webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 301

"Interview?" Ang pagulat na sambit ni Kelly kay Patrick matapos nitong ipaliwanag ang mga nangyayare kung bakit sila hinahanap ng mga reporters.

"O—Oo wifey gusto kasi nila tayong maging model para sa isang sikat na clothing line dito sa Cebu."

"Eh? Alam ba nila na buntis si Kelly?" Ang sabi ni Kevin.

"Oo kuya alam naman nila pero ang sabi ayos lang daw yun kasi sakto raw na pang mag asawa talaga yung newest design nila."

"Pero bakit pumayag ka? Alam mo namang ayaw ko ng ganyan."

"Alam ko naman kaya nga ere nag papaliwanag na ko sayo."

"Pero kung naka oo na si Patrick edi gawin nyo na sayang rin good opportunity yun para sa business nyo." Ang sabi ni Kevin.

"Kuya naman. Kahit nung bata pa ako at nung dalaga di naman ako sumasali sa mga ganyan at alam nyo yun nila kuya."

"Oo nga pero naalala mo naging Reyna Elena ka sa lugar natin di ba? Parang ganun lang din naman yun rarampa nyo lang yung mga damit."

"Actually kuya, photoshoot lang walang pag rampang magaganap."

"Ahhh…wala ba kala ko kasi model-model you know. Eh di mas mabuti yon mas madali kokonting tao lang yung makakakita sa inyo."

"Actually kuya…,may kasama kami ng iba pang models eh."

Siniko naman ni Kevin si Patrick at bumulong "gusto mo bang pumayag si Kelly sa ganyan o hinde? Lahat ng sinasabi ko sinasalungat mo tinutulungan na nga kita diyan eh."

"Ay, sorry po kuya pero ayoko lang po kasing mag sinungaling kay Kelly."

"Tama na nga yan! Naririnig ko yang bulungan nyo. Nagugutom na ko at gusto ko ng kumain at mamahinga. Pwede na ba tayo pumunta sa tinutuluyan mo?"

"O—Oo sige sisiguraduhin ko lang na wala ng reporters sa labas."

"Ah…wala na po safe na po kayong lumabas." Ang sabi nung staff na babae na nag patuloy sa kanila dun sa locker room nilang mga staff.

"Salamat Miss. Tell me magkano ang kailangan kong bayaran?"

"Nako, hindi na po ayos lang locker room lang naman poi to ng mga staff kaya okay lang po ang importante okay po si Misis."

"Salamat." Ang sabi ni Kelly.

"Walang anuman po pero narinig ko po na may photoshoot kayo sa sikat na clothing line dito sa Cebu yun po ba eh kay Mr. Guievarra?"

"Yes, do you know him?"Ang tanong ni Patrick.

"Opo naman Sir, sikat na sikat po sya dito sa Cebu at lahat po ng obra nya ay talagang hand made alam niyo po ba kada labas nya ng mga bago nyang gawang mga damit tumutulong po sya sa mga kapus palad?"

"How? And Why?"

"Sa pamamagitan po ng mga bahay ampunan laking ampunan po kasi si Tinoy o kilala na ngayong Tinwol Guievarra. Dati po kasi kaming magkababat nun kaya killing kilala ko po sya at isa rin po ako sa tinutulungan nya bukod po kasi sa mga bahay ampunan na tinutulungan nya may pa scholar ng bayan rin sya at isa na rin po dun ang anak kong 10years old."

"May anak ka na?" Ang sabay sambit nung tatlo nila Kelly dun sa staff na babae.

"Ah…opo actually may 2 kids na po ako."

"Grabe! Hindi halata. Ang baby face mo naman." Ang sabi ni Kevin.

"Ahh…hehe…salamat po pero 36years old na po ako."

"Wow…parang kasing age ka lang namin hindi talaga halata."

"Namin talaga kuya? Bakit ka age mo kami?" Ang sabi ni Kelly.

"Haysss…kahit kailan ka talaga."

"Hehe…by the way my name is Penny you can call me Pen."

"Ohh…Nice name I remember ballpen."

"Kelly!"

"Hehe…joke lang po yun ate."

"Pag pasensyahan nyo na po sya malakas lang po talaga tama ng kapatid kong yan di ba Patrick?"

"Hmm?"

"Sige sagutin mo malilintikan ka sakin."

"Mukhang okay ka na nga, sige na umalis na tayo bago pa mag si balik ang mga reporters."

At binuhat na nga niya si Kelly "salamat ate Pen."

"Walang anuman ingat kayo."

"Um. Have a nice day."

"Bye ate Pen sana magkita pa tayong muli." Ang sabi ni Kelly.

