webnovel

I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog)

She is a good girl, who lives to impress and not to express. She is Miss no-lates-and-absences, 'yong tipong aakalain mong sipsip sa guro pero sadyang matalino lang talaga. Sinusunod niya ang lahat ng gusto ng Mama niya just to live up with her expectations, and all her life, she simply just want something: ang ma-maintain ang inaalagaang pagiging Rank 1 ---- at siyempre, ang mapansin ng kaisa-isa at kauna-unahang love of her life---- ang gwapo, mabait, at inosente niyang seatmate na si Jayvee Gamboa.

Ayradel · Général
Pas assez d’évaluations
133 Chs

Balik

Nagulantang ako nang biglang niyang ipinamukha sa akin ang papel na naglalaman ng pictures namin ni Richard. Ang ilan ay noong magkahawak kamay kami, pero mas nalaglag ang panga ko sa litrato noong hinalikan niya ako sa ilalim ng puno sa Science Garden.

"Ano? Pa'no mo ipapaliwanag lahat ng yan ngayon, ha?!"

Tumama sa mukha ko ang mga papel bago ito tuluyang bumagsak sa sahig. Agad akong napayuko kasabay ay ang pagtulo ng luha ko.

"Buong akala ko nag-aaral ka ng mabuti?! Yun pala sa edad mong iyan nakikipaghalikan ka na sa kung sinu-sinong lalake!!"

"Ma, hindi po siya kung sino lang. Mahal ko po siya----" bago ko pa matapos ay nakaramdam na naman ako ng sampal sa kaliwa kong pisngi.

"MAHAL?! HA?! ANONG ALAM MO SA PAGMAMAHAL?! KAILAN KITA TINURUANG MAGING MALANDI?!"

Mas lalo akong napahagulgol nang hawakan niya ako sa magkabila kong balikat, habang matalim pa rin ang mga mata.

"HA? KAILAN?!" aniya pa. "Hindi ba't ang anak ni Vivian ang gusto mo?! Si Jayvee!"

"M-ma... I-ikaw lang po ang may gusto sa kanya para sa akin."

Binitawan niya ako na parang punong-puno ng pagkadismaya. Ilang minuto siyang tumahimik habang pinipigilan ko naman ang sarili kong humagulgol.

"Sa dami ng lalaki, bakit----" panimula ni Mama na hindi niya na itinuloy. Nakatungo lang ako at nakikiramdam sa paghinga at pagtingin sa akin ni mama.

"Simula ngayon..." aniya. "4pm dapat nandito ka na sa bahay, hindi ka pwedeng pumunta kung saan na wala ako. Tandaan mo may mata ako sa school niyo."

Nanatili akong nakikinig.

"Akin na ang cellphone mo, ang laptop mo, at hindi ka rin makakagamit ng internet."

Medyo kalmado na si mama kumpara sa kanina pero madadama mo pa rin ang lamig ng boses niya. Dinasal ko na sana ay umuwi na si Papa at maipagtanggol ako ngayon, pero huli na dahil nakapagdesisyon na si Mama.

"Bumalik ka na sa dating ikaw na puro aral lang ang alam, anak. Pakiusap, maging gan'on ka na lang."

Isa lang ang ibig sabihin n'on.

Gusto niyang kalimutan ko na si Richard Lee.