webnovel

Please, Laniel

LGBT+
Terminé · 54.4K Affichage
  • 18 Shc
    Contenu
  • audimat
  • NO.200+
    SOUTIEN
Synopsis

A transexual woman's story

Étiquettes
6 étiquettes
Chapter 1II.

ANG mga tao ay para bang isang bomba. Hindi natin alam kung kailan sila mawawala. Parang bituin na bigla na lamang mawawala nang hindi mo namamalayan. Walang isang salita basta na lamang sila maglalaho. Mayroon din na para bang isang tala sa kalangitan na hindi mo kailanman makukuha— para si Laniel. Hindi ko kayang abutin o tumbasan ang kabaitan ni Laniel sa akin. Hindi ako nararapat para sa kaniya.

Kasalukuyan akong nasa itaas ng bubong namin at nakahiga para tignan ang napakaraming tala na isinaboy sa madilim na kalangitan. Ipinikit ko ang aking dalawang mata at dinama ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa aking balat. Nakasuot ako ng kulay asul na sando at manipis na pajama.

Masarap mag-star gazing kapag maraming bituin. Subukan mo kayang mag-star gazing ng walang bituin at paulan? Mas masarap kaya?

Gusto ko munang mag-isip bago makalipad papuntang Thailand. I miss Thailand a lot. Kung tatanungin lang ako, e mas gugustuhin kong manirahan sa bansang iyon. Tahimik lalo na sa probinsya.

Nagpasya na akong pumasok na sa bahay. Tahimik na. Maaliwalas dulot ng kulay mint green na pintura.

KINABUKASAN, isang ingay ang aking narinig mula sa labas ng aking kuwarto. Isang ingay na hindi mo gugustuhin.

"Mama, ano po ba iyan?" asik ko rito.

"Anak, si Laniel kasi! Hinahanap ka!" sagot ni mama mula sa labas ng aking kuwarto.

"Carina! Lumabas ka naman, o!" Boses ni Laniel ang aking narinig.

Tumayo ako para silipin ito sa bintana at nakita ko ang isang matipunong lalaki na naka-kulay puting shirt at short na pambahay lang. Pinaresan pa ng magulong buhok na hindi na inabala pang suklayin kaya mas lalo lang itong naging guwapo.

Lumapit ako sa pinto at binuksan ko ito. Nakita ko si mama na nasa kusina at hinahayaan niya lang si Laniel sa labas. Pinagmasdan ko ang buong paligid ng bahay— nakasara lahat ng bintana at madilim. Paanong nakikita ni mama ang kaniyang ginagawa?

Si papa ay nasa trabaho ngayon kaya walang Harold ang sisita kay Laniel. Naramdaman siguro ako ni mama kaya naman tinawag ako nito sa mahinang boses.. "Carina."

"Good morning, mama!" batik o rito. Nilapitan ko siya at niyakap. Wala kaming paki kay Laniel na nagsisisigaw doon sa labas.

"Ano ba iyang lalaki na iyan? Nakakairita na, a," sabi ni mama nang mayroong halong pagkairita.

"Sabihin niyo na lang po na wala ako. Umalis ako."

Tumango si mama at iniwan na niya ang pagpapalaman nito ng tinapay at hinarap si Laniel sa labas. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ni mama at ng matapos ko ang ginagawa ni mama ay nagdesisyon akong magtimpla ng kape para sa aming umagahan.

Nang ilagay ko ang isang plato ng nakapalaman na tinay sa lamesa kasama ang dalawang kape, halos matabig ko ang tasa sa gulat nang makita si Laniel sa pintuan namin.

"Saan po pumunta si Carina, Mrs. Liza?" tanong nito nang nakatingin sa akin.

Napatingin si mama sa akin nang mayroong pagsisisi. Mapilit si Laniel kaya alam kong walang kinalaman si mama sa pagpasok niya rito sa bahay.

"Ano bang ginagawa mo sa ganito kaagang oras?" bulyaw ko rito.

