webnovel

Untuned Melody: Make Her Heart Beat Again

"I was a good singer back then. I sing from my heart because someone taught me that way. Someone first believed in me. He was once the reason why I'd continue to sing, but we can't predict things to happen. He left me without a single word and as the time goes by, slowly, a beautiful tuned melody turned into a monotonous melody...." ----- MJ "It's just that, I cannot tell her the truth. Ayaw kong makita kung anong magiging reaksyon niya sa oras na malaman niya yung totoo. Ayaw kong maulit yung nangyari saakin dati kay Joy--- Yung babaeng una kong minahal, 7 years ago." ----- Louie "You've been wanting to join the band 7 years ago, but I never allowed you to do so. It's not like hindi ko gusto, it's just that ayaw kong suwayin ang utos nina mama't papa. Noong una kitang pinakilala sa kanila, akala ko approve ka sa kanila, but I was wrong. Very wrong. Kasi nung umalis ka, doon sinabi nina papa saakin na hindi ka nila gusto. " -----Joy "I'm sorry. I'm really really sorry that I caused you pain back then, I'm so sorry na nararamdaman mo ang mga bagay na ito ngayon. Please, forgive me..." -----Luke

Bluesundae20 · Général
Pas assez d’évaluations
45 Chs

Unexpected Message

MJ's POV

Almost two months na mula nung umalis si Louie and the day after tomorrow will be our first anniversary. So far okay naman yung naging relasyon namin, though mahirap, okay na lang rin.

We're having our reviews now, at andito kami ngayon sa isang review center nila Carla at Ben.

"Ayy! Ayoko na ng math! Nakakaloka!" Reklamo ni Carla habang nakaupo sa kanyang upuan.

"Sinabi mo pa bakla. Parang mga ex ko, hindi ko maintindihan!" Tumawa naman kaming dalawa ni Carla. Nakakarelate kasi ako, mahina ako sa math.

"Anyways bakla" Sabay tingin saakin

"Kumusta na kayo ni Louie? I mean hindi ba mahirap ang maLDR?" Tanong ni Ben.

"At first mahirap, kasi aside na hindi mo siya makakasama ng personal at tanging call or video call lang ang nagiging communication ninyo, eh 12 hours pa ang pagitan ninyong dalawa. " Sabi ko. Napatango ang dalawa sa sinabi ko

"Nako, kung saakin siguro nangyari yan, hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba yung relationship namin or hindi na..Kaya saludo ako sa bakla!" Ben said.

"Agree ako sayo bakla!" Pagaagree rin ni Carla kay Ben.

Magsasalita pa sana si Ben nung dumating na yung lecturer namin sa math. Binigyan niya kami ng Test Questionnaires at Answer Sheets para sagutin ang mga tanong. Pagkatapos ay chineck na namin yun at that's the time na magsasalita ang lecturer, ineexplain niya kung bakit ganon ang sagot, at kung ano-ano pa.

After 8 hours of reviewing....

"WAAAHH MGA BAKLA!!! Ang utak ko! Hindi ko na to carry huhuhuhu!" Sabi ni Ben at humilata sa kanyang upuan.

"Gosh, hindi ko alam kung bakit mahina ako sa math, maganda nga ako pero mahina sa math, huhuhuhu" Tinignan naman siya ni Ben at tinaasan ng kilay

"Seriously bakla? Sinong maysabi na maganda ka, sasampalin ko. " Sabi ni ben. Tinaasan rin siya ng kilay ni Carla..

"Masyadong marami kung isa-isahin ko pa. Tsaka bitter ka lang kaya ka nagkakaganyan bakla!" Hindi ko mapigilan ang hindi tumawa sa dalawang to. Hahahahaha.

"Tse! Hali na nga kayo at magmeryenda na lang tayo sa jollibee!" Sabi ni Carla. Nagtungo na nga kami sa Jollibee at umorder na. Pagkaupo namin ay biglang nagsalita si Carla.

"Nga pala, diba 1st anniversary niyo na ni Louie the day after tomorrow?" Napatango ako sa tanong niya.

"Grabe no, kung dati kabanda lang kayo, ngayon naman mag-a-anniversary na kayo. Kabongga mo bakla!" Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Who would have thought na we'll end up like this?

