webnovel

she loves her (gxg)

Isang babaeng nangangalang Megan Juxred na kilalang workaholic na tao. Sa sobrang dami niyang ginagawa sa trabaho na hindi na rin niya naaasikaso ang pagkakaroon ng kanyang lovelife. Sa palagay niya, maraming lalaki sa paligid niya kaya sinasantabi niya na lang ito. Paano kung naubos na ang mga lalaki na nasa paligid niya at natira na lang ang mga babae? Matatanggap niya bang magkakagusto siya sa kapwa niyang babae o handa siyang mag-isa habang buhay?! ABANGAN!

itsleava · LGBT+
Pas assez d’évaluations
49 Chs

Chapter 4

MEGAN

Paglipas ng isang oras, natapos ko na rin ang aking gawain. Naalala ko pala na kailangan kong pumunta sa practice room ng QoH. Nagpalit na rin ako ng damit.

Lumabas na ako sa office ko. Pagkalabas ko, napansin ako ni Quinn at binigyan ako ng ngiti mula sa kanya.

"Pupunta na ako sa third floor, Quinn. Kung tapos ka na sa gagawin mo, pwede ka na rin umuwi." sabi ko sa kanya.

"Pagkatapos mo ba sa kanila, uuwi ka na rin?" tanong niya sa akin.

"Yes. Hindi ko alam kung anong oras ako matatapos. Matatagalan ako nito sa palagay ko." sabi ko at tumango ito.

"Sige, Megan. Maya-maya aalis na rin ako. May lakad din ako eh." paalam niya sa akin at nginitian ko siya.

Dumeretso na ko sa elevator at pumasok ako. Pinindot ko agad ang 3rd floor.

Pagkadating ko sa 3rd floor biglang nagbukas ito.

Nagpatuloy na akong naglakad papunta sa practice room nila at pagkarating ko, kumatok ako.

Sumilip ako sa bintana nila na nakikita ko ngayon nagpapractice silang lahat.

Mukhang pinaghandaan nila ang performance nila dahil pawis na pawis sila. Binuksan ko ang pinto at pumasok ako.

Napatigil silang sa kanilang ginagawa at yumuko sila sa akin. Napaupo sila sa lapag habang ako nakatayo lang sa harapan na nakasandal lang sa lapag. Gusto ko rin pagsabihan si Scarlet sa ginawa niya sa akin kanina.

Mayayari siya sa akin.

"Magsisimula na po ba kami?" napalingon ako at sinara ni Thea ang music.

"Yes. I need to see your performance." sabi ko at nagform na sila ng position nila. 

Nagstart na rin ang music at mukhang maganda naman vibes ng kanta nila.

Medyo nagustuhan ko rin ang beat sa umpisa. Na-unang kumanta si Mia, okay naman boses niya dahil nasa tono naman 'to. Mukhang sabay-sabay naman sila sumayaw sa pre-chorus na kinakanta ngayon ni Chloe.

May napansin akong mukhang hindi kabisadong part sa kanila na si Zoe dahil may nakikita akong napapatingin siya sa kanyang kaharap.

Ayoko sa lahat merong kumokopya ng galaw. Kasi kitang-kita talaga kapag nasa harap ka.

Patapos na ang chorus na kinakanta ngayon ni Scarlet pero nagulat akong iniipit niya boses sa bandang high note sa dulo.

Napailing ako dahil mali ang kanyang ginawa.

Pero sa kanyang pagsasayaw, bigla siyang kumindat sa akin. Nagulat ako sa ginawa dahil hindi ko inasahan na kinindatan niya ako o sadyang ilusyunada lang ako.

Sa pangalawang verse na sila, ito yung part ni Camille. Mukhang maganda ang expression ni Camille at may charm itong dalang-dala.

Gusto ko rin ang kanyang boses.

Magaling din sumayaw. Nasa pre chorus na kami, sa part ni Thea.

Mukhang naririnig ko na lang ang kanyang hinga kaysa sa kanya niya dahil sobrang bigay na bigay ito sa pagsayaw. Napasapo na lang ako sa ulo.

Maganda naman ang choreo at kanta pero yung pagpapakita ng performance lang nila doon sila palpak.

Ganoon din ginawa ulit ni Scarlet iniipit niya talaga sa high note.

Nawalan na ako ng gana kaya kailangan nang ihinto itong kalat nila. Kailangan nila ito linisin.

"Stop." sabi ko at bigla silang napatigil sa pagsasayaw at naririnig kong hingal na hingal si Thea.

 

"Si Camille lang nakakagawa ng maayos sa inyo. Pero yung iba, kumokopya na lang sa harapan kung ano next na step at position. Also, Scarlet how did you become lead vocalist kung hindi ka marunong maghigh notes? Bakit mo pinipilit boses mo? Ibuga mo dapat." naiinis kong sabi habang nakayuko silang lahat.

 

Napatingin ako kay Thea. "Thea, huwag mong ibigay lahat ng power mo sa sayaw kaya hindi ka na makakanta ng maayos kanina na binibigay mo ng todo sa pagsayaw mo." dagdag kong sabi sa kanya at tumango siya.

Sobrang badtrip ako dahil ito makikita kong performance na sobrang kalat. Hays!

"I'll give you another chance. Bibigyan ko kayong dalawang araw para ayusin lahat. Kapag hindi pa maayos performance niyo, disband agad." sabi ko sa kanila at tinalikuran ko na sila. Ipinakita ko kung gaano ako kabadtrip kanina.

Lumabas na agad ako ng kanilang practice room nila. Narinig kong kumalabog pagsara ng pinto.

Naglakad na ko papuntang elevator at may narinig akong tumatakbo mula sa akin likod pero binalewala ko 'yon. 

"Ms. Megan!"

Tumigil ako at napalingon ako kung sino tumatawag sa akin. Inilahad niya sa akin ang box ng brownies na hawak niya.

Si Scarlet.

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @itsleava

> twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts