webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 333

Nakarating na sa isang café na malapit sa school ni Jacob sila Kelly at Patrick...

"Okay ka lang ba? Bakit parang nanginginig ka?" Ang tanong ni Kelly kay Patrick.

"Ha? A— Ano kasi eh..."

Kelly smirked "kinakabahan ka?"

"A— Ako? Syempre hinde." Napahawak naman sa ilong niya itong si Patrick at kapag ganoon ang kaniyang inaasal ibig sabihin lang noon ay nag sisinungaling sya at alam ito ni Kelly.

"Wag nga ako, kilalang kilala na kita wag mo kong paandaran. Nag sisinungaling ka ganyan ka kinakamot mo ang ilong mo. Kaya tigilan mo nga ko ikaw ang nag plano ng mga ito tapos kinakabahan ka?"

"Eh honey... alam mo namang nakakatakot magalit ang kuya Kian mo. Tapos baka pag pumalpak tayo ako lahat ang mapag bubuntunan ng kasalanan."

Pinisil naman ni Kelly ang pisnge ni Patrick "sa tingin mo hahayaan ko ang mga yon? Syempre hindi, simula naman nung una palang ako na talaga ang may plano ng mga ito kaya kung may kagagalitan man si kuya ako yon at hindi ikaw."

"Pero honey... kinakabahan talaga ako eh baka mamaya magkita sila kuya Kian at kuya Jules. Paano anong gagawin natin?"

"Kumalma ka nga ano naman kung magkita sila? Yun nga ang gusto kong mangyare."

"Honey? Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Paano kung mag amok si kuya Kian don kapag nakita nya si kuya Jules?"

"Honey makinig ka kung kilala mo na talaga ako alam mong mahilig talaga ako sa gulo."

Napainom naman ng tubig si Patrick at naubos nya yung isang baso ng tubig ng diretso "honey, oo alam ko naman yon pero jusko po mga kuya mo yun at hindi ibang tao."

"Pagod na ko eh."

"Hmm? Wait ayos ka lang ba? Gusto mo bang iuwi na kita?"

"Tungaw! Masyado ka namang literal ang ibig kong sabihin pagod na kong pag batiin ang mga kuya ko."

"Ahhh... yun pala pero andito naman ako tutulungan kita."

"I know at alam kong gusto rin ni mama na mabuo kaming magkakapatid pero paano kung ang tataas ng pride ng mga ito? Naiinis ako."

Hinawakan naman ni Patrick ang kamay ni Kelly para maipakita nito sa asawa ang kaniyang sympathy "honey... wag ka ng maistress baka mapaano kayo ng baby natin."

"No worries ayos lang kami kahit siguro ang baby natin naiinis na rin sa mga tito nya."

Patrick chuckled "but honey paano ang gagawin natin kay kuya Jules?"

"Sa ngayon, hindi ko pa talaga alam si Mama ang kakausapin ko sigurado kasi akong alam nya kung ano dapat naming gawin."

"Pero honey wag mong sabihin na idodonate mo ang kidney mo para sa kuya Jules mo? Honey naman wag."

"Kung sino man saming magkakapatid ang mag match kay kuya Jules at kung ako yon di ako nangingming i-donate ang sakin."

Tinanggal naman ni Patrick ang kamay nya sa pagkakahawak kay Kelly "honey this is not fair!"

"Honey, if you're on my shoes anong gagawin mo?"

Hindi naman nakapag salita si Patrick at hinawakan naman ngayon ni Kelly ang kamay nito "honey, kapatid ko parin si kuya Jules pero syempre hindi ko naman ilalagay sa alanganin ang buhay ng anak natin. Hindi ko naman alam nga kung ako ang mag mamatch kay kuya Jules at kung meron man samin sure akong si kuya Julian yon kasi kambal sila."

"Eh paano kung hindi? Tsaka sundalo si kuya Julian mahirap nag iisa ang kidney para sa propesyon nya."

Napaisip naman si Kelly sa sinabing iyon ni Patrick at biglang dumating na sila Jacob kasama sila Jules at Wendy.

"Tita Kelly!!!" Ang bungad ni Jacob at lumapit agad sa tita Kelly nya.

"Anong nangyare baby boy?"

