Ilang oras din ang lumipas ng parehas makatulog sila Kelly at Patrick.
Nakatulog si Kelly sa may sofa habang si Patrick naman ay sa carpet niya kung nasan din yung sofa na tinutulugan ni Kelly.
"Hmm?" Pandalas ng bumangon si Kelly at dahil naka atang lang ang ulo niya sa may patungan ng kamay ng sofa nangalay ang leeg nito "Awww... Ang sakit ng leeg ko ilang oras ba ako naka tulog." Tinignan niya yung relo niya at nakita niyang 5pm na pala.
"Hala! Almost 4hrs pala ako naka tulog? Grabe!"
Nakaramdam sya ng uhaw kaya yun tumayo sya pero may nayapakan sya at ito na nga si Patrick "What the? Patrick?" Itinaas naman niya yung paa niya at naupo lang muli.
"Hanep! Ibang klase rin talaga ang kumag na ito nakuha niya talagang matulog lang sa carpet? Sure akong ang sakit ng likod niya pag gising."
Tinitigan niya ng ilang segundo si Patrick bago sya muling tumayo at kumuha ng tubig na maiinom "Bakit ba parang ang bagal ng araw? Gusto ko ng umuwi baka kung anu na ang iniisip nila kuya nako baka mapatay nila ako pag uwi. Buset naman kasi bakit sa lahat ng pwedeng tigilan dito pa talaga sa bahay ni Patrick ako mag quarantine. Kainis!!!"
Bumalik na ulit sya sa sala at sinipa niya pa si Patrick "Woah! Ibang klase rin matulog ang isang reh tulog mantika di magising aba."
May naisip syang bigla pandalas syang nag hanap ng marker at nilagyan niya ng kung ano-ano ang mukha ni Patrick parang ginawa niyang clown.
"Pfffttt... Ayan okay na di ka na nakakauma ng tignan. Hahahahaha..."
Pagtapos niyang lagyan ng drawing sa mukha si Patrick naisipan na niyang maligo pero bago yun nilagyan niya muna si Patrick ng kumot. "Oh, ayan baka naman sabihin mo napaka sama ko. Sleep tight Mr. Pennywise. Rawr! HAHAHAHA..."
Dahan-dahan syang umalis at nag punta sa kwarto ni Patrick "Hmm... ano kayang pwedeng maisuot na damit. Maliligo na ako bago pa magising ang kumag na yon."
Nag hanap sya ng pwedeng maisuot niya at sakto rin naman na may mga undies naroon di niya alam kung bakit pero she ain't even care inisip nalang niya na baka sa ate yun ni Patrick pero napaisip sya na bakit ang daming hoodies at puro pa sukat na sukat sa kaniya.
Samantala ilang minuto palang ang nakalilipas ng magising naman si Patrick at hindi pa tapos si Kelly maligo.
"Eh? Kumot?"
He abruptly sit up and find Kelly immediately "Nasan yon?"
At biglang may narinig siyang nakanta at hindi lang basta kanta dahil ngayon lang nalaman ni Patrick na maganda pala ang boses ni Kelly and she even knows how to rap "Wow! Galing."
Nasa labas lang ng pinto ng cr si Patrick at nakikinig sa kanta ni Kelly.
"Okay I'm done na." Ang sabi ni Kelly at habang naka wrapped sya ng towel hinanap niya yung dala niyang undies.
"Nani? Asan na yon?" Inisip niya kung saan niya inilagay pero di niya maalala kaya sigurado syang nahulog ito kung saan at pag bukas ng pintuan bumungad sa kanya si Patrick.
"Ahhhhhhh!!!!"
Bumagsak na naman silang dalawa at nadaganan na naman ni Patrick si Kelly pero ngayon sa ibang sitwasyon dahil towel lang ang suot ni Kelly.
"Ah... Ehhh...." Ang kinakabahang sambit ni Patrick at sobrang pula ng mukha niya sa gulat.
Sumigaw naman si Kelly at tinuhod niya ang down part ni Patrick sa sobrang inis niya at hiya "Lemme go!!!"
Nasaktan si Patrick sa ginawang dipensa sa kaniya ni Kelly ngunit may hindi inaasahang pangyayari nasabit sa butones ng short ni Patrick ang towel ni Kelly "Oh... My..."
"AHHHHHHHHHHH...." Ang lakas ng sigaw ni Kelly dahil di niya inaasahang yung galaw ni Patrick nung sinipa niya ito para dumipensa ay nagdulot pa sa kaniyang revealing body.
