Rena's POV
"I'm so pissed!" biglang sigaw ng customer dito sa café na pinagtatrabahuan ko. Paano ba naman kasi, nakabungguan niya ang isang waiter kaya naitapon sa kanya ang frappe ng ibang customer. Kontodo naman pahingi ng sorry ang waiter kaya pumagitna na rin kaming mga employees.
"Sorry na, Miss. Hindi ko naman po sinasadya. Bigla ka na lang po kasi tumayo." Paliwanag ni Elise. Bigla akong kinulbit ng Manager para samahan si Elise sa staff room. Sila na lang daw ang bahala sa gulo. Gabi na rin at mangilan-ngilan na lang ang mga tao sa café.
Habang papunta sa staff room, hindi mapakali si Elise. Nanginginig siya sa kaba.
"Kalma ka nga muna. Hindi ka naman siguro mapapaalis dito," sabi ko sa kanya.
Umiling siya at naupo. "Hindi ko naman sinasadya eh. Pero kung makasigaw sa akin akala mo kung sino. Pareho lang tayo estudyante dito. Ang naiba lang ay tayo nagtatrabaho para sa extrang pera, samantalang sila, seating pretty lang sa café at nakiki-chismis lang naman."
"Hayaan mo na. ganyan talaga ang mga rich kids sa school na 'to! Tara na't umuwi! Gabi na!" sabi ko sa kanya at naghanda ng mga gamit ko sa staff room. Iisang compound lang ang university at café. Sa kabilang kanto pa ang bahay ko pero delikado nang umuwi kapag gabi na at walang kasama. Uso sa lugar na 'to ang nakawan at holdup.
Minsan ko na rin naranasan manakawan ng bag. Nandoon lahat ang mga gamit at requirements ko sa school. Nahuli naman ang magnanakaw pero hindi na naibalik ang mga gamit ko. Pumasok ako sa scholl ng bangag dahil dun. Hindi ako nakapasa ng assignments at online quizzes. Last year yon. Pero naintindihan naman ng mga prof ko yung nangyari.
Nasa masukal na daan na ako ngayon at may nakita akong anino. Ayoko sanang lapitan pero narinig ko ang daing niya. Parang nasasaktan. Madamo at mapuno dito sa parte ng lugar na 'to. Nilapitan ko siya. Duguan siya at may mga pasa sa mukha at braso niya.
"Sir, are you okay?" Tanong ko naman. Dahil na rin siguro sa pinaghalong kaba at takot, tinawagan ko ang rescue team sa lugar. Ten minutes pa ang hinintay ko dahil malayo sa bayan ang lugar na 'to.
Pinasama nila ako sa ospital at pumayag naman ako. Ilang tanong pa ng pulis ang tinanong nila sa akin bago nila ako pinayagang umuwi. Alas siyete na rin ng umaga. Natulog lang ako maghapon, gusto kong gumalaw pero ang sakit ng katawan ko. Nagluto ako ng pagkain at natulog na lang ulit sa sala.
Kinaumagahan, nangalay na naman ang likod ko. Tinawagan ko ang mga kaibigan ko at nangamusta. Ilang araw na lang balik eskwela na.
['Ren, sama ka ba? SM lang tayo mga 4 PM.'] Aya ni Rhea, isa sa mga college best friends ko.
"Sige ba, magpapahinga lang ako ng kaunti. Sakit ng katawan ko kahapon pa."
['O, sige. See you mamaya!'] sigaw niya at pinatay iyon.
Bago pa ko tamadin, naligo at at nagluto na rin ako ng lunch.
--
"I missed you, guys!" sigawan namin. Anim kaming nandito ngayon. Sina Abby, Rhea, Leanna, Jayna, Jake, at ako.
Gumala lang naman kaming anim at kumain. Isama pa ang movie marathon namin sa sinehan. Avengers lang naman. Nagkwentuhan kami at pumuntang south point para tumambay, kwentuhan, kumain at umuwi.
"See you on Monday!" sigaw ko sa kanila at nagbesohan. Nagsisakay ng jeep kung saan man kami pupunta. Pero ako, pauwi na. Nauna akong bumaba at naglakad pauwi.
--
Monday. Back to school na! at dahil mamaya pang 11 AM ang klase ko, natulog na lang ulit ako at gumalaw nang 9:45.
Papunta na akong school. At dahil mainit, naisipan kong mag-jeep kahit 5 minutes lang yung lalakarin mula dito sa bahay papuntang university.
Biglang may tumabi sa akin sa jeep. Okay. Naka-uniform rin siya ng school namin.
"We've met again." Huh?
"Who are you?" ngumiti pa siya. "Do I know you?"
"No. But I know you. I'm Vien Hoyas, by the way." Sabi niya. "Bayad po, dalawa. Dyan lang po sa labasan."
"Oh. Thanks, by the way. Pero hindi mo naman kailangang—"
"Stop it. I'm just concerned dahil para kang bangag. Inuna mo pa cellphone bago—"
"What?" sigaw ko. Buti na lang walang ibang tao dito. Kami lang na tatlo pati ang driver.
Nagkwento siya nang mga nangyari sa kanya pero hindi ko siya pinansin. Bumaba na rin ako at naglakad papasok ng school. Nakabuntot pa rin siya. Halos ibang estudyante nakatingin sa lalaking nasa likod ko. Umakyat ako sa second floor at pumasok sa CR. Hinintay kong umalis siya bago ako tumakbo papasok sa classroom.
"Welcome back, Second Years!" sigaw ni Sir. Nagkantyawan naman kami. "May bago pala tayong makakasama." Sabi niya at tumigil ang tingin sa akin. Kinabahan naman ako.
"At bago ko siya papasukin, ia-arrange ko muna ang seats niyo," sabi niya t tinawag ang pangalan isa-isa. At last, pangalan ko. Hindi ko na katabi sina Rhea.
"And please welcome, Mr. Vien Aaron Hoyas." Sabi niya at pumasok ang lalaking katabi ko sa jeep. "You may sit beside Ms. Rena Chong." Sabi ni Sir at ngumiti sa akin.
...to be continued
***
© xiarls
All rights reserved