webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 236

Nakapila na ang KelRick para umorder ng pagkain at kasama parin si Jacob "Baby pwede namang umupo nalang tayo bakit kailangan kasama niya pa tayo sa pag order?"

"Oo nga baby baka mangalay kayo pang apat pa tayo sa pila oh."

"Ehhh... gusto ko po kasi yung feeling na umuorder."

"Ha?" Tugon nung dalawa.

"Opo kasi laging may free treats yung staff sakin pag po ako ang kasamang umorder."

"Baby, san mo yan natutunan ang mag pa cute ha?" Ang sabi ni Patrick.

"Perks po yan ng pagiging Dela Cruz."

"Pffft..." Ang natatawang reaksyon ni Kelly.

"Ha... Ha... Oo nga naman. Ha... Ha..." Patrick's awkwardly answer.

Pero sa isip-isip ni Patrick "Kabata bata niya pa alam na agad niya yung perks? Well, cute naman kasi talaga siya pero ngayon ko nalang ulit nakitang ngumiti si Kelly."

Nakatitig lang si Patrick kay Kelly at napansin iyon ng iba pang naka pila "Ang sweet nila no? Tignan mo yung daddy nung baby nakatitig lang sa asawa niya." Ang sabi nung isang babae sa kapwa niyang babae.

"Oo nga eh ang cute nilang pamilya naka couple shirt pa yung parents nung bata."

"Kaso parang ang bata naman ata nilang mag asawa anlaki na agad nung baby nila."

"Oo nga siguro maagang bumigay yung babae."

Narinig naman iyon ni Kelly at napalingon siya ng ansama ng tingin dun sa dalawang tsismosa "Excuse me?" Aniya.

Humarang naman agad si Patrick para ipagtanggol si Kelly "Paki ulit nga po ng sinabi niyo? Marangal na babae po sya kaya wala kayong karapatang husgahan siya dahil hindi niyo sya kilala kahit nga pangalan niya di niyo alam eh."

Napaatras naman yung dalawang babae at pinatid ni Jacob yung isang babae at natabig rin nito yung kasama kaya parehas na natumba yung dalawang tsismosa "Fyi lang po hindi po nila ako anak pamangkin lang po nila ako." Pahabol pang sambit ni Jacob bago umalis yung dalawang babae dahil sa kahihiyan sa pag lupagi sa sahig.

"Baby, bad yun nakita ko yon ha."

"Eh kasi tito ayoko pong inaaway nila si tita Kelly eh."

"Don't worry hangga't nasa tabi niya ako walang mangaaway sa tita mo."

Napatingin si Patrick kay Kelly at hindi niya inaasahang mag papasalamat ito sa kaniya "Ayiieee... bati na po kayo?"

"Baby wag ka ngang issue." Ang sabi ni Kelly.

Napangiti nalang si Patrick habang pinag mamasdan si Kelly na kinikiliti si Jacob "Hindi parin talaga sya nag babago sya parin ang Kelly na nakilala at minahal ko hanggang ngayon."

Samantala,

Nakaupo at nag iintay ng makakain nila yung tatlo nila Vince at masinsinang nag uusap "Ano na ang sunod nating gagawin nagawa na natin ang part 1 at 2 ano na ang pang 3?" Ang sabi ni Dave.

"Pre, ikaw may naisip ka?" Ang sabi ni Vince.

"Wala nga eh sure naman ako magiging normal lang ang pagkain natin dito pero mas okay sana kung mabibigyan natin yung dalawa ng me time eh." Ang sagot ni Harvey.

"Madali naman na yan pwede yun pag naglalaro na si Jacob pero boring wala masyadong thrill sure naman akong mag kakainisan lang yung dalawa." Ang sabi ni Vince.

"Hmmm..." Ang reaksyon ni Dave at napatingin siya sa labasan at napansin niyang ang lakas ng ulan "Oh? Naulan pala?"

Napa tingin rin naman yung dalawa sa labas "Aba oo nga no! Kanina napaka init eh ngayon parang may bagyo ata." Ang sabi ni Vince.

"Hala! Baka baha na sa daan paano tayo nire uuwi?" Ang pag aalalang sambit ni Harvey.

"Bakit nabaha ba sa daanan niyo? I mean sa daang pauwi sa inyo?"

"Oo konting ulan nga lang baha na hatid nyo ko ha? Sure ako pahirapan ang pag sakay."

"Alam ko na!" Ang sabi ni Dave.

"Anong alam mo na?" Ang tugon nung dalawa.

Mapunta naman tayo sa bahay nila Kelly,

"Tsk... Wala pa ba sila Kelly? Ang lakas na ng ulan oh!" Ang nag aalala ng sambit ni Kian na di makali na pabalik balik na doon sa kanilang terrace kasama ang iba pang kuya ni Kelly.

"Tinawagan ko na kaso cannot be reached." Ang sabi ni Kevin.

"Baka walang signal? Dahil sa bagyo?" Ang sabi ni Keith.

"Wow ang talino talaga." Ang sabi ni Kian at bineltukan niya rin si Keith "Malamang may bagyo nga kaya mahihirapan talaga tayo sa signal. Gung gong!"

"Sorry naman."

