webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
76 Chs

Entry No. 12

Dear Future Husband,

Day three na namin dito sa Sanya pero nagkaroon ng away sa pagitan ng mga babaeng kaibigan ko including Dave at ng mga babaeng nakilala nina Tim II. Nagulat na nga lang ako nang makita kong nag-aaway na sila. At do'n ko nalamang masasama pala ang ugali ng tatlong babaeng nakilala nila Tim II. Sila ang unang sumugod sa mga kaibigan ko without any reason. Tapos napanganga na lang ako nang lumapit sila kina Tim II at sinabing sinugod raw sila ng mga kaibigan ko. Tapos sinabi rin nilang nilalait-lait daw sila nito. Pero ang mas ikinagulat ko pa ay ang mas pinaniwalaan nina Tim II ang tatlong babaeng 'yan kaysa sa mga kaibigan ko. Si Dave nga napatulala nang sigawan siya ni Tim II dahil daw sa pananakit niya kay Maybelline. Akain mong mas pinaniwalaan pa nila ang bago nilang nakilala kaysa sa nakasama nila noon pa. Parang ikaw lang. Mas pinaniwalaan mo ang ibang tao kaysa sa taong mas malapit sa 'yo. Pero naniniwala akong lalabas din ang katotohanan.

Dahil walang sikreto ang hindi nabubunyag.

Your Future Wife,

Lauren