webnovel

Love,Autumn

Reynalyn_Mercado · Sports, voyage et activités
Pas assez d’évaluations
15 Chs

Chapter 1

🍁 Chapter 1 🍁

Its first day of school and im here standing in front of my new campus gate. I can't believe na College nako its so fast hays... Tumatanda narin ako charot HAHAHHAHA.

New School

New Profs

New Classmates

but not New in...

" Kyrraaaaaaa! " rinig kong sigaw ng pamilyar na boses ng babae.

I knew who owns that very loud voice na para bang walang ibang tao sa paligid nito its from Eesha, Eesha Eira Manijas my bestfriend. Best buddies na kami since High school nung Grade 7 kami. Pano ba naman First day of school e napakadaldal nito.

Introduce ourselves non syempre first day e magkatabi kami sa upuan non then yon sa sobrang kaba niya e pati ako kinakausap niya na HAHHAHA hanggang sa maging kumportable kami sa isat-isa now we are 6 years bestfriend and im so happy because she's not just a bestfriend she's also my sister.

" oh Eeshaa ang aga -" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa bigla nalang itong yumakap saakin.

" ang aga mo ha " dugtong ko habang kinakalas ang mahigpit na pagkakayakap nito sa leeg ko.

" ofcourse first day of school eh" sagot ni Axel.

Let me introduce you this guy he's Axel Raiven Inumerables he's also my best friend pero mas matagal kesa kay Eesha kasi Grade 5 palang e magkaibigan na kami.

" hoy hindi ah nagbagong buhay nako no" dipensa naman ni Eesha habang nakakapit sa braso ko.

Eesha is kind'a childish she always make our day fun because of her stupidity oo, stupidity kasi hindi sa ano ha pero sabi ko nga childish ito at may pagka inosente sa mga bagaybagay.

Sabay naman kaming natawa ni Axel dahil sa sagot ni Eesha. Lagi nitong sinasabi na nagbago na siya kahit hindi naman talaga HAHAHHA.

" alam niyo pinagtutulungan niyo nanaman akooo! " inis nitong sigaw. Sabay na nagwalk-out na mas lalong dahilan para matawa kami ni Axel.

" ohh our lil' sis is sulking again HAHAHHAHAH " pang-aasar nito sa papalayong si Eesha. Agad ko naman itong siniko sa tiyan dahilan para manahimik ito.

" hoy Eeshaaa wait laaang! " sigaw ko sabay habol kay Eesha.

Nang maabutan ko ito ay agad akong umakbay dito naabutan ko itong nakasimangot, she's so cute pag napipikon HAHAHAH

" oh come'on were sorry ok? " saad ko sabay na humalik sa pisngi nito. Tahimik padin ito.

" oh galit ka padin? Tara lemme kess you " saad nitong nakanguso.

Agad namang naalarma si Eesha at agad na lumanding ang palad nito sa muka ni Axel. Ayaw ni Eesha na may lumalapit sakanyang lalaki dahil sa strict ang parents nito at tinuruan ito maging maria clara and i told you she's innocent.

" aray! Napakamapanakit mo talaga leche ka " saad nito habang hawak-hawak ang pisngi nito.

" che! " pagtataray ni Eesha.

Natawa nalang ako sa kanilang dalawa lagi talaga silang nag-aaway. Mapangasar naman din kasi itong si Axel kaya madalas na nasasaktan samin ni Eesha.

Naghiwalay na kaming tatlo at pumasok sa kanya-kanyang kwarto for our first subjects dahil sa magkaiba kami ng course na kinuha. si Eesha taking BS in Nursing as usual gusto niya maging Nurse, Axel taking AB in POLSCI kasi gusto daw niya maging Lawyer in the Future and me?

Our class started by introducing ourselves and so unlucky dahil ako ang naunang pinili ng prof namin para magpakilala fudge! Tumayo ako at naglakad papunta sa harapan ng buong klase while my chin is up so proudly.

" Teachers is not just a Teachers, they can be your second parent, your brother or sister your, best friend and of course your educator. I want to share my knowledge to those who dont have enough knowledge. I want to be part of a students achievement, to be part of enhancing their skills and i want to see them achieving their goals everyone im Kyrra Maureen Mallari one of the Philippines Future Educator. "

                               

 

🍁  🍁  🍁

" hays nakakapagod " maktol ni Eesha habang naglalakad kami pauwi.

" napagod ka sis? nakakapagod talaga umupo ano " sagot nito. Dahilan para tapunan ito ni Eesha ng masamang tingin.

" ang kapal talaga ng muka mo Axel " inis nitong sagot.

" hoy manahimik kayong dalawa jusme " saway ko.

Nanahimik naman ang mga ito pero alam kong nagpapatayan na sila sa mga utak nila gamit ang kanilang mga mata na lagi nilang ginagawa sa tuwing pinapatigil ko sila hahhaha.

