webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 50

Kinaumagahan,

May gumising kay Kelly "Ate gising na." Ang sabi ni Jacob.

Pag mulat ni Kelly "Eh? Bakit ka nandito baby boy?"

Jacob: Syempre po dine na ko titira.

Kelly: ANO?

Jacob: Bakit ayaw niyo po ako dito?

Kelly: Ah...eh...hindi naman sa ganon pero nasan ang uncle Renzo mo?

Jacob: Sabihin ko raw po sa inyo aalis muna siya at may aasikasuhin ng ilang araw tapos babalikan niya po ako dine sa inyo. Pansamantala kayo na raw po muna ang mag alaga sa akin.

Kelly: O---okay? Pero bakit andito ka sa kwarto ko? Ang aga aga pa wala akong pasok baby eh.

Jacob: Pero gutom na po ako di pa po ako nakain ng agahan.

Sa isip-isip ni Kelly "Bakit ba feeling ko simula ng dumito ang batang ito di lang opo ang sinasabi niya? Dumadami na mga sinasabi."

Jacob: Ate...halika na po kain tayo.

Kelly: Ah...eh...sige pero ang itawag mo sakin ay tita okay?

Jacob: Okay po tita.

Kelly: Very good.

Jacob: Nga po pala sabi ng mga kuya niyo...

Kelly: Tito sila ako tita okay?

Jacob: Opo sabi nga po pala ng mga tito ko kayo na daw po muna bahala sakin kasi naka alis na po sila may pupuntahan din po gaya ni uncle Renzo.

Kelly: Ha? You mean, tayo lang ang nandito ngayon sa bahay?

Jacob: Opo wala pa din po sila Mommy at Daddy eh baka hahanapin po nila.

Sa isip-isip ni Kelly "Mga lintek na yon ako lang iniwan sa batang ire?"

Jacob: Tita can we go to mcdo nalang po?

Kelly: Mc---Mcdo? Ng ganireng kaaga? Alas otso palang baby magluluto nalang ako okay?

Jacob: Pero yun po ang binilin sakin nila tito ang wag na wag kayong hahayaang magluto.

Kelly: Si---sinabi nila yon?

Jacob: Opo para daw pong J walking ano pong ibigsabihin non?

Sa isip-isip ni Kelly "J walking? Ano bawal lumiban nakamamatay? So, ibigsabihin nakamamatay ang luto ko? KUYAAAAA...lagot talaga sila sakin pag uwi."

Pagkalipas ng ilang oras,

"Ding...dong..."

Nanonood ang mag tita ng cartoon "Tita baka pizza na yon na inoder natin." Ang sabi ni Jacob.

Kelly: Ah...gutom ka na noh?

Jacob: Opo eh kasi ang inagahan lang po natin cereal eh.

Kelly: Sorry baby hayaan mo sa lunch natin masarap nag padeliver din si tita ng Mcdo.

Jacob: Talaga po?

Kelly: Oo malakas ka sakin eh...oh tara tignan na natin yung pizza?

Jacob: Opo.

Sa labasan,

Patrick: Bakit ang tagal namang buksan ni Kelly yung pinto.

Dave: Baka may ginagawa pa.

Pagbukas ni Kelly ng gate "Oh? Kayo? Kala ko pa naman pizza delivery na." Aniya.

Jacob: Opo nga po.

Patrick: Hi.

Dave: Hello Master.

Kelly: Yow...

Jacob: Halika na po sa loob sabi ni uncle wag daw makikipag usap sa di kakilala.

Kelly: Ha? Pero kilala ko sila.

Jacob: Pero di ko po sila kilala.

Pabulong bulong si Patrick "Sino yang kutong lupang yan?"

Dave: Dude, ang taba niyan kuto?

Kelly: Ah...eh...ano nga palang kailangan niyo?

Dave: Yung project natin nalimutan mo na master?

Kelly: Ahhh...oo nga pala pero paano yan? Walang mag aalaga dine sa batang ito eh.

