MEGAN
"Kailangan ka rin pala magperform para sa concert ni BLACK. Special guest ka do'n. 'Yon ang gusto ng production team." sabi ni Quinn sa akin.
Andito nga pala kami sa office na naman. Nagrereport sa akin ngayon kung ano agenda kong gagawin.
Sa aking pagkakarinig sa sinabi ni Quinn, guest ako sa concert ni BLACK.
Isa sa mga solo singer ng EyeRed ay ang BLACK. Mas sikat na sikat si BLACK kaysa kay Clown.
Sobrang solid masama 'to si BLACK kaya nakagawa kami ng bagong kanta dati noong solo singer pa ako.
Ang kantang sumikat talaga sa buong bansa m ay ang All Night Long featuring ni BLACK.
Mukhang magpeperform ulit ako ng All Night Long at Spark na kanta ko.
I am sure 'yan ang dahilan kung bakit ako naging guest ni BLACK sa concert niya.
Alam ko naman na miss ko na rin magperform sa harap ng tao.
Ang aking tanong, namiss ba nila ako?
"Is it okay na pagsabayin ko 'tong trabaho maging CEO at maging performer?" tanong ko sa kanya.
"Alam ko naman kung gaano mo kamahal maging performer, Megan. May tiwala kami sa'yo." ngiting sabi ni Quinn.
"Wala bang pamimilit dyan, Quinn?" sarcastic kong tanong sa kanya.
"I am just stating the fact kasi, Meg. Isa ako sa mga saksi kung gaano mo kamahal ang talent mo." nakangising sabi sa akin ni Quinn.
"Nasaan na ang production team ng concert ni BLACK?" tanong ko sa kanya.
"Papunta na sila ngayon. Ang sabi ko sa kanila, dumating sila ng 1pm for short meeti-"
Nakarinig ako ng katok sa pinto at tumayo kaming dalawa at ngumiti ako sa kanila bilang pag-welcome ko sa kanila.
Ayan na pala sila.
Bumungad sa akin ang may itsura ang lalaki at ang babaeng nakasuot na eyeglasses na nakashort hair ito.
"I am Cedric, the stage manager and this is my Assistant stage manager na si Veron." pagpapakilala ni Cedric at tumango ako sa kanya.
"I am Megan, CEO of EyeRed." masiglang pagpapakilala sa kanya sabay pag-alok ng handshake sa kanilang dalawa.
Tinanggap naman nila ito, "Pwede na po kayo maupo." magalang na sabi ko sa kanila.
***
"Thank you, Sir Cedric and Ma'm Veron. Salamat po sa opportunity na binigay niyo po sa akin." pasasalamat ko sa kanila at natawa sila sa akin.
"Wala 'yon, Ms. Megan. Tiyak namin maraming dadalo ng concert ni BLACK." sabi sa akin ni Cedric at ngumiti ako sa kanya.
"Paano po ba 'yan? Magpapaalam na po kami sa inyo." sabi ni Cedric.
"Sige po. Paalam po." magalang na pagpapaalam ko sa kanila.
Ngumiti sila at inalalayan ni Quinn na pagbuksan ng pinto para umalis ng tuluyan ang bisita namin.
Ang saya sa pakiramdam na makakapag-perform ulit ako. Akala ko nga puro trabaho na lang ako pagiging CEO ko sa EyeRed.
Buti na lang hulog ng langit si BLACK.
Nice job, bro.
Pagkatapos alalayanin ni Quinn ang Stage Manager at Assistant nito, bumalik ito sa kanyang pagkaupo.
"May naisip ka bang sino magiging back-up dancer mo?" tanong ni Quinn.
"What about Queen of Hearts?" walang-gana kong tanong sabay sandal ko sa aking couch.
"Pwede naman sila. Puro upcoming pa naman yung schedule nila this month." sabi ni Quinn habang tinitingnan niya ang kanyang Ipad.
"Sige, paki-inform na lang sila ngayon." sabi ko sa kanya, "May practice sila ngayon?" sunod kong tanong sa kanya.
"Oo. Napadaan ako kanina sa practice room nila." sabi niya habang kinigat niya ang kanyang ballpen gamit ang kanyang labi.
"Bakit ka napadaan?" curious kong tanong sa kanya.
"Kinausap ko si Scarlet. Sinabi kong binabawi mo ang pagiging disqualified niya sa show." sabi niya habang busy ito kaka-scroll niya sa Ipad.
"Tss."
Alam niya naman na ayokong sabihin sa kanya. Pinilit pang sabihin 'yon.
Napatingin sa akin si Quinn at inirapan ko siya, "Anong ginawa kong masama, Meg?" hamon niyang tanong sa akin.
"Bakit mo kasi sinabi agad?" sinisisi kong tanong ko sa kanya.