"Nanalo po kami nila tito Jules at tita Wendy sa sock race eto po oh nay award po kami pang third place po ang team namin." Proud na proud naman si Jacob na ipinakita sa tita Kelly nya at sa tito Patrick nya ang kaniyang medalya.

Napatingin naman si Kelly sa kuya Jules nya at nag usap sila sa labas ng cafe "kuya totoo ba?"

"Ang ano naman? Di ba nga nakita mo na ang medal ni Jacob nanalo nga kami Aat third place ang team namin kaya ikaw..."

Napatigil naman sa pag sasalita si Jules dahil biglang nag salita si Kelly tungkol sa kondisyon nito "pa— paano mo nalaman? Did you hire an investigator? Pina background check mo ko?"

"Sagutin mo nalang ako!!!" Ang pa sigaw na sambit ni Kelly at pinag tinginan naman sila ng mga taong naroon sa labas.

"Oo! May sakit nga ko! Masaya ka na?!"

Napaluha naman si Kelly at niyakap ang kuya Jules nya "ano bang ginagawa mo?"

"Wag kang mag alala magiging okay ka kuya uuwi na dito bukas si kuya Julian."

"Talaga?"

"Um. Bukas po ng gabi ang dating nya kaya sabihin no sa kaniya ang kondisyon mo."

"Wala na... kahit dumating siya dito sa Manila hindi match ang kidney namin kaya wag mong sasabihin ang tungkol doon."

"Pero kuya paano ka naman naka sigurado? Nag pa check na ba kayo?"

"Bata palang kami alam ko ng lahat kay Julian at isa na roon ay hindi match ang kidneys namin."

"No kuya gagawa tayo ng paraan para humaba pa ang buhay mo kapatid mo kami at sure ako isa samin ang ka match mo."

"Bakit ba ang bait mo sakin? Samantalang ang daming masasakit na salita na ang nasabi ko sayo."

"You asked me why? Bakit mo pa ba tinatanong yan? Syempre kapatid kita at mahal kita kahit mainitin ang ulo mo at kahit di pa tayo ganoong magkakilala in the end of the day mag ka dugo pabrin tayo kaya sino pa ba ang mag tutulungan? Di ba tayo?"

Niyakap naman ni Jules si Kelly at saktong dating naman nila Kian at Rica "anong ibig sabihin nito?" Ang nagagalit na sambit ni Kian.

"Si daddy? At Mommy? Hala! Bakit nandito po sila?" Ang pagulat na sambit ni Jacob na napatingin sa labas kaya napalingon rin sila Patrick at Wendy.

"Oh my! Rick what should we na?"

"Hindi ko alam ate Wendy pero mabuti na rin ang nagkita sila para masabi na rin ni Kelly ang lagay ni kuya Jules."

"Hmm? Ano pong lagay? May problema po ba si tito Jules? Sabi ko na eh di po dapat ako nag tiwala kay tito Jules lagot ako nito kay daddy."

"Rick?" Ang nag aalalang sambit naman ni Wendy.

"May sakit si kuya Jules may sakit sya sa bato."

"What?!" Ang pagulat na sambit naman ni Wendy at natahimik lang sa gulat si Jacob at kasabay rin naman noon ang naging commotion sa labas dahil biglang nahimatay si Jules ng sinapak sya ni Kian "kuya! Ano bang ginawa mo? May sakit sa bato si kuya Jules!" Ang nagagalit na sambit ni Kelly at tinawag nya si Rica para tumawag ng ambulance.

"Totoo ba ang lahat ng sinabi mo? May sakit sa bato si Jules?"

"Yung ambulance??? Nasan na???!!!" Ang sigaw ni Kelly.

Binuhat na ni Kian si Jules "sumunod nalang kayo sa hospital ako ng mag dadala kay Jules."

"Kuya..."

"Rica pakibuksan ang pinto ng kotse Kelly dun nalang tayo magkita sa DLRH tawagan mo na agad si Kevin."

"O— Oo kuya."

At sila Kian at Rica na nga ang nag dala kay Jules sa hospital sumunod rin naman doon agad sila Kelly at iniwan nila si Jacob kay Wendy para iuwi sa bahay ng mga Dela Cruz. "Mamsie..." Ang salubong ni Jacob sa lola Keilla niya.

