webnovel

Ahh ... Kaya Pala!

Kate! Anak!"

Patakbong inakap ni Nadine ang anak.

"Mom?"

Nagulat si Kate sa pagdating ni Nadine at Khim, hindi ito nabanggit ng Kuya nya.

Buong pananabik na inakap ng mahigpit na mahigpit ni Nadine ang anak, pero hinayaan lang sya ni Kate sinuklian nya rin ito ng yakap.

Miss na miss na miss na nya ang akap ng Mommy nya at miss na miss na rin sya ng Mommy nya kaya hindi na napigilan ng magina ang maiyak.

"Kamusta anak, hah? Okey ka lang ba? Okey lang ba kayo ni Mel?"

Tanong ni Nadine habang pinupunasan ng mga daliri nya ang mga luha ni Kate.

"Yes po Mommy, okey lang po kami ni Hubby Melabs ko!"

Tumatangong sabi ni Kate samantalang nahihiya naman si Mel hindi alam kung paano haharapin si Nadine.

Nahihiya ito dahil itinanan nya si Kate.

Iginala ni Nadine ang paligid, hinanap si Mel.

"Hoy, Carmelo de Guzman Jr. pumarine ka nga at magmano!"

Tawag ni Nadine na ikinagulat ni Mel.

Nataranta ito ng marinig nya ng buo ang pangalan nya.

"H-Hello po Tita Nadine..."

Kinakabahang bati nito sabay lapit at nagmano.

Napataas ang kilay ni Nadine.

"Anong Tita ka dyan? Matapos mong itanan ang anak ko Tita lang ang itatawag mo sa akin?"

Mataray na sabi ni Nadine.

"S-Sorry po! Ano po bang gusto nyong itawag ko s-sa inyo?"

Ninenerbyos na tanong ni Mel.

"Diba kasal na kayo ni Kate? Kaya dapat Mommy na rin ang tawag mo sa akin! Maliwanag?"

Sabi ni Nadine na kunwari ay masungit.

"Y-Yes po Mo-Mommy! Pretty Mommy ni Kate MyWifeyLabs!"

'Haaay grabe talaga itong batang ito ang habang magpangalan!'

"Ang haba naman Mel, iksian mo naman ... Mommy.... period!"

"Mommy ... pretty! Mommy Pretty!"

"Yan pwede na, hehe!"

Si Vicky na kanina pa natutuwa sa kanila pero naiilang na lapitan sila ay napansin ni Khim.

"Ate, who is she?"

Tanong ni Khim kay Kate.

"Ay Mom, syanga po pala si Ate Vicky, close friend po ni Kuya. Sya po ang nagaalaga at nagmomonitor sa condition ni Grampy."

Pagpapakilala ni Kate.

"Hello po, Mam Nadine, nice to meet you po!"

Lakas loob na sabi ni Vicky.

"Doctor ka pala katulad ng anak ko! Salamat sa pagaalaga sa Papa, Dr. Vicky!"

"Ay Mam Nadine, Vicky na lang po, nakakahiya po kasi!"

"Bakit Ms. Vicky girlfriend ka ba ni Kuya?"

Nakakunot ang noo nito parang nagseselos.

First time nyang nabalitaan na may close friend na girl ang Kuya James nya.

Si Vicky, feeling awkward.

"Teka, anong ginagawa nyo sa Papa?"

Biglang tanong ni Nadine. Nawala tuloy ang focus kay Vicky, nakahinga sya ng malalim.

"Uhm, sabi po kasi ni Ate Vicky mas maigi daw pong minamasahe from time to time yung mga muscle ni Grampy para daw po gumalaw galaw ang mga ugat nito ng dumaloy ng maayos ang dugo."

Paliwanag ni Kate.

"Opo, tama po yun, Mam Nadine!"

Pag agree ni Vicky sa sinabi ni Kate.

"TITA!"

"Po?"

"Call me TITA if you want me to call you Vicky!"

Utos ni Nadine sabay ngiti kay Vicky.

First time nyang nakitang nagkainteres ang panganay nya sa babae, kaya naglulumundag sa saya ang puso nya.

"O-Opo .... T-Tita!"

Natatarantang sabi ni Vicky.

"May tanong ako!"

Sabi ni Nadine.

"A-Ano po yun T-Tita?"

Medyo nahihiyang pang sabi ni Vicky.

"Kasama ba sa therapy ng Papa ang ginagawa ni Mel?"

"Po?"

Napatingin sila sa ginagawa ni Mel sa paa ni Gene.

Hindi lang foot massage ang binibigay nya, foot spa na rin.

"Eh, kasi po Mommy Pretty, napansin ko pong ang gaspang ng talampakan ni Grampy General kaya naisipan kong bigyan sya ng foot spa!"

Paliwanag ni Mel habang hinihilod ng matalas na bagay ang talampakan ni Gene.

"Huwag mong sabihing may plano ka ring bigyan sya ng pedicure?"

Tanong ni Nadine.

