Moonville Series 3: Friend Zone Webnovel Edition
In the beginning, there was only Joshua and his little sister, Jasmin. Apat na taon ang tanda ni Joshua sa kanyang kapatid, kaya naman hindi niya ito makalaro masyado lalo na at baby pa nga ito.
Nang lumipat sila sa Mooniville, nakilala ni Joshua si Garee. Tiyempo namang nawalan ng best friend si Garee noon, kaya kinaibigan na lamang siya ni Joshua. Mula noon ay naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Best friends.
Sa school nakilala ni Joshua si Vic, at naging kaibigan din nila ito. Pero dumating sa barkada si Carol, at nang ma-inlove sa kanya si Vic ay niligawan siya nito. Pero nabasted lamang ni Carol si Vic, dahil may iba siyang gusto. Mula pa noong una itong dumating sa Moonville, si Joshua na ang crush ni Carol.
Then, there's Nick. Pinsan siya ni Garee, at naging instant friend siya ni Jasmin. Ang hindi alam ng lahat, crush ni Jasmin si Nick, pero si Carol naman ang crush nito. Ito ang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi magawang magtapat ni Jasmin ng damdamin niya kay Nick, at kahit masakit ay nanatili na lamang siyang best friend nito.
At sa hindi inaasahang pangyayari, na-in love si Joshua kay Garee. Okay lang sana, pero may girlfriend na si Joshua - si Gina, at hinding-hindi ito papayag na maging more than friends ang dalawa.
Sundan ang magulo pero nakakatuwa at nakakaaliw na love stories ng barkada, kasama ng iba pang karakter na inyong minahal sa Moonville.
joanfrias · Sports, voyage et activités