webnovel

Ms. Hoodie

Paano kung ipinanganak ka na nag iisang babae sa limang magkakapatid? Ano ang iyong gagawin? Matutuwa ka ba o maiinis? O pwede ring halong emosyon. Si Kelly Ann Marie Dela Cruz, ay isang estudyanteng magtatapos na sa kolehiyo at isa ring ulila na sa ama lumaki sya sa piling ng apat niyang kuya dahil isang OFW ang kanilang ina. Naging makabuluhan ang buhay niya lalo't naging nanay at tatay niya na ang mga kuya niya lumaki siyang umaasa sa mga ito. Kung kaya't naging kilos lalaki na rin sya pero lagi siyang sinasabihan ng mga ito na kumilos bilang babae lumaki siyang takot sa mga kuya niya pero pag si Kelly ang nag tampo sila ang unang sumusuyo. Ayaw rin nilang sinasaktan ng iba ang bunso at nag iisa nilang kapatid na babae dahil sobrang "over protective" sila dito. Kung kaya't kawawa ang magiging manliligaw niya dahil di nila papayagang magkaroon ng boyfriend si Kelly hangga't hindi sila na ikakasal apat. Si Kelly ay isang mahiyaing babae pero brusko. Pero nag bago ang lahat noong nakaalitan niya si Patrick Santos sa kanilang klase na isang binatang pinipilit itinatago ang kaniyang pinagmulan. Pero paano nalang kung na hulog na ang loob nila sa isa't isa tapos malalaman ni Kelly na kaya lang pala sya pinapakitaan ng maganda ni Patrick ay sa kadahilanang kamukha sya ng nakababata at yumao nitong kapatid. May kahihinatnan pa kaya ang relasyon ng dalawa? Hali na't basahin natin ang kwelang buhay ni Ms.Hoodie.

lyniar · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
463 Chs

Kabanata 103

Nitong mga nakararaan napansin ni Kelly na parang may problema siya hindi niya maipalaiwanag kung bakit parang naging weak ang pakiramdam niya na para bang naging "girly girly" siya this past few days simula nung gumaling siya sa dengue. At pakiramdam niya ring para bang may itinatago sa kaniya ang mga kuya niya at sila Vince na hindi niya madiskubre.

"KELLY!!!!" Ang sigaw ni Vince sa natutulog na pinsan sa kanilang klase.

"Mmm...bakit ba? Lunch na?"

"Ano? Anong lunch na puro ka pagkain! May history class pa tayo at hapon na ungas!"

"Eh? Hapon na? Anong nangyare bakit di mo ko ginising!" Bineltukan niya si Vince.

"Sasampalin kita diyan eh! Kanina pa nga kita ginigising diyan ulaga! Buti nalang at may iniwan lang na gawain si Prof. Arnie kung hindi lagot ka dahil tulog ka na naman sa klase niya."

"Tsss...Edi meow! Gutom na ko tara sa canteen?"

"Tumigil ka nga baka pag lumabas tayo bigla namang dumating si Prof. Gina."

"Tsk...KJ!"

"May biscuit ako sa bag yun nalang kainin mo."

"Ayoko baka skyflakes na naman yan! Humph..."

"Napaka arte mo talaga! Buti nga at meron ano ayaw mo talaga ako kakain nito!"

"Tsss...akana! Pag tsatsagaan ko na bumili ka naman kasi minsan yung biscuit na may palaman. Pambihira! Napakakuripot mo talaga."

"Ay ang galeng! Pera mo ginamit ko?"

"Tsss...akana nga nagugutom na ko."

"Makaantay ka nga kukunin ko pa sa bag ko hindi ko kasi alam san ko nailagay matagal ko na yung hindi nakakain eh."

"Aba! Baka naman expired na wag na lang!"

"Sira! Hindi pa naman siguro. Oa mo!"

"Bahala ka nga diyan."

"Kelly!!!" Ang bungad naman sa kaniya ni Axel nagulat naman si Vince at parang feeling close ito kay Kelly kaya ang sama ng tingin niya kaya tinext niya ka agad ang tropa nila.

"Bakit? May kailangan ka?"

"Ah...eh...kasi sabi nung friend ko sa komik alley pinag reserved ka na daw niya sa order mo kailan mo daw kukunin?"

"Ahhh...pwede ba sa Saturday?"

"Okay, sige sasamahan na kita para makilala mo yung friend ko."

"Ah? O---Oo sige."

"Sasama rin ako!" Ang sabi ni Vince.

"Kami rin!" Ang biglang sambit rin nila Patrick, Dave, Harvey at Mimay.

"Ha?" Ang reaksyon ni Kelly.

Sa isip-isip ni Axel "Anong problema ng mga ito para namang ki-kidnapin ko si Kelly. Sigh..."

Kinahapunan,

"Andito na po ako." Ang sabi ni Kelly.

"Tita Kelly!!!!" Ang bungad naman sa kaniya ni Jacob.

