webnovel

The Day you love me. I die

Content warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging nanjan para sa atin subalit hindi natin siya nakikita... Kelan ba tayo magmamahal kapag huli na ang lahat? Kapag tapos na ang mundo? O kapag pagod na ang puso... Kaya mo ba ang maghintay ng panahon o taon para sa mahal mo kahit walang kasiguraduhan na magiging kayo hanggang dulo? At higit sa lahat ang pinakatanong HANGGANG KAILAN MO KAYANG MAGMAHAL??? Abangan sina Jace ang lalaking minamahal subalit hindi niya kayang magmahal ng pabalik Clarry Ang babaeng handang gawin at ibigay ang lahat para sa kanyang taong mahal...

Loveisjustashow · Urbain
Pas assez d’évaluations
51 Chs

Chapter 47

Lumipas ang ilang araw, nagpasya na si Jace na puntahan ang anak niya. May dala itong gamit ng bata at higit sa lahat isang bouquet ng bulaklak.

Subalit wala doon si Clary, tanging si Isabelle lamang ang tao doon kasama ng baby.

Pagbukas ni Isabelle ng pintuan...

"Sure ka na ok lang na nagpunta ako?" Ani ni Jace

"Oo nga.. May karapatan ka naman sa bata diba" tugon ni Isabelle

Napapangiti si Isabelle ng makita ang bulaklak na hawak ni Jace.

"Para Sa bata ka ba talaga nagpunta? Ooh baka naman..."pang-aasar ni Isabelle kay Jace

"Siempre para kay baby Clarace at isa pa kailangan ko ding dalawin si Clary.. gusto ko makapag-usap kami..." ani ni Jace

"Kung sa bagay.. halika ka na pasok ka sa loob gising na siguro si baby." Tugon ni Isabelle

Pagkapasok ni Jace, kaagad niyang tinungo ang nursery room. Hindi siya makapaniwala na masisilayan niya ang kanyang anak.

"Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip?" Ani ni Jace

"Totoo ang lahat ng ito Jace... sige kunin mo ang anak mo.. hawakan mo huwag kang matakot."tugon ni Isabelle

Dahan-dahang kinuha ni Jace ang baby. Kinarga niya ito sa kanyang mga bisig at pinagmasdan. Mangingilid-ngilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"Kay sarap mong pagmasdan... ang mata mo na tila mata ng Mommy mo.. at ang mga ngiti mo na napakatamis..."ani ni Jace

Kampanteng-kampante naman si baby Clarace habang hawak-hawak siya ng kanyang Daddy.

"Gustong gusto sayo ng baby ah..." ani ni Isabelle

"Nakakatuwa Isabelle... hindi pa din ako makapaniwala na ang batang hawak ko ay sarili ko ng anak." Tugon ni Jace

"Sige lang mag enjoy muna kayong mag daddy jan.. kukuha lang ako ng makakain natin."ani ni Isabelle

Naiwan ang mag-ama sa kwarto. Walang pinalampas na oras si Jace habang kapiling niya ang kanyang anak. Habang nakahiga ang bata, kinakapulong niya ito.

"Gagawin ko ang lahat para sayo anak..." ani ni Jace

Samantala, hapit naman sa pagtatrabaho si Clary, lalo ng malaman niyang may sakit siya. Ang lahat ng kanyang ginagawa sa ngayon ay para sa kinabukasan ng kanyang anak. May mga oras din na nakakalimutan na niya ang sarili niya dahil sa dami niyang trabaho.

"Fuck! Nakalimutan ko ang gamot ko.." sambit ni Clary sa kanyang sarili.

Maya-maya ay nakatanggap naman siya ng tawag mula sa kanyang doctor. Pinapapunta siya nito sa kanyang opisina para ibigay ang schedule ng kanyang Chemo therapy.

🖤+ FLASHBACK +🖤

🖤+ Clary & Doctor +🖤

Nang araw na siya ay nagtungo sa opisina ng doctor, doon niya nalaman ang lahat.

"Im so sorry Clary.. you have a leukemia." Ani ng doctor

Hindi nakapagsalita si Clary matapos niyang marinig ito mula sa bibig ng kanyang doctor.

"Nakailang ulit ako ng test... pero hindi nababago ang resulta." Ani muli ng doctor

"Magagamot pa naman po Doc diba?.. gagaling pa naman ako diba?" Tugon ni Clary

May ilang minutong tumahimik ang doctor.

