webnovel

Anong Nangyayari?

Éditeur: LiberReverieGroup

"Aba't… Kalokohan!"

Nang makita niyang nagkakagulo na ang mga tao, tumulo ang malamig na pawis mula sa noo ni manager Wu. Nagkikisan ang mga ngipin niya at umangal.

Hindi niya ito dapat aminin. Sa oras na aminin niya ang mga paratang, masisira ang reputasyon ng Hongtian Pavilion, at kasamang maglalaho nito ang kinabukasan niya.

Kung alam lang sana niya na gourmet ang teacher na 'to, hindi na sana siya pumayag sa pakiusap ni Shang Bin kahit na bugbugin pa siya nito!

"Sinasabi mong kalokohan lang ang mga sinasabi ko? Tumingin sa kanya si Zhang Xuan.

"Oo,. Sinabi mong peke ang mga lutuing ito, ngunit wala ka namang ebidensya sa mg sinasabi mo. Kung wala kang ebidensya, walang kwenta ang pinagsasabi mo. Iniisip mo bang hindi kita kakasuhan ng slander?" Galit na sinabi ni manager Wu.

"Ebidensya? Gusto mo ng ebidensya? Sige!"

Nang makita niyang nagmamatigas pa rin si manager Wu, napailing si Zhang Xuan.

Noong una, hindi niya gustong mangialam tungkol dito. Kunsabagay, si Shen Bi Ru naman ang manlilibre, kaya wala siyang paki alam kung magkano yung mga pagkaing inorder nila. Ngunit, hindi niya inasahan na sasabihin ni manager Wu na sinisiraan niya lang sila. Dahil dito, determinado si Zhang Xuan na pigilang makalusot si manager Wu.

"Nagbigay na ako ng ebidensya sa ilang pagkain kanina. Pwedeng tingnan ng lahat ang pagkain nila base sa mga natatanging katangian ng mga sangkap na binanggit ko kanina! Syempre, ayos lang kung ayaw niyang tanggapin 'to. Kunsabagay, kahit na alam niyo pa ang lahat ng' to, mahihirapan pa rin ang ilang gourmet na malaman ang pinagkaiba ng mga 'to, lalo na ang iba sa inyo! Ngunit…"

Tiningnan muna ni Zhang Xuan ang paligid bago niya itinaas ang pinaka mahal na bote ng wine at sinabing, "Madaling malalaman ng kahit sino kung tunay ang bote ng wine na 'to!"

"Malalaman kung tunay ang mga ito? Ang [Drunk immortal] ang specialty ng Hongtian Academy! Alam yan ng lahat. Maraming tao ang nagpunta dito para lang sa wine. Sinasabi mo bang peke din ang wine na yan?"

Hindi napigilan ng isang customer na magtanong.

"Tama, ang Drunk Immortal ang trademark ng Hongtian Pavilion, kaya siguro naman hindi ito peke? Kung mapapatunayan na peke din 'to, duda akong may tunay sa mga inihahain nila dito!"

Isa pang customer ang nagsalita.

Ang wine na ibinigay kay Zhang Xuan kanina ay tinatawag na Drunk Immortal at tanging ang Hongtian Pavilion lang ang nagbebenta nito. Ang wine na ito ay masarap at napaka bango! Malaki ang papel ng wine na ito sa kasalukyang reputasyon at laki ng Hongtian Pavilion!

Kapag pati ang wine na ito ay peke… Aba'y sumusobra na ata 'to!

"Sinabi ko nang madali lang malaman yun!"

