
Pas assez d’évaluations
32 Chs

audimat

  • Tarif global
  • Qualité de l’écriture
  • Mise à jour de la stabilité
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte mondial
Critiques
Pleurage! Vous seriez le premier commentateur si vous laissez vos commentaires dès maintenant !

SOUTIEN