webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Général
Pas assez d’évaluations
133 Chs

Not Anymore

Author's Note: More long comments and reviews, more updates! Hehehehehe! Mas nakakagana, thank you❤

Ayradel's Side

Laglag ang pangang tinignan ko ang nakataas-kilay na si Jae Anne. Taas-noo niyang itinago ang cellphone sa bag niya, pagkatapos ay matalim na mata kaming tinalikuran.

Agad ko sana siyang hahabulin nang pigilan ako ni Charles.

"Ayra..."

Iwinasiwas ko ang kamay niya.

"Pwede ba, Charles! Please lubayan mo na ako! Umalis ka na lang!" saka ko hinabol si Jae Anne. Narinig ko pa ang pagtawag ni Charles.

"I'm sorry Ayra! Please! I'm sorry!"

na hindi ko na inintindi. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo upang habulin si Jae Anne.

"Jae Anne! Jae Anne! Burahin mo 'yan! Please! Nagkakamali ka!" Nang mahabol ko siya ay agad kong hinablot ang braso niya. Matalim ang matang nilingon niya ako.

Ibang-iba siya sa Jae Anne noong highschool kami na maalaga, mahinhin... Tila ba punong-puno siya ng galit sa akin ngayon.

"Jae Anne... I'm telling you, please. Burahin mo 'yan. Nagkakamali ka lang--" sinubukan ko pang pakalmahin ang sarili ko habang humihinga ng malalim.

"Bakit, Ayra? Huh? Bakit ko buburahin 'to? Kasi natatakot kang malaman ng lahat?!"

"What the hell Jae Anne!" Hindi makapaniwalang napanganga ako. "Hindi ako natatakot! Mali ka lang kasi ng pagkakaintindi! And why the hell did you take a video of us huh? Para saan? Para ipagkalat ang isang maling balita?! Didn't you see?! Tinulak ko siya!"

"Tinulak mo lang siya dahil alam mong may nakakita!"

"I swear! Hindi ko alam na nandyan ka at kahit pa walang makakita sa amin ay itutulak ko siya! For God's sake I have a boyfriend---"

Humalakhak siya kaya kinilabutan ang buo kong pagkatao. Parang hindi ko siya kilala... o ngayon ko lang talaga nakikilala ang totoong siya?

"Yun nga e. May boyfriend ka. Pero nanglalandi ka pa rin ng iba. Gusto mo talaga dalawa e no? Ay mali..." umiling-iling pa siya. "Gusto mo marami. Gusto mo iyo lahat!"

"Ano bang sinasabi mo!"

"Na sa'yo na lahat ha? Jayvee, Richard Lee, pagiging Valedictorian! Ano pa? Ngayon may idadagdag ka pa?!"

.

.

"Ayradel."

Natigilan kaming dalawa nang lumitaw sa gilid naming dalawa si--

Richard. Agad na naghabulan ang tibok ng puso ko. Agad akong nakaramdam ng takot, hindi dahil sa guilty ako kundi dahil hindi ko masimulan kung paano ko ipagtatanggol ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag. Parang naninikip na ang dibdib ko, pakiramdam ko anytime ay iiyak ako.

Nalilito siyang tumingin sa aming dalawa. Bumagsak ang tingin ko sa cellphone niyang hawak niya.

"Oh yes! You're just on time, Richard Lee! Great!" sabi ni Jae Anne kaya napatingin ako sa kanya. "Oh bakit? Nagtataka ka kung bakit siya nandito? Of course! Pagkakita ko pa lang sa inyo ni Charles na pumasok sa sinehan ay naawa agad ako kay Richard Lee! Sinabi ko agad na puntahan ka niya dito nang mahuli niya sa akto ang pagiging malandi mo!"

"Please... hindi... I'll explain. Hindi yan totoo---"

"You should watch this."

Napasinghap ako nang iabot na ni Jae Anne kay Richard ang cellphone niya. Natuod ako sa aking kinatatayuan dahil alam kong putol at sinungaling ang video. Sigurado akong hindi na isinama ni Jae Anne ang ginawa kong pagtulak kay Charles. How can I explain myself? I don't have a proof.

