webnovel

Tangang Matigas Ang Ulo (4)

Éditeur: LiberReverieGroup

"Jun Xie?" Damang-dama ni Ning Rui ang mga salita nito na tila bang dumampi ito sa kanyang mga labi. Ang pangalan na laging binabanggit ni Ah Jing ng paulit-ulit. Nagsalubong ang mga kilay nito at tumalikod ito at humarap sa mga disipulo: "Dalhin niyo ang binibini sa opisina ko."

Pagkatapos niyang iutos ito, naglakad na palayo sa opisina ng Headsmaster si Ning Rui.

Nakaupo lang si Ning Rui sa loob ng kaniyang opisina, bakas sa maamong mukha nito na may malalim siyang iniisip. Ilang sandali pa, nabasag ang katahimikan ng may kumatok at napatingin siya at sinabing: "Pasok."

Bumukas ang pinto at may dalagang pumasok, dahan-dahan itong pumasok. Nakita niya si Ning Rui at binati ito: "Minadali akong pinapunta dito ng aking ama, nagtataka ako kung para saan?"

Pumasok na ang dalaga ng mahinhin na parang gansa na siyang kasing ganda din nito. Isa siya sa mga tinatawag ng mga disipulo sa akademya na Senior Ning, Ning Xin.

Tiningnan ni Ning Rui ang kaniyang magandang anak at tinaas niya ang kanyang kamay bilang senyas na pinpaupo niya ito sa kaniyang tabi at sinabing: "Nakita ko si Ah Jing ngayong araw."

"Ah Jing? Yung gagong bata na nagsisilbi sa Fan Zhuo kung saan siya nakakulong?" Sagot na tanong ni Ning Xin.

Tumango si Ning Rui. "Oo, yung batang marupok at nagawa kong magsalita siya sa pamamagitan ng konting mababait kong salita. May bisita ang Fan Zhuo sa kanilang munting kawayan sa nakaligad na buwan, at si Fan Jin ang nag dala ng bisita."

"Talaga? Gusto ng Fan Zhuo na may manatili sa kaniya? Parang iba 'yan." Sabi ni Ning Xin na nakataas ang mga kilay nito.

"Ang nananatili dito ay isang taong kilala mo."

"Sino?"

"Jun Xie."

Katakot-takot ang bumakas sa mukha nito nang sandali ngunit kumalma agad siya.

"Dinala talaga ni Fan Jin ang batang iyon doon? Bakit niya gagawin yun?" Ito'y disipulo lamang na tinapon ng Spirit Healer Faculty, bakit labis ang pag-asikaso niya dito?

Nagpatuloy si Ning Rui: "Nagpatulong ka sa akin hanapin si Jun Xie para kalabanin si Fan Jin, at ngayon alam mo na kung nasaan siya. Pero kung mananatili ito sa kanilang kawayan, hindi mo ito magagalaw."

Nag-isip si Ning Xin ng ilang sandali. Wala siyang pakialam kung buhay o patay si Juin Xie. Gusto niya lang gamitin si Jun Xie para sugpuin si Fan Jin. Sobrang tanyag ni Fan Jin at nagsasaya ito sa reputasyon niya sa Zephyr Academy, at hindi siya basta-basta mapapabagsak. Pero sa pagkakataong ito, mali ng kinalaban si Fan Jin, ito ay si Jun Wun Xie na siyang humahabol sa bawat isa na may mga masasamang gawain. Ito ang nakikitang perpektong oportunidad ni Ning Xin para pabagsakin si Fan Jin.

Sa pagkakataong ito, gamit ang pagsuway ni Jun Xie bilang dahilan, nagawang ipakalat ni Ning Xin sa mga tao ang tsismis patungkol kay Fan Jin at magiging dahilan para ikabagsak ng reputasyon nito.

"Hindi kailangan magmadali. Hangga't alam ko kung nasaan ang bata iyan, mapipilitan ang anak mo sundin ang gusto kong ipagawa." Biglang nandilim ang mukha ni Ning Xin at bakas dito ang kasamaan.

Tiningnan ni Ning Rui si Ning Xin at binalaan ito: "Kung pag-uusapan ang kakayahan, mas malakas si Fan Jin kaysa kay Fan Zhuo, at sa Zephyr Academy, mas mataas pa rin ang reputasyon ni Fan Jin kaysa sa'yo."

Nagsalungat ang mga kilay ni Ning Xin. Sa magandang at mapanlinlang na mukha nito, siya na ang pinakatanyag at pinakagalang-galang na Senior Ning. Ngunit kahit anong pilit niya, hindi niya maalis sa puso ng mga disipulo ang posisyon para kay Fan Jin.

Nagpatuloy si Ning Rui: "Sinabi sa akin ni Ah Jing na pabalik-balik ang sakit ni Fan Zhuo at naging naging malala pa ito. Dahil sa sitwasyon ng katawan ni Fan Zhuo, mukhang hindi siya tatagal ng isang taon. Kung wala si Fan Zhuo, wala ding kadugo si Fan Qi. Ampon lang si Fan Jin at malaking kabawasan ito sa kanyang reputasyon. Ngunit hindi pa sapat ang lahat ng ito. Hindi mo ako binigo Ning Xin. Sana sa pagkakataong ito, may maganda kang plano para panghawakang ng maayos ang mga isyung ito."

Tumango si Ning Xin, alam niya ang pahiwatig ni Ning Rui na klaro ang ibig sabihin nito na "hawakan ng mabuti lahat ng mga isyu".