webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 332

Isang araw bago ang foundation day ni Jacob...

"Why should I believe you?" Ang sabi ni Jules kay Kelly na nagkita sa isang cafè para doon sila mag usap na mag kapatid.

"Alam kong hindi ni kami gusto nila kuya Kian pero sana this time para kay daddy maniwala ka."

"Huh! Alam mo matagal na kong walang tatay kaya bakit pa ako mangingiming mag habol sa mana? Tsaka, bakit no naman ibibigay ang 1/2 ng lupa na pinamana sayo ni daddy este ng daddy nyo."

"Kuya please, alam kong galit ka kay daddy dahil hindi sya naging tatay sa inyo ni kuya Julian pero kung alam ko lang nung una pa..."

"Na ano? Na may kapatid ka sa labas? I had enough kung gusto mo ng kausap papuntahin mo ng Manila si Julian wag ako."

"Fine! Papupuntahin ko si kuya Julian sa Manila at kapag na pa punta ko sya dito ipangako mo na aattend ka sa foundation day ng anak ni kuya Kian."

"Huh! Hindi ko inaasahang magaling ka pala sa ganito. Sa tingin mo papayag ako sa gusto mo dahil papupuntahin mo ng Manila si Julian? Huh!"

"Dela Cruz always be Dela Cruz."

"Okay, pag bibigayan kita pero hindi ko kailangan ng mana mo gusto ko lang na papuntahin mo ang kakambal ko dito sa Manila."

"Deal. I have my words basta po umattend na kayo ng foundation day ng anak ni kuya Kian."

Uminom muna ng kape si Jules bago nya sinagot si Kelly "ayaw mo sakin hindi ba? Huling pagkakaalala ko sinumpa mo pa ko sa galit mo sakin. Bakit ngayon dahil sa pamangkin mo kinausap mo ko? Ganoon nalang ba ka importante sayo ang anak ni Kian?"

"Hindi ko kailangang sagutin gang nga tanong mo sakin pero sana lang May isang salita ka."

"Of course hindi naman ako gaya ng daddy nyo."

Gigil na gigil na si Kelly sa kuya Jules nya na parang gusto nya itong sapakin dahil hindi na nito iginalang ang daddy nila tapos ang tawag nito kay Kian ay Kian lang.

"THUD!"

Nagulat naman si Jules at yung ibang costumer sa sa cafe ng nag released ng galit si Kelly sa table gamit ang mga kamay nya.

"What do you think you're doing?"

Napatayo si Kelly sa galit nya "tinatanong mo? Kanina pa ko nag titimpi sayo kuya hindi mo na nirespeto ang daddy natin pati si kuya Kian you just addressing him as Kian? Ako nga kahit naiinis sayo natawag ako ng kuya tapos yang ikaw?"

Aalis na si Kelly sana para mag walked out pero hinarangan sya ni Jules "get lost! Kung ayaw mong gawin ang pinakakausap ko sayo pwes wala ng kwenta ang makipag usap pa sayo. Kung ayaw mo samin mas ayaw ko sayo!"

Hinawakan ni Jules si Kelly at binuhat ng pa princess carry "lemme go!!!"

"Enough! Sumama ka muna sakin bago ka mag tantrums diyan."

"What? Lemme go!"

"Manahimik ka muna diyan kung ayaw mong gumawa ako ng gulo dito."

Kelly smirked "childish!"

"Dela Cruz always be Dela Cruz right?"

"Huh!"

Bago umalis nag iwan ng 1k na bayad para sa kapeng inorder ni Jules at nakita yon ni Kelly "wa—wait 1k yun kuya may change ka pa."

"Forget it! Ang bigat mo we need to go."

"Ahhhh!!! Hindi ako mabigat lemme go na nga!"

"Shut up!"

"."

Dinala ni Jules si Kelly sa isang amusement park.

"Eh? Dito talaga? Anong trip mo kuya?" Ang sabi ni Kelly pag baba ng kotse ni Jules.