Patrick: Sino ba yan?

Jacob: Anak niya ko may problema?

Kelly: Ano? Baby naman baka di na maka pag boyfriend si tita pag yan lagi ang sasabihin mo.

Jacob: Sorry po sabi kasi ni uncle yun daw sasabihin ko pag may magtatanong.

Patrick: Ha---ha---ha...sino ba yung uncle mo?

Jacob: Ah...si uncle Renzo po.

Patrick: Ha----ha---ha...Si Renzo pala yung uncle mo.

Jacob: Opo yung mas pogi po sa inyo.

Pabulong bulong si Patrick kay Dave "Napatol ako sa bata pigilan mo ko."

Dave: Kalamayin mo ang loob mo dude.

Kelly: Ha---ha---ha...Jacob, pumasok ka muna sa loob okay? Kakausapin ko lang sila okay?

Jacob: Pero...

Kelly: Sige na mabait yan eh di ba?

Jacob: Humph...sige na nga po.

At pumasok na si Jacob sa loob "Sino ba yon? Pamangkin mo?" Ang sabi ni Patrick.

Kelly: Sigh....oo.

Dave: May pamangkin ka na? May anak na ang isa sa mga kuya mo?

Kelly: Sigh...basta mahabang istorya pero ngayon pwede bang bigyan niyo nalang ako ng gagawin? Dahil walang maiiwan na magbabantay sa kaniya eh kaya sige na bigyan niyo nalang ako ng part sa project kahit ako na bahala sa power point.

Dave: Sige master sayo nalang yung ppt.

Patrick: Yung Renzo ba yung kasama natin sa theme park noon?

Kelly: Sige ako na sa ppt.

Binuksan yung gate "Sige ingat kayo mauna nako sa inyo." Dagdag pa niya.

Patrick: Ke---kelly.

Dave: Hayaan mo na muna babysitter eh.

Patrick: Tsk...lagi nalang siyang busy di ko na siya nakakasama nireng mga nakakaraan.

Sa isip-isip ni Dave " Jowa lang ang peg?"

Patrick: Tsk...tara na nga.

Makalipas ang ilang minuto,

"Ding...dong..."

Kelly: Ako na manood ka nalang diyan.

Jacob: Okay po.

Pagkabukas ng gate ni Kelly "Pizza delivery po."

Kelly: Sakto dumating rin salamat kuya.

"Okay po."

Pagkaalis nung delivery man "Kelly!" Ang sabi naman ni Ethan.

Kelly: Oh? Senior napadaan kayo.

Ethan: Ahh...oo may pinuntahan ako sa malapit kamusta na?

Kelly: Ah...eh...

"Tita sino kausap nyo?" Sambit ni Jacob.

Ethan: Oh? May bata?

Kelly: Hindi pa ba nakwento sayo ni kuya Kevin?

Ethan: Ahhh...sya na ba yon? Ang cute naman.

Pipisilin sana ni Ethan yung pisnge ni Jacob pero umiwas ito "Ha---ha---ha....Di kasi siya sanay sa tao pasensya na senior."

Ethan: Nako, wala yon mukhang mana siya sa tatay niya ah.

Jacob: Syempre naman po cute na pogi pa.

Ethan: Mukhang sa tito Keith niya na mana yan.

Kelly: Hehehe...mukha nga ano tara mag pizza? Sa loob?

Jacob: Pero sabi ni uncle bawal mag papasok pag di ko kilala kailangan po kitang protektahan.

Hinawakan ni Ethan ang buhok ni Jacob "Ahhh...ang sweet naman pero mabait ako di ako kung sino lang kaya don't worry."

Ang sama ng tingin ni Jacob kay Ethan "Ha---ha---ha...mukhang gutom na siya Kelly sige mauuna na ko."

Kelly: Ha? Pero...

Ethan: Sige na.

Jacob: Tita halika na sa loob lalamig pa yang pizza.