"Ay opo Mommy Pretty, pagkatapos ko pong kiskisin itong kalyo nya!"

Nakangiting sagot ni Mel.

"Kuya Mel, mas maganda if you put nail polish para colorful!"

Sabat ni Khim

"Ay Khim wala akong nail polish, next time na lang! Hehe!"

Napataas ang kilay ni Nadine lalo na ng makita ang mga batang pinagpaplanuhang kung ano ang kulay ng nail polish na babagay kay Gene.

Nilapitan ni Nadine si Gene at saka bumulong.

"Papa kung ako po sa inyo, gumising na po kayo kasi pinagtitripan na po kayo ng mga apo nyo!

Baka po pag nagtagal pa kayong tulog dyan maisipan pa nilang icurl ang balbas nyo!"

Nagulat si Nadine ng biglang ngumiti ito.

Mukhang nakikiliti sa ginagawa ni Mel.

*****

Samantala.

Binigyan nila agad ng lunas ang hinimatay na si Dr. Gonzales kaya sandali lang itong nawalan ng malay.

Nagulat sya at nasa kama sya ng pasyente ng magmulat ng mata at unti unting bumabalik ang nakakahiyang nangyari kanina.

Himatay sya dahil sa kahihiyan at ngayong may malay na sya, nilalamon na naman sya ng kahihiyan.

Hindi nya tuloy alam ang gagawin gusto nyang ipikit ulit ang mga mata para nagkunwaring hindi pa sya gising pero nakatingin ang lahat sa kanya.

"Dr. James, gising na po si Dr. Gonzales!"

"May masakit po ba sa inyo Doc?"

Tanong ng mga nakapaligid.

"Magsilayas nga kayo sa harapan ko! Hindi ako makahinga sa inyo!"

Singhal ni Dr. Gonzales sa kanila.

"Sa tingin ko, okey ka na!"

Sabi ni Dr. James kay Dr. Gonzales.

At tumalikod na ito para umalis.

"Sandali Dr. James, antayin mo ako, sasabay ako sa'yo!"

Nagmamadali itong bumangon at patakbong sumunod kay James.

"Eh, Dr. James, kelan ko ba pwedeng makausap ang kapatid mo?"

Napatigil si James na ikinabigla ni Dr. Gonzales, muntik na nya itong mabundol.

"Ang ibig nyong sabihin, simula ng umalis ako hindi nyo pa nakakausap ang kapatid ko? Bakit?"

Nagtatakang tanong ni James.

"Uhm, medyo kasi nabusy, saka hindi ko sya matagpuan kaya hindi pa kami nagkakausap!"

Paliwanag ni Dr. Gonzales.

"Pwede ba akong humingi ng pabor Dr. James? Pwede ba akong humingi ng tulong sa'yo para makausap si Mrs. Kate de Guzman? Please!"

Pagsusumamo ni Dr. Gonzales.

Kinakabahan kasi sya baka isang araw makatanggap din sya ng termination letter kagaya nila Dr. Santy at Dr. Alonso na walang nagawa ng paalisin sila at i-banned dito sa Sinag Island.

"Dr. Gonzales, wala akong karapatang sulsulan ang kapatid ko, may sariling isip yun na mahirap kontrolin, kaya hindi ko maipapangako na matutulungan kita."

At umalis na ito, iniwan si Dr. Gonzales na hindi alam ang gagawin.

'Paano na yan, saan ako pupulutin nito?'

'Hindi maaring mangyari ito, hindi ako makakapayag na mangyari ito!

Kailangan makagawa ako ng paraan, kailangan manatili ako ng IDS sa ano mang paraan!'

*****

Sa isang bar malayo sa Kamaynilaan, naroon ang isang lalaki, na walang sawang umiinom.

Wala na atang oras na hindi ito umiinom.

Mag isa lang naman sya kung uminom.

"Ano bang silbi ng buhay kung hindi ka naman masaya?

Mabuti pang lunurin ko na lang sa alak ang sarili ko para sumaya ako! Hehe!"

Maraming dumidikit sa kanya gusto syang huthutan dahil napapansin nilang hindi naaubos ang pera pero hindi sila nagtagumpay. Kahit kasi lasing ito mabilis at malakas ito. Hindi nila kaya kahit marami sila.

Pero minsan nalaglag ang wallet nito at tuwang tuwa naman ang nakakitang nalaglag iyon.

"Ayos, ang kapal! Mukhang tiba tiba ako nito! Hehe!"

Pero laking gulat ng nakapulot ng buksan ang wallet at makita ang ID nito.

"Isa syang general?"

Sa takot ng nakapulot, ibinigay nya ito sa bar tender at sinabing, napulot nya ito, pakisoli na lang!

Nagtataka naman ang bar tender dahil kilalang mandurukot yun nagsoli.

'Bakit nya isinolo itong wallet?'

Binuksan nya ang wallet para malaman kung kanino ito.

"Gen. Jaime Santiago?"

"Ahh, kaya pala!"

Chapitre suivant