"Buti nga naawa pa ko sayo kung hindi sa basurahan ka pupulutin." Sambit naman ni Jules na lumapit kay Kelly pag kababa nya ng kotse.

"Ikaw!!!"

Hinawakan ni Jules ang kamay ni Kelly ay sinabing "lets go!"

"Ano bang iniisip ng isang ito?" Ang pabulong bulong na sambit ni Kelly.

"What are you waiting for? Mag lakad na tayo para pumasok sa park ako naman mag babayad ng ticket mo."

"Baliw ka na talaga. Ano bang ginagawa kasi natin dito?"

"Sumama ka nalang kasi."

"Fine. Pero pwede bang wag tayo sumakay ng rides? Buntis ako kuya ay di ako pwede sa mga ganyan."

"I know, kaya nga bilisan na natin baka mainitan ka pa dine. Wala ka bang payong na dala?"

Umiling lang naman si Kelly "haysss... okay you stay here I will buy you an umbrella."

"O— Okay."

At ng umalis na nga si Jules para bumili ng payong kinuha ni Kelly ang phone nya sa bag para tawagan si Patrick "ayysss... lowbat na pala ang lintek na ito."

Naupo nalang sa isang bench si Kelly at ibinalik sa bag nya ang kaniyang phone "ano naman kayang trip ni kuya Jules at dinala nya ko dine? Pero matagal tagal na rin akong di nakakapunta dine. Nakakamiss tuloy maging bata."

Napatingin si Kelly sa nga batang ang saya ng mga mukha nila dahil excited na pumasok sa amusement park at may isang batang babae na may dalang mga sunflower na animo'y itinitinda nito "ale, bili na po kayo pangkain lang po gutom na po kasi ako."

"Ale? Ako?"

"Ay sorry po."

"Hmm? No it's okay, hindi lang kasi ako sanay na Ale ang tawag sakin anyways, magkano ba yang mga sunflower na dala mo?"

"200pesos po sorry po kung mahal po pinatitinda lang po kasi sakin ito."

Naawa naman si Kelly dun sa bata kaya nag pasya sya na bilhin na itong lahat "talaga po? Bibilhin nyong lahat?"

"Um. Ang init ng panahon ngayon hindi ka dapat na e-expose dito kaya uminom ka ng maraming tubig, okay? Tsaka bakit ikaw ang nag titinda ng mga yan nasan ang mga magulang mo?"

"Wala na po akong magulang tanging ang nakababatang kapatid na lalaki nalang po ang kasama mo."

"Ha? May bata ka pang kapatid ilang taon ka na ba ineng?"

"7years old na po ako at 5years old naman po ang kapatid ko."

"Pero... ang bata mo para..."

Napa iyak nalang bigla si Kelly at nakita naman iyon ni Jules kaya na itulak nito yung batang babae "are you okay?"

"What the? Bakit mo sya tinulak?!"

Dali-dali namang tinulungan ni Kelly yung bata na tumayo "ayos ka lang ba? San may masakit?"

"A— Ayos lang po ako."

Ang sama naman ng tingin ni Kelly kay Jules "mag sorry ka sakaniya!"

"Wha— What?!"

"Wala syang ginagawang masama bakit mo sya tinulak?!"

"I saw you crying nag alala lang ako na baka may ginawa sayo yang batang yan."

"Dahil lang don? Naiyak ako kasi ang sad ng kwento ng buhay nya!"

"Ha?"

"Hayyysss!!! Kainis ka talaga!"

Kelly bend down and she talk to the little girl "neng, san ka nakatira? Ihahatid ka na namin di ba kuya?!" Ang nang gigil na sambit ni Kelly sa kuya Jules nya.

"O— Oo sige."

"Pero hindi na po kailangan ayos lang naman po ako tsaka malapit naman po ang bahay ko dito."

"San?"

