webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 268

Isang buwan ng preparation para sa kasal ng KelRick ang lumipas at dumating na rin ang araw na hinihintay ng lahat ang "KelRick wedding day" na may temang "it's hoodie day with KelRick" ang lahat ng invited ay naka hoodie kahit pa ito ay formal attire at kahit ang mga abay ay may hoodies rin at syempre si Patrick at ang nag iisang hoodie girl si Kelly Ann Marie Dela Cruz na ngayon ay magiging legal na Santos na sa batas man at sa mata ng Diyos.

"Napaka ganda mo anak. Sana nga lang ay nakikita ka ngayon ng iyong daddy." Ang sabi ng nanay nila Kelly na si Keilla na nakasuot ng sky blue na infinity gown with hoodie at litaw na litaw rin dito ang kanyang ganda dahil sa simpleng natural make up at long big wavy hair na gaya ng kay Kelly.

"Salamat Ma. Wala man dito si Daddy alam ko namang he is always guiding us from above. Sana lang po ay masaya sya sa naging desisyon kong ginawa."

"Sinong may sabing hinde?" Ang sabay-sabay namang sambit ng mga kuya niya na naka royal blue na americana na naka light blue shirt sa loob with hoodie at naka black pants and leather shoes at talagang binigyan nila ng justice ang kanilang kasuotan sobrang cool nilang tignang lahat napaka neat and clean rin ng dating nila at naka taas ring lahat ang kanilang buhok na clean cut.

"Kuy's!!!" Ang excited na sambit ni Kelly.

Natulala naman yung apat sa ganda ni Kelly dahil nag pa blonde ito ng buhok at hindi sila sanay ng ganoon ang buhok ng kanilang kapatid dahil lalong pumuti si Kelly sa kaniyang kulay ng buhok. Ang kulay ng gown niya ay white and blue ombré na pilipinyana at ang belo niya ay ang hoodie niya na with raffles in every end of it.

"Kuy's?"

"Mukhang kahit ang mga kuya mo gulat na gulat sa transformation mo baby." Keilla sighed and smiled while staring at her children.

"Mga tol, sigurado ba tayong ipapakasal natin ang prinsesa nating kapatid sa tukmol na yon? Parang di niya deserve ang foreigner nating si Kelly." Ang sabi ni Keith.

"Kuya talaga."

"Baka nga dapat sa isang prinsipe talaga natin sya ipinakasal." Ang sabi ni Kevin.

"Baliw talaga kayo kuya."

"Sige na Kevin sabihin mo di na tuloy ang kasal." Ang sabi naman ni Kim.

"Luh kuya! Para kang sira, ma oh!"

"Niloloko ka lang ng mga yan anak hayaan mo na mamimiss ka kasi nila."

Pangiti ngiti lang yung tatlo nila Kim samantala nag uumpisa namang maging emosyonal si Kian "tol are you crying?" Ang sabi ni Keith kay Kian.

"Ha? Hi— hinde! Ba— Bakit naman ako iiyak?" Pandalas naman sya ng pahid sa mukha niya ng luha.

"Eiiii... kuya naiyak ka talaga? Luh!!!" Ang sabi ni Kelly at niyakap niya ang kuya Kian niya at doon na ito umiyak ng umiyak "hahaha... naiyak ka nga kuya."

Nagkatinginan naman sila Kevin pati ang Nanay nila "basta baby sa bahay kayo titira ng tukmol na yun ha?"

"Oo na nga kuya napag usapan na natin yan diba?"

"Gusto ko lang maka sigurado baka kunin ka na ng tukmol na yun samin at hindi ka na ibalik."

"Kuya naman syempre di ako papayag pag ganun."

Keilla chuckled "nakaka tuwa naman ang mga babies ko. Payakap nga."

"Ma...." Anila at niyakap nila ang nanay nila.

"Kung nandito lang sana ang Daddy niyo sigurado akong mas magiging masaya ang araw na ito."

"Ma, wag na kayong malungkot sigurado naman kaming masayang masaya si Daddy kung nasan sya ngayon pero sure din akong babantayan niyang mabuti ang tukmol na si Patrick." Ang sabi ni Keith.

"Kuya naman!"

"Syempre babysis bagong salta yun sa pamilya natin sure akong babantayan siya ng mga soul ng mga kamag anak nating mga yumao na."

"Ang creepy naman ng sinasabi mo kuya tara na nga baka malate pa si Kelly baka magwala pa ang mga bisita." Ang sabi naman ni Kevin.

"Sus. Hayaan mo silang maghintay."

"Keith! Di ganyan ang tinuro ng Daddy niyo sa inyo."

"Sorry Ma."

"Alam ko malaki ang mababago sa buhay natin dahil isa-isa na kayong mag pagpakasal kaya sana mag mahalan pa rin kayo ha?"

"Yes Mom."

"At syempre forever po namin din kayong mamahalin diba mga kuy's?" Ang sabi ni Kelly.

"Oo naman!"

