webnovel

one

The Numb by JeAnnPulido

Please do vote and comment. Negative or positive feedback, it's badly needed for progress and improvement :)

Anyways, enjoy the story guys!

*

Chapter 1

Ashley's POV

"Hoy! 'Wag nga kayong humarang! Gusto niyo sigurong mabugbog ano?!" sigaw nung lalakeng nasa harapan namin

"The heck! Ikaw nga 'tong nakaharang sa daan namin ee!" sigaw rin ni Tori

Here we go again.

"Hindi porke't mga taga Public Colleges kayo ee, matatakot kami sa inyo!" sigaw rin nung isa pang lalaki

"Ikaw magdesisiyon. Matatakot ka nga ba? Kasi naman. Wala. Kaming. Pake" sabat naman ni Kath

We are from Public Colleges, ang school na dating pinamumunuan nila ate Annica, ate Jalene, ate Ashlynn, ate Claire, ate Veronica, at ate Cheska - ang Reyna ng HCP.

Nasaan sila tanong niyo? Wala na sila dito. Grumaduate na raw.

Ang Public Colleges ay puno 'raw' ng mga deliquents. 'Yon lang naman ang sa tingin nila eh. Ang alam 'daw' kasi naming gawin ay makipagpatayan, makipagbugbugan, makisabatan, at makipag basag-ulo lang. Pero honestly, half of it is true anyways.

Nang grumaduate sila ate Annica, nagkaroon ng malaking gulo sa Public Colleges at dahil 'yon sa pwesto nila. Kaya hanggang ngayon, humahanap sila ng pwedeng ipalit sa pwesto ng grumaduate na Queens. Pero that shouldn't be what we're supposed to talk about right now.

Nandito nga pala kami ngayon sa bar. Ewan ko ba kung ako lang ang nakakapansin o sadyang malakas talaga ang hatak namin pagdating sa away.

"H-hindi kami natatakot sa inyo!" nauutal na sabi nung isa pang lalaki na mukhang taga-Gaein Academy kaya napangisi kaming apat

Ang Gaein Academy ay isang Private na school for colleges. Or to be short, Gaein Academy is now the mortal enemy of Public Colleges. Sa Gregory University naman, tumahimik na ang school nila simula nung mawalan na rin ng balita tungkol kina kuya Chase.

Nakakapagtaka nga eh.

"Iiwas o haharang?" tanong ko sabay ngiti ng nakakaloko sakanila na ikinamutla naman nila at tumakbo kaagad palabras

Actually, kilala kaming apat sa kahit anu mang school dito sa syudad.

Matatapang, magaganda, napakagaling sa pakikipag-away atsaka kahit saan lang daw na bar kami nakakarating.

Hindi ko naman sila masisisi. Masarap magwalwal. Pero parang hindi na rin dahil hindi naman ako nalalasing. My alcohol tolerance is not to be underestimated.

Nang bumugtong hininga na ako ay nagtawanan nalang 'yong mga tao sa paligid na kanina pang nakatingin sa amin pero hindi ko sila pinansin at dumiretso nalang sa isang table.

Sumunod naman sila Tori at umupo narin habang tumatawang pinaguusapan 'yong mga baklang tinakbuhan kami.

"Kapal talaga ng mga mukha nilang mangharang. Natatakot rin naman pala!" tawang tawa na sabi ni Kath

"Oo nga! Namutla ba naman sa threat ni Ashie? BWAHAHAHA!" sagot naman ni Tori

Tinignan ko naman si Alice na tahimik lang sa tabihan ko.

Isa 'tong attitude na gusto ko kay Alice, ang pagiging tahimik. Alam kong malikot ang utak niya pero hindi mo maitatanggi na tahimik siya.

Sila Kath at Tori naman kasi, pinaglihi ata sa aso. Mahilig tumahol ng tumahol. Pero I don't particularly loath it. It's actually making me feel at ease when they're like this. Wanna know why?

Kung tumahimik na sila, hindi mo na alam kung anong kababalaghang imiikot sa mga utak nila. They're obnoxious.

Well.. I guess we all are.

Tumingin ako sa counter at nag-senyas sa isang bar-boy na pumunta sa table namin para kumuha ng order. Tumango naman siya at kumuha ng notepads saka lumapit sa table namin.

"One Avion Tequila, one Chase Vodka, and two Morginis" sabi ni Alice at isinulat naman 'yon ng bar boy

"One Avion Tequila, one Chase Vodka, and two Morginis. Is that all?" tanong niya sa amin kaya tumango kami

Bumalik na siya 'dun sa stall at hinanda ang drinks namin. Mga ilang minuto, dumating rin naman. Timing pa na kinindatan niya ako kaya naman napairap na ako.

Uminom lang kami ng uminom while looking at the drunkards dancing under the disco ball. Hard drinks ang iniinom namin pero don't worry. Sanay narin naman kami eh. Siguro kung hindi lasing nawiwindang windang lang.

"It's bad to stare" bulong ko sa sarili ko at hindi na pinansin 'yung katabi naming table na kanina pang nanonood sa amin

Well, I guess its just one of our 'ganda problems'.

Lumipas ang ilang oras at nakailang bote na rin kami nang alak ng mapansin kong wala pa rin ang hinihintay namin kaya naman tumayo na ako.

"Bilisan niyo. Malalagot talaga ako sa parents niyo" sabi ko kina Tori at inubos na ang beer ko

"Ash naman. Wala naman 'yun silang pake eh" sabi ni Tori habang sinisinok-sinok pa

"Lasing ka na Tori" sagot ni Kath

"Akala ko ba all for one, one for all?" tanong ni Tori saka niya sinuntok si Kath

"Edi walang magaalaga sayo. Hangover ang patutunguhan mo nito" sagot ni Kath habang sinalo ang kamao ni Tori

Tumayo na si Kath at inalalayan si Tori. Tori's a type of girl na mukhang nakakatakot lang sa labas pero deep inside, she has a fragile heart.

"Mauna na kayo sa parking lot. Nandoon na raw sina Manong Carter. Sa comfort room muna kami ni Ash" sabi ni Alice at iniwan na namin 'yong dalawa

Naglakad na kami papunta sa comfort room. Inikot namin ang paningin namin bago nag-ayos ng sarili sa harapan ng salamin.

"No one's coming, huh?" pasimple niyang bulong kaya naman tumango ako

"Then wow, right? Tsk. So boring. Let's go," sagot ko't lumabas na kami

Nang may makabanggaan ako ay agad kong hinila ang kamay niyang hinawakan ako ng ilang segundo saka ako umikot at sinuntok siya sa tiyan dahilan kung bakit siya napatingin sa akin at sumuka ng dugo.

"W-whatthefc.." nauutal niyang sabi saka siya naubo at nawalan ng malay

Kinuha na ni Alice 'yung wallet kong inisnatch nung lalaki saka siya sinipa sa tiyan.

"Tsk. Gago. Sa lahat ba naman ng pwedeng nakawan," sabi ko saka ko inabot ang kamay ko kay Alice

Natawa lang siya saka binigay sa akin 'yung wallet ko kaya naman ibinulsa ko na 'yon at nagsimula nang maglakad palabas ng bar. Sumunod naman si Alice sa akin.

Chapitre suivant