"Gusto kong siguraduhing nandito ka at kumain ka na ba. Is there something wrong about concerning to your love ones?" nakangisi nitong sagot.

Hindi kaagad ako nakasagot. Napakaganda ng kaniyang ngiti. Nakakasilaw ang kaniyang mga ngipin na sinamahan pa ng manipis at mapulang labi.

"Wala," maikli kong sagot.

"E, wala naman pala, e," sambit nito saka tumaas ang kaliwa niyang kilay at pinagyakap niya pa ang kaniyang mga braso at inilagay ito sa kaniyang dibdib. "Matapos mong kainin iyan ay magbihis ka. Aalis tayo."

"Paano kung ayokong sumama?" mataray kong tanong.

Si mama naman ay nagpapalit-palit na ng tingin sa aming dalawa kaya alam kong medyo nahihilo na ito kaya naman nilapitan ko siya at inalalayan para makaupo at makakain na ng umagahan namin.

"Wala kang magagawa dahil alam kong sasama ka," sabi nito na para bang siguradong-sigurdo na siya.

Umupo na ako sa upuan at saka dumampot ng isang pirasong tinapay at kinagatan ito. "We'll see."

Humigop ako sa kulay itim mong tasa na baybayin ang naka-imprenta. Pangalan ko ang nakalagay sa tasa. Noon, dalawa ito, isang pangalan niya at isang pangalan ko pero binasag ni Laniel dahil ang akala niya ay pangalan ng gusto kong lalaki. So, basically, dahil sa pagseselos niya kaya nawala ang isang tasa.

Tinapos naming ni mama ang pagkain nang mabilisan at nang matapos si mama ay nagdesisyon siyang pumasok sa kuwarto nila ni papa at naiwan kami ni Laniel sa kusina. Nananatili itong nakatayo malapit sa refrigerator namin. Hinihintay ko ang kaniyang sasabihin pero wala kaya naman tumayo na ako at pumunta sa salas para manuod na lang.

Nang buksan ko ang T.V., isang palabas ang napanganga ako. Isang transex at isang lalaki ang nag-aaway.

"Mahal naman kita Aliya pero sana kahit 'yong pagiging transex mo lang ay pinaalam mo na. Wala naman akong pakialam, e. Hindi nasusukat ang pagmamahalan sa kasarian lamang!"

Nanigas ako nang tabihan ako ni Laniel sa sofa at inakbayan niya ako. "Alam mo, ang sweet ng lalaki. Alam naman pala niyang bakla ang minahal niya pero hinayaan niya pa rin. Bihira lang ang ganiyang lalaki."

Napalingon ako sa kaniya at nakita ko siyang nakatingin sa T.V. Pinagmasdan ko ang kaniyang makinis na mukha. Hindi talaga nakakasawang pagmasdan siya.

"Paano kung ikaw ang nagkaroon ng karelasyon na ganiyan?" tanong ko mula sa kawalan.

Napatingin siya sa akin at nagtagpo an gaming mga mata. Ang malagkit nitong tingin ay parang ayaw na niyang bitawan ang tinginang namamagitan sa amin.

"Anong ibig mong sabihin?" taka nito.

"I mean, paano kung nagkaroon ka rin ng karelasyon na hindi sinabing transex siya tapos nalaman mo. Anong gagawin mo?" usisa ko rito.

"Transex is a sin but every human individual need love from the others, so, I let myself loving a transexual," ani nito. "Nagkasala ka na kaya naman lubusin niyo ng dalawa."

Nanuyo ang aking lalamunan sa mga narinig ko. Walang salita ang gustong kumawala sa aking bibig.

"Are you okay?" tanong nito sa akin. Tinignan ko lang siya.

Vous aimerez aussi

audimat

  • Tarif global
  • Qualité de l’écriture
  • Mise à jour de la stabilité
  • Développement de l’histoire
  • Conception des personnages
  • Contexte mondial
Critiques
Pleurage! Vous seriez le premier commentateur si vous laissez vos commentaires dès maintenant !

SOUTIEN