28 Paano kung nagawa kong manguna sa klase?

Translator: LiberReverieGroup Éditeur: LiberReverieGroup

Matapos ang exams, sinimulan na ng mga guro ang masusing pagbibigay ng grado..

Dahil isa itong simultation test, nakabase ang proseso ng paggagrado sa college entrance exams. Ang lahat ng pangngalan ng mga estudyante ay nakatago at hindi mamarkahan ng mga guro ang exams ng sarili nilang klase. Pagkatapos makapaggrado ng mga exams, tatanggalin ng mga guro ang seal ng mga pangngalan at sisimulang bilanging ang puntos na nakuha at magiging ranggo nila.

Nang gabi yun, hindi makatulog ang lahat sa kakaisip ng kanilang mga sinagot sa exams at kinakabahan sa magiging resulta.

Samantalang si Ye Wan Wan naman, nagmadali siyang bumalik ng dormitoryo at agad na bumawi ng tulog pagkatapos ibigay ang pinakahuling exam nila.

Kinaumagahan...

Pumasok ng silid si Liang Li Hua, maningning na nakangiti.

Kaninang umaga, pumunta siya ng Student Affairs office bago pa man niya tingnan ang resulta ng exams ng mga estudyante niya. Nakahanda na pala ang expulsion letter para kay Ye Wan Wan.

"Tahimik, kayong lahat!" sigaw niya, "Lumabas na ang scores at rankings niyo! Pero bago ko ianunsyo, may kailangan muna akong gawin!"

Matapos marining ang sinabi niya, ang lahat ng mga mata ay mariing tumitig sa pinakahuling row at tila nasasabik na marinig ang sasabihin ng guro.

Siya nga, hawak na ni Liang Li Hua ang sulat at agad na isinalampak sa podium, "Alam kong alam niyo na ang tungkol dito. Ang kaklase nating si Ye Wan Wan, ay lumabag sa panuntunan ng school nang maraming beses. Hindi mapapatawad ang malaking pinsala na idinulot niya sa reputasyon ng Qing He High School. At ngayon, nakapagdesisyon na ang eskwelahan na patalsikin siya!"

Walang tigil na hiyawin ang narinig sa baba ng podium, lalo na ang mga babae.

"Hahaha, sabi sa'yo eh! Matatanggal sa school 'yang pangit na babaeng 'yan bago pa lumabas resulta ng exams natin!"

"Sa wakas, wala na tayong makikitang karimarimarim na mukha sa school!"

Tiningnan nang mapait ni Liang Li Hua si Ye Wan Wan at madaling sinabi, "Ngayong araw din ang epektibo ng pagpapatalsik sa'yo sa eskwelahang 'to kaya simulan mo nang magimpake nang makaalis ka na!"

Sa mata ng mga kaklase niya na masaya sa pagpapaalis sa kanya, nanatiling lang na mahinahon si Ye Wan Wan at walang intensyong umalis. Maingat lang na umiling at luminga lang sa tao na nasa podium.

Naging mapanlaban ang titig at pagkamahinahon niya na siyang ikinagalit ni Liang Li Hua, "Ye Wan Wan! Ano pa bang problema mo? Diba gusto mo na bigyan ka muna ng official written notice galing sa eskwelahan? Ayan, nabigay na! Nagawa nang lahat ayon sa plano! Huwag mong subukan ulit na sabihin pa sa akin na wala akong otoridad gawin 'to!"

Nanliit ang mga nanlalamig na mata ni Ye Wan Wan at marahang tumayo at nagsabi, "Well, dahil nasabi rin naman ng titse natin ang tungkol sa mga panuntunan ng eskwelahan, edi dapat sabihin ko rin sa kanya ang panuntunan ng eskwelahan. Naalala ko kasi na may clause sa panuntunang 'yun na kapag nagpakita ng pagsisisi ang isang estudyante sa nagawa niyang mga mali, mainam lang na iwasan ang pagpaparusa sa kanya at bigyan ng pagkakataon na magbago."

Malakas na natawa si Liang Li Hua, "Oo nga, e ano naman sa'yo ang clause na 'yun? Paano 'yun mauugnay sa'yo? Tingan mo nga 'yang trible mong hitsura, hindi malaman kung multo o tao. Mukha ba 'yan ng nagsisisi?"

Napasimangot si Ye Wan Wan at agad na nagsalita tuwid na tono, "Oo, pangit nga ako. Ano naman? Kasalanan ko ba na ipinanganak akong ganito? Ito ba ang dapat na ginagawa ng isang guro? Ang manginsulto sa panlabas na anyo ng tao? Sa tingin ko maigi na tingnan niyo po muna ang resulta ng exams ko bago kayo magsalita. Paano kung sa ako pala ang top of the class?"

Saglit na natigilan si Liang Li Hua sa narinig at agad na tumawa ng malakas. Gayun na rin kalakas ang halakhak ng ibang mga estudyante.

"Hahahaha wow! Anong sinabi ng pangit na Ye Wan Wan na 'to? Top of the class? Sino nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para magsabi ng ganito?!"

"Baliw na siya! Kapag siya ang top of the class, kakain talaga ako ng tae!"

"Haha huwag kang magsalita ng tapos baka kakain ka ng tae niyan, dahil ang pagiging una sa likod ay una pa rin!"

avataravatar
Chapitre suivant