webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 394

Kinaumagahan,

"Good Morning..." Bungad ni Kelly na animo' walang ka gana-gana.

Bumungad naman kay Kelly ang mga kuya nyang nag aagahan kasama si Shaun ang pinsan nila.

"Morning..." Sagot nila kay Kelly.

"Anyare? Umagang umaga eh wala ka Na agad sa mood." Sambit ni Kevin at naupo sa tabi nya rin si Kelly.

"Kelly sinasabi ko sayo wag kang nag pupuyat krainaman ka!" Pagalit na sambit ni Kian.

"Di ako nag puyat kuya talagang di lang makatulog kasi nag sula pa ko."

"Nag sulat? Para san?" Tanong ni Shaun.

"Ah... Author kasi yang si Kelly sa isang novel app." Sagot ni Kim.

"Sinabi ko na kasing tigilan mo na yan mamaya maging anemic ka naman kakapuyat mo. Tignan mo yang maya mo lawlaw na." Sambit ni Kian.

"Deadline na ba sis? Sana sinabihan mo ako para ako na ang nag type." Sabi ni Kevin.

"Ohh... Online pala yung novel meron palang ganun akala ko literal na sulat." Opinyon ni Shaun.

"Tsk! Sya kumain ka na Kelly at uminom ka ng vitamins mo." Sabi ni Kian.

"Opo kuya."

"Ang angas naman pala ng pinsan ko author na. Anong title ng book mo gusto mag basa."

"Shaun bro, online yung book nya baka isipin ko literal talaga na libro ha." Sabi ni Kim.

"Ahhh... Oo novel app nga pala ano? Sorry. Hahahaha..."

"Pero later on magiging actual din ang book ni Kelly lalo pa ngayon na magiging comics na yung novel nya. Right baby sis?" Ang proud na sambit ni Kevin.

"Eh? Comics?"

"Um. May collaboration sya sa isang cartoonist na gustong gawing comics ang novel nya."

"Totoo Kelly? Galing naman. Online din?"

"Oo kuya Shaun kaya tinapos ko na yung last drafts ko kagabi."

"Natapos mo?" Tanong ni Kim.

"Oo kuya."

"Wag ka na munang pumasok umuwi tayo ng Batangas." Sabi ni Kian at kinagulat yon ng mga kapatid nya.

"Pupunta tayo? Pero day off nyo bang lahat?"

"Ako pwede naman akong mag absent." Sabi ni Kevin.

"Weekend naman ngayon kaya wala talaga kaming pasok ni kuya." Sagot naman ni Kim.

"Shaun ikaw? May lakad ka ba ngayon?" Tanong ni Kian.

"Ah wala, bakasyon ako next week pa ako babalik."

"Nice. Sumama ka na." Sabi ni Kevin.

"Ummm... what if bisitahin nalang natin sila kuya Keith sa Bulacan? Gusto ko na din makita ang pamangkin natin. G kayo mga kuy's?" Sambit ni Kelly.

"Well, mas okay ngayon. G ako!" Sagot agad ni Kevin.

"Ako rin!" Sambit naman ni Shaun.

"Aba ako rin." Sabi naman ni Kim.

"Kuya Kian ikaw?" Tanong ni Kelly.

"Aba'y oo naman alangan namang kayo lang."

"Sasama rin po ako!!!!" Bungad ni Jacob na kagigising lang.

"Syempre naman kasama ang bebi boy namin." Sagot ni Kelly Na nanggigil kay Jacob na pinaghahalikan ang pisnge nito.

"Cute-cute naman ng batang yan naiwan ba yan sa kusina? Hehehe..." Opinyon ni Shaun.

"Tol, pwera usog." Sambit ni Kian.

"Uso pa ba yun?"

"Aba kuya naman para namang di ka taga province uso pa rin yun no! Kaya sige Na lawayan mo si Jacob." Sagot ni Kelly.

Lumayo naman agad si Jacob.

"Oh? Bakit? Mag palaway ka sa tiyan."

"Ayoko po tita Kelly. Malaki na ko eh tsaka nalawayan nya na ko kagabi."

"Hahahaha... nga naman tsaka di naman ako nakakabales ng bata grabe kayo sakin. Halika kiss nalang kita sa tiyan. Hehe..."

"Much better po yan tito."

Pero di alam ni Jacob lalawayan talaga siya ng tito Shaun niya pagtapos syang i-kiss.

