Mairy Alois was once a happy princess of the Aeternam empire. She once had a complete and happy family, and a happy kingdom. But, Everything changed when a young boy named Ignis came into the picture. Her happy life was stolen from her. Ignis ruined her life. She was once a princess, but she ended up being his concubine.
Adrianne found herself woke up in a strange world. little did she know it was the novel she wrote after she decided to end her life. however the novel wasn't even finished and it only contain half of the chapter, upon woking up she discovered herself being inside the villainess who was loathed by everyone. will she be able to change her fate? upon knowing it wasn't even finished?
Ayaw man ni Yesha na maging kontrabida ay gumawa pa rin siya ng paraan upang umeksena sa buhay ng dalawang gwapo at matchong beki. Sa kabila ng pagkakaroon ng love story ng kababata at first love niyang si Kalix at sa isa pang beki na bigla na lang umeksena sa buhay nila na si Ken, hindi pa rin siya makapapayag na maagaw sa huli si Kalix sa kanya. Pero sa pagsasama-sama nilang tatlo, bigla na lang dumating ang oras na naramdaman niyang nagsisimulana ring mahulog ang loob niya kay Ken. Kung kailan, paano at bakit iyon nangyari, hindi niya alam. Magtagumpay pa kaya siyang putulin ang pagtitinginan ng dalawang beki o siya ang mamroblema kung kaninong beki mapupunta ang puso niya
Ang prinsesa ng kaharian ng Gemuria ay nabihag ng mga masasamang nabubuhay at halimaw kaya naman si Hemira, ang heneral ng mga mandirigma ng kahariang ito ang naatasan upang iligtas ang prinsesang nabihag. Ngunit bago niya magawa iyon ay kailangan niya munang hanapin ang anim na makakapangyarihang nabubuhay na makakasama niya at makatutulong sa kaniya sa pagliligtas sa prinsesa. Magagawa niya kayang makumpleto ang mga nabubuhay na iyon at mailigtas ang kanilang prinsesa? Paano kung hindi makisama ang mga ito sa kanya? At sino sa anim na iyon ang makakahuli ng kaniyang puso at makakapagpa-ibig sa kaniya na ang tanging alam lamang ay kung paano ang makipaglaban? Ito ang kanyang mga paglalakbay sa iba't-ibang mistikal na lugar na puno ng aksyon at siya si Hemira, sisimulan na ang paghahanap niya sa kanyang Anim na mga Kasamahan.
Magkaibang pamumuhay Magkaibang pamilyang pinanggalingan. Langit, lupa kung ihahalintulad Pag-iibigang susubukin at pagtitibayin Pag-iibigang iikot sa dalawang panahon. Sa mapait at mapaglarong mundo, ganito ang mararanasan ni Emilia at Severino, dalawang taong magmamahalan ngunit maituturing na sa maling panahon ipinagtagpo. Mapipigilan ba ng panahon ang kanilang pag-iibigan o mas lalo lang nito pagtitibayin ang sinisigaw ng kanilang mga puso? "Naniniwala akong isinusulat ng tadhana ang ating pag-iibigan tulad ng aking paniniwala na tayo'y magkikita at magsasamang muli sa kabilang buhay." -Emilia "Sa panahon na iyon, pareho na nating makakamtan ang inaasam nating walang hanggan na kaligayahan. Ikaw at ako sa panibagong panahon. Ikaw at ako hanggang sa kabilang mundo." -Severino I love you Series 1~ Date started: June 13, 2020
Opposites Attract. Lt.Col. Liam Anderson Barnes is an Australian-American Soldier. Favored with many. Playful and easy going, he's good at almost everything. Probably the reason why he gets bored easily. His favorite past time? Playing with girls feelings. For him, girls are very easy. Maybe because he's young and good looking. One mistake led him to the little and the farthest town in the province of Quezon. But instead of being sad about it, he calls himself fortunate. But that's until he gets bored with everything again. He came across Salome Saldivar. A feisty woman. Daughter of a wealthy man. Owner of a bookshop. Just when he thought he found another past time, he didn't know he'd met his match. And he's been looking for that girl. The girl that will change his life forever.