Tila inasahan niya na pagdududahan ng mga tao ang mga sinabi niya, kaya ngumiti na lamang si Zhang Xuan at itinaas ang bote. "Ang mga salitang [Drunk Immortal] ay nakasulat sa takip ng bote. Kung ito nga ang tunay na Drunk Immortal mula sa [Hundred Well Brewery], siguradong nagkakahalaga 'to ng 1200 pirasong ginto"

"Pero nakakalungkot na ang laman ng boteng 'to ay [Green Crag Brew] na mula sa [Purple Bamboo Gazebo]. Magkatulad ang amoy at hagod ng dalawang wine na' to. Ngunit, ang Drunk Immortal ay ginawa gamit ang Rooted Earth Grass at Green Cicada Heart Leaf at napapalakas nito ang katawan ng sinumang iinom nito. Sa kabilang banda, kapag maraming nainom na Green Crag Brew ang isang tao, sisirain ng lason mula sa Fallen Floral Grass ang kanyang puso at baga. Kapag lumaon, titigil sa paggana ang mga organ ng taong 'yon, dahilan para bumagsak ang kanyang cultivation, na magiging sanhi ng kanyang pagkamatay!"

"Gumamit kayo ng Green Crag Brew para gayahin ang Fallen Immortal?"

"Narinig ko na ang tungkol sa Green Crag Brew! Kung tama ang pagkakatanda ko, pareho sila ng lasa ng Fallen Immortal!"

"Tiwala pa naman ako sa kalidad ng mga ibinebenta ng Hongtian Pavilion. Hindi ko inakalang lolokohin nila ang mga customer nila!"

"Isa 'tong pandaraya! Ipapaalam ko 'to sa akademya para mag-imbestiga sila!"

Nagsigawan ang mga nanunuod na customer nang marinig nila na naloko sila.

"Hindi porket sinabi mong Green Crag Brew yan, hindi ibig sabihin nito na totoo nga ito. Nasaan ang ebidensya mo?" Ang sabi ni Manager Wu habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin.

Tumingin sa kanya si Zhang Xuan at mahinahong sumagot, "Pwedeng sindihan ng apoy ang wine. Konti pa lang ang nainom ko, kaya pwede mo na 'tong sindihan. Ang tunay na Fallen Immortal ay maglalabas ng mabangong amoy, katulad ng amoy ng mga lily at musk! Sa kabilang banda, ang Green Crag Brew, ay mag-aamoy sunog. Ang lahat ng may ilong ay madaling malalaman ang pinagkaiba ng dalawa!"

"Ikaw…"

Nanigas ang katawan ni Manager Wu.

Eksakto ang mga sinabi ni Zhang Xuan. Subalit, ang paraan na ito para malaman ang pinagkaiba ng dalawa ay walang masyadong nakakaalam. Tanging ang mga gumagawa lang ng Green Crag Brew at ang mga tindero ng wine ang nakakaalam nito. Kahit si Wu Chou ay nakaringgan lang sa iba ang tungkol dito. Paanong nalaman ng taong ito ang tungkol sa paraan na 'to?

Yung totoo, ang lahat ng wine na ibinigay sa ibang mga customer ay tunay na Fallen Immortal. Kunsabagay, ito ang trademark specialty ng tavern. Pagkatapos niyang marinig ang plano ni Shang Bin, sinadya niyang ibigay kay Zhang Xuan ang pekeng wine na ito, iniisip niyang hindi malalaman ni Zhang Xuan ang pinagkaiba ng dalawang ito, upang mapagkakitaan niya ito. Bandang huli, bukod sa alam ito ni Zhang Xuan, alam din niya ang paraan kung paano malalaman ang pinagkaiba ng dalawa!

Kung mapapatunayan ni Zhang Xuan na tama siya, mahihirapan si Wu Chou na ipaliwanag na ang tunay na Fallen Immortal ang iniinom ng lahat!

"Bakit? Hindi mo ba kayang gawin?"

Nang makita niyang natataranta si manager Wu, bahagyang napanhiti si Zhang Xuan. Binaligtad niya ang bote, at hinayaang tumapon ang wine sa lapag. Pagkatapos ay, naglabas siya ng isang ignitable paper roll at pinalagitik niya ang kanyang mga daliri.

Xiong xiong!

Nang madilaan ng apoy ang wine sa lapag, nagliyab ito at agad-agad na naamoy ng mga tao ang masangsang na amoy nito, dahilan para mahilo sila.