"Tito Shaun!!!!"

Samantala,

Sa bahay ng mga Santos....

Kanina pa nakatulala at di ginagalaw ni Patrick ang kaniyang agahan ng makita sya ng ate May nya na mag aagahan narin at naka ready sa pag pasok sa trabaho.

"Manang Tina..."

"Hmmm?"

"Ayos lang ba yan?"

"Kanina pa nga yan nakatulala di naman kumakain."

"Tsk! Sige Manang pakikuha ng megaphone."

"Ha?"

"Sige na Manang akong bahala sa isang yan."

"Okay sige sandali lang."

At pagkakuha nga ni Manang Tina ng megaphone ginamit agad ito ni May kay Patrick na para bang may rally sa loob ng bahay nila.

"Ate naman!!!"

"I can hear you bro!!!" Sagot ni May habang iniinis si Patrick.

Tumayo si Patrick at sumigaw "MAYBELINE ROSE PACHECO SANTOS!!!"

At tumigil na nga sa pang aasar niya itong si May ng isigaw ng kapatid nya ang buong pangalan nya.

"I'm okay! I'm good! Okay ka na ate?"

"Ang akin lang kasi..."

Naupong muli si Patrick "I know concern ka sakin pero okay lang ako may iniisip lang."

"Si Kelly?"

"Um."

"Alam kong nahihirpan ka na sa sitwasyon ngayon but can you still be patience? Hanggang sa maayos nila dad ang problem."

"Hindi naman yun ang iniisip ko ate wala naman akong pakialam sa lintek na engagement na yan."

"Eh ano ba ang iniisip mo?"

"Mmmm... nonsense lang yon. Wag mo na kong pansin."

May bonked him "Paano kita di papansinin eh kanina kanpa daw ganyan tignan mo yang pagkain mo ginulo gulo mo lang."

"Ay... sorry."

"Iniisip mo yung kasama ni Kelly na boy right?"

"Ha?"

"Wag ako bro! I know everything to you. Wag mo na kasing alalahanin yon di ba nga ang sabi ni Johnsen pinsan lang daw ni Kelly yon. Kaya wala kang dapat ika selos."

"Si— Sinong nag seselos?"

"Tigilan mo nga ko sa kaartihan mo! Alam kong nag seselos ka sasampalin kita eh."

"Pero kasi ate naisip ko lang paano kung biglang may man ligaw kay Kelly? Kaso syempre malayo kami sa isa't isa tapos may lintek na fiancée pa ako Paano kung mamaya mapagod na si Kelly sa paghihintay?"

May bonked him again "sira!"

"Ate naman!"

"Single si Kelly matagal na sa tingin mo ba nag mamadali sya? Knowing Kelly mas gusto nya pang maging loner kesa into relationship."

"Wala lang baka kasi mamaya maisipan nya nalang na ma inlove sa iba."

"Manang!!!"

"Ma'am?"

"Pakikuha ng razor ni Dad sa room nila ni Mom."

"Eh?"

"Kakalbuhin ko lang ang isang ito."

"Ate naman! Manang wag! Sige na po kumain na kayo dun. Wag nyong pansinin ang ate."

"Tsss! Kakalbuhin talaga kita eh.

"Si— Sige. Wag kayong mag away dalawa."

"Opo Manang."

At nag tungo na nga si Manang Tina sa kusina at nakain na rin doon ang mga iba pang mga kasambahay ng mga Santos.

"Ano po Manang ayos na si Young Master?" Tanong ni Wena na isa sa mga kasambahay.

"Oo hayaan na muna natin yung mag kapatid."

"Eh Manang paano po pala yung fiancé ni Young Master? Di ba sabi frame up lang naman yon?" Sabi naman ni Aldo isa Sa hardinero ng mga Santos.

"Kumain nalang kayo at wag nyong pag tsismisan ang ating mga amo. Problema nila yon at di natin sila dapat pinangungunahan. Dahil sa huli sila pa rin naman ang mag dedesisyon sa sarili nila. Tao lang nila tayo sa bahay na ito at hindi kapamilya. Gawin lang natin ang mga trabaho natin makakatulong na yun sa kanila ng malaki. Kung isang araw kailanganin nila tayo sa "personal matter" nila tumulong tayo ng walang kapalit. Dahil isa naman sa atin dito malaki na ang naitulong ng pamilya Santos. Tama naman di ba?"