"Pero hindi nyo na po talaga kailangan na ihatid pa ko. Bilhan nyo nalang po ako ng sunflower para makakain na po kami ng kapatid ko."

"I'll buy you and your kapatid ng food and then I will buy all your sunflowers isama mo lang kami sa bahay nyo."

"Pero kasi Miss..."

"Kung ayaw nya wag mo pilitin. Bakit ba kasi napaka interesado mo sa batang yan? Pangkaraniwan na ang mga yan dito."

Kelly glared at her brother "shut up!"

"Sige na nga po sumama na kayo sakin wag na po kayo mag away."

Kelly smirked at her brother and whisper "mag pakabait ka naman kahit ngayong araw lang. pwede?"

"What? Hindi pa ba ako mabait I buy you umbrella and drinks."

Napatingin naman si Kelly sa dala ng kuya Jules nya "thanks..." she said happily but she changed her mood within a sec "thanks but no thanks!"

"Aba't ikaw!!!!"

"Sige mag inarte ka diyan kung ayaw mong isumbong kita kay kuya Julian."

"Kelly!!!"

"Bleehhh!!!" She teases her kuya Jules while walking.

Sa isip-isip ni Kelly "Kapatid ko nga sya para syang si Julian kung umasta isip bata mapang asar."

"Kuya! Bilisan mo naman binili mo yang payong pero di mo naman ako po pinapayungan."

"Huh! Sabi mo ayaw mo? Tapos ngayon..."

Napatigil sya sa pag sasalita dahil nakita nyang masayang kausap ni Kelly yung batang babae "I think she really adorable kaya siguro lahat nalang ng nasa paligid nya napapasaya nya. Kung hindi ko sya kapatid baka na fall na ko sa mga ngiti nya."

***

Sa kasalukuyan,

"Wahhhh... nanalo tayo!!!" Ang masayang sambit naman ni Jules at na buhat nya pa si Jacob sa sobrang saya nya at hindi na nito alintana ang bigat ng pamangkin nya.

"You see guys nanalo kami." Ang natutuwa rin namang sambit ni Wendy.

"Ahm... tito Jules baba nyo na ko baka mabalian pa kayo ng buto."

Ibinaba naman ni Jules si Jacob ng dahan-dahan "it's okay mas mabigat pa nga ang binubuhat ko sayo dun sa gym."

"Ohhh... that's why you're fit pala." Ang sabi ni Wendy na napatingin pa sa may stomach part ni Jules.

"Hey! What are you looking at?"

"Hmm? Nothing!"

Nagulat naman si Jules na bigla syang niyakap ni Jacob "salamat po."

Niyakap rin naman ni Jacob si Wendy at nag pasalamat rin "i— it's okay we enjoy naman the game right Jules?"

"Ye— Yes... it's fun ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganitong pagod pero masaya."

"Yes, it's fun talaga kaya no need to say thankyou baby boy."

"Pero maraming salamat po talaga dahil sinamahan nyo po ako dito sa foundation day namin."

Jules bend down at niyakap nya si Jacob "Dela Cruz always be Dela Cruz."

"Hmm? Alam nyo po yun?"

"Oo yun ang natutunan ko sa tita Kelly mo."

Sa isip-isip ni Jacob "minsan lang sabihin ni tita Kelly ang mga salitang yon pero bakit sinabi nya kay tito Jules yung mga salitang sila lang lima nila daddy ang... Teka, ibig sabihin ba nun okay na kay tita Kelly si tito Jules? Pero sabi nya isa lang deal ang lahat ng ito..."

"Jacob?" Ang sabi ni Jules.

"Po?"

"Tinatawag na tayo sa stage para kunin yung award natin."

"Ah... o—okay po."

"You okay? Gutom ka na ba?"

"Hi— Hindi pa naman po."

"Don't worry kakain tayo sa masarap para maging reward mo. Treat ko kayo ng tita Wendy mo."

"Salamat po."

