Sumagot si Lin Feng: " Kahit na hindi mo iyan magagamit sa ngayon, mas mabuting itago mo
pa rin. Ang iyong katawan ay mahina at ang mga elixir mula sa Qing Yun Clan ay mahirap
mahanap. Itago mo lamang ang mga iyan kung sakali."
Saglit na sinulyapan ni Jun Wu Xie si Lin Feng. Napansin niya na sinusubukan ni Lin Feng
magpasikat sa harapan niya at siya ay nagtaka. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya si Lin
Feng. Kaya bakit nakikita niya ang poot nito para sa kaniya?
Ang hindi niya alam, siya ay nakita na isang posibleng kaaway kay Qu Ling Yue at dahil may
nagtataka pa rin si Jun Wu Xie, ang tanging naririnig niya ay ang paulit-ulit na pagsabi ni Lin
Feng kung gaano kabihira at kamahal ang mga elixir mula sa Qing Yun Clan.
Kung malalaman lang ni Lin Feng na ang nag-iisang taong responsable sa pagkawala ng Qing
Yun Clan mula sa mudong ito ay si Jun Xie na lihim nitong kinsusuklaman sa mga sandaling ito,
ano kaya ang iisipin ni Lin Feng tungkol doon.
Napansin ni Xiong Ba ang panghahamak sa mga salita ni Lin Feng at dahil sa hindi niya gusto si
Lin Feng sa simula pa lang, siya ay mabilis na nagsalita: "Lin Feng, ang ating Young Miss ay
kababalik lamang at kailangan ko siyang dalhin sa Grand Chieftain. Kung hindi naman
importante, maari ba na huwag mo kaming abalahin muna."
Sinulyapan ni Lin Feng si Xiong Ba at siya ay malamig na ngumiti. Ayon sa seniority ng
herarkiya, si Xiong Ba ay nasa parehong antas ng kaniyang ama na si Lin Que, at dapat na
tawagin niya si Xiong Ba na tiyuhin, ngunit walang bahid ng respeto sa kaniyang mata habang
nakatingin ito kay Xiong Ba.
"O sige, Ling Yue, kailangan mo na magpahinga at hindi na muna kita gagambalain. Pagtapos
ng iyong pahinga ngayon, ako ay babalik bukas." matapos sabihin iyon, ay hindi man lang niya
tiningnan si Xiong Ba, sumakay na siya s akaniyang kabayo at umalis na.
Nagsalubong ang mga kilay ni Xiong Bahabang tinitingnan ang papalayong anyo ni Lin Feng,
bakas sa mata ang disgusto.
"Habang tumatagal ay mas lalong nagiging bastos ang kaniyang asal." saad ni Qing Yu, bakas
sa boses ang inis.
"Si Lin Que ay lumipat na ang katapatan sa taong iyon ngayon, likas lamang na wala silang
isispin sa isang katulad ko na Clan Hall Chief. Ang kaniyang anak ay likas na pareho sa isip at
pananaw ng ama." buntong-hininga na sabi ni Xiong Ba, matapos ay nahihiyang tumingin siya
kay Jun Xie. Bagaman si Lin Feng ay walang sinabi na kahit ano kay Jun Xie kanina, ngunit sa
pakikipag-usap nito kay Qu Ling Yue kanina, nagpakita siya ng matinding pagkapoot at
panghahamak kay Jun Xie at dahil doon ay nakaramdam si Xiong Ba ng matinding
pagkapahiya.
"Young Master Jun, marahil ikaw ay naipit sa isang alanganing sitwasyon. Ako ay humihingi ng
kapatawaran."
Hindi apektadong umiling si Jun Wu Xie. "Sino iyon?"
Sumagot si XIong Ba: "Siya si Lin Que, ang anak ng Icy Frost Clan Hall. Bukod sa Grand
Chieftain ng Thousand Beast City, ay mayroon pang apat na clan halls, at si Lin Que ay isa sa
mga iyon. Si Lin Que ay isang tuso. Hindi magtagal noong magbalik ang Purple Spirit dito, ay
lihim siyang umanib sa taong iyon. Lahat ng mga taon na ito, ay ipinakita niyang hindi gaanong
isinasaalang-alang ang autoridad ng Grand Chieftain at ang sinusunod lamang ay ang utos ng
taong iyon. Sa mga nagdaang taon, ang Grand Chieftain ay paunti-unti na lang kung
magpadala ng mga tao para sa paglalakbay ngunit si Lin Que ay nais palugdan ang taong iyon,
kaya madalas ay siya ang nag-aayos ng mga taong paalisin, at iyon ay humahantong sa mas
maraming pagkamatay ng aming mga kapatid." habang sinasabi iyon ni Xiong Ba, tila siya ay
nahihirapan. Ang apat na Hall Chiefs noon ay malapit sa bawat isa na parang mga kapatid at sa
kabila ng kasalukuyang sitwasyon ng Thousand Beast City, sila ay tumayo sa tabi ng Grand
Chieftain.
Bukod lamang kay Lin Que, na pinagtaksilan silang lahat.
"Ang kasalukuyang Thousand Beast City sa pangibabaw ay tila ang Grand Chieftain ang
namumuno, ngunit sa totoo lamang, ang lahat ay nahulog na sa kontrol ng taong iyon. Nakuha
ni Lin Que ang tiwala ng taong iyon, at ang posisyon niya sa Thousand Beast City ay higit na sa
tatlong Hall Chiefs, umabot pa sa punto na paghamon sa Grand Chieftain. Hay…" malalim na
buntong-hininga ni Xiong Ba, malungkot ang pakiramdam sa loob ngunit galit sa labas. Ang
Thousand Beast City ay nakikitang walang katapusan ang lahat.
Bahagyang tumango si Jun Wu Xie. Kaya naman pala si Lin Feng ay hindi man lang inabala na
tingan si Xiong Ba kahit minsan sa mata. Bukod kay Qu Ling Yue, hindi rin niya pinaglaanan ng
pansin si Feng Yue Yang at Qing Yun.