"Kita mo? Iyan ba ang babaeng ginusto mo Richard Lee? Isang higad? Makati? Manggagamit? Double-timer? Pok---"

"Totoo ba 'to?" umalingawngaw ang malamig na boses ni Richard sa tahimik na paligid. Kumuyom kanyang panga. Kitang-kita ito sa gitna ng kadiliman. Kunot ang noo, at salubong ang kilay habang sa akin lang nakatingin.

"No..." nagmamakaawa na ang tinig ko. Naramdaman ko na rin ang pagtulo ng luha ko. "H-hindi 'yan totoo."

Napasinghap kaming dalawa ni Jae Anne nang sa isang iglap ay nasa lupa na ang cellphone, na tinapakan niya pa ng ilang beses kaya naman agad itong nagkabasag-basag.

Umawang ang bibig ni Jae Anne at napatakip sa kanyang bibig.

"Fvck you! Bakit mo ginawa 'yon!"

"Cause she said that it wasn't true." aniya at matalim na tumitig kay Jae Anne. "And you don't have the right to call her names, you bitch."

"W-what..."

Natuod pa ako lalo sa kinatatayuan ko, nang may maramdaman akong presensya ng kung sino sa likuran ko.

"Ayra..."

Si Charles... na sa isang iglap ay nakadapa na sa lupa dahil sa isang malakas na suntok ni Richard Lee.

"And you don't have the fucking rights to even touch her because she's not fucking yours!"

Saka ko naramdaman ang paghila niya sa pulso ko. Halos mawalan ako ng hininga, sa kaba at sa luha. Nakita ko na lang na narating na namin ang sea side, na malapit na sa parking lot. Binitiwan niya ako nang makalayo, pero patuloy pa rin ang ginawa niyang paglalakad.

Tinakpan ko ang aking bibig habang pinagmamasdan ang kanyang likuran. I don't know what's running in his mind. Ang alam ko lang nasasaktan rin siya. Napahilamos siya sa kanyang mukha, pagkatapos ay sa buhok. He looks like a frustrated man na hindi alam ang gagawin.

Kitang-kita ko rin ang tensyon sa kanyang braso na nawala lang noong hinaplos ko.

"Richard." suminghap ako at sinubukan siyang iharap sa akin. "I'm sorry. I---"

"Please... Sabihin mo sa aking hindi ka niya hinalikan sa sinehan..." hinarap niya ako nang may nakikiusap na mata. "Na hindi kayo naglakad ng magkahawak ang kamay. Na hindi ka niya inakbayan. Na... fuck."

Muli siyang napahilamos sa mukha kaya naman sinubukan ko ulit hulihin ito.

"Fuck... Hindi ko pala kaya, Ayra. Nagsinungaling ako." niyakap niya ako ng sobrang higpit. Napaluha na lang rin ako dahil ramdam na ramdam ko na mahal na mahal na mahal ko ang lalaking ito. Ramdam na ramdam kong mahal na mahal na mahal niya rin ako. "Sabi lo okay lang sa akin kahit may option. Kahit may choices. Na may Jaydee kahit may Jayvee. Hindi ko pala kaya... Hindi ko kaya... Please, wala na lang iba. Ako lang. Please, ako na lang."

Shit.

He didn't deserve this. Hindi niya deserve ang matakot habang nagmamahal. He's a good guy and I love him. Siya lang ang mahal ko at wala nang iba pa.

"Hindi. Promise. Hindi ko siya hinayaan at hindi ko siya hahayaan. Please maniwala ka... Yung pinanood sa iyo ni Jae Anne ay kulang 'yon. Tinulak ko siya pagkatapos n'on. Ikaw lang... wala akong iba. Mahal na mahal kita."

Alam ko ang pakiramdam niya... buong buhay niyang ikinumpara ang sarili niya kay Jayvee--- ang lalaking kamukhang-kamukha niya. Ang lalaking inakala niyang kapatid niya. Ang lalaking inakala niyang kaagaw niya sa ina. Ang lalaking iniisip niyang palagi siyang pangalawa.

At iyon ang pinakaayaw kong maramdaman niya.

I don't really know what did I do to deserve someone like him. He's just so impossible. A man that any girl wishes to be with. Para siyang imahinasyon na lumabas lamang para sa akin. Na nakalaan talaga siya sa akin.

I will never lose this kind of love. I will never let this go anymore.