webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Général
Pas assez d’évaluations
133 Chs

Special Chapter (Suho + Luisa)

Other's Side

Galing sa Guidance office si Luisa nang agad siyang natigilan dahil sa narinig niyang ingay mula sa tatlong lalaki. Agad siyang napapihit pabalik nang mapansing si Edward ang isa sa mga ito-- yung lalaking ubod ng yabang pero wala namang binatbat ang mukha.

"Hep hep hep!"

Nagmamadali na sana siya para lang huwag siyang makita ng mga ito pero huli na, naabutan pa siya ni Edward mismo at humarang na sa lalakaran niya. Yung dalawang kasama naman nito e nasa likuran niya. Tahimik pa naman sa daanan at walang katao-tao dahil umpisa na ang klase at nasa silis-aralan ang lahat.

"Long time no see, Luisa." Anito habang naka-ngising aso. Gusto niya tuloy kilabutan dahil kahit kailan talaga ay feeling gwapo ang isang 'to.

"Baka gusto mong dukutin ko ng tuluyan 'yang mata mo nang hindi ka na talaga makakita?" sagot niya sa lalaki. Imbis na matakot ay humalakhak ito na parang baliw.

"Wow, tapang natin ah? May magagawa ka ba ngayon? E paano kung gawan ka namin ng masama? Ha?"

"Ang bobo naman nito." aniya.

"Ansabe mo?"

"Sabi ko ang bobo mo. Tingin mo walang CCTV dito?"

Para bang bigla itong nabanas at marahas siyang hinawakan sa braso. Hindi niya ipinakitang masakit iyon.

"Alam mo ang yabang mo talaga e no? Akala mo napakaganda mo?" anito habang gilgil na gigil na hinahawakan ang braso niya. "Ako na nga lang ang matiyagang nagkagusto sayo tapos irereject mo pa ako in public. Hindi ba pwedeng magpasalamat ka na lang? Tignan mo nga yang sarili mo. Gagangster-gangster akala mo gangster! E babae ka lang rin! Kaya walang nagkakagusto sayo kasi ganyan ka!"

"Gusto ko siya!"

Natigilan silang lahat dahil sa nagsalita. Nandoon si Suho Fernandez, ang ultimate stalker ni Luisa Moya, nakasalamin at todo gel ang black na buhok. Gustong mapa-face palm ni Luisa dahil imbes na matuwa siya e, parang nahiya pa siya sa pagdating nito.

Tumawa ang mga ugok.

"Woooow! Ganyan pala ang type mo, Nerd in shining armor?"

"Hoy! Hindi sabi ako nerd! Bakit ba lagi akong pinagkakamalang nerd? Aish!" sigaw pabalik ni Suho.

"Wow, e ano ka? Heartthrob?"

Nagtawanan ang tatlo habang si Suho e halos paiyak na. Mas lalo lang sumakit ang ulo ni Luisa.

"O sige nga, kung hindi ka nerd, anong gagawin mo sa akin kapag ginawa ko 'to?"

Napapiglas siya nang hawakan siya ng mahigpit ni Edward saka pinipilit na ilapit ang bibig sa labi niya. Buong lakas niyang iniwasan iyon, ngunit wala pang ilang minuto ay nakita niya nang nakahandusay sa lupa si Edward. Nakita na niya sa harap niya si Suho- kuyom ang palad at namumula.

Hahanga na sana siya nang bigla itong magsalita.

"Damn it! Fudge! Ang sakiiiiiiit!"

Mas lalo siyang napa-facepalm.

"Gago ka ah! Bakit mo ako sinuntok?!"

Nang makabangon si Edward ay kaagad nitong sinuntok pabalik si Suho na mukhang hindi pa nga nakakamove on sa sakit ng kamaong ipinansuntok.

Mas lalo pa siyang kinabahan nang akmang tutulong na rin sa pambubugbog yung dalawa pang alagad ni Edward.

Shit! Bakit naman kasi ang lampa ng isang 'to?!

Tsk. Desperadang tinalikuran niya yung tatlo. Wala rin naman siyang pake sa pakialamerang Suho na 'yon kaya hahayaan niya na lang mabugbog yon. Kasalanan niya na 'yon kasi pakialamera siya.

Nakuha ng pag-alis niya ang atensyon ng tatlo kaya naman nagkaroon ng pagkakataon si Suho para tumayo at para pagsusuntukin yung tatlong iyon. Hindi alam ni Luisa kung paano nangyari pero sa isang iglap ay nakita niya na lang na tumatakbo na palapit sa kanya si Suho, habang nakahandusay na yung tatlong ungas sa lupa.

Nakangiti itong lumapit sa kanya. Habang siya naman ay hindi makapaniwala.

"Galing mo, Honey, dinistract mo sila!"

Gusto niyang batukan ito dahil sa galing mag-assume. Anong dinistract e balak na talaga niyang iwan ang Suho na 'to para mabugbog?