Hong Kong 1940 December Sa kalagitnaan ng tumitinding pangalawang digmaang pandaig ay wala paring tigil ang paroon at parito ng mga tao. Tulad na lamang ng magkapatid na sina Celio at Celia na kasalukuyang sakay ng naglalayag na pampasahirong barko mula Japan patungong Hong Kong. Maraming sakay ang barko na karamihan ay mga sino (Chinese), may mangilan-ngilang kanluranin din. Malaki ang kainan sa loob ng barko na halos puno na rin sa tanghaling iyon. Sa isang sulok na mesa ay makikita doon na nakapalibot ang limang ginoo na pangkanluranin ang kasootan. Dalawa sa mga ginoong iyon may mala mais na buhok, mapuputing balat at namamaga pa ang pisngi dahil sa lamig ng panahon kagaya ng isa pa na ang ipinagkaiba lang ay ang itim na buhok. Ang dalawang pang ginoo naman ay parihong may itim at kulot na buhok, maputi din ang mga ito marahil ay dahil sa matagal na pamamalagi sa kanlurang lupain, hindi nga lang tulad sa tatlo kanina na halata ang lahing kastila at amerikano. Masaya silang kumakain na animoy walang kagulohang nagaganap. May kung anu-anong pinag-uusapan na minsan ay nagkakatawanan pa. Marahil ay nakasanayan na lamang nila ang putukan, bumbahan at iyakan dahil sila ang mga sanggol na isinilang sa magulong panahon. At ngayon sa panahon ng kanilang tagsibol ay papaano nila gagampanan ang pagiging pag-asa ng bayan? "Nakakahiya mang aminin ngunit sasabihin ko parin." Wika ng isa na may mala mais na buhok na nagngangalang Alfredo Diaz. "Sa iyong kaanyuan ngayon ay mukhang higit ka pa yatang mas magandang lalake kaysa sa amin ginoong Celia." Sumang-ayon naman ang tatlo habang patuloy ang masayang kaninan. "Ang pangit kasi, mas pagkakamalan pa akong babae kaysa sa kanya eh." Pagbibiro naman ng kapatid ni Celia na si Celio at napahalakhak ang mga kasama nilang mukhang mga kanluranin ngunit sa pilipinas isinilang at may lahing malaya. "Nagsalita ang sampid." Banat naman ni Celia na kasalukuyang nakaayos ng panglalake dahil napagkatuwaan lamang nito. "Ako sampid? Kala pala ang gwapo ko." Sinabayan pa iyon ni Celio ng malakas na tawa pati narin ng mga kasama nila kaya naman ay nagtinginan sa kanila ang iba pang naroon na kumakain din. Nagkasabay naman na siminyas ng katahimikan sina Manuel Revera na may mala mais ding buhok at Robert Taylor na siyang nag-iisa sa kanilang may lahing kano. "Bukas ng umaga ay dadaong na ang barkong ito sa hongkong, may pupuntahan pa kaming tatlo kaya baka hindi na kami makasabay sa inyong magkapatid pauwi." Seryosong pahayag ni Robert. Natigilan naman si Celia dahil ibig sabihin niyan ay hindi na niya makikita ang matagal na niyang hinahangaan (daw) na walang iba kundi ang makisig na si Robert. Ano bang pwedi niyang gawin? Nais niya pang makasama ito ng matagal. At hindi niya pa nakukuha ang kailangan niya dito. "Nako tamang-tama lamang iyon dahil nais din namin ng kapatid ko na mamasyal muna sa hongkong." Pagdadahilan ni Celia na sasalungatin sana ng nakababatang kapatid na nasa tabi niya, mabuti na lamang at tumingin muna ito sa kanya, at sa tinginan ng magkapatid ay nagkaintindihan sila. "Wala kaming kakilala dito sa Hong Kong, baka pweding sumama narin kami sa inyo?" Nagkatingin ang tatlo, halata sa mga mukha ng mga ito ang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Celia. "Ah kasi..." Hindi naman alam ni Alfredo kung ano ang dapat sabihin. "Kung hahayaan mong sumali si Celio sa amin ay pwedi namin kayong isama." Si Robert ang nagsalita. "We're not going there just for fun." "I can't let him join that secret org of you people." Pagtanggi naman ni Celia. "Bakit hindi nalang kaya ako ang pasalihin niyo?" Natawa ang mga ginoo sa winikang iyon ni Celia. "Ayaw mong pasalihin si Celio pero gusto mong isali ang iyong sarili?" Pagpapalinaw ni Manuel kay Celia.