"Mangako ka sa akin Lester, anuman ang mangyari ay mag-iingat ka! Babalik ako, babalikan kita Lester! Tandaan mo, akin ka. Akin ka! Pinakaiibig kita" Si Lester at Ezekiel ay nag-iibigan simula pa noon. Subalit si Ezekiel ay prinsipe ng mga engkanto. Noong malaman ng kanyang angkan na si Lester ang kanyang iniibig, lalake at isang tao, ay binalak nilang saktan ang binata upang mabura sa landas ng prinsipe. Hindi lingid sa kaalaman ng magulang ni Lester ang tungkol kay Ezekiel at tinanggap nila ang pagkatao nito. Subalit ng maganap ang trahedya ng pananakit kay Lester ng mga engkanto na halos ikamatay niya'y lubos na natakot si Ezekiel. Binura niya ang kanyang sarili mula sa alaala ni Lester upang magkaroon ito ng kapayapaan. At nagpanggap siyang matanda sa tuwinang magtatagpo ang kanilang landas masilayan niya lamang ang binata at makasama ng malapitan. Subalit nagbago ang buhay ni Lester ng magtungo ito sa Amerika makalipas ang maraming taon. Nakatagpo ito ng magandang babae sa katauhan ni Aubrey. Paano na ang pangakong Pag-ibig ni Ezekiel?
Nothing can save you Justice is lost Justice is raped Justice is gone
Naglakbay si Cheng Yan pabalik ng panahon, at naging isang marangal na prinsipe sa panahon ng Middle Ages ng Europe. Ngunit ang mundong ito ay hindi kasing simple tulad ng inaakala niya. Mga witch na may mahiwagang kapangyarihan, mga katakot-takot na digmaan sa pagitan ng Simbahan at mga kaharian ang bumabalot sa buong lupain. Si Roland, isang prinsipe na itinuturing na walang pag-asa ng mismong kanyang ama at itinalaga sa pinakapangit at malalang fief o lupain, ay ginugol ang kanyang oras para paunlarin ang isang napakahirap at isang backward na bayan at gawin itong isang malakas at modernong lungsod, habang nakikipaglaban sa kanang mga kapatid para makamit ang trono at makuha ang kontrol sa buong kaharian. Samahan si Roland sa pagtulak niya sa mga kampon ng kasamaan sa pamamagitan ng pakikipaglaban o pagsasaka, habang kinakaibigan niya ang mga witch.
Ang librong ito ay naglalaman ng iba't ibang storya ng pag-ibig at mayroon ding fiction thriller na makaaaliw sa mga babasa.
Ring for god, book for darkness, power for man, throne for king. Singsing para sa mga diyos at libro para sa kadiliman at kapangyarihan para sa kalalakihan,trono para sa hari. Bawat lahi ay may mga tungkolin na kailangang gampanan sa nuhrim eartin at bawat hari ay may karapatang pamunuan ang kanyang masasakop. Ang singsing ng mga diyos ay pipili ng karapat-dapat na magiging hari ng white mountain, ang singsing ang magsasabi kung sino ang itinakdang mauupo sa gintong trono ng mga elves. Written by Chris servano
WARNING: LGBTQ+ Theme, R-18. Read in your own responsibility. Sa alitan ng dalawang nayon, ang pinunong si Aparo ay hindi ninanais ang magsimula ng gulo. Ang balak na pakikipag-ayos ay naging hindi inaasahang away mula sa pinuno ng karatig-nayon na si Dakum. Malakas ang kanilang panig kung kaya'y nakayanan niyang bihagin si Aparo sa kaniyang inihandang selda. Noong unang panahon, ilang kuwentong pag-iibigan na ba ang iyong napakinggan? Si Aparo at Dakum ay mga magigiting na pinuno na malabong magkaayos, ngunit paano nga ba nila maibabaligtad ang kanilang pananaw sa isa't isa? Alab at bugso. Isipan, damdamin at katawan. Sikretong katauhan dahil sa mga kakaibang katangian, paano nga ba aaminin ni Dakum? Paano nga ba mangingibabaw ang mainit na pag-iibigan sa gitna ng malamig na pagtitinginan? --- Theme: LGBTQ+ (BoyxBoy), Werewolf, Historical.