webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 257

Tinangka ni Kelly na umalis sa condo pero hindi sya pinayagan ng mga security guard ni hindi pa nga sya nakalalabas sa unit ni Patrick dahil may mga naka bantay na sa labas na mga staff ng condominium.

"Kailangan kong makatakas dito bago pa mabaliw ang werewolf na Patrick na yon."

Habang nasa cr pa si Patrick nag hanap ng pwedeng daanan si Kelly lumabas sya sa balcony ngunit sobrang taas pala non para talunin pero sa kagustuhan niyang umalis sa condo ni Patrick nagtangka syang lumiban sa kabilang unit pero bago pa sya makatawid nakita sya ni Patrick. "Kelly!!!"

"Wa— Wag kang lalapit! Kung ayaw mong tumalon ako dito!"

"Sa— Sandali lang pwede naman natin itong pag usapan. Oo may nagawa akong mali sayo at nagsisisi na ako kaya please bumaba ka na diyan! Delikado yang ginagawa mo!"

"Ows? Sa tingin ko mas delikado ka! Mas gugustuhin ko pang mahulog sa building na ito kesa ang makasama ang gaya mong manyak!!!!"

Patrick made a facepalm "Kelly naman! I just teasing you lang at hindi ko naman gagawin ang iniisip mo! Kaya sige na bumaba ka na diyan!"

"No! Hindi ako bababa dito hangga't hindi mo ipinapangako na lalayo ka sakin."

"Oo sige kahit ano parang awa mo na bumaba ka na diyan!"

"Promise?"

"Oo na nga!!!"

"Show your right hand at sabihin mong ako si Patrick at na ngangako ako kay Kelly na hindi ko sya lalapitan at hahawakan kailanman."

"Kelly!!!"

"Gawin mo na!"

"Okay!!! Kainis... Ako si Patrick... humawak ka at wag kang gumalaw!"

"Continue!!!"

"Mababaliw talaga ko sayo!!!"

"Yung promise!"

"Ako si Patrick Santos na nangangako na lalayo kay Kelly at hindi na siya hahawakan kailanman.... Oh. Ayos na bumaba ka na diyan!!!"

"Yan!!! Good!"

Dahan- dalang bumaba si Kelly pero biglang humangin ng malakas kaya nag madaling hinala sya ni Patrick at natumba sila sa sahig at sa pagkakataong ito si Kelly naman ang nasa ibabaw at si Patrick ang nasa ilalim "bu— buhay pa ko?!"

Patrick sighed "pwede bang tumayo ka na? Ang bigat mo!"

"Ano? Kapal mo!"

Tumayo naman agad si Kelly at sinipa si Patrick "Hoy!!! Bumalik ka dito!"

"Don't talk to me pervert!"

Napatawa nalang si Patrick ng palihim at sinabing "Kakaiba talaga syang babae ibang klase!"

***

Sa magkaparehas ng oras,

"Ho? Wala dito si Kellang?" Ang sabi ni Vince kay Faith na nasa bakery.

"Oo hindi ba nasabi sayo? Dun sya natulog sa condo ni Patrick."

"Ano? I mean bakit? Paano?"

"Mahabang kwento pero alam mo ba galit na galit ang mga kuya niya lalo na si kuya Kian nako!!! Parang lion at mamayang gabi pupunta sila sa bahay ng mga Santos."

"Eh? Bakit po?"

"Kasi nga 2weeks si Kelly sa condo ni Patrick dahil lockdown dun syempre baka kung ano ang mangyare."

"Ho?"

"Mamaya ko na ikukwento sayo pwede bang mag bantay ka muna dito? Titignan ko lang yung dalawang bata baka kasi kung anu na ang ginagawa eh."

"Si— Sige Ate ako ng bahala."

"Okay salamat sandali lang ako kanina pa kasi ako naiihi eh."

"Ahhh... ganun ba... He... He..."

"Balik din ako agad wait lang ha?"

"Um..."

Pagkaalis ni Faith dali-dali namang tinawagan ni Vince si Kelly pero hindi ito nasagot "What the heck? Bakit nakasara ang phone ni Kelly? Luka talaga yon!"

Nag scroll-scroll sya sa contacts niya at nakita niya ang name ni Dave at dali-dali niya itong tinawagan at sumagot naman "Ano? Silang dalawa lang sa condo????"

Dave: Oo pre ang malupit nga di sila pwedeng lumabas at lockdown dun sa Santos Condominium dahil may nag positive daw dun sa isang unit eh parang nag party pa daw kaya ayun marami nakasalamuha yung pamilya ng may covid. Kaya hindi makaka labas ang mga nakatira dun ang dami ngang bantay sa loob at labas ng condominium.

Vince: Ay si'ya! Talagang mag aamok ang mga kuya ni Kelly.

Dave: Bakit? Anong meron?

Vince: Sabi sakin ni Ate Faith yung asawa ng kuya ni Kelly susugod daw ang mga kuya nito sa mga Santos!"

Dave: Hala! Ano daw gagawin?