"Opo Manang."

"Naging mabait sila satin kaya nararapat lang na suklian natin sila ng pag tulong na di matutimbasan ng kahit anong halga."

***

Nung nalaman ni Patrick na nag puntang Bulacan sila Kelly lalo na itong na depress at parating in bad mood.

Sa opisina ni May,

"Ha? Hindi pa sya nakain? Eh lunch na ah kanina pa. He didn't eat din daw kaninang breakfast sabi sakin ni Manang Tina." Sambit ni May na nakikipag usap kay Johnsen.

"Yes Ma'Lady wala daw po syang gana kumain eh tatapusin nya nalang daw po ang mga papers nya."

"How about Sweet? Kinukulit ba sya nito?"

"Ahm... actually pumunta po sya sa office ni Young Master kanina na may dalang foods na ipinamigay rin po sa mga staff pag kaalis ni Ms. Sweet."

"Ohhh... hindi talaga kakain si Patrick ng galing sa hindi naman nya ka close."

"Opo kaya sabi ni Young Master ipamigay ko daw po sa mga staff. Pero sya po di pa na kain."

"Don't worry ako ng bahala sige na bumalik ka na sa Boss mo and don't give him coffee di pa sya nakain."

"Yes Ma'Lady."

"Sige na."

"Opo."

Pag ka labas ni Johnsen ng Office ni May...

"Hello Baby Girl...." Sambit ni May Na tinawagan agad si Kelly via video call.

Kelly: Hello ate May! San ka?

May: Company. How about you?

Kelly: Ah... Nandito po ako sa Bulacan bali sa ilog po ito sa lugar nila ate Faith.

May: Oh... enjoy ka.

Kelly: Um. Kamusta po?

May: Eto dami kailangan tapusin na papers mag end of the month na kasi eh.

Kelly: Ahhh... good luck po. Pag may need kayo sabihan nyo ko lalo na pag dating sa computer. Hehe.

May: Thanks. Pero... pwede bang nag request? Alam ko nakakahiya ito pero... kasi... lately...

Kelly: Ano pong problema kay Patrick?

May: Na de-depress sya eh ayaw nya ngang kumain. Nag aalala na ako sa kaniya madalas ring bad mood ayaw makipag usap puro work ang iniintindi. Naging ganyan sya dahil sa engagement nila ni Sweet na di naman nya ginusto. Alam mo namang ikaw lang ang gusto ng kapatid ko.

Kelly: Ahm... ate ito lang po sasabihin ko sabihin nyo dyan kay Patrick wag syang ma buang kung ayaw nyang masapak ko sya.

May: Hehehe... Ikaw lang talaga makakapag pa ngiti sa buang na yon eh. Kaya sana kung pwede tawagan mo sya? Para lang mahimasmasan sya bumalik ang sigla.

Kelly: Sige po try ko pero baka pag balik na po namin sa bahay nila ate Faith malapit na po kasi malow-bat ang phone ko.

May: Okay kang take your time gusto ko lang talaga na mabuhayan si Patrick lugmok kasi sya ngayon kaka overthink nya.

Kelly: Overthink?

May: Oo nag o-overthink sya sayo alam nya kasing andiyan ka sa Bulacan. Alam mo na iniisip nya na baka may biglang mag ka gusto diyan sayo. Kaya sorry na agad ha? Alam ko namang wala kayong relasyon ni Patrick at nakakahiya yung request ko sayo...

Kelly: Okay lang ate balak ko rin naman talaga syang kausapin na tsempo lang po ako lagi kasi naka bantay sila kuya sakin.

May: Ohh... Oo nga pala sorry ha?

Kelly: No worries ate basta tatawagan ko si Patrick ngayong araw wag po kayong mag alala.

May: Thankyou sis kaya boto ako sayo eh ang super kind mo kasi at matulungin.

Kelly: Wala po yun kaibigan po kita at kaibigan and business parted kami ni Patrick kaya normal lang po na tulungan ko sya.

May: He... He... sige kaibigan oo busines partner syempre... Ha... Ha...

Kelly: Sige po ah tawag na ako nila kuya eh.

May: Oo sige thanks sa time.

Kelly: Opo bye. Ingat kayo.

May: Um. Ikaw din.

Pagtapos mag usap nung dalawa nasabi ni May ang mga linyang "kaibigan and business partners? Sigh... mukhang one sided love lang pala... kawawang Patrick."