724 Hubby, tumingin ka dito

Translator: LiberReverieGroup Éditeur: LiberReverieGroup

Matagal na ang isip si Ye Wan Wan at hirap sa kanyang sasabihing pagtanggi at sinabi, "Manzhu, isa kang mahusay na babae…"

Nakaramdam ng hindi pagkatuwa si Shen Manzhu. "Wag mo akong bigyan ng ganyan!"

Ye Wan Wan: "Uh…"

Sa kaslukuyang sitawasyon na ito, ang entrance ng Dazzling Media ay napapalibutan ng fans.

Ang isang seven-seater na kotse ay huminto sa may entrance at isang kabataan na naka-itim na western suit ang lumabas sa kotse.

Laging mahilig si Luo Chen na damitan ang kanyang sarili sa campus-style na dati at nagpapakita sa puting shirts at jeans. Simula ng kinuha si Ye Mu Fan, ang istilo ni Luo Chen ay nag simulang mag-iba papunta sa isang mature style na damit - kasalukuyan siyang naka damit ng isang classic uniform, na nagdulot ng pagkulo ng dugo ng kanyang mga tagahanga.

"Ah ah ah! Luo Chen, Luo Chen, Luo Chen! Luo Chen, mahal kita!"

"Tanging mahal ko, may Chen! Ang bituin ay hindi kailan man mahuhulog!"

"Hubby, look here!"

"Hubby, tumingin ka dito!"

"Ah ah ah…"

Simula ng umere ang "Terrifying Dragon 2", nakaranas si Luo Chen ng katanyagan at direktang pumasok sa ranko ng A-list newbies.

Habang tuloy-tuloy na sumisigaw ang mga fans, isa pang tao ang lumabas sa seven-seater na kotse.

Nandoon pa din ang cherry blossom pink na magulong buhok ni Gong Xu, ngunit ang kanyang style ay talagang nabago ni Ye Mu Fan - hindi na siya nagsusuot ng nakakabulag na neon na kulay at mas pokus sa lasa at karakter. Siya pa din ang arogante at matigas ang ulo, pero hindi na siya ganun ka bobo at pasaway na nakakaakit ng isang malaking grupo ng fans na may pakialam lamang sa itsura ng artista.

Tinuwid ni Gong Xu ang kanyang collar at hindi nasisiyahan. "Tsk tsk, ang mga tagahanga ngayon ay nagkukulang sa class, huh? Anong maganda sa isang mukha na may facial paralysis?"

Matapos magsalita, ngumiti siya at binati ang kanyang fans, "Hi~"

Mas nakakasilaw pa ang kanyang ngiti kaysa sa araw; ang kanyang munting pangil ay kaibig-ibig at nagtataglay ng isang pahiwatig ng pang-aakit.

"Ah ah ah ah ah- Gong Xu Gong Xu! Sobrang cute! Gusto ko mag-kaanak sayo!"

"Oh god oh god! Hihimatayin ata ako-"

Matapos makatanggap ng ilang masiglang mga hiyawan mula sa kanyang fans, si Gong Xu ay nasiyahan.

"Kayong dalawang matanda! Pumasok kayo agad! Kung hindi, hindi na sila magagawang pigilan ng security!" dali-daling sinamahan ni Xiao Qing Dong at Dong Zai ang dalawang tao sa loob ng gusali ng kumpanya.

Nagtinginan sa isa't isa si Gong Xu at Luo Chen ngunit hindi nagsalita; kumuha sila ng private lift na magkasama.

Hindi gusto ni Gong Xu na kumatok bago pumasok.

Nang makarating sila sa pintuan ng opisina ni Ye Wan Wan, direkta niyang itinulak ang pintuan.

"Ye-ge, nakabalik na ako-"

Sa sumunod na sandali, ang lahat sa may pintuan ay nakita si Shen Manzhu at Wan Wan na magkayakap…

Gong Xu: "Uh…"

Luo Chen: "…"

Apat na pares ng mata ang nagtinginan sa isa't isa sa pagkadismaya.

"Pasensya sa abala." si Gong Xu ang amabilis na nakabalik sa kanyang katinuan at kaagad na binagsak ang pintuan.

"Aiyo, bwisit, nakakagulat 'yon ah ah ah-"

Sa sandaling nagsara ang pintuan, nagsimulang sumigaw at sabik na tinangkang sumilip sa siwang ng pintuan.

Sa likod niya, kumunot ang kilay ni Luo Chen at malinaw na hindi sang-ayon sa asal ni Gong Xu.

Nang mapansin ang mapanlait na tingin ni Luo Chen sa kanya, inirapan siya ni Gong Xu. "Psh! Mapagpanggap, tigilan mo na magpanggap! Hindi mo ba gustong malaman ang nangyayari sa loob?"

Sumasabog ang kaosyosohan ko!

Bwisit bwisit bwisit! Anong nangyayari?

Hindi ba bakla si ye-ge? Bakit sila ni Shen Manzhu… hm?

Samantala, sa may opisian:

Labis na namomroblema si Ye Wan Wan. Hindi na niya kailangan isipin kung papaano maguguluhan si Gong Xu sa kanyang nakita.

Sa totoo lang, walang nangyari ngayon - si Shen Manzhu ay naging emosyonal patapos matanggihan niya, kaya siya sumunggab sa kanya para sa isang yakap.

Hindi siya handa para dito. Sinong mag-aakala sa sandaling ito, na biglaang binuksan ni Gong Xu ang pintuan…

avataravatar
Chapitre suivant