Wala naman ako nararamdaman na bwisit kay Scarlet. Sa ngayon lang.
Siyempre! Hindi ko pa siya nakikita ngayong araw kahit magka-salubong kami sa elevator, wala naman.
Mas okay ng hindi ko siya nakikita.
Walang nangungulit sa akin.
"Bakit? Gusto mo na ikaw magsabi sa kanya?" tanong niya sa akin at umiiling na tinatawanan niya ako.
"Nahihibang ka ba?" iritang sabi ko sa kanya, "Mangarap siya."
I need to cool down. Kailangan kong kumalma.
Imbes na maging good mood ako ngayon lalo lang ako naging beast mode dahil lang narinig ko na naman ang kanyang pangalan ngayon.
"May sinabi siya sa akin na sikreto. Pero sinabi niyang ikaw raw ang unang naka-alam." inirapan ko lang si Quinn.
Pumikit na lang ako para mag-relax at dedmahin ang sasabihin ni Quinn.
Wala naman akong pakialam para pakinggan 'tong si Quinn.
"Matagal na pala siya naging fan mo, Ms. Megan." narinig kong inaasar ako ngayon ni Quinn.
Napamulat ako pero nakatingin pa rin ako sa kisame, "Pake ko?" walang-gana kong sinabi sa kanya.
Naalala ko nga pala na fan niya ako.
Naisip kong hindi ko talaga dapat siya sinusungitan kaso ang pinaka- problema, paano ko naman matitiis ang kakulitan niya?
Ayokong-ayoko sa mga makukulit na katulad niya.
Lalo na't kapag may mga bata kaming bisita sa mansion, todo kulong ako sa kwarto.
Sobrang-ingay at makulit ang mga bata. Hindi ko kaya tiisin dahil maiksi lang pasensya ko sa kanila.
Baka masigawan ko pa sila dahil sa aking pagkairita. Lalo na't nangyari sa amin ni Scarlet. Napagsalitaan ko pa siya ng masakit.
Basta ayoko sa mga taong makukulit!
"Sabi raw niya sa akin Idolo ka raw niya at..." bigla akong napatingin kay Quinn dahil sa kanyang sinabi niya.
"Ano?" walang-gana kong tanong sa kanya.
"Sorry daw." rinig kong sabi sa akin ni Quinn.
Kung gusto niya mag-sorry, kausapin niya ako sa personal. Huwag sa ibang tao.
Kailangan pa talagang sabihin sa ibang tao para mag-sorry sa akin , e.
Napailing rin ako dahil wala naman siyang karapatan mag-sorry.
Ako nga dapat mag-sorry sa kanya dahil inaamin kong naging insensitive ako sa kanya.
***
Ngayon, kasama ko si Quinn dahil papunta kami sa practice room.
Gusto niya kasi mag-pasama sa akin para i-announce na sila ang back-up dancer ko sa performance sa concert ni BLACK.
Kumatok si Quinm sa pinto at binuksan niya ito dahan-dahan.
Napansin kong napatigil sila sa kanilang pag-practice nila at napatingin sila sa amin.
Kaya nagsimula na kaming pumasok at tumayo sa kanilang harapan.
"Good pm po sa inyo." pagbati nila sa amin at nagbow sila.
Napatingin ako kay Scarlet.
Hindi siya nakatingin sa akin kundi kay Quinn.
Hindi naman sa akin big deal 'yon dahil si Quinn lang naman magsasalita para i-announce 'yon.
Pagkatapos nito, maglulunch na kami dito sa EyeRed dahil kumkalam na ang aming tyan. Kanina pa kami gutom na gutom.
"Kasama kayo sa concert ni BLACK-"
Hindi natuloy ang sasabihin ni Quinn dahil napansin kong excited na excited sila.
Napansin kong ngumiti si Quinn, "Pero kayo ang magiging back-up dancer-"
"Shet! Back-up dancer tayo ni BLACK!"
"Ang swerte natin, mga sis!"
"I can't wait!"
Ano 'tong pinagsasabi nila? Expected nila na si BLACK ang makakasama nila magperform.
Mga assuming. Tss.
"Patapusin niyo si Quinn sa pagsalita." walang-gana kong sabi sa kanila.
Kanina napansin kong excited na exicted sila pero nag-iba ang kanilang reaksyon noong sinabi ko na patapusin muna si Quinn.
Kinalabit ko si Quinn para mag-umpisa ulit, "I was just saying, magiging kasama niyo si Ms. Megan. Hindi si BLACK." ngiting sabi ni Quinn.
"Performer ba si Ms. Megan?"
"Hindi mo ba alam, Zoe? Sikat na solo singer 'yan si Ms. Megan dati sa EyeRed."
"Weh? Totoo?"
"Bakit wala sa itsura niya?"
"Zoe, ang lakas ng boses mo. Baka marinig ni Ms. Megan."