"Im so sorry..." ani ng Doctor

"Doc..." tugon ni Clary kasabay ng kanyang pagluha

"Susubukan nating gamutin.. malay mo may awa ang Diyos.. mabigyan ka ng chance, to survive this stage 2 cancer." Ani ng doctor

Unti-unti namang nabuhayan ng dugo si Clary.

"Kahit ano po yan Doc.. kakayanin ko... kakayanin ko para sa anak ko.." tugon ni Clary

"Ok for now.. bibigyan kita ng reseta para sa medications mo.. huwag mong kakalimutan itong inumin. Then after  several days tatawag uli ako para sa schedule ng chemo mo." Ani ng doctor

"Sige po Doc.. salamat... sana maging ok ang lahat." Tugon ni Clary

Kahit ganoon pa man ang sinabi ng Doctor, hindi pa din maiialis sa isipan ni Clary ang kanyang pupwedeng sapitin.

🖤+ END OF FLASHBACK +🖤

Sa bilis ng mga pangyayari, halos hindi makapaniwala si Clary na kakailanganin niyang dumaan sa ganitong pagsubok. Gustuhin man niyang sumuko subalit lumalaban siya para sa kinabukasan ng kanyang anak.

"All of this is for you my sweetie.." sambit ni Clary sa kanyang puso at isipan kasabay ng pagpatak ng mga luha.

Matapos kumain sina Isabelle at Jace, iniwan muna niya si Jace sa bahay upang puntahan si Simon sa Gym.

"Jace, babalik ako kaagad may konting aberya lang sa gym."ani ni Isabelle

"Ok. Walang problema.. tatawag na lang ako sayo mamaya kapag hindi ko siya mapatahan." Tugon ni Jace

"Thank you Jace..." ani ni Isabelle

Subalit wala pang tatlumpong minutong nakakaalis si Isabelle ay pumalahaw na kaagad ng iyak si Baby Clarace. Nagpanic si Jace, sapagkat hindi niya ito mapatahan kahit ano pa ang ibigay at gawin nito. Agad naman niyang tinawagan si Isabelle.

RIINNGGGG...

"Oh Jace.. kakadating ko lang sa gym bakit ka napatawag?"

-Isabelle

"Si Baby hindi tumahan sa kakaiyak.. kanina ko pa sinusuyo."

-Jace

Tumawa ng malakas si Isabelle

"Check mo ang diaper.. yan lang ang sagot sa tanong mo kung bakit umiiyak at nagaalburuto si Baby."

"Damn! Ang daming popoo ni Baby."

"Haha good luck Jace babye!"

🖤+ END CALL +🖤

Hindi maintindihan ni Jace kung paano niya gagawin ang magpalit ng diaper.

"My God sweetie... ang dami neto" ani ni Jace

Kumuha ng wipes si Jace at dahan-dahan niyang nilinisan si Baby Clarace. Matapos iyon, pinagtimpla na niya ito ng gatas at saka pinadede. Nakatulog ang bata habang kandong niya.

Bigla namang umuwi si Clary sa bahay at pagbukas niya ng pinto, bumungad kaagad sa kanyang harapan ang mag-ama, tulog na tulog sila kaya dahan-dahan siyang pumasok.

"Jace??" Pabulong ni Clary

"Bakit sila lang ang tao dito, nasaan si Isabelle?" Tanong ni Clary sa kanyang isipan.

Bigla naman niyang natabig ang isang vase kaya naman nalaglag ito at nabasag. Ito ang pumukaw sa natutulog na si Jace.

"Cla—-clary!" Ani ni Jace

"Uhm Jace.. nasagi ng bag ko Sorry nagising kita." Tugon ni Clary

"Ok lang.. nakatulog pala ako." Ani ni Jace

Nagtungo si Clary sa kusina at kumuha ng walis at dustpan upang linisin ang nabasag na vase.

"Ako na, baka masugatan ka." Ani ni Jace

Tumayo si Jace at inilagay sa kuna si Baby Clarace ng dahan-dahan. Pagkatapos ay tinungo niya si Clary. Isa-isang pinulot ni Jace ang mga malalaking piraso ng vase.

Habang pinupulot niya, nakatingin naman siya kay Clary. Hanggang sa hindi niya namalayan, kamay na pala ni Clary ang kanyang hawak.

Napatingin si Clary kay Jace, halos tumagal ito ng ilang minuto hanggang sa nagsalita si Clary.

"Jace yung kamay ko." Ani ni Clary

Sabay bitaw ni Jace at siya namang pagtayo ni Clary. Batid ni Jace na tila galit pa din sa kanya si Clary sa ginawang pag-iwas na ito sa kanya.

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Loveisjustashowcreators' thoughts