Hindi ito naiiba sa mga gasgas na mga pangyayari sa isang soap opera.
Ang Angkan ng Lu, kung saan ipinanganak si Lu Chong, ay hindi isang kilalang angkan sa Tianwu Royal City, ngunit ito ay malaki rin.
Ang husay ni Lu Chong ay katamtaman lamang mula pagkabata. Sa kabilang banda, ang kanyang nakatatandang kapataid, na ang pinakasikat sa angkan, ay naging isang apprentice formation master sa edad na labinpitong taong gulang lamang. Noon, siya ang usap-usapan ng buong bayan.
Subalit, iyon din ang pinagmulan ng gulo.
Mahusay at maganda, nakuha niya ang pagtingin ng isang mayaman.
Ang pag-ibig nang naglaon ay naging poot, at nauwi ang istorya sa isang trahedya.
"Kalaunan, ang buong pamilya namin ng 137 na tao ay pinatay sa loob ng isang gabi. Noon, nagkataong nangangaso ako at naiwasan ang kalamidad..."
Habang inaalala ito, ang pagkamuhi na ikinulong niya sa kanyang puso ay bumuhos, at ang kanyang katawan ay nangatog sa galit.
Soutenez vos auteurs et traducteurs préférés dans webnovel.com