webnovel

kabanata 1

Greg's p.o.v.

Kasama ko ang kapatid kong babae sa isang restaurant. Nakaupo na kami habang naghihintay sa kaybigan ko na dumating para sabay-sabay na kami kumain ng dinner at para maipakilala ko rin sila sa bawat isa.

"Order ka na. Tawagin ko lang ang waiter." Ang pag-alok ko sa kapatid kong babae pero tumayo siya.

"Ikaw na bahala sa pagkain para saakin. Punta lang muna akong saglit sa CR, kuya." Ang paalam niya saka nagmamadali siya na naglakad para pumunta ng CR.

"Okey. Waiter!" Ang pagsang-ayon ko na lamang kasi bigla nalang niya ako tinalikuran. Tinawag ko na lamang din ang waiter na lumapit din naman agad sa akin saka ako nag-order.

"Ano po ang ordee niyo, sir?" Ang magalang na tanong ng waiter ng nakalapit na ito sa kinauupuan ko.

"Tig-isang chicken menudo with rice, pork steak with rice, beef steak with rice saka tatlong halo-halo." Ang sagot ko naman sakanya habang inililista naman niya ang sinasabi ko.

"Any added order, sir?" Ang tanong niya pa.

"Basta libre mo? Joke, wala na po." Ang pabiro kong sagot sakanya. Tumango-tango lang ang waiter saka niya ako tinalikuran.

Napatingin ako sa pumasok sa pintuan ng restaurant. At sa wakas ay dumating din ang kaybigan ko. Palingon-lingon pa siya habang hinahanap kung saan ako naka-puwesto at ng makita na niya nga ako ay agad siya na naglakad papunta saakin.

"Bakit ganyan ang itsura ng pananamit mo?" Ang nauna kong pagpuna sa suot niya na damit ng makita ko ang mantsa nito sa harapan. Umupo muna siya bago sumagot saakin.

"E, paano ba naman 'yung babae na nakatabi ko sa bus kanina ay bigla nalang akong sinukahan. Nakakaputang-ina lang. Sayang ang ganda niya pa naman sana." Ang pagrereklamo niya na sagot saakin. Halatang may galit sa tono ng kanyang pananalita.

"Para mawala ang init ng ulo mo, ikain mo nalang 'yan." Ang medyo napapangiti na sagot ko naman sakanya. Paano ba naman kasi ang itsura niya sobrang seryoso.

"Nag-order ka na ba? Nasaan na pala kapatid mo, akala ko ba sabay-sabay tayong tatlo na kumain?" Ang sunod-sunod na tanong niya na hinahanap pa talaga ang kapatid ko.

"Ay sus, basta talaga babae sayo. Sabagay maganda pa naman 'yon. Bagay kayo pero hindi ako boto na maging kayo. Sa paka-babaero mo na 'yan." Ang pangongontra ko sakanya. Napakunot noo naman siya.

"Asa ka? Family first ako hoy! Para lang alam mo." Ang sagot naman niya.

Ilang sandali pa ay dumating na ang kapatid ko galing ng CR.

"Kuya, nandiyan na pala kaybigan mo -?" Ang gulat na tono ng kapatid ko ng nakabalik na siya at nakita ang kaybigan ko na nakaupo.

"IKAW?" Ang magkasabay pa na banggit at halatang gulat ng magkita ang kapatid at kaybigan ko. Napatayo pa ang kaybigan ko.

"Yes. Hannah, siya pala ang kaibigan kong si Angelo. And Angelo, siya naman ang kapatid kong si Hannah." Ang pagpapakilala ko sa kanilang dalawa na halatang may gulat sa kanilang mukha na para bang nagkita na sila dati.

"Kapatid mo? Siya ang babae na sumuka saakin sa bus." Ang gulat na reklamo saakin ni Angelo.

"Kaybigan mo? Kuya, siya ang nasukahan ko sa bus." Ang gulat at nahihiya na saad ng kapatid ko saakin.

"Huh?" Napanganga nalang ako ng marinig ko ang mga salita na nanggaling sa kanila.

Nagkatinginan na lamang kaming tatlo.

Isang awkward moment ang nagaganap sa pagitan namin tatlo.

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanilang dalawa.