Umuwi kami na puno ang kalsada ng boses nilang dalawa dahil sa makulet sila e hindi ko na sila sinaway at naglakad nalang ako ng tahimik habang nakikinig sa asaran nila.

" babyee! Hoy Axel hatid mo muna yang si Eesha ha " bilin ko kay axel.

"  ha? " tanong nito habang nakakunot ang noo.

" ang sabi - " hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla nalang itong nagsalitang muli.

" hatdoooog! "  saad nito sabay na tumawa kasabay ng isa pang abnormalism na si Eesha.

" mga boang " inis kong saad at agad na tinalikuran ang dalawa at dumiretso sa gate ng bahay namin.

" oo! Hahatid ko tong sinto-sintong ito ! " rinig kong sigaw ni Axel.

" Aray! potek na kamay yan putulin ko nayan ih! " rinig kong daing ni Axel ng nasa pintuan nako para buksan ito.

Panigurado ay nakatanggap na naman ito ng malatek na hampas mula kay Eesha napangiti nalang ako bago pumasok ng bahay.

" Andito nako! " sigaw ko sa tuwing uuwi ako ng bahay.

Sumalubong sakin ay ang pusa kong si Knight, Lalaki ito at kulay itim that's why i call him Knight.Sa iba malas ang itim na pusa pero sakin? He's my charm at never kong sinisi sakanyan ang lahat ng kamasalang naranasan ko hayop lang sila no may buhay din sila may feelings, tsaka simula kasi pagkabata ko ay kasama ko na ito lagi ko itong karamay like every time i saw him he saves me from sadness kumbaga stress reliever ko na ito.

" Hi knight! " bati ko rito at agad na binuhat ito.

" how are you? Kumain kana ba? " tanong ko dito pero pagdila lang ang sagot nito.

" oo anak pinakain ko na iyang si knight kanina " rinig kong saad ni mama na kalalabas lang galing sa kusina nakangiti ito habang nagpupunas ng kamay.

My mom is not just a mother she's my bestfriend, my older sister btw im only child. She's also my inspiration to be a teacher maybe she's not a teacher but she's a great Educator. She also stand as my Father coz my Father died in a car accident when i was just 3 sabi ni mama pero ni isang beses hindi kami dumalaw sa puntod nito.

Nung una nagtatampo ako kay mama na baka tinatago niya lang saakin ang katotohanan na baka buhay pa ang papa ko pero when i saw her sacrifices? Nakuntento nalang ako dahil nakikita ko kay mama na kinakaya niya lahat para saakin thats why i really love her.

Lumapit ako dito sabay na niyakap at humalik sa pisngi nito.

" kamusta school? "nakangiti nitong saad habang hawak-hawak ang kamay ko.

" ok naman po ma, wala naman masyadong ginawa kasi 1st day palang ". saad ko.

" osige tara nagluto nako kumain na muna tayo bago pa lumamig mga niluto ko " yaya ni mama.

Sabay kaming pumunta sa kusina at sabay na kumain.

Matapos kumain ay pinaakyat nako ni mama kahit gusto ko pa itong tulungang maglinis para daw makapagpahinga na raw ako.

Umakyat nalang ako sa kwarto habang buhatbuhat si knight. Nang makapasok na ako sa kwarto ay agad kong hinagis si knight sa kama ko na palagi kong ginagawa HAHAHAHAHAHAH kawawang pusa.

Napagpasyahan kong magpalit muna ng damit bago ako pumunta sa aking study table para magsulat ng notes. Kinuha ko na ang bag ko at agad na nilabas ang itim kong notebook.

Nang bigla nalang may nahulog mula sa notebook kong ito. Nang tingnan ko kung ano ito ay isa itong papel na parectangle inabot ko ito nang makita ko kung ano ito ay tulad ito ng mga letters na lagi kong natatanggap.

Naningkit ang mga mata ko dahil nakatanggap na naman ako ng ganito halos ilang taon narin ako nakakatanggap ng ganito from someone na ang pangalan ay ' Autumn' hindi ko alam kung pangalan ba talaga ito o penname lang para itago ang tunay nitong identity.

Binuksan ko ito tulad ng lagi kong ginagawa at sabay na binasa.

                                          August 15

Dear Maureen, 

Hi... Hope you are doing well today. I saw you earlier in your class and i heared everything you said about your dream your words are really amazing. I wish you achieve your dream and i know that someday you will be a great Educator. I hope you had a great day today take care...

                                        Love,

                                               Autumn🍁

Palagi kong iniisip kung sino ito, at pano nalang nito naibibigay ng letter ng hindi ko nakikita. Nung una ay akala ko taga ibang bansa ito dahil sa language na ginagamit nito na ingles pero dahil sa madalas kong nakukuha ang sulat sa bag ko ay naisip ko na pilipino lang din ito.

" Hays sino kaba? " tanong ko habang nakahawak sa noo ko.