webnovel

she loves her (gxg)

Isang babaeng nangangalang Megan Juxred na kilalang workaholic na tao. Sa sobrang dami niyang ginagawa sa trabaho na hindi na rin niya naaasikaso ang pagkakaroon ng kanyang lovelife. Sa palagay niya, maraming lalaki sa paligid niya kaya sinasantabi niya na lang ito. Paano kung naubos na ang mga lalaki na nasa paligid niya at natira na lang ang mga babae? Matatanggap niya bang magkakagusto siya sa kapwa niyang babae o handa siyang mag-isa habang buhay?! ABANGAN!

itsleava · LGBT+
Pas assez d’évaluations
49 Chs

Chapter 2

MEGAN

Nakarating na ako sa 7th floor dahil andoon ang main office ko. Pagbukas ko, naka-abang na si Quinn at nakasuot ito ng proper attire ng secretary.

Dumeretso agad ako sa aking office habang sinusundan niya ako sa aking likuran.

Pagdating ko sa loob, nakita ko si Clown na naka-upo kasama niya ang kanyang manager.

Yumuko lamang 'to at medyo kabado ngayon ang kanyang manager.

Ngayon, magka-harapan kaming nakaupo.

Naisipan kong kunin kay Quinn ang kontrata.

Balak kong kanselahin ang debut ni Clown dahil lumabag siya sa policy ng EyeRed. Hindi siya makakatakas sa akin.

"Saan ang kontrata ni Clown, Quinn?" tanong ko kay Quinn pero biglang tumayo ang kanyang manager niya para pigilan ang pagbigay ng kontrata sa akin.

Pinigilan niya ang pagkahawak niya sa braso ni Quinn.

Kunot-noo ako sa kanyang ginawa, "Bakit mo siya pinigilan?", galit na sabi ko.

Bumaling ako sa kanya, "Ahh eh.... I am really sorry, Ma'm. Pero bigyan niyo po kami ng chance para bumawi kami sa inyo." nagmamakaawang sabi ng Manager ni Clown.

Pero napatingin ako kay Clown.

Nakayuko pa rin ang loko.

Bait-baitan lang kapag kaharap ko pero kapag nakatalikod ang daming ginagawang kababalaghan.

"Clown, ano ba siya sa buhay mo?" seryosong sabi ko at dahan-dahan siyang tumingin sa akin.

"Girlfriend po." malakas na loob na sabi niya at kinuha ko agad ang kontrata niya.

"Alam mo naman ang policy sa EyeRed diba? No dating in 7 years. Pero hindi pa umaabot ng 7 years ay sumusuway ka na. Mag-isang taon ka palang dito sa EyeRed, Clown. Gumagawa ka na nang ikakasira sa imahe mo at sa EyeRed." inis kong sabi sa kanya.

"Do you want me to continue your career o pagpapatuloy mo na lang pagkakaroon ng relasyon sa kanya?" dagdag kong sabi at nakita kong napa-facepalm ito.

Hindi niya alam siguro kung ano gagawin niyang desisyon ngayon. Sana aminin niya ang kanyang pagkakamali.

Sana rin napagtanto niya na nagkaroon siya ng karera dahil talentado siya at hindi para lumandi dito sa EyeRed.

"I want to continue my career. I am really sorry, Ms. Megan. " sabi ni Clown.

Nilapag ko ang hawak kong kontrata at masinsin ko siyang tiningnan ng seryoso.

"End your relationship with her. Now. I'll let you continue your career." bilin ko sa kanya at tumango ito, "But.." sabi ko habang naghihintay na idugtong ang dapat kong sabihin sa kanya.

"You will be hiatus in 3 months. Walang promotion na magaganap. Ibig sabihin walang kakanta. Walang album, Single at concerts. Papayagan lang kita sa mga taong nag-aalok ng endorsement. Masyadong mainit ang balita ngayon tungkol sa'yo kaya pinapalamig ko lamang. That is your punishment. Sana maintindihan mo." pagtatapos kong sabihin sa kanya.

Napasapo siya sa kanyang ulo ang manager ni Clown habang tinatapik niya sa likod ito.

Tumango si Clown at inalok niya ako ng hand-shake. Tinanggap ko naman ito at tumayo na kami. Nagpasalamat sila sa akin. Ngayon, gabay silang dalawa ni Quinn para umalis sa aking opisina.

Napaupo na lamang ako sa couch dahil nalutas ko na rin ang aking problema. Biglang tumunog ang telepono sa aking desk. Tumayo na ako para sagutin ang tawag.

"Hello?" sinagot ko ito.

"Anak! Anong nangyari sa issue ni Clown? Kanina pa ako tumatawag sa'yo."

"He is going to be hiatus in three months pero pinayagan ko naman siyang tumanggap ng endorsement niya, Mommy."

"Good job, daughter. Hindi ako nagsisi na ikaw pumalit sa akin. Bantayan mo si Clown masyadong lapitin ng issue 'yan."