"Sure, andito lang naman ako sa airport kapag weekdays at weekend lang ang off ko."

"Ayos, gusto kitang kuning ninang nag magiging anak namin ha?"

"Ha? O—Okay."

"Masyado naman atang maaga yan bunso ni hindi pa nga halata yang tyanena mo."

"Ayos lang yun para well informed si ate Pen. Di ba po?"

"Hehe…oo ayos lang sige mag ingat kayo ha?"

"Salamat po ulit."

"Ahm…sana wag kayong tumanggi kay Mr. Guievarra sobrang laki ng maitutulong nyo kung magiging models nila kayo."

Nagkatinginan naman sila Kelly at Patrick "Well see, sige po aalis na kami." Ang sabi ni Patrick habang buhat nya si Kelly.

***

Kinagabihan sabay-sabay na kumain sila Kelly sa unit nila sa hotel kasama si Mr. Sensen.

"Sir, salamat po sa pagkain ako na po ang mag iimis ng ating mga pinagkainan."

"Sige tulungan na kita." Ang sabi namanni Kevin kay Sensen.

"Nako, hindi na po Sir kaya ko na po ito."

"Hindi ayos lang sanay naman ako sa ganyan."

"Pero po kasi…"

"Ayos lang gusto talaga ni kuya na nag liligpit actually hobby nya yan."

"Ikaw talaga Kelly!"

"Totoo naman kaya yun ang sabi sakin nun ni kuya Keith."

"Naniwala ka naman?"

"Syempre hinde pero oo na rinj siguro kasi lagi kitang nakikita nung bata ako na nasa kusina ka eh at nag liligpit kasama si Mama."

"Haysss…paano ang tamad nila kuya at ikaw ren!"

"Hala! Di kaya ang sipag ko nga mag ligpit ng pinggan di ba, Rick?"

"Ha? O—Oo? Siguro?"

"At bakit parang hindi ka naman sumasangayon?"

"Ah…eh…hindi naman sa ganon wifey…"

"Wag mo nga akong lokohin ang daming kasambahay ng mga Santos bakit ka naman mag liligpit? Kilala na kita kaya don't me bunso."

"Haysss…ewan sayo kuya."

"Sige na mukhang may pag uusapan pa rin naman kayo ni Patrick kaya kami na ni Sensen ang mag huhugas ng pinggan."

At napatingin naman si Kelly kay Patrick at ganoon rin naman ito sa kanya na naka titig na pala sa kanya "Sige po Sir tayo'y mag ligpit na."

"Um."

Nang makaalis na nga yung dalawa para mag ligpit pumunta naman si Kelly sa may balcony "wow, ang ganda naman ng view dito?"

"Oo ito talaga ang pinili kong hotel room alam ko kasing mahilig kang tumambay sa balcony matapos kumain." Ang bungad ni Patrick at napa lingon naman si Kelly pero hindi sya na gulat na sinundan sya nito.

"Napansin mo?"

"Um. Sa bahay kasi ganyan ka eh mahilig kang mag pa hangin."

Binigyan nya naman ng blanket si Kelly "malamig dito at mahangin baka lamigin ka."

"Salamat. Eh, Ikaw?"

"No need, ayos lang ako medyo na sanay na ko sa temperature dito sa Cebu. Tuwing gabi lagi rin akong nandito kasi inisip kita tapos tumitungin ako sa mga stars."

"Hmm? Bakit mukha ba akong stars?"

"Haysss…wifey naman ang ganda na ng emote ko dine eh!"

"Hahaha…I miss you."

Hinalikan namang bigla ni Kelly sa pisnge si Patrick matapos nyang sabihin ang mga linyang yon.

Nagulat naman si Patrick sa ginawang yon ni Kelly sa kanya "a—anong…"

"Ayos ka lang ba dito?"

"Ha? O—Oo naman pero mas masaya kasi andito ka na."

Bumawi naman ng kiss si Patrick kay Kelly pero may kasama yung hug from the back "miss na miss kita aking reyna."

"Sus…baka naman kung sinong babae na ang mag kinalantari mo?!"

"Napaka lalim nung kinalantari eh. Syempre wala at alam ko namang bawat kibot ko eh pinapareport mo kay Sensen." Siniko naman sya ni Kelly kaya hinawakan nalang nya ang kamay nito.

"Umalis ka nga! At sinong nag papareport? Ako? Huh! Asa naman."

Pinisil naman ni Patrick ang pisnge ni Kelly "sus, alam ko namang di ka aamin kaya sige mag deny ka lang."

"Tsss! Saya mo naman?"

