webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 150

Kinahapunan,

Pagkababa nila Kevin at Kelly sa motor pagkauwi sa kanilang bahay "Kuya, yung pinagusapan natin sa may cafeteria kanina wag na wag mong sasabibin yun kila kuya Kian ha? Nako! matutuluyan na talaga ang pagka galit ko sayo pag sinabi mo yon!"

"Tsk...kailan ba naman ako nagsabi kila kuya ng secrets mo? Tsaka yung sinabi ko rin sayo wag excited isipin ang bawat gagawin at syempre ikunsulta muna sakin."

"Tsss...opo master."

"Sus...sya pumasok ka na at iaayos ko lang ang motor."

"Um..."

Sa kusina,

Busy magluto ng hapunan si Faith kasama si Jacob na nakamasid lang "Baby, mukhang andiyan na sila Kelly narinig mo ba yung motor?"

"Po?"

"Oo hindi ba yun ang sinakyan nila tito Kevin at tita Kelly mo bata ka pa pero ulyanin ka na ha at binge na rin."

"Eh? Tita naman."

"Hehe...siya lakad na salubungin mo sila."

"Okay po." Pandalas naman si Jacob at nakita niya si Kelly "Ah? Kayo nga po."

"Ha? Bakit naman gulat na gulat ata ang baby na yan?"

"Eh...kasi kala ko po kung sino lang yung dumating hehe...."

"Halika may pasalubong sayong lollipop si tita at icecream."

"Talaga po?"

Inilabas naman ni Kelly sa bag niya yung mga pasalubong niya kay Jacob "Wow...thankyou po."

"Oh? Asan na yung kiss ni tita?"

"Ay...hehe..." Hinalikan naman niya si Kelly sa pisnge.

"Ang cute cute talaga ng baby na yan." Ang gigil na sabi ni Kelly at pinisil ang pisnge ng pamangkin at dumating naman bigla si Kevin na may dalang mansanas.

"Baby boy how's your day?"

"Good po tito."

"Oh, anong gagawin?"

"Gagawin? Ano po?"

"Hindi ba ang sabi ni daddy mo kapag may dumating o may aalis na nakakatanda sayo lagi kang mag mamano?"

"Ahhh...opo sowie po." At pandalas naman siyang nag mano kay Kevin.

"Nice, ganyan parati o bakit kay tita Kelly mo hindi ka nag mano?"

"No! Ayoko nga baka tumanda ako bigla kiss lang sakin ha, baby?"

"Hehe...sige po."

"Tsss...tanda-tanda ka pang nalalaman diyan. Tse!"

"Ahm...ano po pala yang dala niyong mga apple?"

"Ahh...pabili ito ni tito Keith mo para kay tita Faith mo asan pala sila?"

"Si tita Faith po nagluluto ng hapunan si tito Keith po na sa likod may iniihaw."

"Ihaw?" Anila Kelly at Kevin.

"Um...mag ba-barbeque po tayo ngayon at mag-iisaw."

"Wow..." Ang reaksyon ni Kelly.

"Heh! Wow ka diyan lakad na mag bihis ka na don pupunta ka na agad sa likod eh mangangamoy pa yun sa uniform mo hindi ka naman nag lalaba!"

"Tsss..KJ!"

"Sus...lakad na!"

"Oo na po master! Tsss..."

"Baby, halika samahan mo ko sa kusina dalhin natin ang mga mansanas na ito kay ate Faith."

"Um...sige po bye tita Kelly."

"Yeah...maya nalang bihis lang ako ng pambahay."

"Opo."

At habang pataas naman si Kelly sa hagdan biglang nag ring ang telepono niya "Ring...Ring..."

"Eh? May natawag?" Kinuha naman ni Kelly ka agad ang cp niya sa bag at sinagot "Hello?"

"Kelly?"

Hindi niya nakilala yung number na natawag "Sino po sila?"

"Ahm...It's me Patrick's mom."

Tinakluban muna ni Kelly yung mic ng cp niya at sinabing "Eh? Si Mrs. Santos?"

"Hello? Kelly? Are you in there?"

"Ye---Yes, Ma'am sorry medyo mahina po ang signal. He..he..."

"Ahhh...ahm...gusto sana kitang imbitahan this coming Saturday sa bahay namin kung ayos lang?"

"Po?"

"Ahm...magluluto kasi ako ng paella baka ka ko gusto mo pero kung hindi ka naman pwede sige papadalahan nalang kita diyan sa inyo sasabihan ko si Patrick."

"Ho? Ah...eh...a---ano po kasi...."

