webnovel

Final Chapter

"I LOVE the dessert. Wala akong itulak-kabigin kasi lahat sila gusto ko," sabi ni Temmarie, ang model ng Stallion Shampoo and Conditioner at asawa din ng isa sa mga member ng Stallion Club. "Congratulations! Even my husband loves it!"

"Thank you, Temmarie," pasasalamat ni Rhea. "It was Miles' idea to add more menus and make sure that they are low in calories so everyone would love it."

"Successful siya dahil may magaling akong mentor. And of course, Chef Gino really supported us. He trusts us," buong pagmamalaki niyang sabi. Lahat ng guests pati ang mga diet conscious na guest ay nagpakasawa sa dessert nila. Anniversary nila at ikatlong araw din ng open tournament. Rider's Verandah was buzzing with guests. Di lang para sa tournament kundi para sa bago nilang dessert.

"Congratulations, hija! You made a miracle. Kahit ako napakain ng choco Bavarian," sabi ni Amado Santayana, ang daddy ni Gino.

"Thank you, Sir," sabi naman niya.

"Aba! Tama na ang kwentuhan ninyo," wika ni Dorina. "Magpe-perform na ang apo ko at mag-aalala iyon kapag di tayo nakita. Kaladkarin na si Miles sa kotse."

"Lola, susunod na lang po ako. Hindi pa po ako nakabihis."

"Male-late ka, Miles," sabi ni Priscilla. "Di naman importante kay Gino kung ano ang suot mo. And besides, you look great on your sous chef uniform."

Matapos magpaalam sa manager niya at sa chef niya ay tumuloy na sila sa arena na ginaganapan ng dressage competition. Her eyes were at the arena. Di niya pinansin ang nang-uuring tingin sa kanya ng ibang mga audience. Namumukod-tangi kasi siyang di umaayon sa standard uniform ng audience.

Di niya magawang pumalakpak nang si Gino na ang lalaban sa sobrang kaba. Ito ang huling contastant. He was wearing solid black coat, white breeches, stock tie na may golden pin and tall dress boots. Dressage was known as Horse Ballet. Iikot ang rider at ang kabayo sa arena at titigil sa bawat letra kung saan may ipe-perform itong routine. Huhusgahan ang kabayo at ang nakasakay dito depende sa galing ng dalawa. Ang pinakamataas na score ay ten. At umaasa siyang makuha iyon ni Gino.

Di siya halos humihinga hanggang matapos ni Gino ang lahat ng test. Nang I-reveal ang score, nakakuha ng dalawang nine si Gino at ang iba ay ten. "Nanalo siya, Miles. He got the highest score!" tili ni Priscilla at napayakap sa kanya.

Umulan ng bulaklak sa arena nang ideklarang si Gino ang panalo. Halos lahat ng babae sa arena ay pangalan nito ang isinisigaw. Matapos I-award kay Gino ang thropy ay nagsalita si Reid. "According to the Stallion Riding Club's tradition, the winner will get the chance to ride the horse with the girl he chooses and walk around the arena. That means that the girl is the most special girl in his life."

"Take me, Gino!" sigaw ng isang babae sa likuran niya. Lumakas ang tilian sa likuran niya nang pumunta si Gino sa direksiyon nila.

Tumigil sa harap niya si Gino at inilahad ang kamay. "Miles, I want you to ride with me. Please," pakiusap nito.

Nanlamig ang kamay niya nang hawakan ang kamay nito. Di magkamayaw sa pagpalakpak ang mga kamag-anak ni Gino at ang mga kaibigan nito. She didn't care about the girls calling her bitch. Dahil ang atensiyon lang niya ay nasa kay Gino. At hahayaan niya ang mga babaeng iyon na mamatay sa inggit.

"Now, everyone will know that you are the woman I love," bulong ni Reid at hinalikan ang buhok niya. "Akala ko kanina, hindi ka dadating."

"Nag-promise ako, di ba? Kahit pa matalo ka, manonood ako. I will here for you always because I love you," sabi niya at ngumiti.

She also felt his lips smile against her hair. "I know," bulong nito.

Gumaan ang pakiramdam niya matapos sabihin ang nararamdaman dito. Parang iyon na lang ang kulang at kumpleto na ang kaligayahan nila ni Gino.

"Alam ko na weird ako dahil sinabi sa iyo ni Lola na umiyak ako matapos manood ng All My Life. You know why I cry everytime I watch it?"

"Why?" tanong niya at tiningala ito.

"Dahil natatakot ako na mawala sa mundo nang di ko natatagpuan ang babaeng mamahalin ko at magmamahal sa akin. That I won't be able to sing that song to someone? Pero ngayon, hindi ba ako natatakot kasi nandito ka na."

Humilig siya sa dibdib nito at pumikit. "Please sing that song for me, Gino."

"I guess what I am really trying to say. It's not everyday that someone like you comes my way."

"No words can express how much I love you," sumabay siya sa kanta nito.

Nang tingalain niya ito ay nakangiti ito sa kanya. He lowered his face and kissed her in front of the whole arena. She felt like she was the luckiest girl in the world to have to Gino.

Maybe the whole world would hate his singing voice. But it was the loveliest voice she had ever heard. Because Gino was singing it for her and he was the man she loved the most.

I hope you enjoyed my first Stallion novel.

There's more to come. Please share it to your friends. Mas marami dito, mas masaya!!!

Sofia_PHRcreators' thoughts
Chapitre suivant