Kelly: Okay?

Sa isip-isip ni Kelly habang papasok sa loob at pinagmamasdan si Jacob "Mukhang tinuruan ng maige ni Renzo ang batang ire pero di ako papayag na maging bastos siya sa ibang tao ako lang dapat ang pilosopo sa bahay na ito."

Jacob: Tita halika na.

Kelly: Oo andiyan na.

Kinatanghalian,

Kelly: Oh? Ano busog na?

Jacob: Opo salamat sa pagkain.

Kelly: Ahm...baby boy...

Jacob: Tita dina ko baby binata na ko.

Kelly: Talaga lang ha? Sige nga magligpit ka.

Jacob: Hala, child abuse na yan tita.

Sa isip isip ni Kelly "Huh! Mukhang may pag mamanahan talaga siya ng ugali."

Kelly: Okay, tulungan mo nalang si tita ha?

Jacob: Opo no problem.

Kelly: Aba, marunong ka na mag English ha.

Jacob: A little bit.

Kelly: Nga naman ang nanay mo nga pala eh isang call center agent.

Jacob: Opo kaya may alam po ako.

Kelly: Home school ka di ba?

Jacob: Opo pero ngayon dahil bagong lipat kami dine di po muna ako napasok.

Kelly: Gusto mo si tita muna ang teacher mo?

Jacob: Okay po sa alright.

Kelly: Alam mo bang na sa pamilya tayo ng mga guro?

Jacob: Opo, napag-aralan ko na po ang mga tungkol sa inyo.

Kelly: Ha?

Jacob: Alam niyo po di na basta basta ang mga bata ngayon kahit sino marunong na gumamit ng cp kaya wag na po kayong magugulat kung marami na akong alam. Pero wag din po kayong mag-alala dahil sa tama lang po ako at di sa mga bad.

Kelly: O---Okay?

"Ding...Dong..."

Kelly: Ha? Bakit parang nadadalas ang mga dumodoor bell ano?

Jacob: Hayaan nyo pong ako na ang humarap sa kanila.

Kelly: Nako, hindi na baka mamaya mandurukot ng bata yon.

Jacob: Sige po samahan niyo nalang ako.

Kelly: O—okay?

Paglabas na naman nila Kelly "Hi..."

Kelly: Chollo? Wayne?

Sa isip-isip ni Jacob "Ilang lalaki ba ang na lilink dine kay tita Kelly? Tama nga sila tito Kim kailangan ko siyang bantayan."

Chollo: Kakamustahin lang sana namin ikaw.

Wayne: Oo nga di na kasi kita...ay namin ikaw nakikita sa school.

Kelly: Ahhh...may inasikaso lang at lagi lang din kasing half day ang class namin iba naman kasi ang schedule niyo samin noh!

Jacob: Ahem...mommy sino sila?

"Mo---mommy???" Anila Chollo at Wayne.

Kelly: Hahahaha...si Jacob nga pala pamangkin ko mukhang muntik ng mabasag ang eardrum niyo sa narinig niyo ah?

"Ah...eh..." Reaksyon nila.

Jacob: Tita sino na naman sila?

Wayne: Na naman? May na una na ba samin na bumisita sayo dito?

Jacob: Yes and no one allows to enter so you may go and leave.

Kelly: Jacob! Say sorry.

Jacob: Pero tita sabi nila tito alagaan at bantayan kita sa mga boys.

Chollo: Pero mabait kami sa tita mo kaibigan niya kami.

Jacob: Well, ikaw? Mukhang hinde may hikaw ka pa sa tenga ha? Ano ka bakla?

Chollo: A---ano???

Pinigilan siya ni Wayne ka agad "Bro, bata yan." Aniya.

Jacob: Sir, what's your name?

Wayne: Ako?

Kelly: Siya si Wayne bakit?

Jacob: Pwede na.

*Sundan ang susunod na kabanata mga kabayan*

lyniarcreators' thoughts