Sa isip isip ni Kelly "Nako, kapag pumunta na naman dine si Patrick magagalit na naman sila kuya paano kaya ito?"

"Kelly?"

"Ah...ahm...andito pa po ako medyo weak lang po talaga ang signal. Hehe..."

"Ohhh...I see, ano pwede ka ba sa Saturday?"

"Ahm...sige po titignan ko."

"Talaga? Sige tawagan mo ko ha? Isave mo na ang number na ito."

"O---okay po?"

"Okay, bye see yah..."

"Opo...bye..."

Pagkababa ni Kelly ng cp niya "Ano daw? Tsk...Pambihira!!! Ano ang gagawin ko? Magagalit sila kuya sakin kapag sinabi kong pupunta ako sa bahay nila Patrick. Pero nakakahiya naman kila Mrs. Santos at Mr. Santos nagsabi kasi ako sa kanila na makikpagkwentuhan ako sakanila pag may time. Sigh....asar dapat ata hindi nalang ako nag sabi."

"Kelly?" Ang sabi ni Kian nung dumating kasama si Kim.

"Ku---kuy's?"

"Anong gingawa mo diyan sa hagdan?" Ang sabi ni Kim.

"Ha? Kararating ko lang kasi...ha---ha---ha..."

"Oh? Tapos? Anong ginagawa mo diyan? Bakit hindi ka pa tumaas sa kwarto mo para makapag bihis ka!" Ang sabi ni Kian."

"Ah? O---opo ere na tataas na."

"Tsss...tung batang ito lutang na naman."

Habang papataas si Kelly "Muntik na ko dun ah." Ang kaniyang pabulong na sambit.

"Ano yon Kelly?" Anila.

"Wa---wala po mga kuy's."

Hindi pa rin sinabi ni Kelly sa mga kuya niya na inimbitahan siya ni Mrs. Santos sa bahay ng mga ito. Dahil alam niyang pag nalaman ng mga ito ay hindi siya papayagan dahil kila Patrick iyon kaya pinili niya nalang na ilihim sa mga kuya niya. Pero hindi niya parin naman alam kung pupunta siya sa Sabado dahil hindi niya alam kung paanong pag papaalam ang sasabihin niya kila Kian.

Biyernes ng gabi,

Nasa kwarto ni Kelly si Vince at nag momovie marathon sila kasama si Jacob "Pis!!!"

"Hmm?"

"Bukas may lakad ka ba?"

"Wala ata? Pero may delivery ata sila Mama ng food may cater kasi sila pero hindi naman ako pinapasama kaya wala iwan ako sa bahay."

"Ohhh...dito ka ba tutulog?"

"Hindi! Uuwi rin ako susunduin ako dine ni kuya Elmer may kukunin din kasi siya kay kuya Kian eh."

"Ahhh...okay."

"Tita Kelly ako po walang lakad bukas."

"Ha?"

"Bakit ba kasi tinatanong mo may gusto kang puntahan bukas?"

"Ah...ahm...ano kasi eh."

"Tsk...nalimutan ko may pinapagawa nga pala sakin si Ate Alice may pipinturahan kasi namin ang kwarto niya."

"Ohhh....Okay lang baka si Jacob nalang nga ang maisama bukas."

"Bakit saan ka ba pupunta?"

"Chat ko nalang maya."

"Ano? Ang arte mo! Bahala ka nga!"

"Pero tita sasama niyo talaga ako? Saan po tayo pupunta?"

"Ah...eh...sa mall lang. Hehe..."

"Talaga po?"

Napatingin si Vince kay Kelly at tinaas ang kilay at sinabing "Weh?"

"Tsss...wag ka ngang epal...Oo baby sa mall tayo pupunta bukas kaya yun ang sasabihin mo kila daddy mo ha?"

"Okay po." Ang tuwang tuwa na sabi ni Jacob.

"Knock...knock..."

"Kelly, lumabas na kayo diyan at kakain na tayo ng hapunan." Ang sabi ni Kevin.

"Opo lalabas na....oy, tara na guys."

"Bilisan niyo na ha? Tama na yang panonood at pagkain ng junk food."

"Oo na kuya...susunod na kami."

"Okay..."

"Baby, sige mauna kana susunod kami ni tita Kelly mo." At sumenyas si Vince kay Kelly.

"Eh? Sige po bilisan niyo po ah."

"Oo aayusin lang namin ng tito Vince mo ang kwarto ko ang kalat kasi yung mga pinagkainan mo kasi naman baby nakakahiya."