Kumain na kami, nagusap at nagpaalam na sa isa't-isa.

Pagkauwi ko sa bahay mga 7+ na ng gabi yon, biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako at sinagot agad ito.

"Good morning love" Sabi ko.

"Good evening love." Sabi niya.

"Musta ang araw mo?" Tanong ko sa kanya habang sinusuot yung pambahay ko na damit

"Eto, medyo nakakapagod mang bumangon, pero kailangan para na rin sa future natin..Nagdadrive ako papuntang company namin ni dad, gusto ko kasing maaga lagi ang pagpasok ko para naman may additional points ako sayo. Ayieehh, kinikilig na yan. Hahahaha" Tukso niya saakin, napangiti naman ako kasi ang corny talaga ng lalaking to kahit kailan

"Sira!" Sabi ko nalang.

"Sus, kahit hindi mo man sabihin, alam ko naman na kinikilig ka na diyan pero sige, kumusta ang araw mo?" Tanong niya bigla saakin

"Hmm okay naman medyo sumasakit nga lang ang ulo ko kasi math yung subject namin kanina" Sabi ko, tumawa naman siya sa kabilang linya kasi alam niya na hate na hate ko ang math, siya kasi matalino tsss.

"Sige, tumawa ka pa, ibababa ko na to." Banta ko sa kanya

"Eto naman. Hmmm. Mag-iisang taon na pala tayong magkarelasyon love.." Sabi niya bigla.

"Oo nga eh, ang bilis ng panahon." Sabi ko habang inaalala yung mga panahong niligawan niya pa ako.

"Tanda ko pa kung paano kita ligawan dati, ang tagal bago ko marinig yung sagot mo, pero it's all worth it.." Sabi niya.

"Kung hindi lang dahil sa naawa ako sayo dati, eh hindi naman kita sasagutin. " Biro ko sakanya

"Sus, hindi daw, eh akala mo hindi ko alam na every time na nagpapalagay ako diyan sa kama mo na bouquet of flowers, chocolates and mga stuffed toy eh hindi ka tumitili sa kilig?" Napatigil ako sa narinig ko. Paano ---

"Paano ko nalaman? Syempre kay tita na palihim ka niyang tinitingnan hahahahaha" Ahh kaya pala minsan hindi ko maintindihan yung ngiti ni mama tss.

"Sira, sige na. Nagmamaneho pa man din." Sabi ko

"Kunwari ka pa, gusto mo lang tumili nuh? Sige, I love you" Sabi niya. Mas lalo namang lumawak ang ngiti ko.

"I love you too." Sabi ko at binaba na. Nakangiti kong tinignan ang picture frame sa may table ko. Picture namin to ni Louie. This photo was taken during valentines day. Hawak-hawak namin si Paopao, yung puppy na binigay niya saakin, at sabay na nakangiti sa camera.

Tumayo ako para magbanyo, nang aksidente kong matabig ang picture frame at nahulog at nabasag.

Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan bigla. Umiling ako at pinulot yung mga bubug sa floor. Pagkatapos ay itinapon ko ito sa trash can, sabay tago ng litrato namin, bibili na lang ako bukas ng bagong picture frame pagkatapos ng review.

Pero kinakabahan pa rin ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ako mapakali. Kaya humiga ako..At sinubukang matulog.

Fortunately, nakatulog naman ako at pagkagising ko eh, hinanap ko agad yung cellphone ko. Pero nagulat ako kasi ang daming missed calls, at text mesaages galing kay Tito at Tita, mga magulang ni Louie.

Inopen ko yung message ni Tita at nung nabasa ko ay parang tumigil ang ikot ng mundo ko.

Nanginig ang aking buong katawan, at nabitawan ang cellphone ko, napaupo sa sahig at the next thing I knew, tears have fallen from my eyes.

And the only thing that echoed in my mind was tita's message.

'Anak, I'm sorry but something happened to Louie. Nahulog ang kotseng minamaneho niya sa may cliff kagabi at bigla itong sumabog. We don't know if he's alive or not kasi hanggang ngayon hindi pa nila nakikita yung katawan ni Louie.'

N-no. T-this can't be happening. N-no.

If this is just a nightmare, please wake me up. Please. Tell me hindi yun totoo. Please...

Don't leave me Louie. Please don't leave me.