Ngumiti naman si Jacob pero sa isip-isip nya "ang hirap naman ng ganito hindi ko sya mabasa lagot ako nito kay daddy eh para kasing ang bait nya paano naman ako hahanap ng butas sa taong ito? Hayssss... bata lang naman ako."

Samantala tinawagan naman agad ni Mr. Sensen si Patrick para sabihin na dumating sa school nila Jacob ang mga magulang nito.

"Ano? Nasa school ngayon sila kuya Kian at ate Rica?" Ang pagulat na sambit ni Patrick na nasa office kasama sila Kelly at May.

"Ano? Bakit nasa school nila Jacob sila kuya Kian? Hindi pwede!" Ang sambit naman ni Kelly.

"Okay sige gumawa ka na muna ng paraan para hindi makapasok sila kuya Kian sa gate ng school nila Jacob pupunta kami dyan ng Madam Kelly mo." Ang sambit naman ni Patrick at ibinaba na nya ang phone nya para kausapin si Kelly.

"Bakit hindi ba alam ng mga magulang ni Jacob na sila Wendy at Jules ang kasama nya?"

"Hindi ate ang alam nila kami ni Patrick ang kasama ni Jacob."

"Hala! Paano yan? Anong gagawin nyo?"

"Ganito nalang ate May mag padala ka ng catering sa school ni Jacob within 10mins para magkaroon ng commotion sa school tapos tawagan mo si ate Wendy sabihin mo umalis na agad sila sa school ngayon rin."

"Teka lang, hahanapin naman nila kuya si Jacob pag wala don."

"Honey, ang alam nila kasama ni Jacob ay tayo kaya kung wala man sa school ang anak nila ayos lang yun kasi nga ang alam nila tayo ang kasama nito tayo nalang mag paliwanag pag uwi natin at syempre kailangan kasama na natin nun si Jacob bago tayo umuwi ng bahay nyo."

"Tama si Patrick, babysis may tiwala sa inyo ang kuya Kian mo kaya pumayag ka na sa idea nya. Bakit kasi hindi nyo sinabi ang totoo?"

"Hindi pa kasi okay sila kuya Kian kay kuya Jules."

"Kaya ba nag pa background check kay rin kay Mr. Sensen?"

"Oo ate gusto ko lang di kasi maka sigurado na okay ang pamangkin ko habang kasama si kuya Jules."

"Eh paano ngayon? Nalaman na nating okay naman pala itong si Jules yun nga lang may sakit pala ito sa bato at kailangan na nya ng donor sa lalong madaling panahon bago mahuli ang lahat."

"Sa ngayon, di ko pa alam ang gagawin pero baka sabihan ko muna si Mama sa mga nalaman ko tungkol kay kuya Jules."

"Tama yan babysis sabihin mo muna kay tita ang lahat."

"Ahm... ngayon sa tingin ko kailangan na nating umalis para gawin ang plano bago pa makapasok sa school sila kuya Kian mamaya na kayo mag usap. Tawagan mo na yung catering natin Ate."

"Oo eto na nga kayo anong gagawin nyo?"

"Pupunta kami ni Kelly sa isang café para doon kitain sila Ate Wendy yun ang sabihin mo sakaniya okay? Text ko sayo yung name ng café."

"Okay sige ingat kayo."

"Salamat Ate." Ang sabi naman ni Kelly.

"Wala yon maliit na bagay. Right bro?"

"Yeah... after all we're family here. Kaya chill ka lang honey okay?"

"Um."

Ano sa tingin nyo ang gagawin ni Kelly about sa sakit ni Julio? At bago yan makita kaya ni Kian si Julio sa school nila Jacob? Ano kayang mangyayare? Abangan!

-by the way may isa pa po akong tagalog novel na baka i-release ko po ngayong weekend sana abangan nyo po at basahin rin.

Salamat po. ( ͡❛ ͜ʖ ͡❛)

lyniarcreators' thoughts