"Hehe...sowie po."

"Haha...sige na mauna kana."

"Opo...byie...sunod po kayo agad ha?"

"Um..."

Pagkalabas ni Jacob ng kwarto ni Kelly "Hoy babaita! Saan ka talaga pupunta bukas ha?"

"Sigh...I knew it!"

"Ano nga? Saan ka pupunta?"

"Ehhh...kasi niyakag ako ni Mrs. Santos sa bahay nila."

"KILA PATRICK?"

"Shhhhh...ang ingay mo!!!!"

"Tsk...bakit hindi mo ba balak na ipaalam kila kuya mo?"

"Hindi na alam ko naman hindi sila papayag na mag punta ako dun."

"Ba'y malamang! Alam mo naman pala eh bakit tutuloy ka pa?"

"Ehhh...kasi..."

"Kasi ano? Kelly ha! Nababaliw ka na!"

"Tsk...nakakahiya kasi kung hindi ako pupunta doon."

"Ano? Bakit naman?"

"Eh...kasi nag sabi ako sakanila na pupunta ako sa kanila pag may time naalala mo yung sinabi ko sa tatay ni Patrick?"

"Ahhh...oo bakit nag sabi ka rin ba kay Mrs. Santos?"

"Um...kaya nga nahihiya ako."

"Sus...maniwala gusto mo rin talagang pumunta don para makita si Patrick."

Binato siya ni Kelly ng unan "Baliw ka! Bakit naman dahil sa tukmol na yon?"

"Tsss...anong akala mo sakin manhid?"

"Ano?"

"Alam kong may something na kayo ni Patrick kahit hindi mo sabihin sakin."

"Ano? Baliw ka!"

"Tsss...basta ang akin lang wag kang gagawa ng hindi tama kung ayaw mong magalit sayo ang mga kuya mo hindi talaga kita matutulungan diyan bahala ka."

"Sira! Ano naman sa tingin mo ang gagawin ko? Pupunta lang ako don kasi nga nahihiya ako kila Mr. and Mrs. Santos alam mo namang may isa akong salita eh."

"Bahala ka wala na akong masasabi diyan."

"Humph...ewan tara na nga bumaba na tayo."

"Okay...chat mo ko bukas ha?"

"Tsss...tsismoso!"

"Sus..."

"KELLY....VINCE!!!!"

"OPO ANDIYAN NA!!!"

Kinabukasan,

Nag reready na sila Kelly at Jacob sa pag alis "Baby, wag kang hihiwalay kay tita Kelly mo ha? Maraming tao sa mall." Ang sabi ni Kian habang itinatali ang sintas ng sapatos ni Jacob.

"Opo daddy."

"At ikaw naman Kelly hawakan mong mabuti si Jacob ha? Ingatan niyo ang isa't isa at umuwi kayo agad bumili ka lang ng kailangan mo sa project mo okay?"

"Oo na kuya tsaka syempre kakain muna din kami right baby?"

"Opo nga daddy."

"Sigh...sige sige...basta ingat kayo ha? Bakit kasi hindi nalang bukas para wala kaming gagawin ng mga kuya mo."

"Eh...kuya Sunday is FamDay nga kaya okay na ngayong araw di ba baby?"

"Opo."

"Tsk...siya sige sige...ihahatid ko na kayo sa labasan mamaya pa naman ang lakad ko."

"Sige kuya kahit dun lang sa sakayan sa labas ng subdivision."

"Sige."

"Oh? Okay kana baby?"

"Opo...ready na po ako."

"Ayos tara na."

"Sandali intayin niyo ko dine at kukuhanin ko lang ang susi ng kotse."

"Um..."

"Wow naman ang cute cute naman ng baby Siopao na yan pormang porma naman." Ang bungad na sambit ni Faith pag dating niya sa sala."

"Hehe...si tita Kelly po ang stylist ko tita Faith."

"Wow...kaya naman pala lakas maka "millennials" ang gwapings."

"Hehehe...sabi niya kasi ate gusto niya maging cute at gwapings."

"Asus...kala mo naman binata ang baby Siopao na yan. Kiss mo na si tita ingat kayo ha?"

Hinilakan naman siya ni Jacob sa pisnge "Opo tita."

"Sayang at hindi ako pwedeng sumama ayaw ng kuya Keith mo ang oa kasi."

"Hehe...ayos lang po yun ate mabuti ng safety first."

"Um...nga pala sa mall lang ba kayo pupunta?"

"Ah? O---oo ate dun lang. Ha---ha---ha..."