webnovel

Paglagpas ni Luo Xuanqing sa kasalukuyan niyang realm

Éditeur: LiberReverieGroup

"Hindi, walang lason ito. Ang kulay ni Luo Xuanqing ay mas bumubuti na!" Bago pa makapagpaliwanag si Zhang Xuan ng kanyang sarili, nagsalita na si Bi Hongyin.

Ang kanyang mapagmatyag na ugali ay hinayaan siya na mapansin kaagad ang kaunting pagbabago kay Luo Xuanqing.

Kahit na si Luo Xuanqing ay mukhang mahina tulad ng dati, hindi kayang maglabas ng kahit kaunting lakas mula sa kanyang katawan, nagsimulang bumalik ang pula ng sa kanyang nakaraang namumutlang mukha.

Pagkita na mali ang pagkakaintindi niya kay Zhang Xuan, nagmadaling inatras ni Yuan Xiao ang kanyang aura at napakamot sa kanyang ulo sa kahiyaan.

Nakita niya kung paano nilason ng binata ang Crimsontail Wasp King hangang sa mamatay siya at idineklara na lalasunin niya si Zhang Chun hangang sa mamatay ito, kaya pagsabi ni Luo Xuanqing na mayroong mali sa alak, ang unang bagay na lumitaw sa kanyang isipan ay na ang alak ay may lason.

Gudong! Gudong!

Chapitre verrouillé

Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com