"Salamat mga anak mahal na mahal rin kayo ni Mama. Kaya sige na bago pa malate ang ating mahal na prinsesa umalis na tayo."

"Let's Go!!!" Anila.

Samantala nasa simbahan naman na ang lahat at ang tinutuluyan naman nila Kelly ay kapitbahay lang ng simbahan pero kinakabahan si Patrick dahil 5minutes nalang at mag 10am na ang oras ng itinakdang kasal ng KelRick.

Punong puno ng blue at white na roses ang buong simbahan lalong lalo na ang aisle na may blue ring carpet "bakit wala pa si Kelly?" Ang sabi ni Harvey na naka barong tagalog na blue ombre ang kulay at syempre may hood na talagang pinasadya ng pamilya ni Patrick para sa lahat ng abay na lalaki at mga ninong's.

"Hindi ko nga rin alam pero andyan lang naman yung tinutuluyang lugar nila Kelly halos katabi lang nitong simbahan kung saan tayo inayusan ng glam team ni Ate May." Ang sagot ni Vince na isa rin sa groomsmen.

"Chill lang kayo parating na sya." Ang sabi ni Mimay na maid of honor ni Kelly at tinuro ang kotse kung saan nakasakay ang mga Dela Cruz na naka infinity gown na may hoodie rin na blue ombre din na gaya rin sa mga ninang's na pinasadya rin ng pamilya Santos.

"Hayyyy... sa wakas dumating na rin siya. Ako ang kinakabahan para kay dude eh." Ang sabi ni Dave at bineltukan naman sya ni Mimay.

"Feeling ka? Pakiramdam ko ikaw si Patrick?"

"Sweetheart hindi naman sa ganon wag kang masyadong magalit baka mapano ang baby natin."

"Baby?" Ang pa gulat na sambit nila Vince at Harvey.

"Kaya pala parang ang taba mo ngayon Mims." Ang sabi naman ni Harvey.

"Hayyyyyyssss... DAVE!!!!" ang pagalit na sabi ni Mimay.

"Sweetheart..."

"Heh! Tigil tigilan mo nga yang pag tawag mo sakin ng ganyan nasusuka ako lalo na diyan sa pag mumukha mo!"

"Sweetheart naman! Naglilihi ka lang kaya ka ganyan."

"Titigil ka ba o sasapakin kita?"

"Sorry na."

"So, totoo ngang buntis ka Mims? Alam na ba ito ni Kelly?" Ang sabi ni Vince.

"Hayyyssss... nakakainis! Oo mag 1month na din pero hindi pa alam ni Kelly buset kasi yang si Dave."

"Ha? Bakit ako? Parehas naman nating ginusto yung nangyare ng gabing yon."

"Manahimik ka nga!" Ang sigaw ni Mimay at napatingin sa kanila yung mga tao.

At humingi naman ng dispensa agad si Dave sa mga nakarinig.

"Haysss... blessings yan kaya tanggapin niyo at ninong kami ni Vince ha?"

"Tsk!" Ang reaksyon naman ni Mimay.

At tuwang tuwa naman si Dave "oo naman mga pre buong tropa ang ninong at syempre ninang si Master."

"Tama na nga yan andiyan na si Kelly bilis mag sisimula na pumila na kayo." Ang sabi ni Vince.

Nag simula na ang seremonya at unang pumasok ang mga Santos "kinakabahan ka ba?" Ang sabi ni Richmond na best man ni Patrick na katulad ng suot ng mga kuya ni Kelly ganoon rin ang kasuotan nito pero cyan ang kulay ng panloob nito na syempre may hoodie rin.

"Oo kuya ang lamig nga ng mga kamay ko ngayon." Sagot ni Patrick na naka white and blue ombre na americana at naka shirt with hoodie na white sa loob na mismong si Kelly ang bumili para sa kaniya may naka embroidery pa dito na KelRick sa may upper part ng right ng damit niya kung saan naka lokasyon ang puso.

"Chill ka lang Bro magiging okay rin ang lahat tanggap ka na ng mga kuya ni Kelly at tignan mo ayan na sya."

Dahan dahang nag bukas ang pintuan ng simbahan kasabay rin nito ang paboritong kanta ni Kelly ang "marry your daughter by Brian Mcknight" na inilaan niya para sa Daddy nila. Napahanga naman sakaniya ang mga bisita niya hindi lang sa dahil kakaiba ang kasalang KelRick pag dating sa mga kasuotan na may hoodie kung hindi dahil sa akin niyang kaganda at sa mala porselanan niyang kutis na lumitaw pa lalo sa blonde niyang big wavy hair.

"Napaka ganda ng apo natin." Ang sabi ng Lola nila Kelly.

"Kamukhang kamukha niya talaga si Kemwell. Tumatanda na tayo isa-isa ng nagkaka pamilya ang mga apo natin."

"Wag kang mag salita ng ganyan kahit naman nagkaka pamilya sila nagkakaroon naman tayo ng mga nakababatang apo. At sa pamamagitan non lalo pa tayong lumalakas."

