Babalik na sana ako sa 'space' ni Mr. Masungit para alamin kung hindi na ba siya high blood ng may tumawag sa akin.
"Thiara..."
"Doctor Gonzalvo!"
Lumapit siya sa akin. "Wag ng Dr. Gonzalvo, Fredrick na lang. Ikaw naman masyado kang pormal samantalang tatlong taon lang ang agwat natin."
Natawa naman ako sa sinabi niya. "Okay kung yun ang gusto mo Fredrick."
"Pwede bang mag-usap muna tayo."
Tumingin ako sa pintuan. Siguro naman okey lang siya kung makikipag-usap muna ako sa personal doctor niya.
Tumango ako sa kanya. "Okay lang."
Tumango-tango siya sa akin. "How is he?"
Ahh si Monster … "I think he's okay."
"Good. Alam ko naman na you handle the responsibility of being his nurse dahil nahihirapan ka ng maghanap ng personal na nurse niya hindi ba?"
Tumango ako sa kanya. "Yup..." At sa totoo lang nahihirapan na akong makibagay sa kanya, first day pa lang!
"I admire you. Kung ako siguro yun, tulad ng naunang mga nurse susukuan ko na siya." Sinabi mo pa…"I was just really curious kung bakit ikaw na mismo ang nag volunteer na mag-alaga sa kanya samantalang hindi ka man lang niya kamag-anak."
Napabuntung-hininga ako at napaisip sa tinanong niya. If only I can say the real reason kaso hindi pwede... "Thank you for admiring me Fredrick. Let's just say I want to have new experience. By the way, alam mo naman na I've just arrived last week para malaman yung kalagayan niya… Ni..." Teka lang hindi ko pa pala alam yung pangalan ng pasyente ko! "Ano nga ba ang pangalan niya?"
He laughed. "His name is Keanne Josh Lacey."
Ahh so Keanne naman pala ang pangalan niya... "Gusto ko lang malaman kung ano talaga ang nangyari sa kanya?"
"I know you they informed you about the last month tragic accident happened in Batangas where a civic Honda crashed in a cliff. It has three passengers. One is the driver which had died immediately; the second is a girl…" Napapikit ako dahil kilalang-kilala ko na ang tinutukoy niya…
"The girl had reported been dead on arrival after she reached to the nearest hospital and lastly is Keanne who is the only one who survived. Keanne's condition is not good. He is 100% disable if not he will pushed his self to walk. Ayaw niyang subukan maglakad..."
Ayun pala ang nangyari sa kanila… Si Keanne lang ang nabuhay at ang masakit pa totoo ngang baldado na siya. Mukhang mahihirapan talaga ako na alagaan siya lalo ng pilitin siyang maglakad.
"Eh bakit andami niyang benda sa mukha?"
"His face was fully damaged. The broken pieces of the car's mirror had inserted to his face. Luckily, his eyes didn't have damage at all."
Kaya naman pala... Ano nga kaya yung hitsura niya ngayon? Sa totoo lang naawa ako sa kanya.
"Dr. Gonzalvo, emergency call sir." Nagkatinginan kami parehas sa dumating na nurse. "Naku ang hirap talagang maging doktor... Sige na Doc, pumunta na kayo sa E.R."
"Nice talking with you Thiara. If any problem has occurred, just call me." At nagmamadali na siyang pumunta ng ER.
Ako naman kailangan ng pumasok 'Keanne's space'…
"Bakit ang tagal mo atang bumalik?" Aba nagsusungit na naman tong lalaking eto! Hindi ko talaga maintindihan siya! Pag-andito ako pinapaalis niya ako tapos pag-umalis naman ako hinahanap ako… Ibang klase!
"May kinausap lang po ako Mr. Keanne…"
Napatingin siya sa akin. "Sinong nagsabi sa iyo ng pangalan ko? Ang tumatawag lang sa akin nun ay mga taong malapit sa akin."
Okay fine! "Well, you now should consider me as a close friend lalo na at pasyente kita."
"You're not a friend, I consider you my 'personal' maid. Nagugutom na ako..." At tumalikod siya sa akin.
Aba! Sobra na talaga tong lalaking to ha! Ang kapal inutusan pa ako!
"Pwede ka naman tumawag sa intercom at manghingi ng food di ba?"
"Will you just do it to me 'maid'?"
Nilapitan ko siya. Talagang inaasar talaga ako nitong lalaking eto ha. "Hindi ako maid mo... Nurse ako at may pangalan ako..."
"Okay if that's what you want, so what's your name?"
"Thiara... Thiara Marielle Walton."
Tumango-tango siya sa akin. "Okay… Thiam…"
Ano? Thiam? "THIARA not Thiam..." Ang ganda-ganda ng pangalan ko!
"Thiam, yung pagkain ko at nagugutom na ako." At tinulak niya ako papunta sa pintuan. Bago pa ako makapagprotesta ay nasaraduhan na niya ako! Grabe talaga tong lalaking to!
