webnovel

Nadaig ng Kanilang IQ

Éditeur: LiberReverieGroup

Kaunti lamang ang kanyang ipinaliwanag at agad na nakuha nila ang lahat. Hindi na nakapagtataka na agad siyang nabuking dahil ang dalawang ito ay handang magtanong at tuklasin ang anumang anomalya at harapin ito agad-agad.

"Oo, si Doctor Lu ang tumulong sa akin. Hindi nagkaroon ng tumor sa utak si Xinghe dahil iyon ang memory cell."

Matapos ipaliwanag ni Xia Meng ang kanyang sarili, nakaramdam siya na naialis ang mabigat na pasanin sa kanyang mga balikat.

Pero, kasunod nito ay ang kalungkutan. Kahit na sa tulong ng makabagong teknolohiya, ang kapalaran niya ay hindi nagbago…

Siya ay, at habambuhay na, isang talunan.

"Mayroon ka palang bagay na kahanga-hanga, bakit itinago mo ito sinarili ng ganoon katagal? Naniniwala ako na ang isang bagay na kasing importante nito ay maaari mong hingin ang kahit anong gusto mo, o mayroong mga limitasyon o depekto sa memory cell?" Biglang tanong ni Xinghe.

Itinaas ni Xia Meng ang kanyang ulo para tingnan si Xinghe at makikita ang hindi pagkapaniwala sa kanyang mga mata, nagawa nitong mahanap ang detalyeng ito din. Hindi na nakapagtataka sa sinabi nito, hindi siya kailanman magiging ito…

"Bakit ka tutulungan ni Lu Qi? Ito ba ay dahil nangako ka na ibabahagi ang pananaliksik ng memory cell sa kanya?" Tinitigan siya ni Mubai at nagtanong ito.

Bago pa makasagot si Xia Meng, dumagdag na si Xinghe, "Kung susundan ko ang lohika mo, para pagpalitin ang mga alaala, kailangan pa ba naming umasa sa mga memory cells muli? O maaari na naming sirain ang external memory cell na nasa utak para mapakawalan ang mga orihinal na memorya ng utak?"

Hindi na makapagsalita si Xia Meng sa kanilang eksakto at lohikal na mga pagkakaintindi.

Kaunti lamang ang kanyang ibinahagi kung bakit nagkapalit ang kanilang mga alaala at ngayon ay nahulaan na nila ang buong detalye! Kahit ang solusyon!

Isa talagang kalokohan na makipaglaban sa mga taong tulad nila, nakahinga ng maluwag si Xia Xinghe na nagdesisyon siya na makipagtulungan sa mga ito…

Dahil kahit hindi niya gawin, malalaman din ng mga ito ang gagawin sa bandang huli at siguradong hindi magiging maganda ang katapusan niya.

"Oo, may mga limitasyon sa memory cell, mayroon lamang akong sapat para gamitin ito ng minsan. Ang mga natitirang piraso ng memory cell ay naibigay ko na kay Doctor Lu para sa kanyang pananaliksik…" bago pa matapos ni Xia Meng ang kanyang mga salita, tumalim ang tingin nila Xinghe at Mubai.

Agad niyang binalikan ang sinabi at nagpaliwanag, "Pero mayroon pang solusyon para maipagpalit ulit ang mga alaala! Tulad ng sinabi ni Xinghe, maaari mong sirain ang dayuhang memory cell na nasa utak at hayaan ang orihinal na alaala ang bumalik pero…"

Ang boses ni Xia Meng ay unti-unting humina na tila ba nakokonsensiya ito sa ilang bagay.

Napaismid si Xinghe. "Pero may mga masamang epekto?"

Sa puntong ito, pupwede nang sabihin ni Xinghe na isa itong mind-reader at hindi na mabibigla pa si Xia Meng. "Oo, maaaring may mga masamang epekto, na makakalimutan mo ang lahat ng nangyari matapos ang pagpapalitan ng memorya at maaari din itong makasama sa iyong orihinal na alaala din."

"Maliban dito, ang paggamit muli ng memory cell ang tanging paraan?"

"Oo… pero sigurado akong matatapos na ni Doctor Lu ang pananaliksik at makakagawa pa ng ilan…"

Sa madaling salita, kahit na nalaman na niya ang lahat, hindi magiging madali kay Xinghe na ipalit ang kanyang alaala pabalik.

Ito ang unang beses na pakiramdam ni Xinghe ay wala siyang magawa. Maski si Mubai ay naapektuhan din. Kailangan niyang ibunton ito sa isang bagay o sa isang tao. "Hanapin natin si Lu Qi. Kahit na ano ang mangyari, kailangang maipagpalit natin sa dati ang mga alaala ninyo sa lalong madaling panahon!"

Tumango si Xinghe, kailangan na talaga nilang bisitahin si Lu Qi.

Tinitigan ni Xinghe si Xia Meng at hindi mapakali ito sa ilalim ng mariin niyang pagtitig.

"Nasaan ang tatay mo?" Malamig niyang tanong.

Bigla ay nakaunawa si Mubai. Ang tatay ni Xia Meng ang orihinal na maylikha nito, ang paghanap dito ay ang pinakamabilis na paraan para makatulong na maibalik ang kanilang mga alaala!

"Wala akong ideya." Ipinilig ni Xia Meng ang kanyang ulo. "Wala na akong balita sa kanya mula ng araw na naglaho siya."

"Maliban sa memory cell, ano pa ang iniwanan niya sa iyo?"

Nanahimik na tiningnan lamang siya ni Xia Meng.

Intensiyon niyang itago ang huling sikreto na ito para sa sarili. Kahit na nagsususpetsa siya na may alam si Xinghe dito pero, hanggang kinakailangan, hindi talaga niya gustong ibahagi ang impormasyong ito.