webnovel

The start

†*************************†

Pagod,takot,galit,lungkot sari-sari ang aking nararamdaman hindi ako makatulog Hindi ako mapalagay mas pinili ko ipikit na lamang ang aking mga mata at pakiramdaman ang mga nasa paligid ko wala sinuman ang nagsasalita, tahimik. Yung pakiramdam na nag-iisa ka

Pero ayoko ng sobrang tahimik Hindi mo alam kung ano pedeng manyari.

"Boss nandito na po tayo"

Minulat ko na aking mga mata at tumingin sa bintana ng sasakyan Limang oras na akong nakaupo dito at feeling ko panit na puwetan ko at sa wakas nakarating na kami, madilim sa labas at wala akong makita , ang nagbibigay lang ng liwanag ay ang front light ng sasakyan at ang makkita ko lang dito ay ang nag iisang puno ng nyog na nasa harapan ng sasakyan walang mga bahay-bahay para magbigay ng ilaw sa labas kahit streetlight wala

Saan bang lupalop ng mundo niya ako dinala, nag bago na ba ang isip

niya at papatayin niya na lang ako

Tumingin ako sa kanan kung saan doon nakaupo si lozark nakatingin lang siya sa wrist watch niya na parang may iniintay, ilang minuto pa kami nanatili sa loob ng sasakyan bago niya binuksan at lumabas pero bago niya ito mai-sarado may narinig akong hampas ng tubig na parang isang alon sa dagat

Kaya ang suspetya ko ay nasa isang resort kami pero ang pinagkaiba nga lang walang katao-tao at bahay sa paligid Malay ko bang patayin niya ako dito at ilagay sa drum na may samento tapos ihulog sa malalim na bahagi ng dagat

Edi, pulido ang trabaho walang ebidensya

Hindi ako lumabas ng sasakyan hanggat wala pang permiso

Yung dalawang lalaki na nasa front seat ng sasakyan Hindi pa din lumalabas at kanina ko pang gustong dukutin ang mga mata nilang dalawa dahil kanina pa sila tingin ng tingin sakin gamit ang rear mirror

Hanggang sa may nagbukas ng pinto ng sasakyan sa tapat ko

" let's go"walang emosyong sabi ni lozark at bago pa ako maka pag-reak hinawakan niya na ako sa braso at hinigit palabas ng kotse

"Boss, ayus na po ang yate na gagamitin" sabi ng isang tauhan niya at tumango naman si lozark bilang sagot

Naglabas ng flashlight ang mga tauhan niya at nag hati-hati sila

Apat sa unahan at dalawa sa likodan at isa sa kanan at kaliwa

Nagsimula na kaming maglakad at ilang minuto ang lumipas tumigil kami. Malakas at malamig ang hangin at buhanginan na rin ang aming nilalakadan

Muling naglakad ang isa sa mga tauhan niya.

Namangha ako sa aking nakita at di nga ako nagkamali nasa isang resort kami kung kanina ay walang kang makita sa sobrang dilim ng paligid pero ngayon punong puno ng mga ilaw ang paligid

Nasa mataas kaming bahagi parang isang malaking bato at makkita mo sa baba ang maputing buhangin at isang malaking yate.

Muli na naman niya akong hinigit at nang makasakay na kami sa yate at sawakas binitawan niya na ang braso ko ang higpit ng pagkakahawak niya kaya hinimas-himas ko ang parteng masakit.

Muli ng umandar ang yate pero nakatayo lang ako malapit sa railings at nakatanaw sa malayo sinawalang bahala ko ang malakas at malamig na hangin nakakapit ng mahigpit sa railings habang inaalala ang lahat di ko alam kung saan niya ako dadalhin pero tingin ko sa malayong lugar kung saan kontrolado niya ang lahat. At ang alam ko lang ay ang maging malakas at maging handa sa manyayari. natigil bigla ang pag-iisip ko ng may biglang may nagsalita sa tabi ko

"Hindi ka naman siguro nag-iisip ng paraan para makatakas hindi ba? napakalalim naman kasi ng iniisip mo miss hunt Hindi mo manlang naramdaman na nasa tabi mo na ako" Hindi ko na kailangan pang tingnan kung sino ang nasa tabi ko, boses pa lang niya alam ko na kung sino siya Hindi ako sumagot at mas lalong humigpit ang hawak ko sa railing ng yate at pinatiling nakatanaw sa malayo. At ng malaman niyang wala akong balak na sumagot narinig ko ang malalim na pagbuntung hininga niya.

" you have mouth bitch so better talk when i'm talking to you or i'll f*cking cut your tongue so you can never speak again but I'll let you pass this time little girl but their is no last time" mapait akong napatawa ng mahina sapat na para marinig niya

"Let's see, if you still have the gut to smile after this day miss hunt" sabi nito at tumalikod na para umilis

"Alam ko Lozark, Alam ko,...kaya sinusulit ko ang mga oras na natitira sakin bago mag simula ang magulong mundong papasukin ko. Lozark Zenberge I'll make you beg for your life, I'm not your worst nightmare BUT I'm your DEATH" sabi ko sa aking isip at tumingin sa buwan

"Oras na para matulog miss hunt" sabi ng pamilyar na boses tumalikod ako para tinginan ang nagsalita

"Follow me, Miss" sabi nito bago tumalikod at na una ng maglakad sumunod nmn ako agad

Siya yung laging kausap ni scott sa tingin ko right hand niya ang lalaking ito may tatoo siya sa kaliwang braso, bungo ito na may nakapalupot na kadena.

Nang madala niya na ako sa aking tutulogan umalis din ito agad at na iwan ako mag-isa sa maliit na kuwarto, humiga ako at sinubukang makatulog pero kahit saglit hindi ako makatulog umupo na lang ako makalipas ang limang oras hindi pa rin ako makatulog paikot-ikot at paiba-iba na ako ng puwesto. Sila parin ang na sa isip ko naiiyaka ako pagnaalala ko sila umiyak na lang ako ng imiyak hanggang sa mapagod ako at di ko namalayan na nakatulog na ako.

KINABUKASAN

Nagising ako sa alog ng yate at ingay sa labas tumayo ako at lumabas para tingnan.

"Na.....San.....na...ako????"

†**************†***************†

"You'll get insane if you wish to know what is inside her head "

invisible_illnezzcreators' thoughts