Napansin kong tahimik lang si Scarlet habang nakikipagchismisan ang mga katabi niya.
Wala naman akong pakialam kung rinig ko man pinag-uusapan nila. I don't really mind if they didn't know me or not.
Dahil sinukuan ko ang pangarap ko dahil dito sa aking trabaho ngayon.
"Megan?"
"Earth to Mars, Megan!"
Nagising ang aking diwa sa pagkalabit sa akin ni Quinn.
Napagtanto ko na wala ako sarili kanina, "Ano 'yon?" tanong ko kay Quinn.
"Tell them kung ano mangyayari sa performance niyo." mahinang utos sa akin ni Quinn.
"I thought I'm not saying anything." inis kong sabi sa kanya ngunit mahina lang ito.
"It is your performance. Not mine, Quinn." mahinang sabi sa akin ni Quinn.
Napasuko na ako sa pagtatalo namin ni Quinn. "Tss."
"According to my secretary, kayo nga magiging back-up dancer ko. I was thinking na All Night Long and Baram 3x ang mga gagawin kong performance sa concert ni BLACK dahil special guest ako." seryosong sabi ko sa kanila.
"Next week ang start ng practice natin. May magtuturo ng dance instructor next week so sundin niyo na lang ang ipapagawa niya." pagtatapos kong sabi sa kanila.
Napansin kong may nagtaas ng kamay sa Queen of Hearts. Napatingin ako, "Ano 'yon?"
"I am Mia by the way. Tanong ko lang po kailan po malalaman namin ang schedule ng practice para sa concert ni BLACK?" tanong ni Mia.
Kinalabit ko si Quinn para saluhin ako sa tanong ni Mia.
Tinamad akong sagutin kaya nagpatulong na ako kay Quinn.
"Later, ibibigay ko agad ang schedule. Dumeretso na lang ang isa sa niyo sa office ni Ms Megan. After your practice."
Napatingin ulit ako kay Scarlet na nakatingin ito kay Quinn pero napansin kong tumingin siya sa akin.
Ngunit ilang segundo lang umiwas na siya. Hindi man lang ako ngitian.
Eh?
Malinaw sa aking mata na iniwasan niya ako ng tingin.
Akala ko ba fan niya ako? Dapat nginitian niya ako sa pagkakataon pero bakit iniiwasan niya ako sa pagtingin niya sa akin.
Bakit ba ang sobrang big deal ng pag-iwas niya sa akin?
Binura ko na ngayon kung ano man gumugulo sa isip ko. As If I care, na may pakialam ako sa kanya.
Sure ka ba dyan, Megan?
***
Andito ako ngayon sa aking table, tambak pa rin ako ng aking babasahing report ngayon. Kailangan ko siyang i-analyze ngunit sumasakit ang aking sentido.
Napainit ako at nakapagdesisyon akong magpahinga ng ilang minuto. Lumayo muna ako sa aking table at napasandal muna ako.
Hindi ko man namalayang nasilayan ko si Scarlet na nagdadabog habang kausap si Quinn. Pero nakita ko si Quinn na natatawa ito sabay iling ito kay Scarlet.
Ano ba ginagawa ni Scarlet dito na mukhang ayaw pumasok sa office ko?
Habang nagmamaktol si Scarlet sa labas, hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong panoorin siya kaya tumayo na ako at nagsimulang lumabas.
Pagkalabas ko ng office ko, gulat na gulat si Scarlet sa akin at napatahimik siya kahit kanina lang nagmamaktol siyang kausap si Quinn.
" Andyan na pala hinahanap mo, Scarlet." natatawang sabi ni Quinn sabay nagsimula nang magpakabusy sa kanyang ginagawa.
Ngayon, napalingon ako kay Scarlet, "Bakit andito ka?" seryosong tanong ko sa kanya.
Napakamot siya sa kanyang ulo at nakayuko ito.
Ayaw niya talagang tumingin sa akin.
"Ang sabi po kasi ni Ms. Quinn humingi po kami ng schedule niyo pagkatapos ng practice namin. Kaya po ako andito." nahihiyang sagot niya sa akin ngunit ayaw niyang lumingon sa akin.
May nagawa ba akong masama sa kanya? Bakit hindi siya makalingon sa akin?
"We can talk about it inside my office. Follow me." sabi ko at tumalikod na ako.
Ngunit nakarinig ako ng pagtakbong papalayo mula sa akin. Napalingon naman ako sa aking likod.
Wala na si Scarlet.
Mukhang siya nga narinig kong tumakbo. Natawa na lang ako sa ginawa niya.
Like it ? Add to library!
Don't forget to leave some votes and comment in my story.
if you have time, follow my social accounts below:
wattpad: @itsleava
twitter: @itsleava
This story is also available in Wattpad!