"Bakit, Mom? Merong issue si Clown?! Ano 'yon?"

"Maraming nakakita kay Clown na may kausap na babae. Pero nilabas ko na lang na statement sa EyeRed na wala silang relasyon kahit sa totoo lang nililigawan ni Clown 'yon. 'Yon yung sabi ng manager niya dati."

"Okay. Kailangan ko talaga bantayan 'yon. Still they didn't know the policy in EyeRed na walang magdadate kapag hindi pa tapos ang 7 years. Naiirita ako, Mom."

"Anak, sometimes they need happiness sa buhay nila. Kailangan nilang magsakripisyo para sa kanilang mahal kaysa sa career nila. You need to understand that, Meg."

"I know. Pero pumasok sila dito sa EyeRed so they need to follow the rules."

"Walang artistang susunod sa 7 years rules na 'yan. Nagsisilbing lang yang challenge sa mga artists. Kapag sinunod nila 'yon, magiging swerte career nila. Kapag hindi, mawawalan sila ng trabaho."

Nakita kong binuksan ni Quinn ang pinto ng office ko. Medyo malaki talaga ang aking office pero kitang-kita ko yung pinto sa malayuan kung sino nagbukas.

Nakatambay lang si Quinn sa pinakadulo habang kausap ko si Mommy.

"Alright, Mom. I have to do something. Mukhang may mahalagang sasabihin si Quinn sa akin."

"Okay, Megan. Ikaw na bahala dyan. Bye! I love you!"

"I love you too, Mom." sabi ko at binaba ko na agad ang linya namin. Napatingin agad ako kay Quinn.

"Come here." utos ko sa kanya at dali-dali itong pumunta sa akin.

Mukhang attractive ngayon si Quinn. Lagi siya nakangiti ngayong araw. Napansin ko kasi mga nakaraang araw medyo plain lang ang smile niya.

Pero ngayon, mayroong something sa kanyang ngiti. Ano kaya 'yon? At saka blooming ang awra niya ngayon kaya napangiti ako sa kanya.

"Wow, Megan. You are smiling at me." sabi ni Quinn habang nilalagay niya sa akin ang mga reports from my table.

"Well, you look great today. Sino kaya nagpa-blooming sayo?" inaasar kong tanong sa kanya at natawa ito sa akin.

"Meron akong ka-date later." sabi niya sabay smile sa akin. "Sana all." pabiro kong sabi sa kanya. Natawa naman si Quinn.

Tumingin ako sa relo ko dahil wala pa akong breakfast at lunch ngayong araw. Ala una na pero hindi pa ako nakakain.

Biglang malakas tumunog ang aking tiyan. Ngayon ko lang naramdaman na nagugutom ako at napatingin kami sa isa't isa ni Quinn.

Natawa na lang kami.

"Kailangan mo nang kumain, Megan. Tara sabay na tayo." sabi niya sa akin.

Sinamahan ako ni Quinn sa isang fastfood restaurant dito sa 6th floor dahil panay kalam ng sikmura ko.

Si Quinn na rin nagsilbi sa akin kung ano dapat ko kainin. Sinabi ko sa kanya na hindi ko kailangan magdiet dahil gutom at late na' ko nagising ngayon araw.

Tutal, nasa wisyo pa ako ng hangover bangag pa ako sa lagay na 'to. Kakayanin naman. Batikan na akong manginginom.

Ilang minuto lang nakita ko si Quinn na dala niya ang aking order at sa kanya rin. Nilapag niya sa table ang mga pagkain.

Kinuha ko na ang aking disposable spoon and fork. Umupo na siya.

"Let's eat." aya ko sa kanya.

Nagsimula na kaming kumain dalawa.

Habang kumakain kami nang tahimik, nakita ko ang babaeng nakilala ko sa elavator kanina.

Pito silang magkakasama at sila ay nagtatawanan. Papasok din sila dito sa Mcdo na ngayon ay kumakain kami dito.

Buti na lamang dito kami sa sulok ni Quinn nakaupo at nakasuot akong jacket na itim na walang nakakakilala sa akin.

"Sino tinitingnan mo, Megan?" tanong niya sa akin.

Nagsimula na akong magkwento ngayon ang nangyari kanina sa elevator kung paano ako trinato ng babaeng 'yon.

Natawa naman si Quinn pagkatapos kong magkwento sa kanya. Tinatawanan pa akong ng lokong 'to.

"Hindi ka talaga pagkakamalang CEO n'yan dahil sa damit mo ngayon para kang nagtatrabaho sa 1st floor." natatawang sabi ni Quinn.

"Nang-iinsulto ka ba?" iritang taong ko at tinawanan lang ako ng loko.

"Kilala mo ba ang katabi niya na nakaputing buhok. Siya 'yon." naiinis kong sabi kay Quinn.

"Ah! Mga Queen of Hearts 'yan. Makikila mo naman sila isa't isa. At saka sila dapat mong i-focus dahil malapit na sila magdebut." sabi ni Quinn habang kinigat niya burger niya at uminom agad siya ng softdrinks.