"Oh? Bakit ka naiyak?"

"Ahm... I didn't do anything po kay Jacob, tita but by the way ako po si Wendy kaibigan po ako ng anak niyong si Kelly pero ngayon po kasi kasalukuyan pong isinugod sa hospital si Jules nahimatay po kasi sya kanina."

"Ano? Bakit? Ano ang nangyare?"

"May sakit po sa bato si tito Jules. Mamsie... mamatay po ba siya? Ayoko pong mawala agad sya gusto ko pa po syang makilala ng lubusan ang bait nya po sakin eh..." umiyak ng umiyak si Jacob niyakap naman sya ng lola Keilla nya "tahan na apo magiging okay rin ang tito Jules mo magkikita pa kayong muli mag pray tayo. Okay?"

"Opo Mamsie."

"."

Dalawang oras na ang lumipas at hindi pa rin alam nila Kelly ang mangyayare sa loob ng ICU

"Nandito na kami sorry traffic." Ang sambit naman ni Kim na kasama si Keith.

"Nasan na si Jules?" Ang tanong naman ni Keith.

"Nasa ICU sya kuya kanina pa at Di pa namin alam kung ano na ang mangyayare sa loob." Ang sabi naman ni Patrick.

"Ano ba kasing nangyare? Tsaka bakit nasa foundation day ni Jacob si Jules?" Ang tanong naman ni Kim.

"Oo nga sinabi lang sakin kanina ni Faith." Ang sambit naman ni Keith.

"Sorry mga kuya kasalanan ko po kung bakit nag punta sa school ni Jacob si kuya Jules pero..." nag simula ng umiyak si Kelly kaya tinapik tapik naman ni Patrick ang likod nito para kumalma "honey...."

"Hindi mo kasalanan wag mong sisihin ang sarili mo kung nung una palang kasi kami na ni Rica ang umattend sa foundation day ng anak namin hindi mangyayare ang lahat ng ito." Ang ba gu-guilty na sambit ni Kian. "Sorry Kelly..."

Nag walked out naman itong si Kian "kuya!!!" Sambit nila Kim at Keith.

"Hayaan nyo na ako ng bahala sa kuya nyo dito nalang kayo and Kelly pag pasensyahan mo na rin ang naging emosyon ng kuya mo."

"Aye sorry rin kanina about sa pag sigaw ko."

"No worries sige na maiwan ko na kayo habulin ko na muna ang kuya nyo."

Paglabas naman ni Kain sumigaw sya sa may gitna at nakaagaw sya ng pansin ng ng taong nasa labas ng hospital "Ha... Ha... Ha... wag nyo nalang po syang pansinin may pinagdadaanan lang po sya. Ha... Ha... Ha..." Ang nahihiyang sambit ni Rica at hinila nya ang asawa nya papuntang sasakyan nila.

"Ano bang problema mo? Nababaliw ka na ba? Bakit ka nalang bigla sumigaw doon? Ang daming tao dun! Nakakahiya ka!"

Bigla naman naging cry baby itong si Kian na kilala ng lahat bilang isang lion ang ugali "haysss... yan tayo eh sigaw pa more." Hinila naman nga si Kian at niyakap "ayos lang yan wag mong sisihin ang sarili mo hindi mo kasalanan na nahimatay si Jules nung sinapak mo. Pero hindi ko rin sure ha?"

Kumalas naman si Kian sa pagkakayakap sa kaniya ni Rica at tinignan nya ito ng masama "sorry na pero no worries magiging okay din si Jules kaya wag ka ng mag maktol diyan."

"Namana ni Jules ang sakit ni daddy."

"Eh? May kidney failure din si Daddy? Napalitan din ba ang bato nya?"

Gaya rin ba kayo ni Jacob na gusto pang makita si Jules? Comment down ang lemme know your opinion geysh. (>‿◠)

ps. May update rin po ako sa “Chasing Her Smile” kong novel at abangan nyo po ang bago kong novel na irerelease ko ngayong Sunday 12midnight ang “Pride of Friendship” tagalog rin po sya, sana magustuhan nyo po. ಥ‿ಥ

lyniarcreators' thoughts