Vince: Hindi ko rin alam pero isa lang ang sigurado ako ibang magalit ang mga kuya ni Kelly lalong lalo na si kuya Kian. Lion yon!

Dave: Lagot na ngayon si Dude!

Vince: Kaya tawagan mo na ang kumag na yon.

Dave: Ang problema hindi na sagot ang luko ewan ko kung nag palit na ng number ang lintek. Kahit kasi ako di niya maalala nag tatampo nga ako dun at di pa kami nagkikita simula nung bumalik sya.

Vince: Ang arte mo naman! Alam mo na ngang may amnesia magtataka ka pa kaya di pa kayo nagkikita? Bungol! Ganito nalang tawagan mo yung secretary niya yung si Mr. Eugene may number ka ba nun?

Dave: Ah, oo meron sige tatawagan ko at babalitaan nalang kita pre.

Vince: Oo sige na.

Ibinaba na ni Vince ang phone niya at saktong bumalik naman na si Faith "Huy salamat ah ang hirap kasi ako lang naiwan ngayon dine walang bantay sa mga bata kasi andito ako sa bakery."

"Kung gusto mo ate ako na munang mag babantay kila Jacob at Tum-Tum."

"Talaga? Ayos lang sayo?"

"Oo ayos lang wala naman akong gagawin ngayon kasi wala naman pala dine si Kelly. Kaya ayos lang para makapag praktis na din mag alaga ng bata kapag lumabas na ang baby ni Ate Alice."

"Aba oo nga no manganganak na siya paano yun eh pandemic parang ang hirap manganak sa hospital nakakatakot."

"Oo nga eh kaya umuwi muna sila nila nanay at ni kuya Ethan sa Batangas para doon manganak si Ate may kaibigan kasi ang pamilya namin doon na midwife kaya yun sa bahay nalang sya manganganak."

"Ohhh... ganun pala mabuti nga yung ganon sabihin mo have a safe delivery ha? Ipagdadasal kamo namin sya."

"Sige Ate sasabihin ko salamat."

"Oh paano? Dun ka muna sa dalawang bata? Alam mo may umorder kasi saking cake eh mamayang mag 5pm na kukunin eh, hindi ko pa nalalagyan ng decoration kaya laking tulong mo talaga."

"Sige na ate gawin mo na yung dapat mong gawin ako ng bahala sa dalawang bata."

"Salamat talaga. Sige pumasok ka na dadalhin nalang kita doon ng mamimirienda nyo."

"Sige ate salamat."

***

Nasa bangko naman ang mga kuya ni Kelly "Mga tol!" Ang sabi ni Kevin na kararating lang at lumapit kila Kian na nakaupo with 1 chair apart "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa mainit ang ulo ni kuya Kian." Ang pabulong na sambit ni Keith.

"Inantay ko pa kasi ang break ko para makalabas ako ng hospital. Bakit ba kasi biglaan ito? Ano bang gustong mangyare ni kuya?"

"Gusto niyang malaman ang mga naipon nating apat."

"Ha? Para san?"

"Eh... alam mo naman mayaman sila Patrick ayaw naman ni kuya na magpapadaig sa mga Santos kaya ayun gusto niyang ilabas natin ang inipon nating pera para kay Kelly kasama na rin yung na mana ni bunso kay daddy."

"Ano? Bakit?"

"Alangan! Gustong ipakasal na ni kuya si Kelly kay Patrick!"

"Ha? Eh... tsk... paano yan lagot tayo kapag nalaman ni kuya na kasal na si Kelly kay Patrick sa mata ng batas."

"Yun nga ang problema mapapatay talaga tayo niyan."

"Bakit di mo sinabi?"

"Aba! Ayoko nga."

"Tsk... hiyain na nga bahala na si Batman. Pero bakit gusto ni kuya na i-withdraw ang lahat ng pera na para kay Kelly?"

"Hindi ko nga rin alam feeling ko kasi gusto niya na ngang ipakasal si Kelly kay Patrick kasi nga alam mo na 2weeks si bunso dun sa condo at yung tukmol na yun lang ang kasama."

"Tsk. Ano nga kaya ang binabalak ni kuya?"

"Malalaan mamaya pag labas natin dito."

"Hayyysss... gulo talaga ito!!!"

Habang busy naman ang mga kuya ni Kelly ang hindi nila alam ang bunso nilang kapatid ay naglalaro lang ng scrabble at may kasamang pustahan kung sino ang mananalo ito ang mag dedesisyon kung kanino mapupunta ang kwarto habang naka quarantine sila.

"Huh! Alam sumuko ka nalang dahil wala pang nanalo sakin dito." Ang pagyayabang na sambit ni Kelly kay Patrick na naka focus lang sa mga tiles niya sa scrabble.

Sa isip-isip ni Patrick "kapag itinaas ko ito malapit sa tripple points baka magawan niya ng paraan kaya bago pa mahuli at manalo ang babaeng ito gagawa na ako ng paraan para manalo."

"Ano na? Bakit ayaw mong tumira? Naduwag ka na ba?"

