I Love My Killer
Lumaking ulila sa magulang si Alexa nang 9 years old palang s'ya dahil napatay sa isang ambush ang kanyang ama na isang dating Congressman,kasama rin sa nasawi ang kanyang ina. Nawalan na nga s'ya ng magulang ay nawalan pa s'ya ng mga naiwang ari-arian ng kanyang magulang dahil ito ang ginawang kabayaran sa pagkakautang ng kanyang ama sa mga Loan Shark. Kinupkop si Alexa ng kanyang Uncle na ang pinagkakakitaan ay ang pagnanakaw, nang dahil dun ay nabuhay s'ya sa isang mundo na tanging krimen lang ang makakapagsalba sa kanya lalo na't hindi na rin s'ya nakapag-aral bunga ng kahirapan, 'yun din ang nagtulak sa kanya upang hanapin ang salarin sa pagkamatay ng kanyang mga magulang at upang pagbayarin sila.
*****
Si Luis naman ay isang C.E.O ng isang malaking company, s'ya ay lumaki sa karangyaan at kasikatan dahil kilala sa buong bansa ang kanilang pamilya. Lingid sa kaalaman n'ya na ang kanyang pamilya ay isang mafia at ang kanyang ama ang Leader ng isang sindikato.
Paano kung pagtagpuin sila tadhana, may pag-asa kayang magkasundo silang dalawa? O maging kalaban kaya nila ang isa't isa?
[Ang istoryang ito ay binubuo lamang ng mga kathang-isip ng may akda,lahat ng tauhan,lugar,insidente,pangyayari sa istoryang ito ay bahagi lamang ng malikhaing imahinasyon ng may akda.]
INFORMATIONS:
Language: TAGALOG
Author and Cover Designer: K.CATIVO
Genre: ROMANCE, ACTION, REVENGE
Started: NOBEMBER 30,2021
Copyright©2021 Kizzy Cativo All Rights Reserved.
No part of this book may be reproduced,distribute,or transmitted in any form or by any means,including photocopying, recording,or other electronic or mechanical methods , without the prior written permission of publisher.
Sweety_Autumn · Action