webnovel

The Fangirl (Published under Dreame)

Auteur: AriadneWP
Sports, voyage et activités
Actuel · 1M Affichage
  • 99 Shc
    Contenu
  • audimat
  • NO.200+
    SOUTIEN
Synopsis

Serenader 3: JAMESON FAULKERSON With: LANCE JEROLD KIM

Étiquettes
5 étiquettes
Chapter 1Chapter 1

[RAFAELA'S POV]

"KYAAAAAAAAAAAAAA!" rinig kong tilian ng mga Jamesonatics.

Kahit ako ay nakitili rin. Sino ba naman kasi ang hindi masayang makita ang nag-iisang iniidolo namin sa harap ng stage?

Nandito pala ako ngayon sa fan meeting ng nag-iisa kong idol na si Jameson Faulkerson. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito. But who cares? Pagkakataon ko nang makita siya. Matagal ko 'tong hinintay sa buong buhay ko.

By the way, let me introduce myself first. Ako nga pala si Rafaela Montebello. One of the certified fangirl or should I say Certified Jamesonatics. Matagal na niya akong fangirl. Mga four years na rin siguro. Naging fan niya ako dahil maliban sa pogi siya ay napakagaling din niyang umacting. Noong napanood ko ang movie niyang My Prince Is Masungit ay siya agad ang pumukaw sa atensyon ko although supporting lead lang siya that time. Mas lalo pa siyang sumikat dahil do'n which is hindi naman nakakapagtaka. Kitang-kita naman kung gaano siya ka-talented pagdating sa acting. Kahit na ako ay na-convince niyang maging fan.

Mga ilang oras na rin kaming naghihintay na lumabas siya mula sa backstage. Hanggang may isang beking pumunta sa may stage. Siguro ito yung MC ng event.

Pero bakit may dala siyang balde? Part ba 'to ng fan meeting?

"Good evening Jamesonatics. Excited na ba kayong ma-meet ang nag-iisang idol nating lahat na si Jameson Faulkerson?" tanong sa 'min ng MC.

"KYAAAAAAAAAAAAAA!" tilian lang ang naging tugon namin.

Super excited na.

"Kung gano'n. Heto ang sa inyo." sabi ng MC sabay kuha ng balde at ibinuhos niya sa amin ang laman nito.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil do'n.

Pero mas nagulat pa ako dahil sa aking direksyon lumalapit yung tubig.

.

.

.

.

.

"WAAAAAAAAAAAAA!"

Bigla akong napabangon nang may naramdaman akong basa sa akin.

Nabasa ang buong katawan ko dahil do'n.

"Akala ko hindi ka na magigising. Kanina pa kita ginigising dahil grabe ka makatili. Akala ko nga may sunog eh." sabi sa 'kin ni Kuya Rafael na may hawak ngayong balde.

Sinamaan ko naman ng tingin ang kapatid ko.

"Ba't mo ginawa yun? Ma-mi-meet ko na sana siya kung hindi mo ako binuhusan ng tubig. Palagi ka na lang epal sa pagtulog ko." inis kong sabi sa kanya.

"Ako pa talaga ang epal. Hoy huwag kang ilusyunada dahil hindi mo siya ma-mi-meet kahit na sa panaginip mo." - Kuya Rafael

Mas lalo namang sumama ang tingin ko sa kanya dahil do'n. Naka-unsupportive talaga niyang Kuya kahit kelan.

"And my dear lil sis, for your info. Kaya ko ginawa 'to dahil male-late ka na. Hindi ba't may report ka ngayon sa first subject mo?" sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko.

Shet! Oo nga pala.

Agad akong bumangon mula sa kama sabay tulak kay Kuya Rafael para makapunta sa banyo. Ang resulta, ayun natumba siya at shumoot ang ulo niya sa balde. Hahaha!

Agad akong naligo at sinabunan ang katawan ko at nag-shampoo ng buhok. Hindi na ako nag-toothbrush pa dahil malapit nang maubos ang oras ko.

Pagkatapos kong gawin ang morning routines ko ay pumunta ako sa kusina para magpaalam kina Mama at Papa.

"Good morning Ma, Pa. Aalis na po ako." sabi ko sa kanila.

"Good morning din anak. Hindi ka ba kakain muna bago pumasok?" - Mama

"Hindi na po Ma. Male-late na rin po kasi ako." sabi ko sa kanya.

"Ganun ba? Heto na ang baon mo." sabay abot sa akin ni Mama ang lunch box na may pagkaing niluto niya.

"Thanks po Ma. Sige po aalis na po ako." at niyakap ko si Mama.

"Ingat sa pagtawid anak." sabi ni Papa na nagbabasa ngayon ng dyaryo. Nilapitan ko naman siya at niyakap ko siya.

Nang makapagpaalam na ako sa kanila ay pinuntahan ko agad si Kuya Rafael na nag-aabang sa akin sa labas.

"Ang tagal mo naman." inis niyang sabi. Binelatan ko lang siya at naunang maglakad.