Mata lang ang gumalaw kay Patrick at tinitigan si Kelly na parang may binabalak na kung ano "Tumira? Alam mo ba yang salitang sinasabi mo?"

"Ha? A— Ano na naman yang pinagsasabi mo? Wa— wag kang lalapit! Tatalon talaga ako sa building na ito!"

"Ohhh... hindi ko akalaing ang babaeng gaya mo ay isa rin palang green minded."

"A— Ano? Baka ikaw! Manyak!"

"Matanong nga kita sabi kasi nila naging ex-girlfriend kita ako ba ang first kiss mo?"

Kelly gulped and her face is a bit red na naman "Why— Why did you built up that thing? Maglaro ka na nga lang!"

"Why? Totoo? Ako nga ang first kiss mo?"

"I.. I... kasi..."

"Oh, nauutal ka so tama ako na ako nga ang first kiss mo?"

"Eh ano naman ngayon? Past is past! Ayoko na nga! Sige sayo na ang kwarto mo! Dito nalang ako sa sofa! Humph!"

Tumayo si Kelly at nag punta sa kusina para kumuha ng inumin "Like what I thought ayaw niya ng ganung usapan. Easy peasy..." ang pabulong na sambit ni Patrick.

"Are you hungry?"

Nag palinga linga si Kelly "Sinong tinatanong mo? Ako?"

"Ay sino pa? May iba pa ba tayong kasama dine?"

Kelly smirked "Ewan sayo!"

Tumayo si Patrick at nag punta rin sa kusina "mahilig ka ba sa pasta?"

"Eh ano naman sayo?"

"Ipagluluto kita."

"Lu— Luto? You know how to cook?"

"Oo naman! Ano namang tingin mo sakin useless?"

"Humph!."

"Maupo ka na nga lang don at manood ng Tv ako ng bahala dito."

"Really? Magluluto ka talaga?"

"Oo nga! Ang kulit kung gusto mo tulungan mo ko mag gayat ka ng ingredients I'm cooking tuna pasta ayos lang ba yun sayo?"

"Tuna? Ahm... hindi kasi ako..."

"Ohhh... hindi ka nakain ng tuna?"

"Um."

"Pesto pasta you want?"

Umiling si Kelly "ayaw mo rin?"

"Ayoko ng ganun ang arte mo naman kasi mag instant noodles nalang tayo!"

Sa isip-isip ni Patrick "Napaka simple niya lang talagang babae kung sa iba yan baka nag request pa ng kung anu-ano pero sya noodles lang okay na? Hahaha... natutuwa talaga ako sakaniya."

"Hoy! Anong nginingiti ngiti mo diyan? Are you mocking at me? Dun ka na nga ako ng magluluto ng noodles."

"Pffft... noodles lang talaga ang gusto mo?"

"Oo nga! Kaya kong mabuhay ng ganun lang hindi ako maarte pero ayoko ng gulay at mga seafood. Kaya sige na ilabas mo na ang noodles bago pa mag bago isip ko."

"Don't tell me yun lang alam mong lutuin?"

"Eh... Ano naman? Kaya ko rin naman mag boiled ng water at mag microwave."

Tinawanan lang sya ng tinawanan ni Patrick "Ano namang nakakatawa sa sinabi ko?!"

"Hahaha... kasi noodles at mag boiled lang ng water ang kaya mong iluto paano nalang kapag may pamilya ka na yun lang ang iluluto mo sa kanila araw-araw?"

"Bakit sino bang may sabi sayo na mag aasawa ako?"

"Ako."

Naging seryoso bigla si Patrick sa pagkakasabi niyang "Ako." Tapos iniba naman agad ni Kelly ang usapan.

"Ah... Eh... Sige nalimutan ko may sinusubaybayan nga pala akong telenovela panood muna ha?"

"O— Oo sige. Ako nalang magluluto."

Naging awkward bigla ang atmosphere sa kanilang dalawa dahil alam ni Patrick na hindi pa nga pala alam ni Kelly ang about sa kasal nilang dalawa na kahit sya ay hindi niya maalalang may ganoon syang ginawa nung hindi pa sya nagkakaroon ng amnesia.

"Hayyysss!!! Bakit kasi sinabi ko pa ang ganung bagay sa kumag na yon baka kung ano pa ang isipin nya. At ano namang ibigsabihin niya dun sa sinabing niyang "ako" naging seryoso syang bigla. Hayyysss... konti nalang talaga mababaliw na ko!!!"

Napatingin siya kay Patrick na nagsisimula ng magluto ng noodles "di ko akalaing ang mayaman gaya niya ay marunong din palang magluto. Tao rin pala sya?"

Napatingin naman sa kaniya si Patrick at mabilis naman syang umiwas. "Ano naman kayang iniisip niya at nakatitig sya sakin? Sigurado iniisip nya na bakit ako marunong mag luto eh ang yaman ng pamilya namin ano namang akala niya samin alien? Baka nga kahit alien marunong magluto. Humph!"