"Siopao!!!" Ang pagulat na sabi ni Kelly at niyakap niya ka agad si Jacob "Bakit ngayon ka lang? Namiss ka ni tita ng sobra."

"Ikaw rin po sobra kong na miss sorry po kung hindi ako nakadalaw sa inyo sa ospital nung nagkaroon kayo ng sakit sabi kasi nila mommy at daddy bawal ang bata sa ospital kaya inuwi muna ako ni mommy sa probinsya namin at ngayon lang po kami nakabalik."

"Ohhh...oo nga yun ang sabi sakin ng daddy mo so, babalik ka na ulit dito?"

"Opo tita!" Niyakap ulit siya ni Kelly ng mahigpit "Yes, may kalaro na ulit ako may buhay na ulit ang bahay ang tahimik kasi pag wala ka."

"Ah...eh...tita na pipisa niyo na po ako."

"Ay sorry sobra lang talaga kitang na miss eh."

"Tara na po may pasalubong ako sa inyo."

"Nasan pala sila kuya pala?"

"Ah...nasa likod po may bisita po kasi sila."

"Oh? Sino?"

"Di ko po kilala eh pero kaibaigan po ata nila daddy at tito."

"Oh? Sino si Ethan?"

"Hindi po iba po yun dalawa pong lalaki."

"Sino kaya di ko ata alam na may bisita kami ngayon sige nga tignan natin kung sino yon."

"Opo." Nag punta nga yung dalawa sa likod bahay nila at nagulat si Kelly dahil andoon si "Axel?"

"Kelly?"

"Magkakilala kayo?" Ang sabi ng mga kuya ni Kelly at yung ibang nandoon pa sa likod.

"Mga brad mukhang ako lang pala ang hindi kilala ng kapatid niyo dito."

"Eh?" Ang reaksyon ni Kelly.

Bumulong naman si Jacob "Tita kilala mo sila?"

"Hindi ko kilala yung isang lalaki pero yung isa kaklase ko."

"Ohhh..."

"Bunso, halika bilis papakilala ka namin kay coach Jacee." Ang sabi ni Kian.

"O---kay."

"Kelly meet him siya si coach Jacee."

"Coach?"

"Yes, coach nila ako sa gym hello sayo call me kuya Jacee mukhang kakilala mo ang kapatid kong si Axel."

"Ah...eh...kuya kaklase ko kasi siya." Ang sabi ni Axel.

Bumulong naman si Kelly sa mga kuya niya "Kailan pa kayong tatlo natutong maging si kuya Keith?Nag g-gym talaga kayo?"

"Oo wag ka ngang ano diyan." Ang sabi ni Kevin.

"Parang hindi naman halata sa mga katawan niyo."

"Lintek na ito suportahan mo nalang kami." Ang sabi ni Kim.

"Anyways, coach yung kapatid niyo rin pala eh isang I.T student? Gaya ni Kelly?"

"Siguro? Kasi mag kaklase pala sila ni Kelly."

"Ahhh...opo mag kaklase kami kuya di ba Axel?"

"Ah? O—oo kaklase ko po si Kelly."

"Ohh..."Ang reaksyon ng mga kuya ni Kelly.

"Sige na Kelly mag palit ka na muna ng damit baka matuyuan ka ng pawis." Ang sabi ni Kian.

"Okay...sige po maiwan ko na po muna kayo."

"Sige..." Ang sagot nung dalawa.

At sinama ni Kelly si Jacob papasok ng bahay nila "Baby, bakit andito ang mga yan? Nag g-gym talaga sila kuya? Alam mo? Bakit hindi ko ata alam."

"Hindi ko rin ho alam kababalik ko lang kanina eh si mommy may work kaya wala po akong alam."

"Sigh...hiyain na nga sige dito ka na muna at mag papalit lang ako ng pambahay na damit."

"Sama ko tita."

"Ha? Mag papalit lang ako ng damit bakit naman sasama ka pa?"

"Eh...ayoko po mag isa dito."

"Sigh...sige na nga sa c.r nalang ako mag bibihis tara!"

"Okay po."

"Kelly!" Ang pahabol naman na sabi ni Axel.

"Alex? Bakit?"

"Ah...eh...gusto ko sanang humingi ng sorry."

"Sorry? Para san? Nayapakan mo ba ako kanina?"

"Ha? Hindi! Kasi hindi ko nabanggit sayo na pupunta kami dito sa inyo."

"Ahhh...kala ko naman kung ano na ayos lang yun mukhang hindi mo rin naman alam na dito ka dadalhin ng kuya mo tama?"

"Ah...oo sinama niya lang ako dito sinundo niya kasi ako kanina sa DLRU."

"Ahhh...sige feel at home maiwanan na muna kita mag papalit lang ako ng damit."

"O---okay see you later."

Ngumiti naman si Kelly at nagulat si Axel "Sige....dyan ka muna."

"O---oo." Natulala siya at sinundan ng tingin si Kelly at nagulat siya dahil ang sama sa ng tingin sa kaniya ni Jacob.

