Pu!
Akala niya magsasalita tungkol sa isang teorya si Zhang Xuan upang kumbindihin siya. Ngunit, halos sumuka na ng dugo si Apothecary Chen Xiao nang marinig ang mga sinabi niya.
[Dahil lang hindi ako nakakakain ng maayos o nakakatulog, sasabihin mo nang mamamatay na ako? Ikaw yung mamamatay na, yung buong pamilya mo mamamatay na…]
Hindi lang siya, pati na rin ang iba pang mga examiner ay tumingin ng masama kay Zhang Xuan.
Si Apothecary Chen Xiao ay isang kilalang tao sa grupo ng mga apothecary at iginagalang nila siya. Pero, nangahas ang taong ito na sumpain siya mismo sa harap niya. [Balak mo pa bang magsalita ng mas marami pang kalokohan?]
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com