Nung mga oras na nagsimulang magcultivate si Zhao Ya matapos inumin ang Unravel Yin Pill sa gubat sa likod ng Hongtian Academy, tapos na si Yuan Tao na ayusin ang kanyang kalagayan, at tumitig siya sa jade na bote sa harap niya.
Isa siyang naglalakbay na cultivator, at dahil sa kakulangan niya sa tamanag gabay, mababa ang naging resulta niya sa pagsusulit. Hindi tulad ni Zhao Ya, na mayroong sariling dormitoryo, nakikisingit lamang siya sa iba. Dahil sinabi ni Zhang laoshi na ang pagpapahid ng laman ng jade na bote ay masakit at delikado, malinaw na hindi niya ito maaaring gawin sa loob ng dormitoryo. Kung kaya't matapos pag-isipan ang bagay na ito, napagpasyahan niiyang pumunta rito.
Tahimik at walang banta ng pag-atake ng isang mabangis na halimaw, kaya mainam itong lugar para sa cultivation.
"Magsisimula na ako!"
Nang makapagpasya na siya kanina, wala na siyang dapat pag-alinlangan pa. kaagad niyang binuksan ang bote.
Weng!
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com