Nang makarating kami sa bus stop ay nauna siyang sumakay. Magkaiba kasi ang school namin. Next bus pa ako. Nag-aaral siya sa Rodriguez University habang ako naman ay sa Dela Cruz University.

Nang makasakay na ako ng bus ay naghanap agad ako ng vacant seat at sakto namang may nakita ako. Sa tabi nito ay may isang lalaking naka-cup at naka-shades. Mukhang tulog nga eh.

Pagkarating ko sa vacant seat ay napansin kong may bag na nakalagay do'n. Pagmamay-ari yata 'to sa lalaking natutulog.

Kukunin ko ba para maka-upo ako?

Mukha namang hindi siya magigising kapag kinuha ko 'to para ilipat. At saka hindi ako sanay kapag nakatayo dahil nawawalan ako ng balanse. Umaandar pa naman yung bus.

Akmang kukunin ko sana yung bag ng lalaki pero nagulat ako nang bigla niya itong hinawakan.

"Are you trying to steal my bag?" sabi niya habang nakatingin ito sa 'kin.

Nanlaki ang mga mata ko dahil do'n.

"H-hindi ah." nauutal kong sabi. Medyo kinakabahan ako dahil pinagbintangan niya akong magnanakaw. Baka kasi may magawa akong mali at pagbintangan niya talaga akong magnanakaw.

"I know what you're doing Miss. You're trying to steal my bag to know my personal information. I know that you recognize me. Should I call a police now?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Ha? Anong pinagsasabi mo diyan?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Don't deny that you don't know me, Miss Stalker." sagot niya sa 'kin.

Napatigil naman ako dahil do'n. Tapos...

"Hahahahahahaha!" bigla na lang akong natawa.

Ako? Stalker niya? Akala ko pa naman ay pagbibintangan talaga niya akong magnanakaw ng pera o gadgets pero...

Hahahahaha!

"Why are you laughing? Did I say something funny?" sabi pa niya na parang nagtataka.

"Hahahaha! Ako? Stalker mo? May hangin ba yang utak mo? Sino ka ba sa inaakala mo? Ikaw ba si Jameson Faulkerson para i-stalk kita? Hahahaha!" natatawa kong sabi sa kanya.

Nakita ko naman ang pagdilim ng kanyang awra. Parang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

*screeettcchh*

Nagulat ako nang biglang tumigil ang bus. Nawalan ako ng balanse kaya ang ending...

Bumagsak ako sa lalaking 'to at...

*shock*

...naglapat ang aming mga labi.

Nagulat ako sa nangyari. Mukhang siya rin ay nagulat kahit na hindi ko makita ang mga mata niya.

Ang first kiss ko.

Ang first kiss ko.

Ang first kiss ko.

Waaaaaaaaaaaa!

Wala na ang first kiss ko! Huhuhu!

Pina-reserve ko pa naman 'to para kay Jameson.

Tapos mapupunta lang sa stranger na 'to?

Hinde pwede 'toooooooooooooo!!!

Vous aimerez aussi

DRAGON KNIGHT GANG

"You still don't give up. huh" he said "Of course, I'm not that easy woman" proud kong wika. "Let's see then" he smirked and quickly grab my arm. "wh-" Holy Shit! bakit di ko napaghandaan yun?! I tried to resist but I'm not strong as him. He quickly dugged his face to my neck like a vampire and lick my neck. "Crap! Let me go creepy necktie freak!" I shouted. Napatakbo naman ang mga ka Gang ko papunta samin para tulungan ako. I struggling hard but no use and his grip was so strong and suddenly pushed me towards his chest and move around. I noticed that he's kicking my gangmates while holding me tighter. Di man lang ito nahirapan. No use! He's really strong. I gathered skilled comrades but still... I couldn't defeat him. "Let me go!" I shouted again. He looked at me while under his arms. Di man lang siya napagod. gaano ba talaga siya kalakas at di man lang makalapit yung mga kagang ko sa kanya? "You can't defeat me Serene. that's certain." "Don't act highly. One day, I'll defeat you with my own hands, be ready" I said then pushed him harder. Nakawala naman ako sa pagkakayakap niya at agad na nilapitan ang mga ka Gang ko "Sana di mo pa kinalimutan ang deal natin" He said while grinning "Don't worry, I'm not that kind of person na aatras sa usapan" wika ko at binigyan ng signal ang kagang ko na kailangan na munang umatras. "Good then. I'm expecting highly from you. I can't wait to see you at the altar wearing a wedding dress" he said while wearing his teasing smile. "Better to give up with that dream, Mr. Zeke Flame Ashford" I said and rolled my eyes. "It's not a dream but a goal that I must achieve no matter what happens. You'll be mine by hook or by crook"

Laarnikuroko18 · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
31 Chs
Table des matières
Volume 0 :Auxiliary Volume
Volume 1

audimat

  • Tarif global
  • Qualité de l’écriture
  • Mise à jour de la stabilité
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte mondial
Critiques
Pleurage! Vous seriez le premier commentateur si vous laissez vos commentaires dès maintenant !

SOUTIEN