"Swuushhhh...Shhhwhhhshhhsh..." Ang lakas ng hampas ng hangin sa labas at lalong palakas ng palakas ang ulan.

"Mabuti pa sa loob na muna tayo mga tol dun na tayo mag intay ang lakas ng hangin at ulan baka mabasa tayo dito." Ang sabi naman ni Kim.

"Mabuti pa nga." Ang sambit naman ni Kian at nagsi pasok na nga sa loob ang mga kuya ni Kelly.

","

Ilang oras na ang nakakalipas at di parin matawagan nila Kian si Kelly "Hindi parin na sagot kuya." Ang sabi ni Kevin.

"Tsk... Keith kunin mo ang susi ng sasakyan susunduin ko na sila."

"Pero kuya nakita mo naman sa balita na gang tuhod na ang baha. Delikado kung aalis ka." Ang sambit ni Keith.

"Mas delikado kung hindi natin masusunodo sila Kelly at Jacob!"

At biglang nawalan ng kuryente "Babe!!! Brown out!" Ang sabi ni Faith na humahangos na dala-dala si baby Tum-Tum

"Ano?"

"Tsk... yan na nga ba ang sinasabi ko! Kim, tignan mo sa underground kung ayos pa ang generator natin." Ang sabi ni Kain

"Sige kuya."

"At Kevin, kuhanin mo ang mahahalaga nating mga dokumento ibaba mo dito at siguraduhin mong nakasara ang lahat ng bintana dito sa bahay."

"Oo kuya."

"Ikaw naman Keith ibaba mong lahat dito ang gamit ng mag ina mo para maiayos mo sa sala para maihiga si Tum-Tum kunin mo rin ang mga emergency light natin sa kwarto ko."

"Noted tol, ikaw anong gagawin mo?"

"Tutuloy ako sa pag sundo kila Kelly at Jacob."

"Pero kuya delikado kung walang kuryente satin baka may mga nakatumba ng mga poste at mga puno sa kalsada."

"Oo nga kuya intayin na muna natin ang text o tawag ni Kelly bago tayo gumawa ng move." Ang sabi naman ni Faith na pinatutulog si baby Tum-Tum na iyak ng iyak.

"Hindi ako mapapakali kung alam kong wala dito ang anak at ang kapatid ko."

"Andun na nga tayo kuya pero paano kung nag aalala din sila satin dahil di pa sila makauwi dito."

Napaupo nalang si Kian at di na naka sagot sa sinabi ni Faith "Kuya!!!"

Ang pag huhumangos na sambit ni Kevin "Ano?" Ang sabi ni Kian.

"Tumawag si Vince."

"Anong sabi?" Anila.

"Nasa bahay daw sila ng kaibigan nila dun daw muna sila mag papalipas ng gabi dahil di sila makatawid gang ga bewang na daw ang baha sa kalsada."

"Ano? Kaninong kaibigan daw sila mag papalipas ng gabi?

"Hindi ko lang alam nalobat kasi akong bigla."

"Ano ba naman yan Kevin mag chaharge ka kasi." Ang sabi ni Keith.

Bineltukan ni Faith si Keith "Ungas ka? Wala ngang kuryente di ba?"

"Ay oo nga pala."

"Sige ako ng tatawag kay Vince." Ang sabi naman ni Kian.

Sa magkaparehong oras sa condo ni Patrick,

Palinga linga si Jacob habang naka upo sila ni Kelly sa sofa kasama si Harvey at Vince habang nagluluto naman sila Patrick at Dave "Tita kay tito Patrick po talaga ang condo na ito?"

"Oo sa kaniya ito bigay ng parents niya."

"Ey, alam mo talaga eh noh?" Ang sabi naman ni Vince.

Piningot ni Kelly ang tenga ni Vince "Awwww... sorry na."

"Ang ganda po dito ang linis ng bahay ni tito Patrick pag laki ko gusto ko din po ng ganito."

"Kaya mag aral ka ng mabuti gumaya ka sa tita Kelly mo laging honor student." Ang sabi ni Harvey.

"Opo sabi nga po nila daddy mana daw po ako kay tita Kelly eh."

"Oh? Honor student ka rin baby?"

"Oo top 3 sya sa online class nila." Ang sabi ni Kelly.

"Online class?"

"Ahh... Oo late registry kasi sya kaya pinag pasyahan nila kuya na mag online class nalang sya."

"Ohhh... I see."

"Parang nung bata lang si Kelly kaya mana talaga yang batang yan diyan." Ang sabi naman ni Vince.

"Klurghhjjhhgghhhgjhjhhh..."

"Gutom ka na Siopao?"

"Opo tito kanina pa kasi tayo kumain eh."

"Pamangkin nga kita ako din eh gutom na."

"Baby mamaya na pag uwi natin."

"Pero tita Kelly gutom na po ako."

"Tsaka di naman tayo makakuwi dito muna tayo matutulog." Ang sabi ni Vince.

"Ano? No way! Uuwi kami ni Jacob gusto mo bang mapatay ka nila kuya? Magagalit ang mga yun kapag nalaman nilang andito ako sa condo ni Patrick tapos dito pa tayo tutulog? No... No... No!"

Wahhhhhh... ayieeee... HAHAHAHAHA

lyniarcreators' thoughts