Nagmadali si Kelly na nag tago dun sa shower area at sinusi ang pinto.
Patrick was dumbfounded at nag nosebleed pa sya "Manyak!!!"
Bumalik naman sa ulirat si Patrick sa sinabing iyon ni Kelly "Hoy! Hindi ako manyak ikaw nga itong..."
Napahinto sya sa pagsasalita dahil narinig niyang naiyak si Kelly "Ano na ang gagawin ko? You saw it!!! Hindi na ako tatanggapin ng mga kuya ko!!!"
"Boohoo..."
Iyak ng iyak si Kelly hindi naman malaman ni Patrick ang gagawin niya "Ah... Ahm... Sorry... hindi ko naman sinasadya ng makita yung..."
Lumakas pa lalo yung iyak ni Kelly kaya di tinuloy ni Patrick yung sinasabi niya "WE'RE MARRIED!!!" Ang sigaw niya at biglang tumahimik ang kapaligiran.
"What did you say?" Ang sabi ni Kelly na gulat na gulat sa sinabi ni Patrick.
Patrick sighed "I know this is not a right time to say na married na tayo pero oo at hindi ko alam kung paano yun nangyare."
"Ano? Are you insane? Anong kasal ang pinagsasabi mo?"
"Hindi ko rin alam pero bago ang lahat pwede bang sa sala na tayo mag usap this is not appropriate place to talk."
"Then GET LOST!!!"
"Tsk... Fine! But if you're looking for your undies eto ilalagay ko nalang dito sa may lababo."
"SHUT UP!!!!"
Paglabas ni Patrick napahinga sya ng malalim "Whooo! That's freaking hot. Pinagpawisan talaga ko dun. Pero..." napangiti si Patrick "hindi ko akalaing talaga palang ang kinis niya mula ulo hanggang paa." Dagdag niya pa at pangiti-ngiti pa syang lumabas ng kwarto niya.
***
Sa bahay naman ng mga Dela Cruz,
"Ano? Gusto mong ipadala natin si Bunso kay Mama sa Canada pag ka kasal nila?" Ang sabi ni Kevin kay Kian.
"Yeah! And that's final!"
"Pero tol... hindi ba parang unfair naman yun sa kanilang dalawa?"
"Oo nga tol, tama si Kevin pwede naman na dito sila tumira satin para nababantayan natin ang kilos ni Patrick." Ang sabi ni Keith.
"No! Hangga't hindi natungtong si Kelly sa edad na 28years old they won't be together."
"What? 28?" Ang sambit nila Kevin at Keith.
"Sandali nga lang, napansin ko na parang lagi kayong kumokontra sa kung anong sasabihin ni kuya at parang lumalabas na nasa panig kayo ng lintek na si Patrick. Baka nakakalimutan niyo kapatid natin ang pinag uusapan natin dito si Kelly mga tol! At hindi ibang tao lang." Ang sabi naman ni Kim.
Nagkatinginan naman sila Keith at Kevin "Tama na yan! Basta hangga't wala pang 28 si Kelly di sila pwedeng magsama ni Patrick sa isang bahay. And that's final kung may kokontra sa inyo maaari ng umalis sa bahay na ito at wag ng bumalik pa kailanman!" Ang galit na sabi ni Kian at umalis.
"Kuya..." Ang pahabol na sambit ni Kevin.
"Kumilos na kayo! 7pm pupunta tayo sa bahay ng mga Santos." Ang sabi ni Kim at sumunod na rin kay Kian.
"Pano na kuya? Anong gagawin natin?" Ang sabi ni Kevin kay Keith.
"Hindi ko rin alam pero alam mo naman si kuya kapag nagsalita na yan di talaga natin yun mababago at ayokong umalis dine wala pa kong ipon para sa bagong bahay bro. Pandemic pa naman ngayon mahirap buhay."
"Hayyysss... Tsk! Bahala na nga mamaya sasabihan ko na rin muna si Ma'am May para makagawa din sya ng ibang way para makontra yung sinabi ni kuya Kian."
"Mabuti pa nga kapatid niya naman ang nagsimula kaya sila ang gumawa ng solusyon. Hindi naman sa boto ako kay Patrick para kay Kelly pero sa sitwasyon kasi ngayon kapag sumabay pa tayo sa init ng ulo ni kuya talagang malilintikan ang mga Santos kila tito at lolo."
"Nako! Wag mong sasabihin yung tungkol dun kuya talagang magkakaroon ng world war II maghahalo ang balat sa tinalupan."
"Sus... Bakit naman parang concern na concern ka sa mga Santos ha? Baka naman..."