"Huh! ang kulit ng batang yun ah." Ang pabulong na sabi ni Axel.

Makalipas ang dalawang oras,

Naglalaro sila Kelly at Axel ng scrabble at naka gitna si Jacob "Ayos...lamang na ulit ako sayo Axel."

"Ah? O---okay lang hindi naman ako magaling dito."

Tumaas naman ang kilay ni Jacob na wari'y naiinis at pabulong bulong siya "Tsss...hindi raw magaling pero yung mga word niyang ibinababa kakaiba ni hindi ko nga alam na may ganung mga salita. Huh!"

"Siopao?"

"Ah? Wa---wala po tita sabi ko galingan niyo po wag kang papatalo."

"Hehe...oo naman ako ata ang champion sa scrabble sa bahay na ito."

"Mukhang madalas kayong naglalaro ng mga kuya mo ng mga board games ah."

"Ahhh...nakita mo ba? Oo lahat ata ng board games meron dito samin pero mas gusto namin ang scrabble at chess.

"Snake and ladders din tita."

"Ah...oo nga pala ayun yun din daw sabi niya. Pero madalas kami lang naman ni Siopao ang naglalaro nun ayaw kasi nila kuya."

"Ohhhh....gusto mo pagkatapos nito yun naman ang laruin natin Jacob?"

"Tsss...hindi na po kailangan gusto ko si tita Kelly lang kalaro ko."

"Siopao!!! Bad yun."

"Ha---ha---ha....ayos lang mukhang ikaw lang naman ata talaga ang gusto niyang kalaro doon."

"Siopao, mag sorry ka dapat hindi ganon kapag gusto sumali ng ibang tao hayaan mo lang hindi pwedeng lagi ka nalang mamimili ng gusto mong kalaro o kausap."

"Humph!"

"Siopao!!!"

"Sigh...okay po."

"Anong, sasabihin mo kay tito Axel?"

"Wala po."

"SIOPAO!!!!" Ang pagalit na sabi ni Kelly.

"Tsk...so---sorry po tito Axel."

"Good boy." Ang sabi ni Kelly.

"Ayos lang yun di din naman ako mahilig talaga sa mga board games."

"Ha? Nabuburyong ka na ba? Kung gusto mo mag laro nalang tayo ng iba?"

"Hindi okay lang nag eenjoy naman ako kasi ikaw kalaro ko."

"Tsss..." Ang reaksyon ni Jacob at ang sama ng tingin niya kay Axel.

"Ha---ha...I mean ngayon lang kasi ako nakapag laro ulit ng ganito matagal-tagal na rin kasi yung huli."

"Ohhh...bakit kailan ka ba huling naglaro ng ganito?"

"Siguro nung highschool pa may contest kasi sa school namin noon isinali ako ng teacher namin buti nanalo naman ako."

"Oh? Anong place?"

"Di ko na maalala pero parang nag Champion ata ako nun kasi may trophy ako samin."

"Wow...champion?"

Sa isip-isip ni Jacob "Huh! pa humble effect pa ang lukong ito...tsss...eh ano naman kung champion ka? Humph!"

"Axel!!!" Ang bungad ni Jacee.

Tumayo naman ka agad si Axel "Bakit kuya? Uuwi na tayo?"

"Oo baka gabihin pa tayo magalit pa si Mama sakin akalain pa noon saan kita dinala."

"Coach, bukas nalang po." Ang sabi nila Kian.

"Sige iintayin ko kayo sa gym bukas."

"Sige coach." Anila.

"Oh, paano aalis na kami bye Kelly nice to meet you."

"Sige po ingat kayo."

"Bye Kelly." Ang sabi ni Axel.

"Sige."

"Hatid na namin kayo sa labas." Ang sabi ni Kian.

"Sige salamat." Ang sabi ni Jacee.

At nung palabas na sila "Kita kits nalang bukas sa school Kelly." Ang pahabol na sabi ni Axel.

"O---oo sige ingat kayo.

Hinila naman siya ni Jacob papuntang kusina "Tita halika na."

"Oo andiyan na."

▪︎Author: Mukhang may ibang naamoy ang ating Siopao kay Axel ano pa kayang paraan ang gagawin ni Jacob para layuan ang tita Kelly niya ng mga umaaligid na lalaki dito. Haba ng hair ni ate girl! Hahaha...

Hayie. .(^_^)

▪︎Simula po ito mg Vol2 ng "Ms. Hoodie" sana' y wag kayong mag sawang sumuporta keep reading kabayan.♡

▪︎ Comment down below kung ano ang naging opinion niyo at aking sasagutin sa abot mg aking makakaya.♡

▪︎ Wag niyo ring kalimutan na mag bigay nag review at votes para may inspiration ako na ipagpatuloy ang pag susulat. Salamat ng marami. Love you all.♡

Love lots,

lyniar ☆

lyniarcreators' thoughts