Nagmadali akong bumaba at umorder ng pagkain ni Mr. Sungit! Ayoko siyang tawaging Keanne dahil nakakainis siya... Tama bang Thiam ang ipangalan sa akin na parang Kikiam?
"Eto na po ang pagkain nyo Mister..." At nilapag ko sa harapan niya. Nakahiga na siya.
Tinignan niya ako ng masama bago tinitigan yung pagkain sa harapan niya "Is that a food? Parang kanin baboy at ayoko niyan..." At tinapon niya sa sahig yung kinuha kong menudo, kanin at banana! Sobra na talaga tong lalaking eto.
"Alam mo…" At pinasukan niya ng mansanas yung bibig ko. "Will you just order me, a coffee from Starbucks, chicken from Max and a one can of fruit."
Aba! Masyado naman ata mangarap nitong lalaking eto na utusan akong bumili ng gusto niya!
Tinanggal ko yung mansanas sa bibig ko. "Kung gusto mo magkaroon nun, bumili ka... I'm sorry pero tapos na ang shift ko, uuwi na ako."
Aalis na sana ako ng biglang may narinig akong nabasag.
Yung vase sa cabinet niya hinagis niya sa sahig!
"Will you buy what I want or you want me to crash the whole things in this room?"
Tinignan ko siya. "This will be the last time I follow you!" At lumabas na ako ng kwarto niya.
"Here's the food that you want Mister." At nilapag ko sa harapan niya. Nakahiga na siya as usual ay pagkakaiba nga lang ay nakapikit na siya.
Mukhang tulog na ata at isa lang ibig sabihin nun…
"Hoy gumising ka nga diyan! Nakakainis ka ha! Uutusan mo kong bumili ng gusto mo tapos tinulugan mo ko!" Talagang sinasagad na nito ang pasensiya ko ha!
Hindi pa rin siya gumigising... Hay wala na nga talaga akong magagawa. Tulog mantika ang lalaking eto!
"Okay fine! Iiwan ko dito etong pinaorder mo. Aalis na ako…" At papalakad na sana ako ng biglang hinawakan niya yung kamay ko tapos…
"Alaine…"
Dangerous To Know
Some secrets need to be kept
Some stories should never be told
Some reasons shouldn't be understood
They just might turn your blood cold
Who needs all the answers?
Who takes all the chances?
Who said the truth's gonna save you?
When the truth could be dangerous?
Like the way I feel
It's alright to steal
What I need from you
Do what I have to do
Say what I have to say
Go where I have to go
And that's dangerous
Dangerous to know (know, know, know)
-Hilary Duff
Napakagat ako sa labi at napatingin sa kanya. Bumilis yung kabog ng dibdib ko.
Hinahanap niya… Hinahanap niya si…
"Alaine…"
Lalo niyang hinigpitan yung paghawak niya sa kamay ko. Pilit kong tinatanggal kaso sa bawat attempt ko ay lalo niyang hinihigpitan.
"Keanne…" Tinawag ko yung pangalan niya, nagbabakasakaling magigising siya dahil alam kong nanaginip siya.
Pero hindi pa rin niya binuksan yung mga mata niya at muling nagsalita…
"Alaine... why aren't I'm seeing you? Where are you? Wag mo kong Iiwan ha… Natatakot ako…"
May ugaling bata rin pala ang bugnutin na lalaking eto. Para siyang isang inosenteng bata na naghahanap ng kalinga ng ina pero sa pagkakataong eto hindi isang 'ina' ang kailangan niya kundi isang mahalagang tao sa buhay niya. Ang masakit nga lang yung mahalagang tao na yun ay…:-X
"Keanne… Bitawan mo na yung kamay ko please…"
Natakot ako ng bigla siyang umupo at nilagay yung kamay ko sa chest niya particularly sa puso niya.
"Dito ka lang, hindi kita papayagang umalis…" At humiga na siya ulit.
Naku naman! Mukhang imposible na akong makaalis dito ngayon.
Hirap man ay nakuha ko rin sa wakas yung cellphone ko. Alas-diyes na ng gabi at tiyak na nag-aalala na sa akin si Pola.
"Hello Pola."
"Where are you? Malapit ka na ba sa apartment?"
"Andito pa kasi ako sa ospital at pasensiya na dahil hindi na ako makakauwi kaya wag mo na akong hintayin."
"Why? Hindi ka ba pinayagan niyang pasyente mo?"
Hindi lang hindi pinayagan gusto pa atang bantayan ko siya dito. Hay pa-espesyal talaga! "Ah ano kasi…"Paano ko nga ba sasabihin eto? Paano ka ba ipapaliwanag etong hitsura namin ni Keanne ngayon kay Pola?
Nakahiga kasi etong si Mr. Sungit na hawak yung kamay ko at take note nakalagay pa sa chest niya at ako naman nakatayo malapit sa kama at halos mangatog na yung paa ko sa sobrang lamig. Hindi naman ako makaupo dahil baka pagkagalaw ko, gumalaw din eto at saan pa maipwesto lalo yung kamay ko!