"Pero kapag may bagong bunga may mga dahon ring kailangang matuyo at nakatakdang mag laho."

"Ano ga iyang mga sinasabi mo? Kasal ng apo mo kaya kailangan nating mag saya."

"Lo, La, may problema po ba?" Ang sabi ni Jacob na cute na cute sa suot niyang mini americana na gaya ng sa daddy at tito niya at isa rin sya sa mga abay.

"Nako, ayos lang kami dine ng Lolo mo kaya sige na pag patuloy mo na yang pagkuha ng mga larawan sa tita Kelly mo."

"Opo Lola sabihan niyo po ako pag may kailangan kayo ni lolo."

"Oo sige."

Samantala naging makabuluhan naman ang kasalang KelRick dahil ang mga kuya ni Kelly ang naghatid sa kaniya at kinagulat iyon ng lahat dahil hindi nila iyon inaasahan.

"Mga kuy's sa tingin ko magiging trending ang kasal ko dahil sa inyo."

"Syempre naman kami ata ang pogi mong guardian." Ang pag yayabang na sambit ni Keith.

"Tsss... What I mean is kayo kasing apat pa ang nag hatid sakin dito tapos na sunod din ang dream wedding ko na lahat kayo ay naka hoodie pati ang wedding gown ko sobrang saya ko po talaga mga kuy's."

"Para sayo gagawin naming lahat kahit na sobrang weird." Ang sabi naman ni Kim.

"Hehe... salamat kuya kaya mahal na mahal ko kayo eh."

"Pero sa dulo ng pag lalakad natin andoon naman ang pinakamamahal mo." Ang sabi naman ni Kian.

"Sus... kuya naman eh syempre mas love ko kayo kasi kayo ang mga pogi kong mga kuya."

"Ay sus! Kala mo naman talagang totoo pero babysis tandaan mong lahat ng bilin namin sayo ha? At kung kailangan mo ng resbak andito lang kami para sayo." Ang sabi naman ni Keith.

"Salamat kuya."

"Oh Kevin, bakit di ka mag salita diyan ilang steps nalang at iaabot na natin ang kamay ng prinsesa natin sa prinsipe niya" Dagdag pa ni Keith.

"Kuya?"

"Hmm? Ah... eh... naisip ko lang na ang dating baby namin ay isa na talagang ganap na dalaga at ngayon nga eh ikakasal na sa taong mahal niya sana lang ay maging masaya ang inyong pag sasama at wag ka na sanang topakin madalas naaawa ako kay Patrick eh."

"Kuy's si kuya Kevin oh!"

Bineltukan naman nung tatlo si Kevin at nagtawanan yung mga bisita kahit di naman nila alam yung pinag uusapan nung mag kakapatid "ang akin lang naman eh... pero babysis tandaan mo na ikaw parin ang baby namin nila kuya at hinding hindi na yun mababago."

"Ahhhh... kuya naman eh pinaiiyak mo pa ko."

Umiyak na nga si Kelly habang iniaabot na nila ang kamay nito kay Patrick pero bago pa man iyon mangyari hinabol niya pa ang mga kuya niya "mga kuy's!!!"

Sabay-sabay namang lumingon yung apat kay Kelly at pinakinggan ang sinabi ng kanilang bunsong kapatid "pangako kayo paring apat ang mga kuya ko at hindi na rin yon mababago."

"Kelly talaga." Ang sabi nung apat at hindi na nga nila napigilan pang hindi umiyak kaya lumapit muli sila kay Kelly at niyakap ito.

"Sige na bumalik ka na kay Patrick baka mag bago pa isip namin sige ka." Ang sabi ni Kian.

"Opo. Salamat sa lahat mga kuy's mahal na mahal ko kayo."

"Mahal na mahal ka rin namin aming bunso." Anila.

At iniabot na nga muli nila ang kamay ni Kelly kay Patrick at bago pumunta yung apat sa pwesto nila tinitigan nila ang magiging bayaw nila "mga barako kami pero kaya rin naming umiyak. Pero pag si Kelly ang umiyak. Lahat ng barakong Dela Cruz ang makakatapat mo. Naiintidihan mo?"Ang pabulong na sabi ni Kian.

"Ye— Yes Sir noted po."

.

.

.

.

.

.

.

.

Note: Ang lahat ng bisita ay sumailalim sa swab test bago pa man ang kasalang KelRick at ang lahat ay nag negative ang result at salukuyang nanunuluyan at naka lock in sa condo ng mga Santos sila rin ang sumagot sa swab test ng lahat para sa safety protocol due to pandemic. Thankyou.XD

Hey geysh!!! ^.^

-sorry po kung ngayon lang naka pag update medyo busy po ngayong week na ito ang makulit niyong author kaya sana na gusty hand niyo ang tatlo kong chapters nani released maraming salamat po sa pag unawa niyo. I hope you enjoy reading. (:

lyniarcreators' thoughts