Habang kumakain kami ni Quinn, napatingin ako sa kanila. Mukhang nagkakasiyahan sila ngayon at napatingin din ako kay Elevator Girl.

'Elevator Girl' na lang itatawag ko sa kanya.

Nagkasalubong aming mga mata kaya agad-agad akong umiiwas ng tingin sa kanya. Tumingin na lang ako kay Quinn. Mukhang kailangan na namin umalis baka makilala pa ako.

"Kailangan na natin umalis." sabi ko kay Quinn at medyo nagulat siya sinabi ko.

Tumayo ako sa kina-uupuan ko at nagmadali na akong lumabas ng Mcdo kahit hindi pa namin ubos ang aming pagkain.

Sa totoo lang, gusto ko makita ang kanyang ekspresyon kapag nakita na niya ako sa personal kung sino nabangga niya kanina sa elevator. BWAHAHAHA!

Andito agad ako sa harap ng elevator at napatingin ako sa katabi kong hingal na hingal. Napatingin siya sa akin kahit hinihingal siya.

"Megan, kakakain lang natin pero biglang sumakit ang aking tagiliran ng tiyan 'ko dahil minamadali mo ako." sabi ni Quinn habang hingal na hingal ito.

"Takot ako sa multo." sabi ko na lang kay Quinn. Wala lang ako masabi kaya 'yon na lang sinabi ko.

Biglang bumukas ang pinto ng elevator at inaasahan kong wala ng tao nanggaling sa opisina ko. Ngunit, nakita kong may isang babaeng lumabas. Nagulat ako.

"Megan Juxred!!" sinalubong ako ng yakap ng aking kaisa-isang bestfriend ko na si Hannah.

"I have to go, Megan." rinig kong sabi ni Quinn at bigla akong kumawalas sa yakapan namin ni Hannah.

"Yes. Just call me kapag andoon na sa office ang Queen of Hearts. Magkakamustahan muna kami nitong si Hannah." sabi ko at tumango ito sabay pasok sa elevator.

May kinuha siya sa bulsa niya at winagayway niya ang kanyang phone at nabasa ko ang binuka niya sa bibig niya. 'Huwag kang magsilent.' Tumango ako.

"Lets go, Megan. Coffee tayo?" alok sa akin ni Hannah at ngumiti ako sa kanya.

***

Mukhang gusto ko pa ipagpatuloy ang aming kwentuhan pero kailangan ko nang putulin ito.

Napansin ko lang na kung ilang oras na kami nag-uusap sa coffee shop pero sa palagay ko mga isang oras na. Wala pa rin naman akong natanggap na call mula kay Quinn.

"Excuse lang, Hannah. May I use my phone right now? I need to check something." tanong ko sa kanya.

"Sure! why not, Meg?" sabi nito akin sabay sip ng paboritong coffee nito.

Binuksan ko ang aking phone pero nagulat akong lowbat itong phone ko dahil nakared battery ang sign pagbukas ko. Sh*t!

Baka kanina pa tumatawag si Quinn sa phone ko. Bigla akong nag-ayos ng aking sarili at tumayo agad ako.

"Where are you going?" nagtataka na tanong ni Hannah sa akin.

"I have to return my office right now may meeting ako. At saka lowbat phone ko kaya wala ako matanggap na calls ng secretary ko." nagmamadaling sabi sa kanya.

"I need to go. Sorry, Hannah. Bawi ako next time." sabi ko sabay kaway ko kay Hannah bilang paalam.

Nagmamadali na akong pumunta sa elevator.

Bilis! Bilis!

Pagdating ng elevator sa 7th floor, bumukas ito at lumabas agad ako. Nakita kong panay pabalik-balik si Quinn na bakas sa mukha niya problemado ito habang tinatawagan ako sa phone. Napalingon si Quinn dahil narinig ang aking yapak.

"Kailangan mo na magmadali. Nasa loob na sila."

"I am really sorry, Quinn. Lowbat yung phone ko. Kanina ko lang nacheck na lowbat talaga. I am really sorry talaga." sincere kong sabi sa kanya.

"Pumasok ka na sa office." sabi niya at nauna na siya pumasok sa loob.

"Andito na yung CEO at paumanhin sa inyo dahil may inasikaso lang ito saglit." rinig kong sabi ni Quinn at pumasok na ako.

Nagbow ang mga girls sa akin maliban sa isang babaeng gulat na gulat ang itsura niya at nakaturo sa akin habang tinatapik niya ang kanyang katabi.

"I am Megan Juxred. CEO ng EyeRed Entertainment Company. Nice to meet you." seryosong bati ko sa kanila.

"Oh my Ghad!"

Like it ? Add to library!

Don't forget to leave some votes and comment in my story.

if you have time, follow my social accounts below:

> wattpad: @itsleava

> twitter: @itsleava

This story is also available in Wattpad!

itsleavacreators' thoughts