"Syempre, kasi alam kong mahal ako ng asawa ko kaya nya ginawa yun."

"Ey! Tuwang tuwa naman bakit kung hindi ko ba yun ginawa may gagawin kang kung ano dito sa Cebu na di ko alam?"

"Sira! Paano ko naman gagawin yun eh magiging tatay na ko?"

"Eh bakit kung di pala ko buntis may gagawin kang kung ano dito?"

"Haysss…syempre wala pa rin may asawa na akong tao kaya hindi ako gagawa ng ikasisira ng samahan natin. Hirap na hirap nga akong kunin yang tiwala mo para lang magustuhan ako tapos sisirain ko lang ng kung anong dahilan?"

Hinalikan naman sya ni Kelly bigla sa lips "wi—wifey…"

"Pffft…gusto ko talagang ginugulat ka lalo ka kasing na gwapo. Pogi- pogi ng asawa ko nakakagigil."

"Wifey naman!!!"

"Oh bakit? Ayaw mo na bang sasabihan kita ng ganun?"

Hinila naman sya ni Patrick at inilapit ang mukha nito sa kanya at bumulong "pinaiinit mo ang gabi ko humanda ka sakin pag alis nila kuya. Rawr!"

Itinulak naman sya ni Kelly "tumigil ka nga! baka marinig ka nila kuya nakakahiya!"

"Ikaw kasi!"

"Ba't ako? Ano ang ginawa ko?"

"Haysss…anyways, anong plano mo?"

"San?"

"Yung sa photoshoot nga!"

"Ahh…okay we'll do."

"Talaga?"

"Oo! Akala mo ba wala akong alam?"

"San?"

Piningot ni Kelly ang tenga ni Patrick "ahhh…wifey bakit na naman?"

"Kala mo hindi ko alam na nag pustahan kayo nung Herald?"

"Alam mo?"

Binitawan naman ni Kelly ang tenga ni Patrick "oo! At gusto kong makita ang Herald na nag lakas loob na agawin ako sayo."

"Ha? Sinong nang agaw?"

"Hindi ba at yun ang kinaseselos mo? Kaya pinapaiwas mo ko kay Herald?"

"Pero hindi naman…"

"Sensen!!!" Ang sigaw naman ni Kelly at dali-dali namang pumunta sa may balcony si Sensen habang pinupunasan ang kanyang kamay dahil basa pa ito dahil hindi pa sila tapos magligpit ng plato ni Kevin.

"Madam ano po yun? May kailangan po ba kayo?"

"Gaya nga ng sabi mo ipinapa report ko sa kanya yung mga ginagawa mo so, bakit ko kamo hindi malalaman yung about sa pustahan nyo nung Herald? Ha? Aber?"

Napakamot naman sa ulo nya itong si Sensen dahil ang sama ng tingin sa kanya ni Patrick "pero wifey hindi ko naman gustong ilihim yun sayo…kaso nga lang…"

"Kaso lang ano? Hindi ba nangako na tayo na hinding hindi na tayo mag lilihim sa isa't isa?"

"Oo alam ko naman yun pero ayoko lang na parang lumalabas na ang ipinusta ko eh ikaw."

"Eh hindi ba parang ganun na rin yon?"

"Pero Madam, hindi naman po yun ganun gusto lang po ni Sir na iiwas kayo sa psycho na yun."

Patrick smirked at Sensen "I know kaya nga humanda sakin yang Herald na yan kung sino man sya!"

"Sinabi rin ba sayo ng "loyal" kong secretary…"tumingin sya kay Sensen na para bang gusto nya itong beltukan ito "na fan na fan mo yung si Herald na yon?"

"I know sinabi sakin ng "loyal" mong secretary at wag ka ngang harsh kay Sensen ako ang may sabing sabihin ang lahat ng kaganapan dito sa Cebu kaya alam ko na ang gagawin ko sa lintek na yon."

"Hmm? Anong ibig mong sabihin?"

"Akong bahala…makikita mo bukas kung gaano ka pasaway ang asawa mo…" may pag taas pa sya ng kilay na para bang confident na confident sa sarili nagkatinginan lang sila Patrick at Sensen na para bang hindi naman alam ang gagawin.

Hello geysh! Naka 300 chapters na po tayo and counting pa. Salamat po sa lahat ng mga readers na parating nagbibigay ng comments nila at syempre ang mga votes nyo grabe di nyo po ko iniwan parati paring nasa top 10 ang Ms. Hoodie. Salamat po sa inyong lahat at sana suportahan niyo rin po ang iba ko pang novels and short story. Love you all and Godbless. ( つ̥︣﹏╰̥̥)

lyniarcreators' thoughts