"Ang baho! Ito ba ang iniinom namin?"

"Hindi na ginalang ng Hongtian Pavilion ang mga customer nila!"

"Sa sobrang baho nito, malamang nakakalason 'to…"

"Refund, refund! Tatlong taon na 'kong umiinom ng wine dito. Bukod sa gusto kong ibalik niyo lahat ang pera ko, gusto ko rin ng karagdagang kabayaran!"

Nagkagulo ang buong tavern.

Lumapit ang lahat sa kanila.

"Anong… Anong nangyayari?"

Pakiramdam nila Cao Xiong at Shang Bin ay mababaliw na sila dahil sa mga nangyayari.

Inihanda nila ang planong ito para lang ipahiya si Zhang Xuan. Bandang huli, bukod sa hindi siya napahiya, nagawa pa niyang mangibabaw sa lahat!"

Sa halip, napahiya sila na parang mga payaso!

"Anong nangyayari… Tinatanong mo kung anong nangyayari!"

Sa bandang gilid, muntik nang hindi makontrol ni manager Wu ang emosyon niya, ngunit nang marinig niya ang mga sinabi nila Shang Bin, nawalan ng kontrol sa kanyang sarili si manager Wu at sinipa silang dalawa.

Peng! Peng!

Isa siyang Fighter 6-dan Pixue realm expert. Bago pa man makakilos ang dalawa, dumilim ang paligid nila at bumulagta sila sa lupa. Bumakat ang paa ni manager Wu sa mga mukha nila.

Hindi nakapagtatakang galit na galit si manager Wu. Kung hindi dahil sa dalawang 'to, hindi mangyayari ang lahat ng iyon!

Nakikita niyang hindi lang basta magtatapos ang career niya, kailangan din niyang harapin ang galit ni Elder Hong Hao!

Pagkatapos ng pangyayaring ito, siguradong sirang sira na ang reputasyon ng Hongtian Pavilion at hindi na magiging kasing ganda ng dati ang takbo ng kanilang negosyo.

Ang naging sanhi ng buong pangyayaring ito ay ang pagtanggap niya sa pakiusap ng dalawang taong ito para turuan ng leksyon si Zhang Xuan, na pinaka kolelat na teacher sa Teacher Qualification Examination!

Paanong naging pinaka kolelat ang teacher na 'to? Kahit ang pinaka-una sa pagsusulit ay hindi ganito kagaling!

Kung alam lang niya noong una pa lang na napakahusay sa pagsusuri ang master na ito… Bukod sa hindi na niya aabalahin si Zhang Xuan, magdadasal siya na sana hindi siya guluhin ni Zhang Xuan!

"Bwisit!"

"Mukhang wala nang may balak na sumingil satin ngayon, tara na!"

Nang makita niyang nagkakagulo na ang lahat, sumenyas si Zhang Xuan kay Shen Bi Ru, na kasalukuyang tulala dahil sa mga nangyari, at umalis na sila sa tavern.

Ngayong naayos na ang problema, lalo lang magkakagulo kung mananatili pa sila dito. Kaya naman, mas makabubuti para sa kanila ang umalis na.

"Un!"

Nagmadaling sumunod sa kanya si Shen Bi Ru. Puno ng halo-halong emosyon ang mga mata ni Shen Bi Ru habang nakatingin siya sa lalaking nasa harao niya.

Mula noon, inakala niyang basura talaga si Zhang Xuan, isang ignoranteng kahihiyan sa pagtuturo!

Pagkatapos nilang magkasama sa loob ng kalahating araw, naisip ni Shen Bi Ru na… kung basura si Zhang Xuan, ano pa kaya siya?

Hindi ba't ibig sabihin lang nun ay wala lang talaga siya?

Nagkiskisan ang kanyang mga ngipin at lumapit siya kay Zhang Xuan. Kita pa rin sa mga mata niya ang pagkamangha, at nagtanong siya, "Mukhang marami kang alam tungkol sa pagkain. Posible bang… isa kang gourmet?"