Matapos ang isang trahedya na nagdulot ng kanilang kamatayan, tatlong bata ang nagising sa isang mundo ng pantasya—ngunit hindi na sila ang dating sila. Nabuhay silang muli bilang iba't ibang nilalang: isang makapangyarihang nilalang mula sa demon race, isang kalahating-lobo na tao, at isang kalahating-tao kalahating-slime. Sa kanilang bagong anyo, bawat isa ay taglay ang natatanging kakayahan na magiging susi sa kanilang kaligtasan sa kakaibang mundong ito. Sa mundo ng pantasya, puno ng panganib at misteryo ang kanilang paligid. Kailangang matutunan ng tatlo hindi lamang kung paano mabuhay sa kanilang bagong anyo kundi pati na rin kung paano harapin ang mga hamong dala ng kanilang pangalawang buhay. Habang unti-unting nalalaman ang dahilan ng kanilang muling pagkabuhay, napagtanto nilang hindi ito isang pagkakataon—may mas malaking layunin sa kanilang pagbabalik. Ngunit, handa ba silang yakapin ang bagong buhay at tanggapin ang kanilang kapalaran? Ito ay kwento ng pagtanggap, pakikibaka, at pagkakaibigan sa isang mundong malayo sa lahat ng kanilang nakasanayan. Isang pantasyang puno ng pag-asa, sakripisyo, at kapangyarihan.
Nagsimula sa isang mahiwagang pinagmulan. Lumaki na sa hirap kasama ang kinilalang ama at kapatid. Nagsimula ang mga pagbabago sa buhay ng kanyang makilala ang kanyang lolo at nagpaliwanag ng tunay niyang katauhan.
Huminto ang oras habang nasa kasagsagan ako ng traffic sa EDSA. Hindi ko alam kung bakit at kung para saan. Tumigil ang takbo ng mundo. Tumigil ang andar ng oras. Tumigil ang mga tibok ng puso - bukod sakin. Sa wakas. Kalayaan ang mararanasan ko sa bagong mundo. Akin na ang mundo. Ako lang ang gising sa mundo - Ako at ang tatlong alaala na gugulo sa payapa at bago kong buhay. Tatlong kwento na gusto kong malimot. At isang taong hindi ko (nga ba) kilala. Isang bagong kabanata ang lilitaw. Isang kwentong naging dahilan ng pagkakaluklok ko sa kahariang meron ako ngayon - o kulungang dapat sa mga katulad ko. Ako si Sept. Ito ang buhay ko. Ang mahabang buhay ko sa loob ng isang tibok.S
WARNING: LGBTQ+ Theme, R-18. Read in your own responsibility. Sa alitan ng dalawang nayon, ang pinunong si Aparo ay hindi ninanais ang magsimula ng gulo. Ang balak na pakikipag-ayos ay naging hindi inaasahang away mula sa pinuno ng karatig-nayon na si Dakum. Malakas ang kanilang panig kung kaya'y nakayanan niyang bihagin si Aparo sa kaniyang inihandang selda. Noong unang panahon, ilang kuwentong pag-iibigan na ba ang iyong napakinggan? Si Aparo at Dakum ay mga magigiting na pinuno na malabong magkaayos, ngunit paano nga ba nila maibabaligtad ang kanilang pananaw sa isa't isa? Alab at bugso. Isipan, damdamin at katawan. Sikretong katauhan dahil sa mga kakaibang katangian, paano nga ba aaminin ni Dakum? Paano nga ba mangingibabaw ang mainit na pag-iibigan sa gitna ng malamig na pagtitinginan? --- Theme: LGBTQ+ (BoyxBoy), Werewolf, Historical.
BREAK THE WORLD(Living Is Dying)COMPLETED -BOOK TWO OF HUNTING KENDRA Genre:Vampire/Werewolf SYPNOSIS NAGMULA sa angkan ng mga Bampira sina Halls, Oreo at Zain. Lumaki sila na busog sa pagmamahal sa kanilang ina na si Kendra, kalahating Bampira at mortal. Habang ang ama naman nilang si Timothy ay kalahating Lobo at Bampira. Naging matiwasay ang mga taon na nagdaan para sa pamilya nila sa mundo ng mga tao. Matapos na maganap ang pagkawasak sa tagong mundo--- ang Acerria. Kung saan nanirahan dati ang mga lahi ng Bampira, Lobo at mga naagnas na nilalang kung tawagin ng mga mortal ay Zombie. Ngunit sa pagdaan ng mga taon ay nagkaroon ng malaking digmaan sa kabilang mundo. Kaya upang sa ikalawang pagkakataon ay tuluyang mawasak ang Acerria. Nakaligtas sina Kendra at Timothy, ngunit sa kasawiang palad ang lahat ng nilalang sa Acceria'y tuluyang nakasama sa pagkaguho. Sa mga lumipas na taon ay muli silang bumangon, hindi nila hinayaan mabalewala ang sakripisyo ng ina ni Timothy; ang huling may purong dugo ng Bampira. Ngunit iyon ang inaakala nila... Dahil isang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Pangyayaring kasugpong ng nakaraan. Nakaraan na siyang hahabol sa kanila sa kasalukuyan. Muling dadanak ng dugo sa magkabilang lahi sa mundo ng mga mortal. Na magiging dahilan ng pagkasawi nina Kendra at Timothy. Paano kung sa pagkawala ng mga magulang ay ang siyang pagdating ng bagong nilalang na magbibigay sa kanila ng ibayong pag-asa. Ngunit paano kung ang natitirang pag-asa na iyon ay tuluyang mawala at mapalitan ng 'di matatawarang pighati. Pighati na siyang wawasak sa mundong kanilang ginagalawan. "Dugo at laman ng banal ang siyang papawi sa lahat ng sakit, hanggang wakas upang bigyang daan ang bagong sibol na mundo..."
Tahimik ang buhay pag-ibig ni Faye Alcantara, pero nagbago ang lahat ng ito nang magtapo sila ni Raphael, isang anghel sa mesidina na pasaway at nawalan ng kapangyarihan sa mundo ng tao. Parusa nga ba ito ng langit ang pananatili niya sa mundo ng tao? o isa itong tadhana para pagtagpuin sila ng landas ng mortal na si Faye?