"Tsk! Tigilan mo nga ako! Hindi ko sila dinistract, balak na talaga kitang iwan para mabugbog ng mga ugok na 'yon! Tss! Pare-pareho naman kayong lahat!"

"Grabe ka, medyo mas gwapo naman ako compared sa kanila."

"Tss. Kamukha mo lang sila!"

Sumunod ito sa bilis ng paglalakad niya na parang walang iniinda. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ito. Malaki ang ngiti nito pero nagkaroon ito ng black eye at cut sa labi. Mabuti na lang at hindi nabasag yung salamin niya.

"Pumunta ka ng clinic." aniya saka naglakad.

"Totoo? Concern ka sa akin?"

"Hindi ako concern sa iyo, okay? Mukha kang ewan at hindi kita matignan kaya ipagamot mo yang mukha mo, at irereport ko ang nangyaring ito sa Office!"

"Okay lang ako-"

"Isa."

"Honey-"

"Dalawa."

"Sobra-"

Napuno na siya sa kakulitan nito.

"Mais ka talaga!" Aniya at hinampas ang binata sa balikat. Napa-'Aw' ito ng malala. Tumayo siya at nagsimula nang maglakad palayo. "Ang kulit mo! Bakit mo pa ba kasi ako sinundan dito e? Bumalik ka na d'on sa Lee University! TSS! Stalker ka talaga no? Creepy stalker!"

"Honey ikaw ang nagpasunod sa akin dito!" sagot ni Suho. "You got my precious first kiss on cheeks kaya natural kailangan mo akong panagutan!"

What the hell? Seryoso ba ito?

Sa panahon ngayon, hindi na big deal ang halik sa pisngi. Syempre marami na siyang kaibigang lalaki ang nagawaran ng friendly kiss on cheek, gan'on lang din naman ang kay Suho noon dahil sa kabutihan nito.

Kung alam niya lang na may malisya ito para sa kanya e, sana hindi niya na lang ginawa.

Dinampi ni Luisa ang palad sa sariling labi niya, pagkatapos ay ipinadampi din niya yung palad sa pisngi ni Suho.

"Oh ayan na, ibinabalik ko na ang first kiss mo sa cheeks! Okay ka na? Ha?"

Nanlaki ang mga mata ni Suho. "Tsk, you got my second kiss also. Anong ibinalik e indirect kiss yang ginawa mo! Dalawa na ang utang mo!"

Mas nanlaki naman ang mata niya because of disbelief!

"Ugh! Really. Lalake ka ba!?"

Napaka-luma naman kasi nito, well, bagay sa mala-Jose Rizal niyang hairstyle.

"Oo naman, kaya nga nililigawan kita e!"

"Hindi ako magpapaligaw sa 'yo!"

"Baichi!" nakangiting sabi ng Lee-ntik. Napatingin silang dalawa kay Richard Lee na umakbay kay Ayra. Sabay napatingin din ang mga ito sa kanila.

Unang nagreact si Ayra nang makita nito ang itsura ni Suho.

"Suho, anong nangyari sayo, bakit ganyan 'yong mukha mo?"

"Fern?" natigil ito sa sinabi ni Lee-ntik. Nakatanga ito kay Suho at ganoon din si Suho sa kanya.

"RJ?"

Nagkatinginan ang magbestfriend nang marinig iyon.

"RJ!!!!!" natulala na lamang si Ayra nang tumakbo si Suho at niyakap si Lee-ntik. Para silag mag-bromance na matagal na hindi nagkita. Napatingin si Ayra kay Luisa nang mapansing hindi ito nagulat.

"Gago, kadiri ka Fern, kakakita lang natin last last week ah." panimula ni Lee-ntik pagkatapos batukan si Suho. "Jose Rizal ka pa rin? Diba sabi ko naman sayo?"

"Parang ang tagal mo naman akong hindi nakita kung makapagsalita ka." sabi naman ni Suho. "S-saka bakit ka nasa Tirona High, Jay? Dito ka na rin ba nag-aaral?"

"Hindi. Pina-observe ako ni tanda. Hahahahaha. Teka-- ito ba yung school na kinukwento mo? Dito lumipat 'yong crush mo?"

Saka sila napatingin kay Luisa na agad na umirap, kahit si Ayra ay halos mapangiti na.

"Oh, hindi ko siya namukhaan. Siya ba 'yon, Fern? 'Yong iniyakan mo dati dahil lang hindi ka pinansin-" agad namang tinakpan ni Suho ang bibig ni Lee-ntik.

"H-hahahaha. Pre," anito at niyakag palayo si Lee-ntik. "Wag ka namang maingay. Baka malaman ni Honey kung ga'no ko siya kamahal."

Agad na nalipat kay Luisa ang tingin ni Ayra kaya napansin niya ang pagpula ng pisngi nito.

Napangiti siya.

Aha, ang bestfriend ko, nagba-blush.