"Ano naman?"
"Balita ku'y divorced na yung si May eh baka naman pinopormahan mo na bukang bibig mo nalang palagi eh."
Binato naman ni Kevin ng unan na nasa sofa nila si Keith at sinabing "Sira ulo ka kuya! Issue eh parang timang."
"Bakit naman? Single ka single sya edi wow. Hahahaha..."
"Hoy!!!" Ang sigaw ni Kim mula sa taas sa may hagdanan.
"Tol." Anila.
"Ano pang ginagawa niyo dyan? Mag bihis na kayo!"
"O— Oo eto na." Anila.
","
Nasa labas na ng bahay ng mga Santos ang mga kuya ni Kelly.
"Wow! Bahay yan o Mall? Grabe! Ang laki ng bahay ng mga Santos." Ang sabi ni Keith.
Bineltukan naman ni Kim si Keith "Heh! Wala yan sa laki ng bahay nasa taonv nakatira yan!"
"Kuya, sigurado ka na ba sa gagawin natin?" Ang sabi ni Kevin kay Kian.
"Oo! Kim mag doorbell ka na."
"Oo tol."
Nag doorbell na si Kim at pinag buksan na sila ni Manong Berto.
"Grabe mas malaki pala sa loob may golf course ba dito?" Ang tanong ni Keith kay Manong Berto.
"Ho? Ah... eh... Wala po."
Bineltukan na naman ni Kim si Keith "Tumigil ka na nga! Nakakahiya ka!"
"Eh, kasi naman tol."
"Heh!"
Sinalubong naman yung apat ni May at Richmond "good evening welcome sa bahay namin." Ang masayang masaya na sambit ni May at napatingin sya kay Kevin habang siniko naman sya ng kuya niya.
"Bakit feeling close ka naman sa mga yan? Ha?" Ang pabulong na sambit ni Richmond kay May.
"Shut up!"
Samantala na pabulong naman si Keith kay Kevin "Tol, mag ka age ba kayo ni Ms. May?"
"Ha? Hinde!"
"Ayos lang yan tol, mukhang mag kasing age lang naman kayo pormahan mo na."
"Ewan ko sayo!"
"San tayo pwede makapag usap tungkol sa dalawang bata?" Ang seryoso namang sambit ni Kian kila May.
"Ah... Ye— Yes... lets go inside."
***
Matapos ang nakakahiyang naganap kay Kelly kanina hindi pa rin siya nag papakita ng mukha kay Patrick balot ng hood ang mukha niya.
"Hayyyysss... Ano ba? Bakit di ka mag salita diyan??? Parang ako pa yung may kasalanan dito ah! Ikaw nga itong... hayyysss... Kainis!"
"Sorry hindi ko kasi alam kung paano ko sisimulan sobrang nahihiya kasi ako sayo."
Nakaupo lang sa sofa yung dalawa pero magkalayo at maraming unan sa gitna nila.
Kelly smirked "Hayyysss... Enough of that thingy na nga!"
"O— Okay... Ahm... gusto mo na bang pag usapan yung sa sinabi kong were married?"
"Um."
Napahawi naman sa mga unan si Patrick nung sumangayon sa kaniya si Kelly na gusto na nitong pag usapan yung sa kasal nila "Hey!!! Wa— wag kang lalapit! Ibalik mo yang unan!"
Pandalas naman ng balik sa posisyon ng unan si Patrick "So— Sorry."
Dahan-dahan ibinaba ni Kelly ang hoodie niya ng mag sorry sa kaniya si Patrick "Ngayon ko nalang uli narinig ang salitang yan na bumalik sa puso.@
"Hmm?"
Tumingin si Kelly kay Patrick ng saglit at sinabing "Huli ko kasing narinig yan sa taong nagturo sakin kung paano magpakatotoo."
"Eh?"
Ibinalik na uli ni Kelly ang hoodie niya sa ulo niya pero di niya na tinakpan ang mukha niya "Kaso hindi niya na ako makilala."
"A— Ako ba yon?"
"Yes, pero ayoko ng balikan ang nakaraan kaya pwede ba wag ka na rin bumalik sa buhay ko?"
"Ha? No!!!"
Napatayo si Patrick at lumapit kay Kelly at lumuhod "I... I think I like you at handa kitang panagutan."
"Ano? Lumayo ka nga! Remember your promise!"
"Pwede ba for once lang makinig ka naman sakin as your husband!"
"A— Ano? I— Ikaw? Husband ko? BALIW KA!!!!!"