"Mali bang ibigin ang alam mong pag-aari na ng iba?"
Si Dewei(Dew-wey) Peterson ay taong nasa loob ang kulo. Sinasabi ng iba na bakla sya dahil sa kilos nyang tila pambabae. Maraming negatives information ang kumakalat tungkol sa kanya ngunit binababayaan nya nalang ito dahil alam nya sa sarili nyang hindi totoo. Dahil likas na kolokoy sya ay imbis na patunayan na mali ang paratang ng mga tao tungkol sa kanya ay ginagawa nya pa ito. Sakanya ay katatawanan lang pero sa iba ay nakakainis iyon. Ngunit isang babae lang ang pumukaw ng kanyang pansin. Hindi pamilyar sa kanya ang init na naramdaman nya ng makita nya ang dalaga. Ang ugali nyang ginawang katatawanan lang ay binago ng dalagang isang beses nya palang nakikita. WARNING: Matured Content!
SMUT ONE SHOT COLLECTION These stories are not suitable for young audiences. This may contain sexual and explicit contents, vulgar words, violence, murder and even death. Trigger warnings will be put in every story. READ AT YOUR OWN RISK. — AshTheWalkingPechay
Si Tiana Song ay lumaki sa Korea at isa sa kilalang introvert at walang pake’alam sa paligid niya. Isang araw ay nakapasa ito sa isang pagsusulit sa exchange student program na pinipilit lang ng kaniyang dakilang best friend. Ayaw ni Tiana pumunta sa Pilipinas pero biglang nagbago ang isip nito dahil sa isang kondisyon. Akala ni Tiana ay tahimik ang buhay niya sa Pilipinas pero hindi pala dahil sa nakilalang katabi nitong upuan. Isang araw nakilala niya ang isang tao na sobrang ‘opposite’ sa kaniyang ugali. Si Jeydon Perez, isang taong kilalang arogante sa eskwelahan at isang tipikal na bad boy hanggang nagbago ng makilala si Tiana Song. Abangaan..
"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!
Date started: September 2,2018 Date finished: May 29,2019 --- Trigger Warning: Brutal and violent scenes ahead. Not for the weak heart ---
I'm an extraordinary girl who will protect what's right. And I know I can't win this fight without everyone's help. "So will you take my hand and help me win this fight?" "Trust me. I'll never give up."
"I don't believe in promises but when you came into my life, I gambled. Eventually, natauhan akong mali pala na itinaya ko nang buong-buo ang tiwala ko sa iyo." -Jamilla Pagdating sa mga lalaki, may trust issues si Jamilla Mae Aravello dahil sa pag-iwan ng tatay niya sa kanilang pamilya noon. But when Oliver Ethan Lee came into her life, isinugal niya ang tiwala niya dahil sa pag-aakala niyang matinong lalaki si Oliver base sa isang sikat na istoryang binasa niya na isinulat nito, which entitled of I Catch Your Heart. Oliver is a famous mysterious author in the Philippines, at ang istoryang isinulat niya ay ang kinaadikan ni Jamilla. Isang istoryang totoong nangyari kay Oliver with his past girlfriend, named Angel. Naputol lang iyon dahil sa hindi inaasahan pangyayari na dahilan ng pagkamatay ng girlfriend niya. Masakit at nahirapan si Oliver para tanggapin iyon. However, when he met Jamilla. Ang kasiyahang hinahanap niya katulad noon sa past-girlfriend niya ay sa dalaga niya natagpuan. Pipilitin niyang magmahal muli at kalimutan si Angel. Bagong istorya ang isusulat niya kasama si Jamilla pero mabilis din natapos ito dahil sa maling nagawa niyang hindi niya ginustong mangyari. Dahil sa maling nagawa niya, puno ng pagsisisi ang dala-dala niya sa huli. - Follow me on Wattpad: Nick_Black02 Mas active po ako doon kaysa dito. Doon naka-published lahat ng stories ko po. :)))))
"She's a rape victim."