webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Général
Pas assez d’évaluations
133 Chs

Telescopes

Ayradel's Side

Ngayon ang huling araw kung saan required ang lahat na pumasok bago magsembreak. Marami kasing delays ang nangyari n'ong Science Camp, at isa na nga yung aksidenteng nangyari sa akinㅡ kung kaya ipinare-schedule ang Leisure Time ng Science Camp ngayong araw.

Abala ang lahat... hindi required ang magschool uniform, kaya naman pagandahan ng civilian ang mga estudyante. Ako naman ay nagsimpleng red shirt lang at ripped jeans. Sabay kaming pumasok ng TH ni besty kaya naman naikwento ko na rin sa kanya ang problema ko kay mama, at ang 'yong noong puntahan namin ni Richard sina Papa Ricardo.

''Ano naman kayang dahilan, bakit pinapalayo ka ni Tita Myra kay Richard?'' Komento ni besty nang ikwento ko yung time na sinigawan ako ni Mama.

I shrugged.

''Posibleng dahil nalaman niya'ng anak ng best friend niya si Jayㅡvee...''

Nang mabanggit ang pangalan ni Jayvee, ay agad na may kumurot sa dibdib ko. Naaalala ko na naman yung mga sinabi niya. Mukhang hindi ko pa yata siya kayang makita... sila ni Jae Anne.

At hindi ko pa rin kayang ikwento kay besty ang lahat ng nalaman ko sa kanilang dalawa. Alam kong wala 'tong aatrasan, at ora mismo susugurin niya si Jayvee.

''Huy!''

''Oy!'' Napatalon ako sa gulat. ''Ano ulit yon?''

''Lutang lang?''

Napatingin ako sa paligid at nasa tapat na kami ng room. Hindi ko man lang namalayan. Mukhang lutang nga ako.

''Ang sabi ko, kamusta naman yung lolo ni Richard?''

''Mukhang okay naman, pero gan'on pa rin, hindi makakilala.'' Sagot ko.

Nilapag ko ang bag sa upuan ko, at gan'on rin si besty. Napatingin ako sa katabi kong upuan pero walang bag na nakalagay doon. Agad akong luminga-linga, para maghanap sa mukha ng mga kaklase ko pero hindi ko nakita si Richard.

Pupunta kaya siya?

Pagkatapos naming maglunch sa bahay nila n'ong isang araw ay hindi na siya nagparamdam kahit sa text o sa chat. Nahihiya rin naman akong maunang magparamdam, dahil naniniwala akong kapag gusto niya akong kausapin ay siya mismo ang magkukusa.

Saka nahihiya ako na ewan!

Bigla namang sumapi sa isip ko si Manong na may mopㅡ pati na rin yung mga sinabi niya tungkol sa Mommy ni Richard. Ngunit agad akong umiling-iling para ipalis iyon sa utak ko.

''Tara na'ng hall, besty?'' Napaangat ako ng tingin nang lapitan ako ni Lui. ''6pm, magsisimula na ang program. Nand'on na rin yung iba.''

''Ah, sige.''

Nang marating namin ang Hall na malapit sa field ay talaga ngang marami nang tao. Natanaw na rin namin ang mga nasa dalawampung telescopes na ipinwesto at ikinalat sa field na nakaharap na sa langit.

Naexcite tuloy ako, habang tinatanaw iyon, gano'n na rin yung iba pang mga kaschoolmate namin.

"OMG. Ang daming telescopes niyan ah? Nakaya yang gastusan ng Tirona High?" komento ni besty.

Pumasok na kaming mga estudyante sa loob ng hall upang simulan na ang programa.

May mga nagperform, nagsayaw, kumanta. May mga nagmessage na heads at bisita ng school. At puro palakpakan lang ang itinutugon namin.

"And now, before we finally start, let us recognize the talent and brain of these following students who represent our school in this year's Science Camp."

Agad namang kumabog ang dibdib ko.

"OMG bestyyyy! Aakyat ka'ng stage?" sabi ni Lui.

"E-ewan ko e."

Mas lalo lang akong kinabahan nang isa isa na ngang binanggit sa unahan lahat ng nagrepresent at nagwagi noong Science Camp.

"Let us call on... MS. JAE ANNE GALVEZ for being the MS. Science this year!"

Umakyat ng stage si Jae Anne nang parang rumarampa pa rin siya sa sobra niyang ganda. Lahat ay nagpalakpakan.

"MR. JAYVEE GAMBOA for being the Third Place in Science Marathon..."

Pinagmasdan ko kung paano pumunta sa tabi ni Jae Anne si Jayvee sa stage, kasabay ng muling pagpapalakpakan ng mga tao.

Ipinikit ko ang mga mata ko dahil naaalala ko lang palagi ang narinig kong mga pinagusapan nila noong isang beses.

"And last but not the least... MS. AYRADEL BICOL for being Science Camp's Quizbee Champion!!!"

Nagsiugong ang palakpakan kasabay ng pagkalabog ng dibdib ko. Chineer ako ni besty, kaya naman nilakasan ko na rin ang loob ko para tumayo at maglakad patungong stage sa unahan.

Agad na umiwas ng tingin si Jae Anne, samantalang si Jayvee ay nakatingin lang sa akin hanggang sa makarating ako sa pwesto sa tabi niya.

Nakahanay kami doon kasama ang ilan pa naming kaschoolmate na nanalo.

"Sila po ang mga matatalino at ipinagmamalaking estudyante ng ating mahsl na eskwelahan! Maraming maraming salamat!"

Pagkatapos ng speech na iyon ay isa-isa na kaming nagsibabaan sa stage.

Nagmamadali akong maglakad upang bumalik sa pwesto namin ni besty, pero nagitla na lang ako nang biglang may humigit sa braso ko.

"Ayra--"

Si Jayvee.

Tinignan ko ang kamay niya sa braso ko.

"Maraming tao, huwag ka dito gumawa ng issue, at sana tigil-tigilan mo na rin ang mga panggagamit mo ng tao." sambit ko.

Hindi pa man siya nakakasagot ay agad na akong naglakad palayo.