webnovel

HEAVEN’S DULL LIFE

CHAPTER 1 HEAVEN'S DULL LIFE

Minsan sa buhay natin, kahit gaano pa natin ka planado ang lahat, darating ang panahon na maitatanong natin sa ating sarili kung tama pa ba ang daan na tinatahak natin. Minsan kahit gaano ka pa kabait, mahusay at masipag na tao, dadating at dadating sa punto na isang pagkakamali lamang at guguho ang lahat ng nasa plano mo.

May mga bagay na ang daling isipin, ngunit napakahirap gawin. Para kay Heaven, lahat ng bagay ay may rason, may paraan at may halaga. Sa loob ng dalawampu't dalawang taon sa kanyang buhay, hindi niya naransan ang maging suwail na bata. Lahat ng kanyang ginagawa ay naaayon sa plano at laging dapat na hindi salawat sa gusto ng kanyang magulang.

She lives her life according to the rules, never causing her parents headaches. She was deemed an angel by many, people envy her for being a straight A student and would be the reason why her cousins hate and love her at the same time.

They hate it when their parents compare her to them, while love her for the reason because she would never do them wrong and was always giving and kind. They also pity and feel bad for her, her life seems so dull in their opinion. Even her parents and siblings think so too.

Heaven believes in the saying 'books first before boys, because boys bring babies'. She was so keen on finishing her studies first before she could allow herself to do the things that she wanted to do.

To make her parents proud and give them a better life. Kung saan di na kailangan maghugas ng pwet ng matandang lalaki ang kanyang ama sa abroad at magisa ng nahihirapan. Gusto niya bigyan ng masaganang buhay ang kanyang ina na laging naka suporta sa kanila, nagagalit man minsan, ito ay maintindihan niya dahil nagpapaka ina lamang ito.

Lahat ng desisyon niya sa buhay ay naaayon sa kung ano ang makakabuti para sa kanya, to take risk is something she could never dare do, kaya nga kahit may nagugustuhan siya dati na mga lalake, ay kinokontrol niya ang sarili.

She kills her feelings before it kills her, there are far more important things in life than her emotions that would surely change in the future. May panahon sa kalandian, ika niya, at sa ngayon, oras muna upang mag aral siya ng mabuti at tapusin ang pag aaral.

"Heaven, anong oras na, kanina ka pa sa library, hinahanap ka na nila." sambit ng Vice President ng kanilang club. Napatingin siya sa kanyang relo at napansin na malapit na palang mag alas tres.

Dapat kasi, bago mag 3:30 pm ay nasa club na ang lahat upang pag usapan ang gagawin na event ng mga seniors bago ipasa ang mga gampanin sa papalit sa kanila. Bilang Presidente ng Literature Club, kailangan ay naroon siya sa meeting.

"I'm sorry, I got caught up writing some chapters" ani niya at dalidaling niligpit ang laptop na niregalo ng kanyang magulang matapos maging top 5 sa overall ranking ng mga Dean's Listers. Siya ay isang manunulat ng mga nobela, at alam ito ng iilan sa kanyang kaibigan, sa loob ng pagsulat niya mula 16 palamang siya, ay marami nadin ang kanyang natapos na mga libro at na publish.

Hindi niya masyado sinasabi sa kung sino sino ang kanyang mga sinusulat dahil ayaw niyang pagkaguluhan siya. Ayaw niya rin na malaman ng mga fans niya kung sino nga ba ang tunay na pagkatao ng manunulat na si 'Dion'. Hindi sa pagmamayabang, siya ay may higit isang bilyon na fans sa buong mundo at hindi siya nakakasiguro na maging okay ang lahat kapag ibinulgar niya ang kanyang pagkatao.

Hindi naman sa wala siyang tiwala, gusto niya lamang ay manatili ang privacy na nais niya. Sa halos anim na taon, marami narin ang sumubok na magpanggap bilang siya, ngunit lahat ng ito ay napapatunayan na hindi totoo matapos siyang tanungin. Hanggang sa umabot sa punto na kailangan niyang pagsabihan ang kanyang fans. Kinailangan niya pang sabihin na ayaw niyang ipakita ang kanyang mukha dahil sa kanyang social anxiety, kaya't natuto ang kanyang mga tagasunod na huwag na siyang pilitin na magpakilala.

Minsan, makakatanggap siya ng mga regalo mula sa kanila at upang maipakita ang kanyang kasiyahan ay napopost siya ng mga litrato na hindi nakikita ang kanyang mukha.

Kailangan niya ng gumawa ng isa pang kwarto sa kanyang sariling dorm na naipundar gamit ang sariling pera upang ilagay lahat ng niregalo sa kanya ruon. Ang pinaka paborito niya sa lahat ay ang singsing na may pen name niya, mula sa pinaka unang fan niya. Lahat ng regalo ay iniiwan sa kanyang publishing house na kung saan nakacontrata ang mga libro niya.

Hindi siya pumayag na maging exclusive writer ng isang companya dahil sa paningin niya, lahat ay magandang kumpanya na pwede naman niyang trabahuan. Kaya naman minsan ang mga libro niya ay nasa rival companies o kaya naman nasa iisa lang.

Nag-uupload din siya ng novels sa online publishing houses na kung saan ito ay pay to read, ito ay mga english na mga libro kaya kahit mga naninirahan sa ibat ibang bansa ay nakakabasa din. Hindi niya nililimit ang sarili sa isang lenggwahe. Minsan ay tinatranslate niya ito, minsan naman ay ang Kompanyang naka kontrata sa kanyang libro mismo ang nag-tatranslate.

Ilang series, trilogy, chronicles at mga standalone nadin ang sinulat niya, may ibang naging pelikula, teleserye, manga, comics, anime at iba pa. Sa kanyang buhay, masasabi niyang masaya siya sa kanyang narating at mga nagagawa.

Habang sila ay naglalakad, nagiisip siya ng iba pang mga scenario sa kanyang utak kung ano ang magandang isulat para sa kanyang libro na ipupublish ngayong buwan.

Sa isang buwan, isang maikling nasa 30k to 40k na kumpletong libro ang kanyang sinulat at pina publish online, habang patuloy na nagsusulat ng tatlo pa na mas mataas ang word count na nasa 50k bawat libro. Kung bibilangin, siya ay nagsusulat ng 200k words buwan buwan.

Ang buhay niya ay di niya masasabing malungkot gaya ng nasa isip ng iba, it was never dull, it was just less adventurous.

TBC

Maple Writes

Don't forget to leave a comment, share and give me reviews for me to know if there are things that I should improve with and change at the same time. Have a good day. Enjoy reading.

Chapitre suivant